CHAPTER 68
Chapter 68: Intense
LAKAD-TAKBO ang ginawa ko para lang makalabas mula sa hospital. Mahigpit na nakakuyom pa ang kamao ko at mas tumigas lang ang ekspresyon ng aking mukha.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin pa ang parents ko at ang mga kapatid ko kung hindi lang ako hinila ni Kuya Mergus. Agad din akong napahinto.
"How's Novy, Michael?" nag-aalalang tanong niya at napatingin ako kina Dad at Mom. Si Mommy ay umiiyak na siya pero si Grandma. Namumula lang ang mga mata niya at nakikitaan ko na parang guilty siya kahit wala naman siyang ginawang mali para iyon pa ang mababasa ko sa maganda niyang mukha.
"K-Kumusta ba si Novy, anak? A-Ayos l-lamang ba siya? Michael?" my Mom asked me. Umiling ako at sa pagkurap ng mga mata ko ay naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko.
"Michael. Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ni Daddy.
"H-Hindi m-maganda ang lagay niya, Dad... S-She hit her head hard on the concrete. She had a head injury and a blood clotting on her brain. So, she had s-surgery. T-They said earlier N-Novy's h-heartbeat stopped and h-her BP dropped. Even her right hand has dislocated cribs and it's not operated on at this time... Her surgery was successful, b-but... but... Doctors moved her to ICU to observed her and monitored for 24 hours. B-But she is still in c-critical condition... S-She could be... c-comatose and still no sign of waking up after 24 hours. T-This is my fault... I-It's m-my fault that's why her life is now in d-danger... T-This is m-my f-fault why is this h-happening to h-her..."
I had tears running down my cheeks. I felt the pain in my chest like my heart is squeezing with a big fist. Grandma immediately hugged me and buried my face on her shoulder. Parang bumalik ako sa pagkabata ko at naghahanap ng kakampi. Naghahanap ng kakampi na puwede kong isumbong ang mga batang umaaway sa akin. Humigpit ang yakap ko kay Grandma.
"I'm sorry... I'm so sorry, apo..." my grandmother caressed my back, she's comforting me but still, I cried. Really hard.
"K-Kasalanan ko, Grandma... I've become so selfish... I was selfish and I made a mistake again... N-Nasaktan ko na naman siya, Grandma... Nasaktan ko na naman po siya..." paninisi ko sa sarili ko. Inaamin ko na ako talaga ang may kasalanan. Na ako talaga ang dapat sisihin dahil nagkamali na naman ako.
Dahil nagawa ko na naman siyang saktan... Binalewala ko siya... Hindi ko siya pinansin at pilit ko rin siyang pinagtabuyan. Kasalanan ko...
"Hindi, apo... H-Hindi... It's not your fault, Michael... I-I tried to... avoid that incident by telling her na i-iwasan ang m-maghagdan but n-nothing... This is bound to happen to her... I am so sorry, k-kung walang n-nagawa si Grandma... Apo ko... S-Sana may ginawa ako...p-para hindi mangyayari ang lahat ng ito..." Umaalog ang balikat ko nang sabihin iyon ni Grandma.
Lahat ng mga nakikita niya sa amin ay alam na niya. Hindi man buong detalye ay nakikita pa rin niya. Walang sisihin na iba kundi ako lang. Ako lang dapat.
"H-Her mom is r-right... Her mother is right t-that I am no longer w-worthy f-for her d-daughter, t-that I don't d-deserve her a-anymore... T-That I d-don't even h-have to chase her daughter and ask for a-another chance b-because... because I'm a useless guy... B-Because... I don't know how to value N-Novy's f-feelings... That I'm a selfish person and just make the wrong decisions..." Bumigat ang dibdib ko sa lumabas na mga kataga mula sa bibig ko.
"Anak..." Humiwalay sa akin si Grandma at lumapit si Mommy. She cupped my face at pinunasan ang mga luha ko. Kahit punasan pa niya ito nang paulit-ulit ay sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Maski ako ay hindi ko na rin alam kung paano ito tuyuin o kung paano pahintuin ang pagtulo nito. Parang may sariling buhay.
