CHAPTER 62

Chapter 62: Dinner

NALIGO pa ako kasi tagaktak ako ng pawis sa katawan. Nabasa na nga rin ako. Mabilis lang ang bawat kilos ko dahil ayokong maghintay sa akin si Lenoah nang matagal. Kahit na kasama pa niya ang magaling niyang ama.

Sinukbit ko agad ang backpack ko saka ako lumabas sa locker room. Hinanap ko sa waiting area ang mag-ama at nakita kong masaya na naman silang nag-uusap.

Michael glanced at me pero mabilis lang iyon. Ibinaba niya si Lenoah na dahan-dahan nang lumapit sa akin.

“Babe, sabi po ni Daddy ay may family dinner tayo kasama sina Great Grandpa and Grandma!” he said. Tuwang-tuwa siya na may family dinner kami.

“Are you sure na kasama ako, anak ko?” mahinang tanong ko na sinadya kong si Lenoah lang ang makaririnig.

“Yes po! He said kasama ka, Mommy.” Marahan kong pinisil ang pisngi niya. Hinarap ko si Michael na blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

“Hindi kami makararating ni Lenoah. May naka-appoint na kaming dinner,” walang emosyon na sabi ko.

“With that guy? Sa tingin mo ba ay hahayaan kong sumama si Lenoah sa inyo? Sasama na sa akin ang anak ko at kung gusto mo ay ikaw na lang,” malamig na saad niya. Ang kapal ng mukha.

Tinakpan ko pa ang tainga ni Lenoah at nakaharap din siya sa daddy niya. Ayokong marinig niya ang pinag-aawayan namin ni Michael.

“Wala kang pakialam kung isasama ko ang anak ko, Engineer, and besides. Hindi ako parte ng pamilya niyo para um-attend pa sa family dinner niyo,” I fired back.

“My son.”

“Ask him he want to be with you,” mariin na usal ko pa at tinanggal ko na ang kamay ko sa tainga ng aking anak.

“What is it, babe? Nag-f-fight ba kayo ni Daddy?” inosenteng tanong nito at nahihirapan pa siyang tingalain ako.

“You know that we’re not in good terms, baby,” sagot ko at tumango siya. Naintindihan niya agad ang sitwasyon namin ni Michael. Hindi siya nagtanong o ano pa man. Minsan ay tinanong ko siya kung ano ang opinyon niya sa babaeng kasama ng dad niya. Sa girlfriend nito. Umiling lang siya at walang sinasabi.

Hindi ko mahulaan kung may itinatago ba siya o wala. Na parang pinagtatanggol niya ang kanyang ama at pilit niya lang inililihim. Pero kilala ko naman siya. Ni minsan ay hindi siya naglihim sa akin.

“Come on, son. Uuwi na tayo.”

“I am fine with Mommy, Dad. Uncle Wayne treat us for dinner and sasama po ako sa kanila.” Gusto ko tuloy ngumisi kay Michael. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Sa akin nga sasama ang anak niya at hindi sa kanya. Poor him.

“But we have a family dinner tonight,” giit pa niya.

“We can cancel naman po, kasi marami tayong time, a lot of time na mag-dinner, right? Besides, rude po kapag tatanggihan natin ang invitation ng isang tao. Mabait naman po siya. No worries, Dad. I will take care of my mom,” he said.

“Mickee Lenoah.” Sinamaan ko siya nang tingin dahil may awtoridad na agad sa boses niya.

“Don’t use that tone to my son, Michael,” I warned him. Napabuga siya nang hangin sa bibig at basta na lamang niya akong tinalikuran.

“Take care po, Daddy!” pahabol na sabi ni Lenoah pero sa kalagitnaan nang paglalakad nito ay muli siyang humarap sa amin at bumalik. Yumuko lang siya sa tapat ni Lenoah at hinalikan ang noo nito. Niyakap pa siya nito nang mahigpit at nagbulungan pa saka siya tuluyang umalis.

Tama nga talaga si Ninang Avemn. Ako at ako pa rin ang pipiliin ng anak ko kaysa sa daddy niya. Lumabas na rin naman mula sa labi nito, na hinding-hindi niya ako iiwan.

***

Maxi dress na color blue ang napili kong susuotin ngayon para sa dinner namin ni Wayne. Gusto kong maging formal naman. Si Lenoah ay itim na polo-shirt na naka-tuck in sa white pants niya. Nauna ko na siyang binihisan. Pag-uwi nga namin agad sa hotel ay pinaliguan ko agad siya. Nagbabad pa siya sa bathtub, eh.

