CHAPTER 65
Chapter 65: Heartbreaks
NAG-TRENDING ang balita ukol sa solo-competition ng dalawang mahuhusay na tennis player, si Kalezy Carmencita na isang Famous Athlete of the Year at isa ring modelo. Dalawang taon na ang nakalilipas noong tumunog ang pangalan niya sa karamihan at nagkaroon ng libo-libong taga-suporta.
Sa unang paligsahan nila ay nagpakita na siya nang galing at husay sa paglalaro, na nakakuha ng perfect points (60) sa first round ng paligsahan nila.
Laban sa isang mahusay rin na Tennis Player na si Novy Marie V. Bongon, kilala bilang isang Cold-Hearted person ngunit may titulong Famous International Athlete, at maraming beses na siyang naging Champion sa Olympics Competition sa iba’t ibang bansa.
Apat na taon na ang nakalilipas noong bigla na lamang siyang nawala na parang bula at hindi na nagpakita pa sa Tennis World. Bali-balita ay dahil iyon sa break-up nila ng ex-fiancé niya na si Engr. Michael S. Brilliantes na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero napag-alaman na patuloy pa rin pala siya sa paglalaro at dalawang taon na rin ang nakalipas.
Sa unang round ng solo-competition nila ay nakakuha lang siya ng 29 points na malaki ang lamang ng kanyang kalaban. Datapuwa’t, noong nasa pangalawang round na sila ay umani siya ng 60 points at 38 points naman sa kanila.
Ipinakita niya rin ang kahusayan niya. Subalit mas mataas pa rin ang puntos ng kalaban kahit siyam na puntos lang ang pagitan nila. (98 VS 89)
Bago tayo pumunta sa third round na inaabangan din natin dahil dito natin malalaman kung sino ang panalo. Ito pa ang mahalagang nangyari; pagkatapos ng first round ay inakala ng karamihan na tumakas ang International Athlete sa kadahilanan na hindi na kayang panindigan pa ang pagkatalo nito sa isang baguhan na Tennis Player na parehong under ni Coach Avemn.
Ngunit siya pala ay bumalik at nagkaroon sila ng kaunting kaguluhan kasama ang announcer na si Ms. Lofs. Kitang-kitang sa litrato at video ang umanong pagsampal ng international athlete sa announcer.
Ito ang kanyang linya; “Quit it at maghanap ka ng bagong announcer na hindi katulad mong pabida-bida! Halatang manok mo si Kalezy! Gusto mo na siya ang mananalo sa solo-competition na ito? If I know this is just your fvcking plan! Bullshít! Never kong tinatakasan ang mga ganitong laro and let’s see kung kaya akong matalo ng pinagmamalaki mong amateur na famous athlete of the year, and if I won. I want you to quit your job!” Galit na galit si Ms. Novy na tila pinagkakaisahan nga siya ng lahat.
“Ako mismo ang magsasabi sa kanya na mas mahusay siya na tennis player kaysa sa akin na hindi na mabilang kung ilang beses na akong nag-champion.” Hindi tunog na pagmamayabang ika nila ang sinabi nito ni Ms. Novy. Dahil isa itong pagpapakumbaba at tanggap niya ang kanyang pagkatalo kung mangyayari man.
Naging mainit ulit ang kanilang laban at inaasahan na ng mga tao kung sino ang panalo at kung sino ang matatalo.
Ngunit sa huling laban pala nila ay rito na ipinakita ng Famous International Athlete ang totoo niyang husay sa paglalaro ng tennis. Na ikinagulat ng iba dahil hindi niya hinayaan na makakuha pa ng mataas na puntos ang kalaban. 60 versus 3 points, malaki ang agwat ng kanilang puntos.
Overall score ni Ms. Novy ay 149 points at 101 points naman ang kay Ms. Kalezy, 48 points ang layo ng kanilang mga puntos.
Ika ng kanyang fans ay kailangan ni Ms. Kalezy na humingi ng pasensya kay Ms. Novy, ito ay senior niya.
Walang makatatalo sa isang mahusay na tennis player na ilang beses nang nakasungkit ng gold medals and trophies sa Olympics Competition at sabi pa nila ay isang baguhan lamang sa tennis world ang humamon na makipagpaligsahan. Maaari niyo siyang kalabanin ngunit hindi mo siya kayang talunin.
