CHAPTER 63
Chapter 63: Reported
“HINDI ito ang daan pabalik sa hotel, Michael. Where did you taking us?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Saan niya nga ba kami dadalhin?
Akala ko ay hindi na siya sasagot pa kasi hindi na niya ako pinansin pa. Pero nagsalita din naman siya.
“I’m taking my son to my condo,” sagot niya. Kung ganoon, ihahatid niya muna si Lenoah sa condo niya at iiwan doon ng mag-isa? O baka pabababain na rin niya ako pagdating namin doon?
Wala naman na siyang pakialam pa sa akin kaya baka hindi na niya ako magagawang ihatid pa, and maybe magseselos pa ang girlfriend niyang pabida. Psh.
“Ibaba mo na lang ako malapit sa grocery store,” sabi ko. Kasi alam kong may store kaming madadaanan pero lumagpas lang kami roon. “Engineer Michael.” Nakauubos din siya ng pisi ng pasensiya.
Napabuga na lamang ako ng hangin sa bibig ko nang huminto ang kotse niya sa tapat ng condominium. Pati condo ay lumipat na rin pala siya. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at mabilis na bumaba. Hindi na ako maghihintay pa na paalisin niya kaya kusa na akong aalis agad.
Pumara agad ako ng taxi may huminto naman sa tapat ko. Binuksan ko ang pintuan nito pero may isang kamay na ang nagsara nito. He grabbed my pulse too. Ang higpit pa nga mang hawak niya.
“Ihahatid kita sa hotel kapag nasa condo ko na si Lenoah.”
“Eh, ’di sana ako muna ang hinatid mo bago ang anak mo!” sigaw ko at binawi ko ang kamay ko. Humigpit lang ang hawak nito. “Tapos iiwan mo siya ng mag-isa sa condo? O kasama mo ang babae mo?”
“M-Mommy?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Nakabukas na ang pintuan sa side niya at handa na rin siya sa pagbaba.
“Come here, son. Umuwi na tayo sa hotel,” pag-aaya ko at mabilis siyang tumakbo palapit sa akin. He didn’t hesitate to run towards me. Kung sabagay pagdating sa Mommy niya ay hindi siya nagdadalawang isip.
“Novy.” Hinuli na naman niya ang siko ko at nagprotesta ako.
“Second chance. Second chance lang ang gusto ko para mabuo ang pamilyang ito, Michael. Pero ikaw mismo ang may ayaw ng lahat ng ito. Alam mong wala kang laban sa akin pagdating sa anak natin. Kayang-kaya ko siyang ilayo mula sa iyo. Isang salita ko lang ay sumusunod na siya hindi dahil takot siya sa akin. Kumpara sa ’yo ay mas takot pa ang anak mo na mawala ako. Ikaw ay kayang-kaya mo akong bitawan pero siya? Ang laki ng pagkakaiba nito ng anak ko, Michael.” He took a deep breath at nanlaki pa ang mga mata ko nang paalisin niya ang taxi driver. “Ang kapal talaga ng mukha mo!”
“You are invited sa party after the competition. Malalaman mo ang isasagot ko sa gusto mo, Novy,” sabi niya lamang saka niya kami tinalikuran.
“Daddy?”
“Wala ka talagang kuwentang tao na kahit mag-ina mo ay basta mo na lang tatalikuran!” asik ko sa likuran niya. Nagtaas-baba pa ang dibdib ko sa lakas ng boses ko.
“Ihahatid ko kayo kaya babalik ako sa kotse!” sigaw niya rin pabalik. Nang magbaba ako nang tingin sa anak ko ay nakatakpan na ang dalawang kamay niya sa tainga niya. Wala akong mabasa na kahit na ano’ng emosyon sa mukha niya.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Sa huli ay ang anak ko pa talaga ang mag-a-adjust sa sitwasyon namin ng daddy niya.
“I’m sorry, Lenoah...” Binuhat ko na siya at hinalikan ko ang pisngi niya.
No choice si Michael kundi ang ihatid kami sa hotel at hindi niya nakasama sa condo niya si Lenoah. Basta na lamang din namin siya iniwan sa parking space at pumasok na kami.
Masama ang loob ko sa totoo lang pero curious ako sa sinasabi niyang party. Umaasa na rin naman ako na maaayos pa namin ang nasira naming relasyon.
KINABUKASAN ay dumating nga si Wayne para lang manood ng practice ko. Mas dumarami ang mga tao sa bleachers kahit hindi pa araw ng competition.
