CHAPTER 67
Chapter 67: Comatose
MICHAEL S. BRILLIANTES’ POV
WHEN we got home from the gym because my son wanted to see his mother we both went straight to our house. I’m going to leave him with Mommy for now. We have a major meeting today and I can’t take him with me. He might even get bored there.
“What would you like to have pagbalik ko, Lenoah?” I asked my son when he was in my arms and we entered into our mansion.
“Ayos lang po ako, Daddy,” sagot niya na matamlay ang boses. Kagabi pa siyang ganito. Bago siya ibinalik sa akin ni Kuya Markin ay umiiyak na siya.
Ilang linggo pa lamang kaming magkakilala pero parang malayo pa rin ang loob niya sa akin. Minsan ay parang nahihiya pa nga siya kaya hindi ko na ipinaramdam pa iyon. Sinusubukan ko na siyang kausapin at tinanong kung ano ang mga paborito niyang laruan para mabilhan ko siya no’n. O mga pagkain na gusto niyang kainin dahil ipagluluto ko siya.
Sinasabi naman niya at sa tuwing kasama namin si Kalezy ay halatang matamlay siya. Kaya palagi kong hindi isinasama ang babae at gusto kong ibigay ang lahat ng atensyon ko kay Lenoah. Bumabalik ang sigla niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Pero kakaibang saya kapag ang Mommy na niya ang kasama niya.
“Aalis na si Daddy. Babalik agad ako, anak.” Hinalikan ko siya sa noo niya at naglalambing pa siyang niyakap ako sa leeg. Dalawang pisngi ko ang hinalikan niya. Matiim kong tinitigan ang mukha niya. “I love you, Lenoah.”
“I love you too, Daddy,” nakangiting sabi niya rin at nang makita na niya ang lola niya na naglalakad patungo sa amin ay mabilis siyang humiwalay. Nilapitan na niya si Mommy.
I also went to our main company. My brothers are already there except my two siblings who died. At our major meeting Grandpa is dividing us. Sa dami namin ay hindi niya kami kayang i-handle.
Our meeting has started again and it only took an hour and we were dismissed. Hindi ko naman masyadong malapitan ang mga kuya ko kasi alam ko na masama pa rin ang loob nila sa desisyon na pinili ko.
“Alam mo, Michael. Hindi kita maintindihan.” Napalingon ako kay Kuya Markin nang magsalita siya at huminto kami sa corridor. Nakakrus ang mga braso niya at walang emosyon niya akong tinitigan.
“Ano na naman ’yan, Markin?” malamig na tanong ni Kuya Markus.
“Si Michael, Kuya. Hindi ko talaga siya maintindihan,” umiiling na sabi niya.
“What is it?” si Kuya Mergus naman ang nagtanong.
“Alam mo sa ating apat. Siya ito ang pinakamasuwerte. Imagine, si Novy pa ang lumapit sa kanya at bumalik sa bansa para lang humingi ng second chance. Ipinakilala agad sa kanya ang anak niya. Na kung tutuusin ay siya pa ang nang-iwan sa tao. But what did he do?”
“Sinasabi mo ba, Kuya. Na mas worst itong si Michael kaysa sa ’yo?” tanong ni Kuya Mergus. Nakayuko lang ako and to be honest ay takot akong salubungin ang mga mata nila.
“Bakit hindi mo isama ang ginawa mo, Mergus?” Kuya Markin fired back.
“Ikaw rin naman. Na-engage ka pa tapos dalawa na pala ang anak—”
“Shut up, Mergus. Ikaw, Michael. Look at me,” mariin na utos niya. I took a deep breath and I stared at him. “Apat na lang tayo ang magkakapatid ay magagawa mo pa ring manakit sa isang tao? At sa ina pa ng anak mo? Tatanungin kita, sumagot ka hindi dahil bilang kapatid ko. Ikaw na bilang ama rin. Ano ba ang pangarap mo sa anak mo?” tanong niya na nasa boses ang pagkaseryoso.
