CHAPTER 59
Chapter 59: Rejection
SI GRANDPA Don Brill na nakatalikod ang una kong nakita pagkapasok ko sa receiving room ng mansion ng parents ni Michael. Pero nang lumingon siya sa right side niya ay nakita ko naman ang paglalakad ni Grandma Lorainne.
“Matagal pa ba ang mga bata, mahal ko?” narinig kong tanong ni Grandma. Nakasunod din sa kanya si Tita Jina na may dalang tray. Hindi agad ako kumilos at pinapanood ko lamang sila.
Ibinaba na rin ni tita ang dala niya sa center table at mula sa hagdanan ay kasalukuyan namang bumaba si Tito M at siya ang unang nakapansin sa arrival ko.
“Novy, hija?” tawag niya at nagmamadali na rin siyang makababa para salubungin ako. Nakuha ko na ang lahat nang atensyon nila at nanlaki ang mga mata ng dalawang ginang.
“Oh, my God! Nandiyan ka na pala, apo!” Malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Grandma. Nadagdagan man ang katandaan niya ay maganda pa rin naman siya. Halatang-halata pa rin ang kagandahan niyang taglay.
Nag-iinit pa ang sulok ng mga mata ko nang humakbang na rin ako at sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap. Hagod at haplos sa likuran ko ang ginawa niya.
“I missed you po, Grandma,” I told her at umabot pa sa buhok ko ang paghaplos niya. Napapikit ako sa dinama ko ang masarap na pakiramdam habang nasa mga bisig niya ako. Mula sa sulok ng mga mata ko ay lumapit na rin sina Tita Jina, Grandpa at Tito M.
Bahagyang kumalas mula sa aming pagkakayakap si Grandma at hinawakan niya ang mukha ko. Pinunasan pa niya ang mga luha ko.
“Miss na miss din kita, hija. Masaya akong makita ka ulit, apo. Ngunit... nagsisimula pa lamang ang tadhana.” Hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin na nagsisimula pa lamang daw ang tadhana.
“Ano po ’yon, Grandma?” I asked her. Gusto kong maintindihan ang sinasabi niya. Parang kinikilabutan kasi ako, eh. Kakaiba ang hatid no’n.
“Subukan mo... Subukan mong huwag dumaan sa may hagdanan, please?”
“Po?” Namimilog pa ang mga mata ko. Magtatanong pa sana ako nang lumapit na rin si Grandpa at nakayakap sa akin.
Sa sobrang tuwa ko ay parang lumilipad na ako sa itaas at dinuduyan ng ulap. Naghahanda sila ng drinks. Pinakisamahan ko naman nang maayos si Tita Jina at pilit kong kinalimutan na involved siya noon sa break up namin ng anak niya.
Ngunit nararamdaman ko na nahihiya pa rin siya, na kahit ang tingnan man lang ako ay hindi iyon nagtatagal.
“Tita, let’s forget about the past. We’re fine na po now, right?” Nagpupunas pa ng mga luha si Tita Jina at tumango na rin siya. Napangiti ako.
“Thank you, hija. Hindi ko lang maiwasan ang malungkot sa nangyari,” pag-amin niya. Ayokong makaramdam pa siya ng guilt kasi matagal na iyon.
“Tita, may apo na po kayo ngayon ni Tito M. Sa halip na alalahanin pa ho ang nangyari sa nakaraan ay bakit hindi na lamang tayo magsimula sa umpisa?” suggest ko na may ngiti pa sa mga labi ko.
“Napakabait mong bata. Nagsisisi tuloy ako sa mga maling desisyon ko,” aniya.
“Nandito ka na pala, Novy.”
“Where is Lenoah, by the way?” Kuya Markus and the twins, kanya-kanyang pagsulpot naman sila at umupo sa mahabang sofa nila.
“He’s with his father. Nasa labas silang dalawa,” sagot ko sa mga tanong nila.
“Si Michael?” tanong ni Tito M na tinanguan ko at tiningnan ko ang mga kuya ni Michael. May kulang sa kanila.
“Hinintay namin ang pagdating niyo, Novy. So, we’re all free today para salubungin ka,” Kuya Markin said at tumango naman ang kakambal niya. Yes, makikilala ko na sa kanilang dalawa kung sino si Markin at si Mergus.
“Kung ganoon po... Nasaan si Miko? At si Mikael?” tanong ko. Gusto ko ring ipakilala sa kanila ang pamangkin nila.
Nang tingnan ko si Kuya Markus ay tumingin lang siya sa ibang direction, ganoon din ang ginawa ni Kuya Markin. Si Mergus ay yumuko lamang siya.
