CHAPTER 57

Chapter 57: Meeting him

UMABOT hanggang gabi ang pakikipag-chitchat namin ng pinsan ko, si Devillaine at nakipagkulitan din ang mga bubwit. Sa sobrang tuwa na nagkita at nagkasama na sila ay ayaw na rin yata nilang matulog, kahit ang maghiwalay. Palaging nakadikit sa isa’t isa.

Pero sila pa rin naman ang sumuko at nakatulog na sa sofa. Ako na mismo ang nagbuhat kay Lenoah at maingat ko siyang inihiga sa bed namin. Kinumutan ko siya at ginawaran ng halik sa noo.

“Good night, babe.” I kissed his lips before I got off from the bed.

Inayos ko na muna ang mga damit namin—inilabas sa suitcase at hinanda ko na rin ang susuotin niya para bukas. Jumpsuit at puting t-shirt. Black beanie ang sumbrero niya and black sneakers with white socks.

“Novy, coz?” I looked at the door when I heard my cousin’s voice.

“Come on in, Devi,” pag-aaya ko at nilapitan na siya. Naka-cross arms nang silipin niya ang mahimbing na natutulog niyang pamangkin sa queen-size bed namin. Tumataas ang sulok ng mga labi niya.

“His face, it’s obvious na mukha ng isang Brilliantes and he came from that clan. Kuhang-kuha ang physical features ng daddy niya,” she commented and I agree to that. Walang duda. You can’t deny who is the father.

“Sa tingin mo kung ano ang nakuha niya sa akin, Devi? Parang wala kasi, eh,” sabi ko at napailing. Mahinang humalakhak siya.

“His eyes.”

“Oh, muntik ko na ring makalimutan. Pero mas malaki ang similarity nila ng daddy niya, eh,” wika ko.

“May idea na nga rin ako sa magiging hitsura niya kapag binata na siya.” Nalukot ang face ko sa komento niya. Parang hindi ko pa iyon kaya. Kasi kapag binata na siya ay aasahan mo na rin ang pagkakaroon niya ng girlfriend and bubuo na ng pamilya. Hala, ayaw ko pa!

“Ayaw ko. Gusto kong ganyan lang ang baby ko. Hindi pa ako ready sa mabilis niyang paglaki at dapat ako lang ang girlfriend niya” ani ko at umupo ako sa edge ng kama.

“Grabe, kakaiba talaga kayong mag-ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang turingan niyo,” naiiling na saad niya.

“Well, he’s my first ever best friend, eh. He’s also my boy so basically boyfriend ko siya,” sabi ko.

“Ewan ko sa inyong mag-ina. Weirdo. Anyway, I heard from my little brother na bukas mo na raw ipakikilala si Lenoah kay Engineer Michael. Ayos lang sa ’yo, Novy? Handa ka na bang makita ulit ang ex mo?” tanong niya na may bahid na concern. She knew what I have been through.

“May pangamba man pero kailangan kong gawin ito. Gusto rin naman iyon ng pamangkin mo. Ang makilala na niya ang kanyang daddy. Maayos naman ang break-up namin ni Michael day, may closure naman kami at para kay Lenoah ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong ibigay sa baby ko ang lahat ng makakaya ko.”

“I doubt it, wala yata na hindi mo kayang gawin for your son. Even your own heart ay kaya mong i-risk,” seryosong sabi niya, “And being a mother ay alam ko kung bakit. I understand your situation, coz. Okay, ikaw na ang bahala. Sana lang ay maayos niyo iyan, ha?” Tumango ako kahit walang kasiguraduhan if may maayos na relasyon ba ang mangyayari.

Just like what I said, para kay Lenoah ay i-r-risk ko mismo ang trust at tiwala ko.

***

KINABUKASAN ay naninibago siya paggising niya. Pinangko ko siya at kinusot-kusot pa niya ang eyes niya. Magulo ang hair niya pero guwapo pa rin naman siya. Namumula ang cheeks and tainga niya. Nang makababa ako sa bed na buhat-buhat siya ay dumiretso ako sa veranda ng penthouse ko.

Sinadya kong arawan ang balat ni Lenoah at agad siyang nag-react nang tumama na sa amin ang sikat ng araw.

“Babe, what was that?!” he said hysterical. I laughed so loud.

