CHAPTER 75
Chapter 75: Begging
NOVY finally stopped crying. She’s in the bathtub with her eyes closed. I tapped her cheeks and she opened her eyes. When I led her to stand ay nagpauba siya pero walang kibo. She was just soaking in the cold water. I took a robe and put it on her naked body. She’s like a mannequin I can’t see the expression on her face. Her eyes are lifeless and it’s hard to read what runs through her mind. She barely even blinked.
I can still lean on her from behind and we went into the walk-in closet. When I took her with her clothes on the hanger I was about to leave her but she kept standing, doing nothing. I dress her like she’s a kid but nevertheless I never let her stay na tulala lang talaga. I was worried.
When I put her to bed I just saw her emotions change was when our son hugged her.
“My boy.” Doon lang tila nawala ang tinik sa lalamunan ko dahil alam kong ayos lang siya. Nagagawang ibalik ni Lenoah ang tila katinuan niya.
“Mommy... I love you, babe...”
“I love you more, anak ko...”
Inayos ko ang kumot sa kanilang dalawa. Hindi ko na pinatay pa ang ilaw kasi alam kong takot si Novy sa dilim. Hindi ko pa alam ang dahilan. Because at that time ay hindi pa siya handa para mag-share sa bad experience niya sa dilim. I respect her decision.
Alam kong simula pa lang ito. Simula pa lang na matutuklasan ko ang paghihirap niya at hinding-hindi ako mapapagod na intindihin siya. Hinding-hindi ko na siya susukuan pa, hindi dahil mahirap ang kalagayan niya ngayon o dahil naaawa lang ako sa kanya, o siya mismo ang ina ng anak kong si Lenoah. Ginagawa ko ito dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
Nang makababa ako ’saktong pumasok din ang mga kapatid ko sa bahay namin at unang umiling sa akin si Miko. Ang nakababatang kapatid kong lalaki na dalawang taon din silang nawala na inakala naming patay na pero buhay naman pala sila.
“Halika rito, Kuya. Mag-bonding tayong magkakapatid. Na-miss kitang asarin,” sabi niya sabay akbay pa sa bunso at sa nag-iisang kapatid namin na babae. We failed to save her too.
Umupo si Kuya Markus sa mahabang sofa katabi si Mikael na binigyan pa ako nang matamis na ngiti para lang lumambot ang puso ko. Hindi ko akalain na magkakaroon pala kami ng kapatid na babae. I smiled at her back. Si Kuya Markin ay nasa single-sofa na. Hinila ako nina Miko at Kuya Mergus saka sila umupo na nasa gitna nila ako na parang iniipit.
“I can’t breathe,” kalmadong sambit ko.
“Masarap ba ang karma, Kuya?” nang-aasar na tanong ni Miko. Kahit huwag ko na siyang tingnan pa dahil alam kong nakangisi siya.
“Why? Kinakain ba iyon?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Na parang ayokong sakyan ang kalokohan niya.
“Tsk. Akala ko pa naman. Sa ating magkakapatid ay ikaw ang may pinakamahabang pasensiya, Kuya. Pero ano’ng nangyari? Bakit sumuko ka agad? Bakit?” Hindi ako kumibo sa sinabi niya at napabuntong-hininga na lamang ako.
“Michael, puwede ka pang umatras.” Napatingin ako kay Kuya Markus.
“Saan ako puwedeng umatras, Kuya?” I asked him.
“Si Novy. Kung hindi mo rin siya kayang panindigan ay ipaubaya mo na lang siya sa parents niya, Michael. Maaalagaan siya ng mga taong siguradong mahal siya at hindi pababayaan. Hindi lang isang beses mong sinaktan ang ina ng anak mo. Maraming beses na,” seryosong sabi niya.
“Alam ko, Kuya. Alam ko iyan. Pero gusto kong bumawi sa kanya... Gusto kong patunayan ang pagmamahal ko sa kanya,” sabi ko.
“Is he going to give up now that Novy is already in his house, Kuya?” nakangising tanong naman ni Kuya Markin.
“What do you think, Michael? If Theza didn’t make it to pick Novy up from the hospital can you bring her here to your house?” Kuya Markus asked me at ako naman ang napaisip. Mag-aaway lang kami kapag dinala ko siya rito sa bahay ko.
“Novy just has no choice but to stay here because she is shy of Grandpa and Grandma too,” sabat naman ni Kuya Mergus.
