CHAPTER 78

Chapter 78: Pregnant & Distance

TWO weeks na nagtagal ang physical therapy ko sa US. Yes, nagawa pa rin akong pilitin ni Michael na ituloy ang therapy ko. True to his words na hindi niya nga ako iniwan at hinabaan pa niya lalo ang patience niya but still, wala akong maibibigay sa kanya na another chance. Hihintayin ko na lamang na mapagod siya, again. But the question is kailan naman siya susuko ulit?

Hindi pa rin kasi ako maniniwala na kaya pa niyang pagtiisan ako dahil gagawa pa rin ng isang bagay na ikagagalit niya. But I did everything I can. Wala pa ring nangyayari. Tsk.

Nasa isang fancy restaurant kami ngayon at kasalukuyan na kumakain ng lunch namin. Last Friday na ang therapy ko at uuwi na rin kami. Madalas kapag pauwi na kami sa hotel ay dinadala kami sa kung saan ng daddy niya. Nag-e-enjoy lang ako kapag nakikita kong masaya si Lenoah. Na iyong may malakas na tawa niya ang maririnig ko and of course, hindi pa okay ang relationship namin ni Michael.

Kung mayroon man na progress, iyong hinahayaan ko siya na tulungan ako nang hindi ko na tinatabig at hinahampas ang mga kamay niya. Nakaiinis lang siya kung minsan.

Marami nang nagastos si Michael at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang black card niya. Alam na niya na nasa akin iyon at kahit gusto ko pang ibalik sa kanya ay hindi na niya tinanggap. Hindi na raw kasi niya kailangan ito.

Kumuha ako ng table napkin at maingat kong pinunasan ang sauce na nagkalat sa gilid ng labi ng baby boy ko. Kumakain siya ng spaghetti na ayon sa gusto niya.

“Gusto mo pa, babe?” I asked him. Tumango-tango siya kaya naglagay ako ng spaghetti sa plate niya. Iyon nga lang ay natagalan dahil nahihirapan pa rin akong gamitin ang left hand ko. Hindi rin naman kasi ako sanay. Kahit noong okay pa ang kamay ko ay hindi ko naman ito ginagamit.

Naka-gauze na ang kanang kamay ko. Tinatanggal lang ito kapag nasa clinic na kami. I heard my son’s chuckle.

“Thanks po, Mommy babe,” he said. Pinagmasdan ko pa siya na maganang kumain. Ramdam ko rin ang panonood sa amin ni Michael. Kung naglalambingan kami ni Lenoah ay tahimik lang siya. Ewan ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. I don’t care naman sa kanya. Bahala siya sa life niya, basta goods lang kami ng little boyfriend ko.

***

Two months later

We’re still in the same roof with Michael and nakikita ko rin ang kakaibang sigla at saya ng baby ko dahil magkasama nga kami na buo ang family namin but I’m still not happy to be with Michael again. After everything he did ay magagawa ko pa siyang tanggalin? I feel sorry for my son if hindi ko magawang maging masaya talaga. May takot pa kasi sa dibdib ko.

Especially that... I’m pregnant. Yeah, buntis na naman ako sa pangalawang baby namin and he is the father. Still that fvcking engineer. Maybe magagawa ko siyang patawarin, kaya naman nating patawarin ang isang tao sa mga nagawa nilang pagkakamali pero hindi sa case namin ngayon. I can accept him sa buhay ko ulit.

Just like I said ay may trust issue na ako at iyon ang pinakamahirap na ibigay sa kanya. Sobrang hirap na nakapapagod pang isipin ang magiging desisyon ko. Hindi na kami gaano nag-aaway sa mga nakalipas na mga araw but not this one.

Mahigpit kong hinawakan ang raket. Dalawang kamay ko na mismo ang may hawak na kung dati-rati ay kahit isa lang ay kayang-kaya ko pa pero kapag ang kanang kamay ko lang ay dumudulas lang ito.

Sa laki ng space sa may gate ay sinadya ni Michael na gawan ito ng court at heto nga ako naglalaro. Minsan pa ay siya mismo ang nag-v-volunteer na maging kalaban ko at kahit hindi siya gaano marunong ay parang ako naman ang walang talento sa paglalaro ng tennis.