Ms. Novy, she’s not just a Famous International Athlete because she is also a Tennis Queen, Queen of Female Tennis Player and Goal Champion of the Year. Even though she has been gone for more than four years, she is still smart and brilliant in the field.
“Hey, coz!” Napatalon naman ang balikat ko sa biglaan na pagsulpot ng cousin ko.
“Nanggugulat ka naman,” masungit na wika ko at nag-peace sign lang siya saka umupo sa tabi ko.
Sumilip din siya sa laptop ko at nagbabasa nga ako ng article tungkol sa nangyari kahapon. To be honest, hindi na talaga mahalaga para sa akin ang bagay na ito basta naipakita ko sa announcer na iyon at kay Kalezy na hindi nila ako kayang pabagsakin.
Ang mga ganoong klaseng tao ay hindi mo dapat pinapalampas. Dapat matuto kang lumaban at ipakita sa kanila na makakaya mo rin silang talunin. Malas nila dahil ako pa ang kanilang piniling kalabanin. Wala pa naman akong inuurungan.
“Until now ay hindi pa rin ako maka-get over, coz. Nakahihiya iyon. Amateur pa siya sa tennis sports pero sa dami pa ng makalalaban niya ay ikaw pa? Grabe!” sabi niya na sinabayan pa nang malakas na tawa. “Ano’ng akala niya ay kaya niyang talunin ang isang reyna ng racket at bola?” Nangunot ang noo ko sa huling katagang lumabas sa kanyang bibig.
“Reyna ng racket at bola?”
“Na ngayon ay reyna ka pa ng female tennis player! Aba, tennis queen ka na nga at goal champion of the year pa! Ikaw na, Novy! Kaya talaga proud na proud ako sa ’yo! Pa-kiss nga!” Sumimangot ako pero hinayaan ko lang siya na halikan ang pisngi ko at mahigpit pa ako nitong niyakap.
Napatitig naman ako sa screen ng laptop ko nang may nag-pop out na new articles. Halos sa internet ay kami ang laman ng balita.
Here is the latest article
Until now, people are still curious about the reason of Ms. Novy and Engr. Michael’s break-up. Who was also reported that Kalezy was dating Ms. Novy’s ex fiancé, which is the engineer.
But will they end up? Because Michael and Novy had a child already.
Question of the citizen if Engr Michael was there at the competition, to support his girlfriend and from the information we gathered it was there too and took a picture of him. But he was wearing a white shirt instead of red because that was the shirt color for Kalezy’s team. So, it turns out he doesn’t support anyone and doesn’t hold any back on the two players. What does it mean?
“Move on,” I blurted out at isasara ko na sana iyon nang pigilan ako ni Devi.
“Let’s check your Facebook account and page,” she said at hinayaan ko na lamang siya. “Oh! 300k followers to 5 million?!” She was referring at my Facebook account at huli niyang tiningnan ay ang page. Mas dumami nga ang followers no’n. “Grabe, oras na yata para gawan ka ng Twitter and IG. Iyon lang ang wala ka.”
“Bahala ka,” ani ko at tumayo na ako para puntahan si Lenoah.
Nasa kabilang penthouse kasi siya at nakikipaglaro sa Kuya Zake niya. Sinipat ko pa ang wristwatch ko dahil bibisita kami sa family ng daddy niya para lang daw i-celebrate ang pagkapanalo ko.
Pagpasok ko roon ay tawanan ng mga bata ang maririnig ko. Napangiti ako nang makita kong enjoy na enjoy ang anak ko sa paglalaro.
I approached them at umupo sa sofa kung saan nakaupo ang dalawang batang lalaki.
“Novy, hija. Ngayon na ba ang alis niyo?” tanong ni Tita Mommy na nasa bisig niya ang bunso niya. Tumango ako.
“Ayoko pong maghintay sila nang matagal sa amin, Tita,” sagot ko.
“Aalis na po tayo, Mommy?” tanong ng aking anak. I nodded and kissed his cheek. Pinagapang ko pa ang palad ko sa likuran niya at basang-basa na siya ng sweats.
“Hala naman, anak. Naliligo ka na naman sa sweat mo,” sabi ko at tumulis ang labi niya.