“Sinadya niyang i-fake kidnap si Novy hindi dahil kagustuhan niya iyon. Tinutulungan ka na niya kaya nasa sa ’yo kung sasayangin mo na naman ang pagkakataon na iyon.”
“Kung ako si Novy ay hindi na kita patatawarin pa, Kuya. Aba, sa tindi nang ginawa mo sa kanya ay alam kong mahihirapan na siya na pagkatiwalaan ka pa.” Tama si Miko.
“I knew. I can understand Novy if she can’t forgive me immediately because she might be afraid to trust me again. It’s hard to bring back her trust because she’ll think I’ll still do it. I’ll hurt her again because I did it once,” problemadong sambit ko.
“So, prove that you won’t do it again. Prove to her that you are willing to wait her forgiveness. Trust me, Michael. All of our struggles or even hardships are worth it. None of us give up immediately when it comes to the woman we love,” Kuya Markin uttered. Tatandaan ko ang sinabi niya.
“You’re just getting started so you’ll both experience worse. Extend your patience again that there is no limit, Michael. No limit,” wika naman ni Kuya Markus na tinanguan ko lamang.
Bumalik ang isip ko sa nakaraan, this was the last time Novy and I talked.
***
“Michael...” she called me. Ang balak ko ay hindi na siya pansinin pa pero tinawag niya ako. Namamaos ang boses niya na halatang umiyak siya. “Don’t feel guilty. Naging honest ka lang sa akin. Siguro nga ay hindi para sa atin ang oras na ito... To love each other na mararanasan din natin ang sakit. Kahit may pinagsisihan ako na mapalapit sa ’yo ay masaya pa rin ako na minahal ako ng isang Brilliantes na katulad mo. Just take care of yourself.” Iyon na rin ang huling beses na narinig ko ang boses niya.
Narinig ko ang pag-iyak ni Mommy kaya agad ko siyang pinuntahan. Nakita kong umiiyak nga siya habang sapo-sapo niya ang dibdib niya.
“Mom, are you alright?!” natatarantang tanong ko at dinaluhan ko siya sa kama. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Mommy...”
“I-I’m sorry, son... I am so sorry...”
“Bakit po? Bakit kayo nag-s-sorry sa akin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako na may lungkot at awa sa mga mata niya.
“S-Sana’y hindi ko na lang kayo pinangunahan pa... Sana ay hinayaan ko na lang p-pero...pero m-mas ginawa ko lang pala k-komplikado ang l-kahat, M-Michael... P-Patawarin mo ako... P-Patawad, anak... Patawad...” Hindi ko naintindihan ang paghingi niya sa akin paumanhin pero hindi na ako nagtanong pa kasi ang nasa isip ko ay baka nag-usap na sila ni Novy.
In the next day ay nagkita kami ng client ko, hindi dahil pinag-uusapan namin ang tungkol sa project na hawak ko.
“Ano? Bakit mo naman bibitawan ang proyektong ito, Engineer?” gulat na tanong niya nang sabihin kong hindi na ako hahawak no’n.
“I’m gonna have to make this. From now on, my fellow engineer will handle your project,” walang emosyon na sabi ko.
“Is it because of your fiancé? Engineer Michael, relationship is not good if the woman is always deciding. Would you let her lead you in the things you used to be?” she asked in a sarcastic tone.
“Because I love her,” iyon lang ang sinabi ko saka ko siya iniwan sa café. Ayokong isipin din ni Novy na mas pinipili ko ang kliyente ko kaysa sa kanya. Pinag-awayan namin ito kaya mas mabuting itigil ko na rin.
Bumalik ako sa main company namin at doon ko nakita si Novy. Hindi ko alam kung nakita niya rin ba ako o hindi pero sumakay na siya ng taxi. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Pagbalik ko sa opisina ko ay wala rin naman akong ibang ginawa roon kundi ang umupo lang at ipatong ang ulo ko sa mesa. Ayoko nang mag-isip pa dahil napapagod ako. May naririnig kasi ako na boses, na tila nagtatalo sila. Until narinig ko ang pag-iingay ng isang pusa at nang mag-angat ako nang tingin ay si Kuya Markus ang tumambad sa akin.