May dala siyang donuts and coffee in caned. Ipinakita niya ito sa amin kaya lumapit kami ni Lenoah.
May ngiti sa labi niya pero nakita ko na may dark circles siya sa ibaba ng eyes niya.
“Nagpuyat ka ba kagabi, Wayne?” komento ko agad. Pinaupo niya ang aking anak at binigyan ng isang donut na may balot na ng plastic. Pinili nito ang strawberry flavor. May gatas din siyang ibinigay rito.
Before he answered my question ay tumingin pa siya sa kabilang banda. Sinundan ko iyon nang tingin at mabilis ko pang nahuli ang titig sa gawin namin ni Michael pero mabilis din siyang nag-iwas nang tingin. Mas nauna siyang pumunta rito kahit wala pa si Kalezy.
“Yeah. Nagkaproblema ako ng malaki kagabi,” sagot niya. “Coffee tayo, Novy.” I nodded at kinuha ang inabot niyang kape. Umupo na rin ako sa tabi ni Lenoah. Maaga pa lang at okay pa ang sikat ng araw. Mayamaya ay alam kong mainit na naman sa gym.
“So? Ano’ng problema naman iyon?” tanong ko at kumuha na rin ako ng donut. Chocolate naman ang kinain ko.
“Hayon nga. Someone reported my Facebook account,” he said. Na iyon lang pala ang naging problema niya kagabi.
“Reported? So, nawala na ang Facebook account mo kung ganoon?” gulat na tanong ko pero umiling naman siya.
“I did everything para lang ma-secure ko ang Facebook ko. Grabe, sino naman kayang adik na pinag-trip-an ang social media account ko? Eh, wala naman akong nilabag kay Meta, ha. Puro pictures iyon and marami rin ang motivational quotes. Ang daming likes and shares no’n, pero nagulat na lamang ako ng ma-log out agad. When I tried to log in ay muntik pa akong maiyak dahil ayaw niyang magbukas,” paliwanag niya at halatang muntik na nga siyang maiyak.
Saka ano raw? Adik? Pinag-trip-an ng adik ang account niya?
“Or maybe someone hacked your account? Kasi baka naiinggit siya. Ang dami rin kasing followers. Gusto niya yata na siya na ang mag-manage no’n?” ani ko.
“No, hindi ganoon. I received an email na may nilabag nga ako. For God’s sake, wala naman. Hindi siya na-hack. Na-report siya, Novy. Na-report,” giit niya and I nodded. Tila pinapaintindi niya rin kasi.
“Pero na-secure mo naman na siya? Safe na ba ito?”
“Yes. Ang dami kong isinagot sa Facebook at ’saktong naubos pala ang load ng Wi-Fi ko. May load naman ako pero ang hina ng net kagabi. Kaya wala akong choice kundi ang maghanap ng café na may Wi-Fi para lang maka-log in ulit ako. Almost two hours ang ginugol ko maibalik ko lang siya and thanks God. Parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan ko.” Napahaplos pa siya sa dibdib niya.
Ninerbiyos din yata siya. Ganoon kahalaga sa kanya ang Facebook account niya.
“That’s good,” I uttered.
“To be honest, ilang buwan pa yata ang aabutin no’n pero mabuti na lamang ay nag-research ako sa YouTube. May tutorial kung paano i-secure ang account ko. Pero may binura si Meta at hula ko iyon ang dahilan kung bakit ako na-report.” Napahawak pa siya sa sentido niya at marahan na pinisil ito.
“What is it then?” Inabutan ko pa ng donut ang baby ko kasi naubos na niya iyong kanya. Napansin ko lang iyon nang maramdaman ko ang pagkulbit niya sa braso ko. Ang cute niya lang at mahiyain din pala siya.
“Iyong profile picture ko na kasama kayo ni Lenoah. Iyon ang binura ni Meta kasi against community raw iyon pero may one million likes na yata iyon and shares kung hindi ako namalik-mata lang,” sabi niya.
“O baka mga fans mo ang nag-report no’n.”
“Imposible. Hindi nila gagawin iyon.” I shrugged my shoulders. No idea na ako riyan.
“Ibinalik ko ang profile picture pero nakatanggap pa rin ako ng reported note. May hint na ako kung sino ang gumawa no’n,” wika niya at malayo na naman ang tingin. He can’t get over it.
“Sa dami mong followers ay malalaman mo pa kung sino?”