“Paano ba naman kasi kung saan-saan tumatakbo ’yang dalawa na iyan,” komento ng tita ko.
“Mga bata nga naman po, Mommy.” Binuhat ko na si Lenoah at nagpaalam na rin sa kanila.
Hinubad ko ang t-shirt niya. Kumuha ako ng malinis na face towel at pinunasan ang pawis niya. Nilagyan ko pa siya ng baby powder at napuno iyon sa likod, leeg at sa dibdib niya.
“Kailan po tayo mag-o-out of country with Uncle Wayne, babe?”
“Soon, my boy,” sagot ko. White sleeveless shirt na ang pinili kong isuot for him at nilagyan ko na ng towel sa likod niya. Nag-spray rin ako ng baby perfume niya and after that ay inamoy ko ang leeg niya na ikinatawa niya. “Amoy baby ka na ulit, babe.”
***
As soon as we reached their mansion, patakbong nilapitan ni Lenoah ang great grandparents niya at nandoon din ang parents ng daddy niya. Nasa mansion nina Grandma at Grandpa kasi magaganap ang celebration. Dito kami kakain ng lunch and dinner.
“Ang little Michael namin nandito na pala!” natutuwang bulalas ni Grandma Lorainne.
Mainit kaming tinanggap ng Brilliantes family, kahit na hiwalay na kami ni Michael at alam din nila ang bagong girlfriend nito. Siguro dahil respeto na rin para sa ina ng kanilang apo.
“Congrats again, Novy. Wala talagang makatatalo sa ’yo pagdating sa paglalaro ng tennis, apo,” compliment sa akin ni Grandpa.
“Thank you po, siguro sinuwerte lang po,” nakangiting sabi ko.
“You’re such a humble, hija,” ani naman ni Tita Jina. Civil na ang relationship namin pero hindi na katulad nang dati na magiging open na ako sa kanya.
“Si Daddy ko po, Lola, Lolo?” Nalipat ang atensyon nila kay Lenoah nang hanapin nito si Michael.
“Secret ang pagdating niyong mag-ina. Hayaan mo na ang daddy mo, apo.”
“Eh, bakit po?” makulit na tanong nito.
“Anyway, hija. Nag-set na pala kami ulit ng date para sa kasal niyo ni Michael.” Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Tito M, I think hindi po magandang idea iyon. Hindi po maayos ang relationship namin ni Michael.”
“What does he want? His child grew up without your family complete? Don’t let your child have a broken family, Novy. Let us correct the mistakes of our son, hija. We will decide.”
“As a mother, what our child deserves is what we give. We won’t let them have a broken family if you can give that to them, right? But in my case with Michael, I know we would have been harder. It’s not in his favor.
Maybe for me even if I can’t get him back. As long as it was for Lenoah, he would just give his son what he deserved. Even if he doesn’t love me anymore.
“Para po kay Lenoah ay payag ako,” sabi ko na ikinangiti nila. Torture para sa akin ang makasama si Michael na may iba ng babaeng minamahal. Ngunit para sa aking anak ay handa akong magtiis.
Dumating si Michael noong dinner na at hindi pa sana niya malalaman kung hindi lang sinabi sa kanya ng mga kuya niya.
Wala siyang kibo noong una kasi si Lenoah lang ang kinausap niya. Tahimik din ang family niya na parang balewala ang presensiya niya.
“Novy, let’s talk,” seryosong sabi ni Michael nang makakuha siya ng pagkakataon na kausapin ako. Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
“What is this, Michael?” I asked him nang bigyan niya ako ng invitation card. Of course alam ko naman kung ano ito but I want to ask him if para saan nga ba talaga ito?
Sabi niya ay nag-uusap kami pero invitation card lang ang ibigay niya.
“Invitation card, obviously. There’s a big party at kailangan mong pumunta.” Ang suplado niya. Kulang na lamang ay ikutan niya ako ng eyeballs niya.
“Ito ba ang tinutukoy mo na party at malalaman ko ang sagot mo sa gusto ko?” tanong ko na parang nabigyan ulit ako nang lakas ng loob para ipaglaban ulit ang nasira naming relasyon. Handa akong mag-risk ulit pero iba ang nangyari.
I thought at that time ay may surprise siya sa akin and magkakaayos na nga rin ang relationship namin just for our son Lenoah but hindi.