Napatakip naman sa bibig niya si Tita Jina. Ang mga luha niya ay tumutulo na naman. Wala ring kibo ang dalawang nakatatandang lalaki at si Grandma. Hindi ko siya nakikitaan na parang malungkot dahil nakangiti siya.
“Well, you can still visit them, hija. Sasamahan kita,” aniya.
“Saan po? Busy po ba sila or nasa ibang bansa na rin?” nagtatakang tanong ko. Kasi bakit nga ba ako bibisita pa kung puwede naman kaming magkita ngayon? Unless nga kung wala sila rito at nasa other country na. Or busy sila sa work nila?
Tumayo si Grandma at dahil kami ang magkatabing nakaupo ay nagawa niyang hilahin ako upang makatayo na rin. Nagpatianod naman ako.
Walang imik kaming naglakad sa kung saan. Nasa isang pasilyo ng mansion at tumigil kami sa isang lugar na makikita ang magandang garden nila sa ibaba.
Magtatagal pa sana roon ang aking tingin nang dumapo ito sa pader, kung saan na makikita ko ang dalawang malaking portrait ng dalawang taong hinahanap ko.
Ang unang makikita ay ang nakangiting mukha ni Miko, na makikita rin ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Kasunod ay ang seryosong mukha ng kapatid niyang si Mikael.
“Sina Miko at Mikael, nasa maayos na silang kalagayan, apo,” walang pag-aalinlangan na saad ni Grandma.
“Nasa maayos nang kalaga—G-Grandma...” I stepped towards the wall kasi may nakita akong pangalan sa litrato nila.
Engr. Miko S. Brillantes
Born on: November 28, 19**
Died on: April 7, 2022
Napahawak ako sa table para kumuha nang balanse dahil pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko sa sahig. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.
“P-Panong... Paano naman itong nangyari, Grandma? I-Imposible naman po ito...” Ilang beses akong umiling at nagawa ko pang sampalin nang mahina ang pisngi ko at lumipat sa litrato ng bunso nila ang mga mata ko.
Engr. Mikael S. Brilliantes
Born on: December 10, 19**
Died on: June 15, 2022
Doon na nagsunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Ilang buwan lang ang lumipas ay sumunod ang nakababatang kapatid niya. Napapikit ako at muli akong dinala sa mga alaala ni Miko.
“Kuya Michael! Anak talaga ng pusa—whoa... May kasama ka palang magandang babae, Kuya? Sino siya?”
“A-Ano ulit ang pangalan ng pusa mo?”
“Ay, Novy. Ang kulit mo talaga. Nandiyan na ang Daddy mo. Siya na ang mag-aalaga sa ’yo simula ngayon. Kasi ayoko na sa ’yo.”
“Uhm, ano iyon, Miss?”
“Hay naku, Miko. Doon ka muna sa labas.”
“No, Dad. Magpapakilala muna ako sa magandang babae na kasama ni Kuya Michael.”
“Hi, I’m Miko S. Brilliantes. Nice to meet you, Miss?”
“I’m... N-Novy Marie V. Bongon. Nice to meet you rin.”
“Wow, Novy. Galing pala sa ’yo ang pangalan ng alagang pusa dati nina Kuya Mergus at May Ann. Halatang gusto ka nga ng bagong may-ari nito kaya pinangalanan niya rin itong ‘Novy’. Para siguro palagi ka niyang maalala.”
“Masaya rin akong makilala ka, Novy. Ako ang pinakaguwapo sa aming magkakapatid kaya kilalanin mo ako at tandaan palagi, ha? Dahil magtatampo ako sa ’yo.”
Alam kong sa maikling panahon ko lamang nakasama si Miko pero tinuring ko na rin siya na parang isang nakababatang kapatid. But hindi ko naman inaasahan na ito ang maabutan ko. Ang pagkawala niya?
Nag-j-joke lang ba ang tadhana? O isang panaginip lamang ito? Na hindi totoo? Imposible naman ang mga bagay na ito.
Kahit ilang beses kong sampalin ang sarili ko ay totoong nangyayari nga ito. Nakita ko na rin mismo ang mga litrato ng dalawang taong mahalaga sa buhay ni Michael. His little siblings.
“Pareho silang naaksidente. Nauna lang ang aking apo na si Miko, hija... Nang malaman din ng lahat ang sekreto ng pamilya namin ay ang bunso mismo namin ang sumunod.” Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagkawala nang hikbi.
Napakabata pa nila... Sobrang bata pa nila para bawian agad sila nang buhay. Ni hindi pa yata nila na-i-enjoy ang buhay na mayroon sila. Sobrang ikli naman...
“G-Grandma... Isa po si Miko ang gusto kong makilala niya ang pamangkin niya... Paano Pong nangyari... Oh, my God...” Tila isang kutsilyo na bumaon sa dibdib ko ang katotohanan na wala na nga talaga si Miko. Si Miko na isang Brilliantes na pinakamabait na nakilala ko at sa unang meet-up lang namin ay nakuha niya agad ang loob ko.