Dito ko inilalabas ang galit ko sa dibdib. I’m a fvcking 8 weeks pregnant!

“Novy, break muna,” he said pero patuloy pa rin ako sa paglalaro. Ilang raket na rin ang nasira ko dahil sa frustration. Kulang na nga lang ay ihampas ko ito sa pagmumukha ni Michael.

Pasalamat na lang siya na palaging audience namin si Lenoah pero wala siya rito dahil kinidnap na naman siya ng pinsan niyang si Ate Markiana niya. Ang panganay na apo sa tuhod nina Grandpa Don Brill at Grandma Lorainne.

Iyong galit ko kasi ay nadagdagan lang. Nagagalit ako dahil hindi pa nga maayos ang relationship namin ay may isang inosenteng bata na naman ang makasasaksi sa magulong pagsasama namin ni Michael?

Alam kong blessings ang baby namin pero hindi ko gusto na ngayon pa talaga siya dumating. Ngayon pa na nahihirapan pa akong mag-adjust sa buhay ko kasama ang lalaking iyon. Kung hindi lang ako naaawa sa baby boy ko ay baka bumalik na ako sa London. Mabait naman ang grandparents niya at maiintindihan ako kapag iiwan ko ulit ang apo nila.

Masyado kong mahal si Lenoah kaya mas pinili ko ang mag-stay rito kahit napipilitan ako. Pero sinusubukan ko pa rin naman.

“Hindi pa ako pagod, Michael,” mariin na saad ko pero umiling siya at lumapit sa akin. I gritted my teeth at nang makalapit siya sa akin ay marahas ko siyang tinulak. “Do you think bibigyan pa kita ng chance na tanggapin ka ulit sa buhay ko, ha? This is just because of your child! Nakita mo na ba, ’di ba?! Hindi na ako katulad pa ng dati! Ni hindi ko na magawang saluhin ang bola!”

“You’re pregnant, Novy! Can’t you stop that?!” sigaw niya. Ngayon lang siya napuno at sinigawan na niya ako.

“H-Hindi pa ako handa, Michael... Hindi pa ako handa na tanggapin ka ulit sa buhay ko!” asik ko sa kanya at itinapon ko ang raket at bola. Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng bahay niya at dumiretso ako sa kuwarto. Umupo ako sa kama at napahilamos sa mga palad ko.

Masaya naman ako dahil magkakaroon na ulit ako ng baby. Isang kapatid ni Lenoah pero kasi... Kasi...bakit ngayon pa na hindi pa ako handa sa lahat? Hindi ko pa nga kayang tanggapin ulit ang daddy nila dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Ayokong mag-risk ulit dahil puso ko na naman ang masasaktan in the end. Ako na naman kasi ang magiging kawawa.

Yes, it’s been two months after the incident happened. Ang kamay ko pa rin ang problema ko at ngayon ay mahihinto na ako sa treatment ko dahil may mas mahalagang buhay na nga ang kailangan na unahin. I caressed my tummy.

“Pambihira ka naman, baby, eh. Bakit masyado kang excited?”

MICHAEL’S POV

Kaninang umaga ay inutusan ako ni Novy na pumunta sa pharmacy. Nagtaka ako noong una na kung ano ang ipapabili niya. Kasi kompleto naman ang mga gamot namin sa bahay. Pero nang makita ko ang nakasulat sa sticky note ay muntik pa akong mawalan nang balanse sa gulat.

Masama agad ang tingin niya sa akin. These past few days kasi ay nakararamdam siya nang pagkahilo, nasusuka, mapili siya sa pagkain at iba pang weird na nangyayari sa kanya. May monthly check-up naman siya at sinusuri pa rin ng doctor niya ang ulo niya. Normal naman daw ito and fully recover na rin siya.

“Kapag nakita kong positive ang lalabas ay maghanda ka sa akin, tang-ina ka!” she screamed at malakas na isinara pa niya ang pintuan ng kuwarto namin.

Nakabili naman ako ng pregnancy test kit at tatlo pa iyon. Naghalo-halo na nga ang emosyon ko. Nandoon iyong excitement na baka magkakaanak na naman kami pero mayroon din akong nararamdaman na takot dahil alam kong mas magagalit siya.