Kung wala lang akong iniisip o kahit mayroon pa ay baka magulat pa ako. Pero hindi ako magugulatin. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay dahil sa paghawak ko ng folder na parang nagtatrabaho na ako kahit naabutan niya ako sa ganoong sitwasyon.
“Meow...” Tiningnan ko ulit ang bagay na hawak niya at nakita kong isang kahon iyon at nandoon si Percy. Ang alaga naming pusa na pinangalanan ni Novy na Percy. Dating pusa ni Kuya Mergus, ibinigay lang sa akin dahil allergic sa ganito ang fiancé niya.
“Bakit nasa sa ’yo ’yan, Kuya?” tanong ko. Ibinaba niya ito sa table at agad na umalis mula sa kahon si Percy. Naglakad ito palapit sa akin. Kinuha ko siya at hinalikan ang ulo niya saka ko hinaplos ang balahibo niya. I can still smells Novy’s sweet scent.
“She said, ‘I love you’. Pinapasuyo niya lang ’yan sa akin, Michael. Ang suwerte mo na isang sikat na athlete pa ang nagmahal sa ’yo pero nagawa mo pang saktan dahil selfish ka,” malamig na saad niya. Inaamin ko na ganoon nga ako. Selfish. Sariling desisyon ko lang ang paghihiwalay namin.
“I’ll fix our relationship, Kuya. Time is all I need. We need to clear each other’s heads first. We just need peace of mind and so that I won’t be unfair to her. I will wait for the right time to take her back,” I told him. Pumasok na rin sa isip ko ang bawiin siya kahit alam kong mahihirapan ako. Tamang oras lang ang kailangan ko dahil mainit pa ang ulo ni Novy. Ayoko lang patagalin.
“Ha, let’s see kung may mababawi ka pa ba, Michael. I took your black card anyway.” Huminto siya sa may pintuan.
“Why? Ano po ang gagawing mo sa black card ko?” I asked him.
“There’s something to be used for spending,” he just replied. I don’t get it.
“What?” Kumunot pa ang noo ko.
“All you need now is to work hard para may pera pa rin ang papasok sa black card mo. Oras na para may ipanggastos ka naman,” sabi niya saka siya tuluyang lumabas. Hindi problema sa akin ang pera. Hindi naman dahil mayaman kami. Maliban sa mana namin kay Grandpa ay may pera pa rin naman kami na mula pa sa pinaghirapan namin at doon iyon nailalagay sa black card.
Ang alam ko, ang black card ng mga kuya ko ay nasa asawa na nila. Kung ano ang pinaghirapan namin ay iyon ang mapupunta sa magiging pamilya namin.
“Hi, Percy. I miss your Mom.” Sinuri ko ang kahon na pinaglagyan sa kanya pero parang isang patalim na naman ang bumaon sa dibdib ko nang makita ko kung ano pa ang laman nito.
Her anklet...
Wala akong idea kung bakit ibinalik ni Novy ang anklet na bigay ko sa kanya at naalala ko naman si Percy. Hindi ako nag-aksaya nang oras at lumabas ako sa opisina ko para puntahan siya sa hotel nila.
Nasa bisig ko pa rin si Percy. Wala na akong susi kaya hindi ako nakapasok sa penthouse niya. Naibigay ko kahit hindi ko gusto. Dahil sa halip ay ang pinsan niya ang naabutan ko. Si Devillaine na masama agad ang tingin sa akin. Kulang na lang ay sugurin ako at sabunutan.
“Ang kapal naman ng mukha mo para pumunta pa rito sa hotel!” malamig na sabi niya at dinuro pa niya ako.
“Si Novy? Nasaan si Novy?” tanong ko na hindi ko pinansin ang unang sinabi niya.
“Makapal nga talaga ang pagmumukha mo, Engineer. Pagkatapos mong saktan ang pinsan ko ay hahanapin mo siya rito? Nagpapatawa ka ba, ha?!” sigaw niya. Gusto ko siyang makausap nang mahinahon.
“I just want to talk to her. Ibabalik ko lang sa kanya ang anklet niya,” sabi ko lang.
“No need. Itapon mo na iyan dahil hindi na kailangan pa ng cousin ko! Wala na si Novy. Isinama na siya ng mommy niya sa London. Maninirahan na siya roon for good kaya umalis ka na lang at huwag nang magpakita pa rito! Kung ayaw mo ang security namin mismo ang hihila sa ’yo palabas!”