I also pick the blazer na same color lang ng dress ko and a pair of white pumps. I put a light make up on my face. Binalikan ko na sa bed namin si Lenoah at hawak na naman niya ang phone ko.

“Mom, look, oh!” he screamed and I sat down beside him. He leaned his body against mine. Ipinakita niya ang picture namin kanina. “Uncle Wayne, he uploaded our pictures on his social media account, and has a hundred thousand likes and shares! Also the comment section but I hate their comments po, babe. Kasi gusto nilang makuha ka sa akin. ’Di ba po ako lang ang little boyfriend mo?” nakangusong tanong niya. Hinalikan ko iyon at natatawang niyakap siya.

“Of course, ikaw lang ang little boyfriend ko wala ng iba,” sabi ko at hinalikan ko pareho ang cheeks niya. “Tara na, babe? Kanina pa yata naghihintay sa atin ang Uncle Wayne mo. May message na siya.” Isinilid ko na sa pouch ko ang phone ko saka ko siya ibinaba mula sa kama.

Magkahawak kamay pa kaming nagtungo sa pintuan at nang buksan ko ito ay bumungad sa amin si Grandma Lorainne.

“Oh, Great Grandma!” masayang bulalas ni Lenoah, bumitaw siya at yumakap sa binti ni Grandma. Nakangiting hinaplos nito ang ulo niya.

“Hello po, Grandma,” I greeted her and approached her too. I kissed her cheek.

“Mukhang may lakad kayong dalawa, ah?” Hala, magtatampo siya kapag may dinner kami na iba ang kasama at hindi kami makapunta sa mansion nila.

“Opo, Grandma,” sagot ko. “Mag-isa lang po ba kayo, Grandma? Hindi po ba ay may family dinner kayo?” I asked her. Kumunot pa ang noo niya at umiling.

“Wala kaming family dinner, apo. At kung mayroon man ay ako pa ang unang mag-iimbita sa ’yo na pumunta sa bahay. Kaya nga ako nandito ay para dalawin kayong mag-ina and I’m alone. Nagpahatid lang ako sa family driver namin.” Napatango ako pero na-confuse rin ako.

Bakit ang sabi ni Michael ay may family dinner sila at invited pa ako? Pero ngayon nga ay si Grandma Lorainne mismo ang nagsabi na wala naman daw. Nagsisinungaling lang ba si Michael para hindi ko isama ang anak ko? Ang lalaking iyon talaga. Hindi naman sasama sa kanya si Lenoah, nagawa pa niyang magsinungaling sa anak niya.

“Pasok ho kayo, Grandma.”

“Pero kung may lakad kayong mag-ina ay sige, next time na lang ako bibisita.” Umiling ako. That was rude. Nandito naman na siya ay bakit ko pa paaalisin?

“Sumama na lamang po kayo sa amin, kung okay sa inyo, Grandma?”

“Ay, sige. Sasama ako,” nakangiting sabi niya. Si Lenoah ay hindi na humiwalay pa sa Great Grandma niya. Malapit agad ang loob niya sa family ng kanyang ama. Maganda iyon para hindi mahirapan ang mga ito na pakisamahan siya. Mabait na bata naman kasi ang baby boy ko.

Katulad nga nang inaasahan ko ay nauna nasa Amor resto si Wayne at napatayo pa siya nang makita niya ang kasama namin. Nakaangkla ang kamay ko sa braso ni Grandma Lorainne. Maganda rin kasi si Grandma kahit may katandaan na.

“Good evening, Wayne. May kasama pala kami,” nakangiting saad ko.

“Good evening too, Novy and to you, Madame.” Humila pa si Wayne ng upuan at inalalayan niya agad makaupo si Grandma.

“Thank you, hijo. Ang gentleman mo naman. Hindi naman siguro ako nakaabala sa inyo, ano?”

“No, it’s alright, Madame at isa pa ho, masaya ako na makilala ang pinakamamahal at magandang asawa ni Don Brill.”

Nagulat din ako dahil kilala pala niya si Grandpa.

“Oh, kilala mo pala ang asawa ko.”

“Yes po.” Pati ako ay pinaghila niya rin ng upuan pagkatapos ko ring alalayan na makaupo si Lenoah.

Kami ang magkatabing nakaupo ni Wayne at nasa tapat ko naman ang anak ko. Si Grandma Lorainne ang katabi niya.