I'm holding my chest, it's hard to breathe. It's hard like I'm being choked in the neck. There is some thorn stuck in my throat. Because of my tears my eyes are blurred.
"Hindi mo kasalanan, Michael. Ako ang may kasalanan, apo."
"G-Grandpa... H-Hindi kayo..." Umiling ako sa sinabi ng lolo ko at inaako niya ang kasalanan ko kahit sa akin naman iyon. Kahit ako ang nagkamali at nagkasala. Ako lang ang dapat na umako no'n dahil ako ang nanakit kay Novy. Ako ang may kasalanan sa ina ng anak ko. Ako lang dapat.
"I just tried if you can fight for the family you already have. But you're so scared of me that you can't disobey what I command. I thought you would do something. I thought you would choose them better. Michael, hindi ba ang sabi ko sa inyong magkakapatid at pinsan. Na kung may mahalagang bagay ka na ayaw mong mawala o bitawan, tao man ito o bagay ay ipaglaban mo. Ang kuwento niyo ng mga kapatid mo... Magkaibang-magkaiba... Lahat kayo maliban kina Markin at Miko ay naging sunod-sunuran kayo sa inuutos ko at tinanggap ang desisyon ko kahit labag sa kalooban niyo. Si Markin lang ang lumihis ng daan. Siya lang ang bukod tanging pinili ang makipagrelasyon sa ibang babae na hindi ko pa sinasabing puwede na. Kaya nagkaroon agad siya ng anak, ang aming unang babaeng apo sa tuhod. Pinaghirapan niya rin ang mga bagay na mayroon siya ngayon na labag na rin sa kagustuhan ko. Dahil iyon siya, handa siyang ipaglaban ang mag-ina niya, ang pamilya niya. Di Mergus ay gumawa rin siya nang paraan. Paraan para makuha ulit ang mag-ina niya. Pero ikaw ay hindi ganoon ang ginawa mo. Sinayang mo ang pagkakataon na ibinigay na sana 'yo," mahabang kuwento ni Grandpa at wala na akong tigil sa pag-iyak dahil tama siya. Tama siya sa sinabi niya.
Duwag nga ako. Duwag ako at walang kuwentang tao. Kung kailan ko ma-r-realize na hindi ko pala kayang bitawan at mawala ang babaeng mahal ko ay iyong malayong-malayo na siya sa akin. Na hindi ko na siya makikita pa araw-araw. Na huli na para magsisi...
"Ano na ang gagawin mo ngayon, Michael?" tanong ni Kuya Markin.
Bumalik ang galit at poot ko sa dibdib nang maalala ko ang babaeng iyon. Kailangan ko siyang makita ngayon. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Kailangan ko siyang puntahan," malamig na saad ko at bago pa man ako makaalis doon nang pinigilan ako ni Mommy.
"Michael, saan ka ba pupunta?" kinakabahan pa niyang tanong.
"Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya, Mommy... H-Hindi ko dapat palampasin iyon..."
"No! Nandoon na ang kuya mo, huwag ka nang pumunta pa roon!" Humigpit ang hawak sa akin ni mommy sa braso ko.
"N-No, Mom... Pupuntahan ko siya at sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa niya!" sigaw ko at malakas na umiyak ang aking ina. Nakawala ako mula sa pagkakahawak niya pero dalawang kuya ko ang pumigil sa akin. "Let me go! I need to deal with that woman! She will fvcking pay for what she fvcking did! B-Bitawan niyo ako, Kuya! Bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas ako pero wala akong lakas dahil dalawa sila ang humahawak sa akin. Sa mga oras na ito ay mahina ako.
"If we fvcking let you, you might kill that girl, Michael! Sobrang init ng ulo mo and you need to fvcking calm down!"
"How am I going to do that? How can I fvcking calm myself when the woman I love is fighting between her life and death?! How can I be calm when my son is hurting right now because her mom put her in danger?!" asik ko sa kanila. Bakit nila ako uutusan na kumalma? Nagwawala na nga ako sa galit.
"Michael, none of our family has ever been a criminal!"