Hindi sana ako maniniwala kasi baka sinasabi niya lang ito dahil galit siya sa akin pero totoo. Totoo na umalis na nga siya at wala na siya sa bansa.
It didn’t take long before my grandparents found out the truth that Novy and I were over. Daddy and Grandpa are disappointed in me. Mommy, all she did was cry and blame herself. Grandma didn’t do nothing but she comfort me because I also blame myself for being a jerk.
“It’s not all over yet, apo. You can chase her, beg her and take her back. If you love someone, the word give up is not in their vocabulary,” she uttered.
TWO months had passed, I booked a ticket to London. I don’t have anyone because I went alone. I know where her parents’ house is, in London. It was in a village. When I got there I rented a car at the airport since they had these.
In their house I rang the doorbell several times but no one opens the gate for me, it’s like no one is inside but I didn’t give up. Hanggang sa inabot ako nang gabi ay wala pa rin. May tao naman sa loob pero hindi man nila ako magawang pagbuksan ng pinto. I couldn’t take it anymore and I screamed pero namaos lang ang boses ko sa kasisigaw at walang pa ring nangyari.
Kahit may jet lagged pa ako ay hindi ako natulog at hinintay ko na may magbubukas pa rin. Umaasa na lalabas si Novy at haharapin ako.
Lumapit ulit ako sa gate nila at alam ko kung saang parte ang kuwarto ni Novy.
“Novy! N-Novy, please! Let’s talk! Lumabas ka, please! Mag-usap tayo! Novy Marie! Baby! Novy! Nandito ako! Lumabas ka naman diyan, please! Miss!” sigaw ko.
Dalawang buwan ko ring hinintay ito. Pero wala, galit na rin siya at hindi na niya ako kinausap pa sa labas hanggang sa dumating ang step-father niya.
“What are you doing outside our house, Engineer?” malamig man ang boses niya pero may pormalidad.
“Uncle Leonardo... Where is Novy?” I asked him politely.
“Why are you looking for Novy?” kunot-noong tanong niya.
“I just want to talk to her, Uncle. Where is she? Is she inside?”
“Novy is not at home,” sabi niya lang saka siya umiling.
“What I know is that she went here with her mom. I want to talk to her po. Please,” I pleaded.
“I’m sorry. I can’t help you with that. Just leave because you’re just wasting your time. Novy is not on here,” matigas na sabi niya.
“P-Please, Uncle... I just want to talk to Novy... Please... Let me talk to her.” Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinagbigyan.
“I’m so sorry. I can’t help you. Just leave because Novy is not here.” I don’t believe that Novy is not here.
Pabalik-balik na ako sa bahay nila para lang makausap si Novy. I just checked in at the hotel. It took two weeks and I finally got to meet her mother.
“T-Tita...”
“Huwag mo akong tawaging tita,” malamig na sabi niya at napahinga ako nang malalim.
Lumapit siya sa akin at malakas na sinampal ako. Hindi ako kumibo at tinanggap ko ulit ang mag-asawang sampal niya.
“M-Ma’am...”
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” malamig na tanong niya at pinanlilisikan niya rin ako ng mga mata niya.
“I just want to talk to your daughter... Please, h-hayaan niyo na po ako...”
“Para saan pa? You just hurt her. I told you this would happen. My daughter will never be enough for you, so you hurt her. How dare you come here just to talk to my daughter?! And what are you gonna do?” she said in a sarcastic tone.
“I want her back, Ma’am. I want to fix our relationship...” I uttered.
“No. You won’t do that anymore because you’re not worth it! You don’t deserve her! Hindi rin dapat ikaw ang minahal ng anak ko. You’re worthless! After you hurt Novy and now you show up to me just to say you taking my daughter back? Hindi isang basurahan ang anak ko na kapag nagsawa ka ay itatapon mo na lang siya bigla! And she’s not something you want so you can get her back either kung kailan mo gusto! Novy will never come back to you! Just leave and never show up!” sigaw niya na punong-puno ng sakit. Namumula na rin siya sa galit.
I knelt down in front of her and she breathed hard. She also stepped back and laughed, out loud. My tears are falling and my shoulders are shaking.
“I-I love your daughter, Ma’am.. I love her and my mind was just messed up before that’s why I told her that. I love her...” umiiyak na sabi ko.