Tumingin ako sa iba ko pang mga nakatatandang kapatid. Si Kuya Markus na tahimik lang pero ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin.
“Answer it, Michael,” si Kuya Mergus naman ang nagsalita.
Umiling lang ako kasi hindi ko na kayang sagutin pa iyan. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang utak at puso ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.
“Tingnan mo, Kuya? Wala talaga siyang kuwenta.”
“Indeed.” Sa simpleng sinabi lang ng nakatatandang kapatid ko ay naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.
Si Kuya Markus ay parang si Grandpa rin. Malaki rin ang respeto namin sa kanya dahil siya ang higit na gumagabay sa aming lahat. Katulad ng lolo namin ay isa rin siya sa taong ayokong ma-disappoint but I already did.
“Michael. Saglit na panahon ka lang ba iiyak dahil lang sa isang babae? Sumusuko ka na agad? Sa ating magkakapatid ay ikaw ang may mas mahabang pasensiya. Kami, tingnan mo. Alam mo na pinaghirapan pa namin makuha ang loob ng babaeng mahal namin,” mahabang saad ni Kuya Mergus.
“Umabot pa sa puntong lumuhod kami, nagmakaawa at kahit mukha na kaming nakaaawa ay hindi pa rin kami sumuko. Ikaw? Wala ka pa sa kalingkingan nang ginawa namin ay sumusuko ka na agad,” dagdag na saad naman ni Kuya Markin.
“Ayokong kuwestiyunin ang pagiging ama mo, Michael. I know how much you love your son but you are selfish. You’re selfish that even your own child will deprive you of the things that he deserves. You selfish and don’t even care about your son’s well being. You want him to grow up with another woman taking care of him? You know what? Just let me and Theza adopt your child. I’m ready to be Lenoah’s father,” Kuya Markus uttered. Wala sa boses niya ang pagbibiro.
“Me too, if you can’t provide a complete family for your child then Rea and I will,” sabi naman ni Kuya Markin.
“Yeye will be even happier when she has a sibling cousin. May Ann will also love and treat her like a real son. If you can’t afford it, we will provide what the child deserves. Make up your mind, Michael,” saad ni Kuya Mergus na kanina pa nila ako pinagkakaisahan.
“Nope. My son is all mine, Kuya,” may diin na saad ko.
“Hey, my dear cousins! Ano’ng ginagawa niyo rito?” Sumulpot naman ang iba naming mga pinsan. Si Kuya Darcy ay agad na lumapit kay Kuya Markus.
“Bakit parang magpapatayan na kayong magkakapatid? Aba, hindi ’yan nakatutuwa. Nabawasan na tayo ng dalawa at huwag na kayong dumagdag pa.”
“Pinapaampon ni Michael ang anak niya at kung sino raw ang willing.”
Maraming sumagot na nagsasabi na willing silang ampunin ang anak ko kaya tumalikod na lamang ako at hindi ko na sila pinansin pa kahit tinatawag pa nila ako. Sino naman ang may gusto na makuha sa ’yo ang anak mo?
“Michael! Ihahanda ko agad ang adoption paper!”
“Attorney? Mag-uusap tayo dahil may aampunin akong bata!” sigaw pa nila pero hindi ako nakarinig na natatawa sila.
Tang-ina. Seryoso ang mga gagó.
Pagbalik ko sa company ko ay hindi pa man umiinit ang upuan ko nang dumating naman si Kuya Markus. Nagulat pa ako dahil nagawa niya akong sundan agad.
“Michael.” Higit na walang emosyon ang mukha niya ngayon. Galit ba siya?
“May ibibigay ka bang trabaho para sa akin, Kuya?” I asked him politely.
“Gaano mo kamahal ang babaeng iyon?” tanong niya na hindi ko agad natukoy kung sinong babae.
“Who?”
“Ang babaeng pakakasalan mo na si Kalezy Carmencita,” sagot niya at bumuntong-hininga ako. “Answer me, Michael. Which of the two girls is more important to you? Your fiancé or the mother of your son?”