“May nag-private message sa akin. ‘Delete the profile picture’, at hindi ko agad nabuksan iyon para sana mag-reply kasi agad ako nitong na-block. Bago naging Facebook user ang account niya ay nabasa ko pa ang pangalan.” Hala, ang daming kaganapang nangyari sa kanya kagabi, ah.
“Sinong addict naman kaya iyon?” tanong ko. Kasi na-c-curious ako. Natawa pa siya sa tanong ko.
“M. Brilliantes.” Napasapo ako sa noo ko. Kahit isa ngang Brilliantes iyon ay sino naman sa magkakapatid ang may gawa no’n? Dahil imposibleng si Michael iyon.
“Anim silang magkakapatid na may first letter na M at imposible ang dalawa kasi wala na sila. Mas lalong hindi puwedeng siya,” ani ko na binigyan diin ang salitang ‘siya’.
“The eldest grandson, Engineer Markus, ang magkambal na sina Markin at Mergus. Mas imposible na sila ang gagawa no’n, dahil baka ang daddy iyon ng anak mo, Novy.” I shook my head. Ang straight forward naman niya.
“Iyon ang imposible. Bakit naman niya gagawin iyon?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Dahil nagseselos siya. Na mabuti pa ako ay may litrato kasama kayong mag-ina. Eh, siya ba? May picture na kayong tatlo?” Umiling ako bilang tugon. Paano kami magkakaroon, eh hindi pa kami bati? Tsk. “Exactly. Siya na nga talaga.” Bakit nga ba niya iginigiit si Michael? Ano naman ang pakialam ng lalaking iyon?
“Pero ang daddy niya ay nagsimula rin sa letter M. Si Tito Melden.” Imposible rin naman kung si Tito M iyon.
“Basta malakas ang kutob ko na siya iyon.”
“Coach Novy! It’s time!” sigaw ni Coach Calym.
“Okay! Nandiyan na!” sigaw ko at agad na tumayo. Nag-fist bump pa kami ni Wayne.
MABILIS din lumipas ang araw at bukas na agad ang competition namin. Kinakabahan ako sa totoo lang. Parang first time ko pero hindi naman ako ganito dati. Ewan ko ba.
Nasa penthouse lang kami at nagpapahinga. Araw-araw pa ring pumupunta si Wayne sa gym at ganoon din si Michael, malamang para suportahan ang girlfriend niya.
Siguro walang trabaho ang lalaking iyon kaya araw-araw siyang nandoon. Si Lenoah ay madalas niya ring sinusundo para makipag-bonding dito. Minsan niya lang dinala sa condo para makasama sa pagtulog. Kinabukasan ay hinatid niya agad ito na mugtong-mugto ang mga mata. Pinagalitan ko pa nga siya kasi pinapaiyak niya ang anak niya.
But his reason ay umiyak daw ito kasi hinahanap ako. Well, maski nga ako, eh. Hindi agad ako nakatulog kasi wala siya sa tabi ko. Doon ay hindi na siya nagbalak pa na kunin ito sa akin. Alam ko naman na matagal pang masasanay si Lenoah na wala ang presensiya ko.
Black jersey shirt ang napili namin pero may mas maikli pa akong suot sa loob na kita ang pusod ko. Mamaya ko raw ito huhubarin kapag nasa final round na. Pakulo iyon ni Ninang Avemn. Ang shorts ko naman ay kalahati pa rin ng hita ko ang haba nito. Pinusod ko nang mataas ang buhok ko at hindi naman ito messy kasi may headband ako na kakulay ng jersey ko.
Nang malaman din ng family ni Michael ang competition ko ay sinabi nila na darating sila pero ako na mismo ang nagsabi na hindi na kailangan. Mas mabuting huwag na. Lalo pa na maraming media at mas kawawa lang ang girlfriend ng engineer.
Si Tita Mommy kasama ang mag-aama niya ang dumating at pati na rin ang pinsan ko. Masama pa nga ang tingin niya sa kabila. Particular na sa side ni Michael.
Pinagawan ko rin ng jersey si Lenoah kaya iyon ang suot niya today. Si Wayne naman ay nanghingi pa siya ng t-shirt. Kasi may ganoon din kami. Binibida niya na kasama siya sa team ko.
“Good luck, Novy. Dapat manalo ka tapos hati tayo ng prize.” Tinawanan ko siya sa sinabi niya. May prize rin kasi ang solo-competition namin ni Kalezy. Si Wayne ay wala yatang araw na hindi niya ako napapatawa.