"Ngayon ako na! Hayaan niyo akong patayin ang babaeng iyon!" May humablot sa kuwelyo ng damit ko at isang malakas na suntok ang tumama sa panga ko. Napaluhod ako. Bakit nila ako pinipigilan? Bakit hindi na lamang nila ako hayaan na puntahan ang babaeng iyon?! Bakit kailangan pa nila akong pigilan?!
"Markus! Huwag mo namang saktan ang kapatid mo!"
"Ang tigas po ng ulo niya, Mom. Sige, tumayo ka. Tumayo ka riyan at puntahan mo ang babae mo!"
"Markus!" Hinila niya ulit ang kuwelyo ko at itinayo. Buong puwersa pa niya akong itinulak. "Michael, no... No, anak... D-Dito ka na lang, please... Dito k-ka na lang at h-huwag mo na siyang pupuntahan pa... Hayaan mo na ang batas na gumawa nito..."
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at umiling. "I'm sorry, Mom." Umatras ako nang ilang hakbang saka ako tumakbo palabas. Narinig ko pa ang boses ni Mommy na umiiyak at tinatawag ang pangalan ko. Maski si Dad ay hindi na rin ako pinigilan pa. Desidido ako sa gagawin ko.
***
DINALA ako ng mga paa ko sa presinto. Alam kong nandito na rin siya dahil may nabasa rin akong NEWS na inaresto na siya ng mga pulis. Ang akala ko ay mag-isa lang ako ang pupunta rito pero mabilis na nakasunod ang dalawang kuya ko. Takot sila sa posibleng gagawin ko.
Nagtanong lang ako kung saan nila dinala si Kalezy. Nakita ko siyang nasa loob na ng selda. Umiiyak siya habang nakaupo sa sahig. Nang makita niya rin ako ay mabilis siyang tumayo at humawak sa rehas.
"B-Babe! Y-You're here! M-Michael, t-tulungan mo akong makalabas dito! M-Michael... Hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya—M-Michael..." Nandilim ang paningin ko. Ang namalayan ko na lamang sa sarili ko ay sinásakal ko na siya. Kahit may rehas pa ang nakapagitan sa amin. Humigpit ang hawak ko sa leeg niya.
"Didn't I tell you to leave her alone? Leave her alone, her business is none of your fvcking business and you fvcking got what you wanted from me ain't it? But what did you fvcking do?" I choked on her, tighter.
"M-Michael... L-Let m-me g-go... I-I c-can't b-breathe..."
She slapped my hands. Her face is red and her forehead veins are also coming out.
"You almost killed her! Or like you killed her already in her current situation!" I screamed.
"S-Sorry! I-I a-am s-sorry, b-babe... I-I d-didn't m-mean to! I-I just got a-angry! P-Please l-let m-me go... I c-can't b-breathe... M-Michael.." she was crying now pero wala akong balak na pakawalan siya.
Someone violently pulled me from behind and I let Kalezy go. She was so out of breath while holding her neck. Bumagsak siya sa sahig at takot na takot siya habang nakatingin sa akin.
"You're absolutely gonna kill her Michael!"
"No one in our family can hurt a woman physically... But I will break that fvcking belief," mariin na saad ko.
"Bullshít! Let's just go back to the hospital, idiot!"
"No fvcking hèll! I want to see how she suffers here in prison!" sigaw ko.
"Michael, you're really losing your mind! She's been accused of nearly killing Novy but she's still a criminal because her victim's condition is still critical!"
***
When we got back to the hospital, I saw that Devillaine's parents were also there. When Lenoah saw me he quickly stepped down from his chair and greeted me.
I immediately picked him up and kissed his temple. "Daddy, where have you been?" inosenteng tanong pa niya. Hindi na siya umiiyak pero hilam pa rin ng mga luha niya ang kanyang pisngi. Basang-basa ang pilik-mata niya.
"Somewhere, anak," sagot ko lamang sa kanya.
My family was waiting outside too and Mom immediately approached my big brothers. They asked what I did to that woman who hurt my Novy.