“Kuya—”
“Answer me, because your answer is important to me! If you choose that woman—Kalezy Carmencita, you have already made a way to defend her and remember none of us in your family will help you now,” nanghahamon na saad niya. Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? Na wala akong mahihingian na tulong mula sa kanila? At para saan ang pagtatanggol ko kay Kalezy?
“What do you mean, Kuya?” I asked him, confused.
“When Kalezy is your choice, we are all your enemies. If Novy is your choice, expect that we have your back,” he said.
“I don’t understand you, big brother,” umiiling na sabi ko.
“Just one girl, Michael. You can only choose one woman you can’t lose in your life! At sino ba iyon?!”
I was about to talk out loud that my office door opened and Lenoah came in crying. His eyes are red and his cheeks are full of tears. Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko. Bakit umiiyak ang anak ko?
“Daddy! Daddy, s-si M-Mommy! A-Ang Mommy ko po!” Agad ko siyang dinaluhan at binuhat.
“Why are you crying, my son?” nag-aalalang tanong ko.
“S-Si—”
“W-What’s this, Lenoah? Saan mo ito nakuha, anak ko?” Napansin ko ang hintuturo niyang daliri na nakabalot na ng bandaid. Mas lalo siyang naiyak nang mapansin ko iyon.
“N-Nasagi ko po kanina...ang glass... H-Hinawakan ko po... Tapos...t-tapos... May blood na po,” umiiyak na sumbong niya. Si Dad ang kasama niyang pumunta rito. Umaalog ang balikat niya at parang kakapusin pa siya nang hininga.
Hinagod ko ang likuran niya na pati yata ang towel sa kanyang likuran ay basang-basa na.
“It’s okay, son... It’s okay...”
“No! No, it’s not okay, Dad! My Mom! My babe! Ang Mommy ko po!” Nag-aalalang tiningnan ko sina Kuya Markus at Dad. My father shook his head.
“Ano ba ang pakialam mo kung malaman mo ang nangyari sa Mommy niya?” nakataas ang kilay na tanong ng kapatid ko pero sa sinabi niya ay nakaramdam ako nang kaba. Heto na naman siya.
“Markus. Marinig ka ng pamangkin mo.”
“Kung si Kalezy ang pipiliin mo ay maghanap ka na ng lawyer para depensahan siya dahil kami mismo ang gagawa ng paraan para makulong siya at pagbayaran ang kasalanan niyang ginawa. Do you know what kind of woman your fiancé is, Michael? Isang makasalanang babae at may saltik sa ulo. Do you know what she did? Here you go, read it. Read the news na kanina pang pinag-uusapan ng mga tao at ang dahilan kung bakit umiiyak ang anak mo. Hindi iyan dahil sa sugat niya,” he said at wala pa ring tigil sa pag-iyak si Lenoah.
Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone niya para mabasa ang tinutukoy niya. My hands are shaking when I read the first paragraph.
This morning at 9:45 a tragedy struck on the tennis court. The famous International Athlete, known as the Tennis Queen now fell down the stairs due to pushing her by her co-tennis player whom she defeated in solo-competition three days ago. The video footage shows the two were still talking before Kalezy pushed Novy. You can listen to what they talked about in the video.
Novy: “Wala akong panahon na makipag-argument sa iyo, Kalezy. Tigilan mo ako.”
Kalezy: “Apektado ka lang naman sa sinabi ko, Novy. Talagang hindi ka na nga mahal ni Michael. Don’t worry, bibigyan pa rin kita ng invitation card para sa wedding namin.”
Novy: “Kalezy, katulad nga nang sinabi ng fiancé mo ay tapos na kami. Wala na akong pakialam pa sa inyo kaya...tigilan mo na rin ang panggugulo sa akin.”
Kalezy: “Talaga? Nasasaktan ka lang, eh. Ginawa mo ang lahat para makuha ulit siya. Ginamit mo nga ang katawan mo pero wala pa ring epekto sa kanya kasi ako na ang mahal ni Michael.”
Novy: “Sa ’yong sa iyo na si Michael, Kalezy. Wala na rin talaga akong pakialam pa sa isang bagay na binasura ko na.”