Um-attend nga ako ng party para lang masaktan ng sobra. Because it was their engagement party. Akala ko noong una ay nagbibiro lamang si Kalezy—nakapag-usap din kasi kami after the competition. Alam ko rin naman na boyfriend na niya si Michael pero iyong harap-harapan akong nasasaktan ay iyon ang hindi ko nakayanan. Mabilis akong nag-breakdown.
“H-Hindi pa natin naaayos ang problema natin sa nakaraan, Michael. I kept your son from you for four and even though nasaktan ako noon that you let me go, I chose na ipakilala kita kay Lenoah as his father. I’m the first one who tried to fix our relationship but... I also suffered because you don’t want me anymore. Alam kong ang laki ng kasalanan ko sa iyo dati, Michael. I’m sorry but you gonna hurt me like this na harap-harapan pa? Michael, w-wala na ba talaga ? Don’t you really love me anymore? Are you really giving up?”
“Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao, Novy, and besides matagal na iyon,” walang emosyon na sabi niya. Napangiti ako ng mapait. He’s right. Nagbabago nga ang feelings ng isang tao.
Kung ganoon ay kailangan ko na ngang mag-give up? Kailangan ko na ngang bitawan ang lahat-lahat?
“I understand. Sorry, k-kung masyado akong makulit. I’m sorry if I’m still trying to fix our relationship because I’m just thinking about our son,” mahinang sabi ko. Masakit ang umasa, masakit na masakit.
“You planned to frame me up so I can get back to you, Novy. Iyon ang pinakaayaw ko sa ginawa mo,” malamig na saad pa niya. Wala akong naintindihan sa sinabi niyang frame up, o baka dahil iyon sa plano ng parents niya na wedding namin.
“I’m sorry... N-Nagkamali ako...” Pero ako pa rin ang umako sa paninisi niya.
Minsan ko nang binitawan si Michael noon at nasaktan pa ako ng sobra. Pero makakaya ko naman kung bibitawan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon, hindi ba?
Mahal na mahal ko si Michael. Pero ibang Michael na ang kilala ko ngayon. Wala na ang Michael na minahal ko dati at ako lang din ang pinahalagahan niya pero ngayon.
Ibang babae na nga ang nagmamay-ari ng puso niya at hindi na ako iyon.
“S-Sorry... I promise you... Hindi na ako... Hindi na kita kukulitin pa. B-Bibisitahin ko na lamang si Lenoah sa condo mo—”
“Lilipat din kami sa subdivision namin.” Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Sunod-sunod ang pagtulo nito at sumisikip ng husto ang dibdib ko.
“Kung ganoon. S-Sa labas na lang kami magkikita,” sabi ko at napasinghot pa ako. Hindi lang luha ko ang tumutulo, pati ang sipon ko.
“Bibigyan na lang kita ng schedule.” Tumango ako.
“S-Sige, ah. M-Mauuna na ako,” paalam ko at dahil nanlalambot ang tuhod ko ay muntik na akong mawalan nang balanse. Mabilis na nahawakan niya ang siko ko para alalayan ako pero binawi ko agad ang kamay ko. “I’m fine...” sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko saka ako nagsimulang maglakad.
“Novy...”
Paglabas ko sa hotel ay walang buhay na napatawa na lamang ako. Pati ang panahon ay nakikisabay rin yata sa pagkabigo ko at lungkot. Umuulan nang malakas at sobrang lamig din ng hangin. Bumubuhos din ang mga luha ko at talagang walang tigil ito.
Pati siya ay dinadamayan ang kabiguan ko.
“Novy! Are you insane?!” sigaw sa akin ng cousin kong si Devillaine. Nang makita nga niya ako na naglalakad at nagpapaulan lamang. “Novy!”
“H-Hayaan mo na ako, Devi. G-Gusto ko lang... magpakabasa sa ulan.”
“Nababaliw ka na talaga! Alam mong madali kang lagnatin kapag nababasa ka ng ulan!” sigaw pa niya sa akin sabay hila sa braso ko ngunit nagpumiglas ako.
“I told you to let me go!” umiiyak na sigaw ko.
“Novy...”
“N-Nasasaktan ako, Devi... G-Gusto ko lang... makalimot kahit saglit lang.”