“I am Lorraine Angeles-Brilliantes, hijo.”

“Demetrius Wayne Salvacion po, and a pleasant meeting you, Madame Lorainne.” Hinawakan pa ni Wayne ang palad nito para mahalikan.

“Salvacion, teka lang. May naaalala ako. Oh, naalala ko na! Ang iyong ama ay ang nagmamay-ari pala ng isang manufacturing company. Anak ka ni Warden Salvacion and Deniece Cornejo. Natutuwa rin akong makilala ka. Magkaibigan ang asawa ko at ang iyong ama.” What a small world nga naman. Sabagay kilala ang Brilliantes clan. Malaki ang firm nila at nagmula sila sa mayaman na angkan.

Pinaubaya namin kay Wayne ang pag-order ng pagkain namin at busy na silang nag-uusap.

Kanina nang sabihin ko na may dinner kami kasama ng isang lalaki ay hindi ko man lang nakitaan nang gulat si Grandma o hindi siya nagalit. Kasi boto pa naman siya sa amin ng apo niya at alam ko na hindi magandang idea ang makipagkita sa ibang babae gayong may anak na rin ako.

Ngunit wala akong nakitang panghuhusga sa mga mata niya. Sa halip ay masaya pa siya para sa akin. Tunay nga na mabait siya at napakasuwerte ni Grandpa sa kanya.

“Ay oo ba, hijo! Welcome na welcome ka roon sa subdivision namin. Any time ay pumunta ka roon. Mainit ka naming tatanggapin.” Nasabi kasi ni Wayne na wala ni isang tao or outsider ang nakapasok sa subdivision kasi exclusive lang iyon para sa mga Brilliantes.

Nalaman din niya na dati ay ang malaking mansion lang ng grandparents ni Michael ang nakatayo roon pero simula rin noong nagkapamilya na ang mga anak at apo niya ay marami ng bahay ang nakatirik doon. Hindi lang basta-basta na bahay. Ang gaganda nga ng mga ito.

“Ayos lang po kung isa-isa kong kuhanan ng litrato ang mga mansion niyo roon? Balita ko po kasi ay hindi pa iyon nakikita ng karamihan. Curious lang po ako.”

“Hindi naman kami pribado, sadyang wala lang nagtatangkang pumasok roon kasi alam nila na exclusive para sa amin ang subdivision and yes, ni minsan ay hindi pa na-feature sa kahit na ano’ng publishing house or magazine ang mga bahay sa subdivision namin,” paliwanag ni Grandma.

“Wow, thanks in advance na po, Madame. Mabuti na lamang po ay sumama kayo kina Novy at Lenoah. Masuwerte nga ho ako ngayon,” nakangiting saad naman ni Wayne.

Masaya ang dinner namin kasi may pahabol pang masasarap na dessert. Si Wayne ang nagbayad ng mga food namin. Nabusog ako at gayon din ang little boyfriend ko.

“Thank you sa treat, Wayne. Sa uulitin, ha?” pabirong sabi ko na ikinatawa niya.

“Sure, kaya kailangan ko na ring i-schedule ang pagpunta ko sa subdivision ng Brilliantes para may pera ulit ako.” Grandma laughed with his remarks. Napaka-transparent niya.

Nasa labas na kami ng resto at malamig na rin ang simoy ng hangin. Gabi na kasi at napasarap pa ang kuwentuhan namin kaya umabot kami sa 9PM. Hindi na namin namalayan pa ang oras. Pero nakapagtataka lang na hindi nakatulog si Lenoah.

Mapupungay na nga ang eyes niya at halatang inaantok na rin pala. Pinangko ko na siya and he rested his head on my shoulder. Tumama pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko kasi nakaharap naman sa akin ang mukha niya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo niya.

“Naku, inaantok na rin pala ang apo ko,” komento ni Grandma.

“Ihahatid ko na po kayo, Madame.”

“Ay tawagin mo na lang akong Grandma. Kanina ka pa.” Pareho kaming natawa ni Wayne. Hinintay namin ang kotse niya pero may dalawang kotse na agad ang pumarada sa tapat ng exit ng resto. Pamilyar ang isa. “Oh, hindi na pala kailangan, Wayne. Nandito na ang asawa ko.”

Bumaba pa si Grandpa at binuksan ang pintuan sa backseat. Pero bago roon ay magiliw pa silang nagbatian.

“Good evening po, Don Brill.” Bahagya pang yumuko ang kasama naming photographer.