Noong pumatak na rin ang gabi, my grandparents were already home but my parents chose to stay out of ICU with us.
A few hours later, Novy's parents arrived. I was already there wrapped in nervousness and fear. 'Cause I know they won't miss what I did. They're going to blame me at buong puso kong tatanggapin iyon dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat.
"H-How's my daughter, Nov? How is my b-baby?" tanong ng mommy ni Novy at malayo pa lamang siya ay umiiyak na siya. Baka sa biyahe pa lang ay ganito na siya.
"Novyann, ano na ang lagay ng anak ko?" Hindi pa man nakasasagot si Tita Novyann ay umiiyak na agad siya.
"T-Tell me, Novyann! Ang anak ko?! A-Ano na ang lagay n-niya ngayon?! Bakit hindi ka sumasagot?!" Umiling lang siya at umiiyak. "Okay lang siya, 'di ba? O-Okay lang siya?" paulit-ulit na tanong nito.
"N-Naoperahan siya," sagot ni Tita Avemn at siya na ang naglakas loob na sabihin ang kondisyon ni Novy.
"S-Saan? Saan siya naoperahan at bakit kailangan ng surgery kung nahulog lang naman siya sa hagdanan?! Hindi naman siguro malala, 'di ba? Simpleng surgery lang iyan, right?!" natatarantang tanong nito at hindi na rin talaga mapakali.
"M-May head injury siya. Successful na ang surgery niya pero may posibilidad na ma-coma siya at ang kamay niya. Hindi pa rin naoperahan."
Muntik nang mawalan ng balanse si Tita kung hindi lang siya nasalo ng asawa niya. Hanggang sa mapaluhod silang dalawa at maririnig ang malakas na pag-iyak niya.
Lenoah buried his face on my chest. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at sa anak ko na lang ako kumukuha nang lakas ng loob.
"Head injury! In coma! Oh, my God! Novy! N-Novy...ang anak ko... Ano'ng ginawa niyo sa anak ko?!"
Ang akala ko nga ay hindi na ako mapapansin pa ng parents ni Novy pero nang makita ako ng kanyang ina ay nanlilisik na agad ang mga mata niya at nilapitan ako.
"Ikaw! Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa rito!" Dahil nakaupo lamang ako ay nagawa niyang sampalin ang pisngi ko. Sa sobrang lakas nito ay namanhid agad ang sinampal niya, and I deserve it.
Ang nananahimik na si Lenoah ay nagsimula na ulit siyang umiyak at nang makita siya ng lola niya ay pilit na siya nitong kinukuha. Napatayo agad ang parents ko para depensahan din ako sa posibleng susunod na pananakit ng mga ito.
"Hon, stop it, please..."
"W-Wala siyang karapatan sa bata! Anak lang ni Novy si Lenoah! Noong mga panahon na dapat siya ang nasa tabi ng anak ko ay wala naman siya! Naghanap pa rin siya ng ibang babae! Kaya wala na siyang karapatan pa kay Lenoah!" sigaw niya at hindi ko magawang higpitan ang hawak ko sa anak ko dahil natatakot akong masaktan siya. Dahil pinag-aagawan namin siya.
"No! Ang anak ko pa rin ang ama ng bata! May karapatan siya sa apo ko!" depensa ni Mommy na agad kong inilingan. Humarang na rin siya harapan ko at nanatiling nasa tabi niya si Dad, nakaalalay sa kanya.
"Pati kayo... Ang kakapal ng mga mukha niyo para magkita pa sa amin! Ikaw, ikaw lang naman ang may kasalanan kung bakit naghiwalay noon ang mga anak natin! Kaya wala kang karapatan na makisawsaw ulit sa buhay namin! Panindigan niyo ang ginawa niyo noon kay Novy! Hindi niyo nakita noon ang effort ng anak ko! Nagpatayo pa siya ng kompanya at nagnegosyo para lang may maipagmalaki siya! Para lang hindi niyo siya susumbatan sa paglalaro niya ng tennis! Pero hindi pa rin worth it ang ginawa niya dahil kayo mismo ang sumuko sa kanya!"