Ang ginawa ko ay naghintay ako sa labas at umupo sa dulo ng hagdanan. Nanginginig pa ang mga kamay ko at ang lakas nang tambol sa dibdib ko. Tumabi pa sa akin ang anak ko na tinatakot pa ako ng mukha niya.

“What if buntis ang Mommy mo, Lenoah?” nag-aalalang tanong ko at nakitaan ko agad siya nang pagtataka sa mukha niya.

“Daddy, why?”

“What why, my son? What do you mean by that?” kunot-noong tanong ko naman.

“Why are you look so nervous? Ano naman po kung buntis si Mommy? We should be happy, Dad. Kasi po...may baby sibling na ako?”

“But you know our situation. Galit pa sa akin ang mommy mo, Lenoah,” nababahalang saad ko at nagkibit-balikat lang siya.

“Basta ako, I’m happy po, and maybe... may kasama na rin ako na magsasabi kay Mommy na tanggapin ka ulit sa buhay niya,” sabi niya at nangalumbaba sa binti niya. Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ko ang sentido niya. Siya talaga ang alas ko. Kung wala siya ay mahihirapan ako sa mommy niya.

“Go, check your mom, anak,” sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo. Nagtungo naman siya sa pintuan saka siya pumasok.

Kabado ulit ako. May kung ano pa ang bumabara sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong huminga.

“Daddy! Tawag ka po ng girlfriend ko!” sigaw ng anak ko at napaigtad pa ako sa gulat. Nanlalambot man ang mga tuhod ko ay nagagawa ko pa rin namang maglakad.

Naabutan ko ang mag-ina kong nakaupo sa kama at nakayakap si Lenoah sa kanya. I looked away when she stared at me. Matamis ang ngiti ng aming anak pero hayan na naman ang nakatatakot niyang tingin.

“Doon ka muna sa labas, babe.” My son mouthed me ‘goodluck’, hindi ko alam kung nang-aasar lang siya sa akin pero nang makita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya ay masasabi kong tinatakot na naman niya ako.

“W-What is it, Novy?” I asked her at sinenyasan niya ako na makalapit sa kanya.

Nang nasa tapat na niya ako ay tumayo siya sabay hampas sa dibdib ko. Napangiwi pa ako dahil may matigas na bagay rin ang tumama rito at mabilis kong sinalo iyon bago pa man mahulog.

“Fvck you, Michael!” malutong na mura niya sa akin at tiningnan ko na ang bagay na nasa kamay ko. Ito ang pregnancy test kit at mukhang positive nga ang lumabas.

Binasa ko pa ang instructions at pinagpawisan ako nang makita ko na ang dalawang linya.

“Y-You’re pregnant?” I asked her. Nag-init pa ang sulok ng mga mata ko. Ganito pala ang pakiramdam na malaman na buntis ang babaeng mahal mo. Parang dinuduyan ka sa alapaap. Iyon nga lang ay may takot pa rin. Pabagsak pa siyang umupo sa kama at mayamaya lang ay sinipa-sipa na niya ang binti ko. Ininda ko ang pananakit niya. She’s crying.

Nang lumuhod ako sa harapan niya ay sinabunutan na niya ang buhok ko. Hindi naman siya nangangalmot. “Nakaiinis ka! Nakaiinis ka na talaga, Michael! Hindi ngayon! Tang-ina, hindi ngayon!” umiiyak na sigaw niya.

“Baby, calm down.” I am so dámn happy pero hindi ko magawang magsaya nang husto dahil heto siya. Iniiyakan niya na nabuntis ko na naman siya. Iniiyakan niya dahil alam kong hindi pa nga siya handa. But I am not sorry. Ni hindi ako nakaramdam ng guilt dahil baby pa rin namin ang pinagbubuntis niya. Bagong miyembro ng pamilya namin.

Matagal bago siya kumalma. I just call my parents that Novy is pregnant. Natahimik sila noong una at ang akala nila ay okay na kami pero hindi pa. Malabo pang mangyari.

8 weeks na ang baby namin sa sinapupunan niya. Kahit isang gabi lang iyon ay nakabuo pa rin kami. Hindi ko talaga magawang magsaya dahil nakatatakot ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang hihiwalay agad ang kaluluwa ko sa aking katawan.