“What?! Love! You love her?! You love my child but you manage to hurt her?! Is that love you’re proud of?! Bumalik ka sa Philippines at magtago sa saya ng mommy mo! Tutal ginusto niya rin naman ito kaya panindigan niyong mag-ina! Mga walang kuwenta kayo! Ang kakapal ng mga pagmumukha niyo!”
Nang makita ko ang pagmamadali niyang pag-alis ay tumayo ako at agad ko siyang sinundan.
“Ma’am! Pakiusap, hayaan niyo na po akong makausap si Novy! A-Aayusin ko po ang relasyon namin! Ma’am! Si Novy lang po ang gusto kong makausap!” Nang pasakay na siya sa kotse niya ay muntik pang maipit ang kamay ko.
Bayolente na ang paghinga ko at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Desidido akong bawiin si Novy at ngayon ay nagsisisi na ako. Sana pala ay noong umalis siya ay agad ko na siyang sinundan dito at magmakaawa na ako sa kanya na tanggapin ulit ako.
***
One night, I passed a bar and went in just to get drunk. My alcohol tolerance is low, that’s why I immediately lost myself. I’m still brave enough to drive my car and almost hit a car that was supposed to be parked. The driver got angry and I immediately fell at the police station but my parents came. Inasikaso nila ang gulong ginawa ko at hiyang-hiya na naman ako sa pinaggagawa ko.
They accompanied me to Novy house pero ni isa sa pamilya ng babaeng mahal ko ay hindi kami hinarap ng mga ito.
Nang muli kaming nagkaharap ng mommy niya ay sinabi sa akin na nandoon si Novy sa daddy niya. Kasama ang parents ko ay pumunta kami roon. Nauna nga lang pumunta si Grandma, kasama si Kuya Darcy.
Wala roon ang daddy niya kaya ang step-mom naman niya ang nagpasok sa amin. Napatingin pa ako sa hagdanan nila. May sarili ring kuwarto si Novy rito pero mukhang wala yata sila rito. Parang gusto ko siyang puntahan.
“Ano naman ang ginagawa ng mga taong iyan sa pamamahay ko?” tanong ng ama ni Novy pagkababa niya sa hagdanan.
“Hon, they are our guests. Give some respect,” sita ng asawa niya.
“Why do they respect my child? What the hèll did their son do to my daughter? Hindi ba sinaktan din nila at ginawang basura? Kung kailan magsasawa ay itatapon na?” malamig na saad nito.
“Mawalang galang na, Mr. Bongon, we came here well and our intentions were pure. Pakiusap mag-usap tayo nang masinsinan at kalmado,” sabat ni daddy nang hindi na niya na kaya pa ang kawalang respeto nito sa amin. Naiintindihan ko naman ang galit nito.
“We don’t need to talk, Engineer Brilliantes. We don’t talk about anything because what connects us is over. Leave my house and you are not welcome here.” Halos ipagsigawan na niya iyon.
“Where is your daughter, Mr. Bongon? We want to talk to Novy,” sambit naman ni Grandma.
“I’m sorry, Mrs. Brilliantes. My daughter is with her new boyfriend and they have a baby already.” I felt a pang in my chest because of what he said. But I don’t want to believe it.
“Sir...” I stood up and did not hesitate to kneel in front of him.
“M-Michael...” Maski ang pamilya ko ay nagulat sa ginawa kong pagluhod.
“P-Please, Sir... Just give me your daughter back... I-I love her and I can’t afford to lose her... I l-love her, so much...” nanginginig ang labing pagmamakaawa ko.
“I wish you’d thought of that before you hurt her. Just leave dahil wala kang mapapala sa akin. Sinasabi ko na sa inyo na wala rito ang anak ko at kasama na niya ang boyfriend niya. Hindi pa ba sapat na dahilan ang pag-alis niyo dahil nabuntis siya ng ibang lalaki?”
“Sir...” Basta na lamang niya ako tinalikuran.
“My husband is right. Wala rito ang taong hinahanap niyo at kung may nakaaalam man ay ang mommy niya mismo,” sabi ng asawa nito.
Itinayo ako ni Mommy at umiiyak na siya. Humingi ulit siya nang paumanhin dahil kasalanan na naman daw niya ang lahat. Parati na lang na kasalanan niya kahit ako naman ang gumawa no’n.
Sariling desisyon ko, humingi lang ako ng opinyon sa aking ina at ginawa ko kung ano ang pumasok sa isip ko.
To let her go...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top