Mariin na napapikit ako sa huling katagang lumabas sa bibig nito. Nanginig ang mga kamay ko at naghalo-halo na ang emosyon ko.
"I know! Kasalanan ko! Kasalanan ko ang nangyari! Matagal ko nang pinagsisisihan ang mga nagawa kong maling desisyon noon! Pero huwag mong sumbatan ang anak ko dahil isa ka rin sa mga taong tumaboy sa kanya noong babawiin na sana niya ang anak mo!" sigaw rin ni Mommy para lang ipagtanggol ako. Ngunit higit kong kailangan ang pananahimik ngayon ng aking ina.
"M-Mom!" I called my Mom.
Nagawa nang ilayo sa akin si Lenoah at umiiyak ito habang pilit akong inaabot. Parang sinásakal ako sa leeg habang nakikita ko ang pagtulo ng mga luha niya.
"D-Daddy!" Napatayo na ako at humakbang palapit sa kanya pero hindi ko man lang magawang bawiin siya. Binabalot ako ng guilt sa dibdib dahil lang sa ginawa ko noon sa mommy niya.
Tama ang lola niya na wala akong karapatan sa kanila, wala akong karapatan kay Lenoah kahit ako ang ama nito.
"Only two months after Novy left the country and my son tried to come to your house! But what the hèll did you do? You pushed him even though my son kneeled in front of you! Nagawa mo siyang pagtabuyan at lumipat pa kayo ng bahay para hindi na kayo mahanap pa nito! How many times did he beg you... to give him another chance to prove his love for your daughter? Ilang beses siyang naghintay sa labas ng bahay niyo dati! Hindi mo rin alam na pumupunta siya sa inyo habang lasing siya at muntik na siyang maaksidente! Wala naman kayong pakialam doon, 'di ba?! Basta nakikita niyong nahihirapan siya! Then when he approached your ex-husband. He just said Novy has another guy! Na buntis na ito at magpapakasal na rin siya sa sinasabi niyong lalaki! We are his parents, we talked to you nicely but you still chose to pushed us and you are not the ones to decide for them. That your daughter should be the one to say if it wants to get back to Michael, and what's the worst thing you've done? Y'all promised my son that when he stop following Novy you'll give him a chance to have the second chance, to be with her again. But in the end you still told him, he doesn't deserve your daughter."
That's it. Inilabas na lahat ni Mommy ang nangyari sa akin four years ago. Ang ginawa rin nila na pakikipag-usap sa pamilya ni Novy at ang personal nilang paghingi nang paumanhin dahil lang sa ginawa ko. Pero lahat sila ay hindi pinakitaan ng magandang pakikitungo. Hindi lang ako ang pinagtabuyan nila noon. Pati ang pamilya ko.
Hindi nakaimik ang lola ni Lenoah at umiyak lang din siya. Nakawala sa kanya ang apo niya at patakbong lumapit ito sa akin. Yumakap siya sa binti ko at tiningala ako.
"Let's go home with Mommy, Daddy... A-Ayaw ko na po here... Ayaw na ayaw ko na po... L-Let's go home, Dad..." Binuhat ko na siya at pinunasan ang mga luha niya.
"Stop crying now, my son. Uuwi rin tayo... Uuwi rin tayo kasama ang Mommy mo..." Ang maliliit niyang mga braso ay humigpit ang yakap sa leeg ko na parang may kukuha pa sa kanya at takot na takot siyang humiwalay pa sa akin.
Wala naman sigurong mali kung hihingi ulit ako ng isa pang pagkakataon, 'di ba? Na itatama ko noon ang mga maling desisyon ko at hindi pa rin naman huli ang lahat.
Ang kailangan lang... Ang kailangan lang ay ang gumaling si Novy. Ang bumalik siya sa dati. Na okay na okay siya at may lakas siyang naglalaro ng tennis.
Na kapag gising na siya... Gagawa na ako ng paraan mabawi ko lang ulit siya. Na muli kaming mabubuo na pamilya... Hindi na ako katulad pa nang dati na napagod at bigla ko na lang siyang iniwan... Hinding-hindi ko na gagawin pa iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top