Pero kahit buntis siya ay sinusubukan pa rin niyang maglaro ng tennis at patuloy siya sa pag-p-practice. I don’t have any choice kundi ang pagbigyan na lamang siya kahit ayokong mapagod siya. Hindi siya puwedeng ma-stress pero pakiramdam ko sa mukha ko pa lang ay stress na agad siya.

Hindi ako marunong maglaro pero dahil sa kanya ay sinubukan ko na rin para may kasama siya.

“Novy, break muna,” sambit ko nang makita ko na halos maligo na rin siya sa sarili niyang pawis.

“Hindi pa ako pagod, Michael,” mariin na sabi niya. She even gritted his teeth. When I approached her ay itinulak niya ako sa dibdib. “Do you think bibigyan pa kita ng chance na tanggapin ka ulit sa buhay ko, ha? This is just because of your child! Nakita mo na ba, ’di ba?! Hindi na ako katulad pa ng dati! Ni hindi ko na magawang saluhin ang bola!” Dámn. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.

“You’re pregnant, Novy! Can’t you stop that?!” Mas lalo lang siya nagalit noong sinigawan ko na siya.

“H-Hindi pa ako handa, Michael... Hindi pa ako handa na tanggapin ka ulit sa buhay ko!” Ilang beses na niyang sinabi ito sa akin at masakit pa ring marinig. Every time na ganito kami ni Novy ay hindi ko rin maiwasan ang umiyak. Kasi naaalala ko lang ang mga ginawa ko kaya siya nagkakaganito.

Napaupo na lamang ako sa hagdanan ng front door namin at pinunasan ko ang luha ko. Pigil-pigil ko lang ang paghinga hanggang sa marinig ko ang boses ni Jean. Ang girlfriend ng nakababatang kapatid ko.

“Kuya Michael?” I looked at her and held her hand. She can’t see anything because she’s blind.

“J-Jean, ikaw pala,” I said at umupo na rin siya sa tabi ko kaya binitawan ko na ang kamay niya.

“Ayos ka lang ba, Kuya?” she asked me.

“Hindi na yata ako magiging maayos pa, Jean,” sabi ko at mapait na ngumiti.

“Dahil po ba ito sa relasyon niyo ni Ate Novy?” tanong niya.

“Yeah,” tipid na sagot ko lang.

“Ano po ba ang pinag-aawayan niyo? Halos araw-araw ay ganito kayo. Huwag niyo pong ipakita kay Lenoah ang pag-aaway niyo. Siya ang higit na masasaktan kapag nag-aaway ang Mommy at Daddy niya.” Tama siya. Si Lenoah na nga ang nag-a-adjust para sa amin. Kusang umaalis siya.

“Kusa siyang lumalabas ng bahay namin kapag alam niyang nagagalit na naman ang Mommy niya. Parang alam na rin niya na mauuwi na iyon sa pag-aaway,” sambit ko. Napapansin ko na nga rin na hinihila na siya ng mga pinsan niya. Especially my beautiful niece, Markiana. Ang panganay na anak ni Kuya Markin.

“Ano ba ang madalas niyong pag-awayan?”

“Her pregnancy, tiwala at ang pagbigay niya sa akin ng chance na labag sa loob niya. Alam kong kasalanan ko naman ang lahat, Jean. Napagod lang ako dati kaya nagawa ko siyang bitawan at nakinig ako sa kuwento ng iba kaya nagalit ako lalo. Tapos ang problema namin ngayon ay pagbubuntis niya ng hindi pa niya gusto. Nagpapagaling pa nga siya, eh,” mahabang paliwanag ko.

“Alam mo, Kuya. Normal na po sa atin ang mapagod sa isang tao. Base pa lang sa mga kuwento sa akin ni Miko ay ikaw na raw ang may pinakamahabang pasensiya. Ngayon ay alam ko na, bawat tao ay may limitasyon at umabot na rin yata sa sukdulan ay nag-give up ka na. Ganoon po talaga ang buhay, hindi po natin kontrolado at minsan pa ay nakagagawa tayo ng isang maling desisyon na sa huli ay pagsisisihan pa rin natin. Napagod ka hindi physically at hindi rin ang puso mo, napagod ka lang dahil sa tumatakbo sa isipan mo. Kahit gaano pa kahaba ang pasensiya mo ay kapag pinangunahan ka na ng negatibo sa isip mo ay iyon ang magiging dahilan at isusuko mo na lang ang isang bagay. Puwede naman po tayong magpahinga, pagod ka lang emotionally,” she said. Alam kong magaling talagang mag-advice si Jean dahil sa kuwento ni Miko ay DJ raw ito at naging love guro pa.