“Mommy...” Pinunasan ko ang mga luha ko at nilingon ko si Lenoah na nag-aalalang tumingin sa akin. Nasa likuran niya ang daddy niya.
Binuhat ko siya at napatitig ako sa mapupungay niyang mga mata. Ang pilik-mata niya ay basang-basa, ang mga mata niyang namumula. Tanda na kagagaling niya rin mula sa pag-iyak.
Iniharap ko siya sa dalawang portrait. “Meet your Uncle Miko and...”
“Aunt Mikael,” dugtong ni Michael at tumabi pa siya sa amin. I smiled bitterly.
***
Masaya ako na muli kong nakita at nakasama ang pamilya ng lalaking mahal ko pero siya ay nararamdaman ko na mahirap na siyang habulin pa. Ang buong atensyon niya ay na kay Lenoah lang. Nakaupo rin siya malayo sa akin.
Si Grandma at ang kanyang ina mismo ang katabi kong nakaupo. Si Grandpa ang higit kong kakuwentuhan. Kahit ang sulyapan man lang ako ni Michael ay hindi niya ginagawa. Umabot din hanggang dinner time at hindi niya nga talaga ako pinapansin pa.
I want to talk to him alone. Gusto ko kasing malaman kung gusto niya rin ba na makipagbalikan siya sa akin. Alam kong tunog desperado but I want to fix everything between us. If bibigyan niya rin ng chance ang sarili namin.
Hindi ako magiging demanding, pipigilan ko ang sarili ko na magselos at hinding-hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon. Gagawin ko na ring first priority ang family namin.
“Michael.” When I uttered his name ay hindi niya iyon narinig kung hindi lang siya siniko ng Kuya Mergus niya.
“Novy was calling you,” he said at doon lang siya napatingin.
“Puwede ba kitang makausap?” He didn’t say anything. Inilipat niya lang sa mga kapatid niya ang aming mga anak at sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya. So, I did.
Dinala niya ako sa garden nila. Maliwanag ito dahil sa dami ng crystal lights and isama mo pa ang sinag ng buwan. Malamig ang simoy ng hangin at magaan sa pakiramdam.
Ilang minutong naghari ang katahimikan sa pagitan namin na parang pinapakiramdaman din namin ang paligid. Naririnig ko ang kalmado niyang paghinga, na salungat naman nito nang dibdib kong bayolenteng nagtaas-baba dahil sa lakas nang kabog nito.
He cleared his throat. “You did well, Novy.” Ilang dangkal din ang layo namin. Pinili ko rin naman kasi iyon. Ang dalawang kamay niya ay nakasuksok sa pantalon niya. Hawak ko naman ang dress ko na parang doon naman ako kumukuha nang lakas ng loob na harapin at kausapin siya nang kami lang sa isang lugar. “Lumaki ng matalino, may galang, mabait at maalalahanin ang anak natin.”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at parang maiiyak ako sa sobrang saya at tuwa sa narinig ko mula sa kanya. Malaking bagay talaga ang opinyon niya for me.
“Kilala mo ako, Michael. Lumaki ako na walang kalinga ng parents ko. Ang tita ko mismo ang nagpalaki sa ’kin. Walang ina at ama ang gumagabay habang nagkakaisip ako. Kaya bilang isa ring ina ay wala akong hindi kayang gawin for Lenoah. I want the best for him. Ayokong maging katulad niya ako na may pagkukulang sa pagkatao niya. Pinakamahalaga sa akin ang kanyang opinyon,” mahabang sambit ko at may tumulo pang mga luha.
“I’m sorry kung wala ako sa mga panahon na kailangan mo ng isang taong... dadamay sa ’yo sa lahat nang paghihirap mo.” I bit my lower lip again. Bakit wala man lang akong maramdaman na sincere siya sa apology niya?
“I used to be, Michael...” sabi ko na lamang. Humugot ako nang malalim na hininga. Kailangan ko na siyang tanungin tungkol dito. It’s now or never. “Michael, we can fix everything, right?” I asked him and tiningnan ko na rin siya na nasa buwan ang pansin.
“Everything like what?” casual na tanong niya lamang.
“About us, Michael,” diretsong sagot ko and his eyes shifted to my direction.
“About us?” he asked na parang hindi pa sigurado.
“Our relationship. Can we start over again, Michael?” Nanginig pa ang kamay ko at magkadaop na ang mga ito. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. “Take me back, Michael and let’s fix everything, including our relationship. Magsimula tayo just for our son, please? Bilang isang pamilya,” I added.
“I can’t, Novy. I can’t and we can’t back together again.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top