“Kung ganoon ay sa bar kita dadalhin. Sasamahan kitang maglasing kung gusto mo. Huwag lang ang ganito, Novy...” sabi niya at niyakap niya lamang ako. Umiyak lang ako sa balikat niya.
Engagement party, iyon pala ang mas makapananakit sa akin. Tunay na walang kuwenta si Michael at ipinapakita niya sa kanyang anak na kaya niyang palitan ang mommy nito sa ibang babae.
Tanging pag-iyak lang ang ginawa ko kahit hinihila na ako sa kung saan-saan ng cousin ko.
Bago pa nga kami makaalis ay narinig ko na ang malakas na pag-iyak ni Lenoah.
“Mommy! Don’t stop me please, Uncle Markin! I want my Mommy!” Pinunasan ko ang mga luha ko at lumingon ako sa likuran. Nakita ko si Lenoah na nagpupumiglas siya mula sa hawak ni Kuya Markin.
“Okay, okay... Calm down, my boy.” Ibinaba naman siya nito at patakbong nilapitan ako kahit bumubuhos ang malakas na ulan. Yumakap agad siya sa binti ko at iyak nang iyak nang tumingala siya sa akin.
Napangiti ako. Sa kabila ng sakit na ibinigay sa akin ng daddy niya ay heto siya. Ako pa rin ang pinipili niya. Ako pa rin ang gusto niyang makasama.
Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin at ikinulong ng maliliit niyang mga palad ang pisngi ko.
“W-Why are you crying, Mommy? Are you hurt? What must I do to make your pain go away, Mommy? Do you want a lot of kisses? I will give you...” Pinaulanan niya ako ng halik sa buong mukha ko at may tunog pa iyon. “Please... Please be okay, Mommy!”
“Lenoah...” I uttered his name.
“What is it? Do you want something, Mommy?”
“I know I scared you because you just saw me crying now.” He nodded and even wiped away my tears. I fixed the coat on his head. “Mommy is doing fine. Me and your Aunt Devi just enjoying in rain. So, just let us be. Go with your Uncle Markin first and you will sleep with them there.”
“But Mommy?” may pag-aalinlangan pa sa boses niya.
“Come on, my son. Promise I”ll be okay and I won’t cry. I love you so much, babe.” Hinalikan ko ang noo niya at mahigpit ko siyang niyakap.
“I love you so much too, Mommy. Let’s meet tomorrow?”
“Of course, see you tomorrow, anak ko.” Pumayag din siya kalaunan. Kapag kasi ako ang magsasabi ay sumusunod siya nang hindi nagrereklamo.
Umuwi kami ni Devi sa hotel at dinala sa bar counter para samahan lang ako na mag-inom. Marami agad akong ininom na alcohol at iniyak ko lang ang sakit ng nararamdaman ko.
“Last na ito, Devi... Last na last na talaga ito. Bukas... Hindi na ako iiyak pa. Hindi ko na iiyakan pa ang lalaking iyon,” sabi ko pero sunod-sunod ang pagbuhos ng mga luha ko.
“Yeah, ubusin mo ang mga luha mo ngayon, Novy! Umiyak ka lang nang umiyak! Ilabas mo ang sama ng loob mo. You can scream if you want to. Today will be the last time you will cry for that man! He’s just not worth it!” sigaw ni Devi at nagawa pa niyang umakyat sa bar counter kaya ginaya ko rin siya pero dahil lunod na lunod na rin ako kahit mataas ang tolerance ko sa alcohol.
Muntik pa akong mahulog kung walang umalalay sa akin. Napalingon ako sa humawak sa magkabilang baywang ko.
“He doesn’t deserve you, Novy. He’s not worth it for you to cry for, and he doesn’t deserve your love for him. He is a selfish person. Novy, you deserve to be happy.” It’s Wayne na bigla na lamang sumulpot at inalalayan na niya akong makababa. Mahigpit pa niya akong niyakap. “Magiging okay ka rin after this, Novy. Matapang ka, ’di ba? Kaya mong lampasan ang pagsubok na ito. Ikaw pa ba?”
“W-Wayne...”
“Yeah, nandito ako bilang kaibigan mo. Handa akong damayan ka, Novy.”
“Hey, Wayne. Come on, tagayan mo si Novy! Inom tayo!” pag-aaya ni Devi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top