“I tried my best, Jean. Sinusubukan ko ulit na intindihin siya pero hindi ko na talaga nakaya pa. Kaya ang naisip ko sa mga oras na iyon ay ang hiwalayan siya. Kasi akala ko ay iyon ang makabubuti sa akin—sa aming dalawa pero mas naging komplikado lang pala ang lahat. Doon ko mas na-realize na hindi ko pala kaya, pero natabunan ng galit ang dibdib ko,” sabi ko at bumigat lang ang paghinga ko. Ang hirap huminga.

“I can’t blame you for that, Kuya. Si Ate Novy rin. Ngayon mo patunayan sa kanya na kaya mo ulit siyang intindihin. Mahabang pasensiya po ang kailangan para makuha mo ulit ang loob niya. Malaking sugat sa puso  niya ang naibigay mo sa kanya. Mapagod ka na sa lahat ng bagay, Kuya. Huwag niyo lang pong sasabihin na napagod ka na sa pagmamahal mo sa kanya. She came from a broken family, sapat na po ang naranasan niyang sakit mula sa mga magulang niya pero kapag nasaktan siya ng isang taong mahalaga para sa kanya, pinagkatiwalaan niya, ibinigay ang lahat at minahal niya ng sobra-sobra. It feels like...nagawa mo na siyang patayin, Kuya Michael.”

“A-Ano ang puwede kong gawin, Jean? Para maging karapatdapat ako sa kanya?” nagsusumamong tanong ko. Gusto ko na talagang makabawi pa kay Novy. Iyong mawala na rin ang galit niya sa akin at kaya na niya akong patawarin.

“Ang bitawan siya, Kuya,” mabilis na sagot niya at bumagsak ang balikat ko. I can’t do that. Minsan ko na siyang binitawan at hindi ko na kaya pang mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

“H-Hindi ko kaya... Hindi ko iyon kaya, Jean... Hindi ko kaya na mawala na naman siya sa akin... Paano ko...paano ko mapapatunayan sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya? Na hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko four years years ago?” I asked her while crying. I can’t let her go, not this time.

She tapped my shoulder. “May trust issue na po si Ate Novy. Nawala ang tiwala niya sa ’yo. Noong binigyan ka niya ng pangalawang pagkakataon ay tinanggihan mo siya. Pero noong naging sincere ka na sa kanya ay saka siya natakot. Paano kung mauulit ang nakaraan? Paano kung mapapagod na naman ang mahal niya na intindihin siya? Paano kung sa pangalawang pagkakataon ay muli mo na naman siyang bitawan at i-give up?” That’s made me cry out loud.

“H-Hindi ko na gagawin iyon, Jean...” I blurted out.

“Hindi po kayo fair, Kuya. Alam ko ang dahilan kung bakit mo siya binuntis agad. Kasi ayaw mong mawala pa siya. Blessing naman ang baby niyo pero magiging dahilan lang po iyan nang pag-aaway niyo palagi.” Nawalan ako nang imik doon. Yeah, alam ko na nag-take advantage na ako sa kanya when she was drank.

“D-Do... I need to let her go again?” I asked her and she nodded. “Iyon lang ba ang paraan? W-Wala ng iba?” tanong ko kasi baka mayroon pa na ibang paraan. Maliban doon.

“Hayaan mo po siyang mapag-isa, hayaan mong hanapin niya ulit ang sarili niya at ibalik ang pagmamahal niya. Kuya, oras na para ikaw naman ang maghintay para sa kanya. Doon mo patunayan ang mahaba mong pasensiya, kung hanggang kailan ka maghihintay.”

It could be? Kaya ko nga ba? But she’s pregnant. Higit na kailangan ko siyang alagaan, sila ng magiging anak pa namin. God... Parang ang hirap.

“I’ll think about it, Jean. Tara, ihahatid kita kay Novy,” sabi ko at itinayo ko na siya para ihatid kay Novy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top