“Good evening din sa ’yo, hijo. Namumukhaan kita,” sabi niya at malapad na ngumiti. “Kilala nga kita.”

“Nice meeting you here po, Don Brill.”

“Likewise. Sino pala ang ka-date mo? My lovely wife or my great grandson’s beautiful mother?” nakangising tanong pa ni Grandpa. Napailing tuloy ang wife niya.

“Hala, wala po. Nilibre ko lang po sila ng dinner,” nahihiyang sagot nito.

“Well, kung ako naman ang papipiliin. Hindi na puwede ang asawa ko pero puwede si Novy. She’s still single.”

“Grandpa, umuwi na rin po kayo. Gabi na,” sabat naman ni Michael. He guided his grandmother to get up to the car before his grandfather.

“See you next time, Wayne,” ani Grandma. “Mag-iingat din kayo, apo,” sabi naman nito sa akin at ngumiti lang ako. Mahimbing na rin yata ang tulog ni Lenoah kaya bumibigat na siya.

“Novy—” Bago pa matapos ni Wayne ang sasabihin niya sana nang lumapit na si Michael.

Maingat niyang kinuha sa akin ang anak niya. Humigpit pa ang braso nito sa leeg ko kaya nahirapan siyang buhatin ito. He groaned too at papaluin na sana siya nito nang nabitin sa ere kasi tinawag niya ang pangalan nito.

“Lenoah. We’re going home, anak...”

“Uhm, D-Daddy?”

Nakuha na rin naman niya ito at basta na lamang siyang naglakad patungo sa kotse niya. Binalingan ko si Wayne. Tahimik na siyang nagmamasid.

“Sasama ka na ba sa mag-ama mo o ihahatid na lamang kita, Novy?” tanong niya na magandang offer iyon. Ayoko muna kasing makasama si Michael. Nag-iisip pa ako sa plano ko kung paano ko siya makukuha ulit.

Tumango ako at humawak na siya sa siko ko nang magsalita na naman si Michael.

“Let’s go home, Novy.” Kinilabutan pa ako sa lamig ng boses niya. Nakabukas na ang pintuan sa passenger’s seat.

“Kay Wayne—”

“I said let’s go home.”

“Sige na. Novy, sumama ka na. Alam kong pagod ka na rin. Nag-p-practice ka kanina. You need to rest. So... See you tomorrow?”

“Pupunta ka ulit bukas?” namamanghang tanong ko.

“Of course, kampi ako sa team mo.”

“Wow—” Malakas na tumikhim si Michael. “See you tomorrow then, Wayne. Ingat ka sa pagmamaneho mo,” ani ko at kumaway pa ako.

Ang lakas-lakas nang kabig sa dibdib ko nang naglalakad na ako. Matiim at malamig ang titig sa ’kin ni Michael pero binalewala ko na lamang iyon.

Nang makasakay na nga ako ay marahan pa niyang isinara ang pinto. Dahil iyon kay Lenoah. I know kapag hindi namin ito kasama ay baka malakas niyang isasara ito. Nakikita ko kasi ang galit na galit niyang mga kamao na naglalabasan na rin ang mga ugat nito.

Umikot din siya sa driver’s seat at ibinaba ko ang bintana para makita ko pa sa labas si Wayne. Paano kasi nasa labas pa siya. Ngumiti ako at kumaway pero bigla na lamang nagsara ang bintana. Nang subukan kong buksan ay naka-lock na ito.

Tang-ina ng engineer na ito. Kanina pa siya!

Sa halip na punahin pa siya, I just check my son sa backseat. Nasa likuran ko rin ito. Nakapikit na siya at nakasandal sa headrest. May seatbelt na rin.

“Are you okay there, my boy?” I asked him. Mabilis pa siyang napadilat na parang nagulat sa boses ko pero ngumiti siya kalaunan at napahikab.

“I am good, babe,” sagot nito at muling pumikit.

Pinaandar na rin ni Michael ang kotse niya at hindi na ako kumibo pa. Wala na rin naman siyang sinabi pa at hindi ko rin naman siya papansinin pa.

Wait a minute. Paano naman nila nalaman ang restaurant na pinuntahan namin at nasundo nila agad kami? Wala naman kaming pinagsabihan, ah?

Parang sinadya rin kasi ’sakto ang paglabas namin at pagdating nila ng lolo niya. Napaayos naman ako nang upo nang makita ko ang daan na hindi ito papunta sa hotel.

Saan naman kami pupunta?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top