“Oo ba. What do you want? Cash or one week vacation sa ibang bansa at sagot ko ang ticket and hotel? Pero sagot mo na ang ticket mo pauwi,” ani ko.
“One week vacation na kasama kayo ni Lenoah at ako na ang bahala sa ticket natin pauwi,” sabi niya at kumindat pa. Nag-init ang pisngi ko sa pinili niyang choices. I massage the bridge of my nose.
“Ikaw talaga. You’re palabiro,” naiiling na sabi ko.
“I am serious,” seryosong saad niya. Pabiro ko siyang inambahan ng suntok nang mapatingin naman ako sa likuran niya.
Si Michael na diretso ang lakad. Red ang color ng team ni Kalezy but he wore his white v-neck shirt. Lumalabas na wala rin siyang team na sinasalihan or kung saan siya papanig. Well, ano’ng pakialam ko roon?
Dumaan siya sa gitna namin ni Wayne at muntik pa akong ma-out balance. Mabuti na lamang ay naalalayan ako ng bago kong friend. Wala talaga siyang modo kahit na kailan.
“Hi, Daddy!” masayang bati sa kanya ng anak niya at binuhat niya ito.
“You’re going to sit with me there, son.”
“Nope! Mom and I are black team! We’re magkakampi and ikaw po ay sa kabilang team. Basically we’re an enemy. So, why are you wearing a white shirt, Daddy?” curious na tanong ng baby boy ko. “Wear something red or if you want, join us with our team instead, Daddy! Right, Mommy babe? It’s that a good idea po?” Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Bahala ang daddy niya.
“White means surrender. Wala kang kinakampihan, Engineer Michael?” untag na tanong ni Wayne. Kumunot ang noo nito at napatingin sa mukha ko bago niya ibinalik ang tingin sa anak namin.
Nang magsisimula na ang competition ay pinagtabuyan siya ni Lenoah kasi hindi naman daw ito team namin. He doesn’t have any choice kundi ang bumalik sa girlfriend niyang hilaw. Poor him. Walang laban sa anak.
Maraming tao ang dumalo para manood sa competition namin at maingay ang pag-cheer up kay Kalezy. Marami rin siyang fans compare sa team namin pero hindi iyon mahalaga sa amin. Ang competition ang dapat naming pagtuunan nang pansin.
“May third round tayo, Novy at bibilangin ang points sa first, second and third round. Kapag marami kang nakuha na puntos sa first ay may posibilidad na ikaw ang mananalo pero kung hindi naman ay bawi ka sa second round pero huwag mong piliin ang third. Kapag dalawang beses kang malamangan ay roon tayo matatalo,” seryosong pahayag ni Ninang Avemn na kinakabahan na rin siya.
“No pressure, Coach Novy. Just be yourself and believe what you could do,” pagbibigay motivation sa akin ni Coach Calym. “Besides, it’s okay if we can’t win this competition. At least, you tried your best, right?” I nodded.
Pero kapag natalo ako ay tiyak na pagpipyestahan ako ng mga media. Dahil isang baguhan lang pala ang makatatalo kay Novy Marie? Lalabas din na wala akong binatbat sa amateur na tennis player. Alam ko rin na marami akong makukuha na negative feedbacks from them at mayroon akong ma-d-disappoint. Mga taong sumusuporta sa akin.
“Novy.” Hinawakan ni Ninang ang balikat ko.
“Ano po iyon, Ninang?”
“Observe, iyon ang gagawin mo. Ang technique na itinuro ko sa ’yo ay huwag mong kalimutan. Ang strategy mo,” mahigpit na paalala niya. “Tingnan mo kung saan siya mas magaling at kung saan ang higit na nagbibigay ng impact. Talasan mo ang mga mata mo, Novy.” Tumango ako at tipid na ngumiti.
Binigyan ako ng trainee ko ng mineral water at ang isa naman ay isang munt candy para pakalmahin daw ang kaba ko.
God... Bakit parang pressure ito? Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang nervous. Wala akong nararamdaman na excitement. Nang tumingin ako sa kalaban ko ay parang kalmado lang siya. Hindi ko nakitaan ng takot at kaba. Samantalang ako ay kulang na lang na manginig ang mga kamay ko. Mabuti na lamang ay hindi ako pasmado.
I took a glance at my son. He mouthed a ‘fight and I love you’ to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top