God, ano naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon kay Novy?
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng article.
The victim was unconscious when the ambulance arrived and was rushed to the hospital but until now we still have no information on her current condition.
Latest updated;
We have been admitted to the de Cervantes hospital but our time is limited. Novy Marie is currently in the emergency room. According to the information we gathered, the victim’s condition is not good and it was said that she almost lost a while ago because her heartbeat allegedly stopped.
Hindi ko natapos basahin at parang mabibingi na ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko. Parang mawawalan ako nang malay sa mga nalaman ko at hindi ko na magawang paganahin pa ang isip ko. Tila nablangko ang utak ko. Ang tanging narinig ko lang sa mga oras na iyon ay ang malakas na pag-iyak ng anak ko.
I just ran out the door to get out and the only taxi was our ride to the hospital.
“Saan po tayo pupunta, Sir?” tanong ng taxi driver.
“Sa...” Pinilig ko ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saang hospital nila dinala si Novy. I read something earlier but I can’t remember. My brain is really blank.
“At... de Cervantes Hospital po,” Lenoah responded and he’s still crying.
I didn’t even notice the time. I just carried Lenoah around when we got to the hospital and when I asked where Novy was at that time she was in the operating room.
Ang pinsan at ninang niya ang nadatnan namin sa labas ng operating room na naghihintay. Devillaine is walking around like restless and Tita Avemn is just sitting on the bench.
“H-How is Novy?” I know they hate me but they put that aside.
“Nasa operating room na si Novy, may 30 minutes na ang nakalipas. She’s undergoing surgery. They found blood clotting in her brain and she needed surgery dahil napuruhan ang ulo niya. She almost died a while ago because her heart monitor was literally a line and this is the problem. Her right hand was injured too. They found something broken in its cribs. That can only mean one thing, hindi maganda ang lagay ng cousin ko,” mahabang sabi niya na parang isang patalim na bumaon sa dibdib ko.
Hindi ko inaasahan na mangyayari sa kanya ang bagay na ito. Parang kanina ko lang siya nakita na kinakausap ang anak namin sa pagitan ng court na iyon pero ngayon. Ano’ng nangyari? Paano siya napunta sa sitwasyon na ito?
Nanginginig ang mga kamay ko at ibinaba ko na si Lenoah dahil baka mabitawan ko siya. Parang mauubusan ako ng hangin sa dibdib. Bayolente ang paghinga ko.
Tatlong oras ang itinagal ng operasyon at halos sabay pa kaming lumapit sa doctor nang lumabas na rin ito.
“D-Doc, ano na po ang lagay ng pasyente?”
“K-Kumusta po siya, doctora?”
“So far, I can say her surgery was successful. We have removed the clotting blood in her brain. But her condition is still critical. The patient is especially sick, she also had a constipation earlier before we operated on her. Ngunit hindi namin naoperahan ang hand injury niya lalo na kasalukuyan din siyang inooperahan sa ulo. We can make it another day. She just needs to be moved to ICU so she can be monitored better. She is safe there. I hope you should not be surprised, because of her operation the patient can be comatose. No certainty that she will wake up after 24 hours. But expect he will wake up one day, we just don’t know when. We will give an update after 24 hours if she is completely in coma,” mahabang sabi ng doctor.
Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa mga narinig kong sinabi ng doctor. Iniwan ko muna roon si Lenoah para puntahan si Kalezy.
May galit at poot na ang nararamdaman ko sa dibdib dahil sa babaeng iyon. Nang dahil sa insidenteng ito ay parang ngayon lang ako nagising. Nagising sa katotohanan at sa realidad.
A/N: Present time po ang POV ni Michael at 2 chapter pa siguro ay solo niya lang. Meaning sunod-sunod pa ang POV niya since wala pa ring malay si Novy Marie.
Hayon, feel free po na mag-iwan ng feedback about this chapter at sa POV ni Michael. Hehe. Ito na po ang inaabangan nating lahat. Ang prologue!
Enjoy reading po!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top