Baby blue ang pajamas niya at nang makita niya kung ano ang mainit na humahalik sa balat niya ay ngumiwi siya at tinakpan ng maliit niyang palad ang mukha niya. Napanguso pa siya. Hindi siya sanay sa init kaya alam kong pati ang katawan niya ay mag-r-react din.

“It’s haring araw, babe. Para masanay ka sa init ng araw kapag lalabas na tayo,” paliwanag ko at hinalikan ko ang leeg niya.

“I don’t want to get sunburn, Mom,” mahinang saad niya. May kaartehan din pala siya sa katawan niya. Ayaw niyang masunog ang maputing balat niya. Nakuha niya ito sa daddy niya at ang skin ko at bumalik din sa dati nitong kulay. Nang bumalik din naman ako sa passion ko.

“Hindi ’yan, anak ko. Kailangan mong masanay. Maski ang mga engineer ay babad din sila sa tirik na tirik na araw para lang makapagtayo sila ng building,” my explanation.

“It’s so hot po,” mahinang reklamo pa niya.

“Vitamins ito sa umaga, babe. Pero higit itong mainit mayamaya.”

“Oh, my God!” sigaw niya na namimilog ang mga mata. Lumapit ako sa railing at ipinakita ko sa kanya ang nasa baba. Malamig din naman ang simoy ng hangin, hindi lang siya sanay kapag ganito ang klima ng panahon. “This is amazing, Mom! Wow!” Nakanganga pa siya habang pinagmamasdan ang paligid.

“Glad you like it, Lenoah.” Humawak siya sa railing pero nang makita pa niya ang nasa baba ay humigpit ang yakap niya sa leeg ko at napabitaw siya sa railing.

“Uhm, let’s get our here na po, Mommy,” aniya. Natakot yata siya sa mataas na palapag na ito. I can’t blame my son.

“Yes po.”

***

KASABAY naming kumain sina Tita at ang family niya. After that ay pinaliguan ko na rin ang baby boy ko. Nagpaalam na rin ako kay Coach Calym na ipapasyal ko lang ang anak ko. Naintindihan naman niya agad ako kasi may hinala na siya. May one day rest muna kasi kami bago ang final practice sa gym. Na-contact ko na rin si Coach Avemn at welcome na welcome pa raw kami sa gym.

Dumiretso na kami ni Lenoah sa company ng daddy niya. Dala ko ang hummer na binili ng mga kapatid ko. Maayos naman siya at gumagana pa.

Hindi ito sa main firm ng Brilliantes clan, kaya ko alam ang exact office ni Michael and kung ano’ng floor iyon. May kanya-kanya na silang company.

Inalalayan kong makababa mula sa kotse ko si Lenoah. Wrapped knee-length white dress ang suot ko and white ankle boots. Hindi ako nag-heels kasi madalas kong binubuhat ang baby boy na kasama ko. Ayoko namang mahirapan na maglakad habang karga-karga ko siya.

“Wow. This is...”

“Company ng daddy mo, babe,” dugtong ko.

“Here we come, Daddy!” sigaw niya kaya napatingin sa kanya ang mga taong dumadaan.

Siguro dahil ito sa anak ko, na may lakas nang loob akong makita at makaharap ko ulit si Michael. Ginagawa ko nga ito for our son. Dahil kung hindi ay wala sana ako rito. Sa nangyari na break-up namin at sa sinabi ko na huling araw naming pagkikita ay hindi ko na iisipin pa at paghahandaan pa ang magtagpo ulit ang aming mga landas.

Nagtanong kami sa information desk at akala ko ay madali lang makipag-meet sa boss nila pero hindi. Kailangan pa raw namin mag-set ng appointment para lang makausap namin si Michael. Ganoon na siya ka-busy person. Hindi mo siya basta-basta makauusap kapag wala kayong appointment.

“Can I just have his exact floor, Miss?” I asked her politely. Tumaas lang ang kilay niya.

“I’m sorry, Ma’am. Hindi po talaga puwede. Isa iyon sa rule ng company namin. Kailangan niyo pong mag-set ng appointment para makausap si Engineer Michael sa personal. Marami po siyang projects na hinahawakan ngayon at abala po talaga siya,” paliwanag niya. Ang naisip ko lang ay hintayin na lamang ito at bantayan ang exit.

May lobby naman ito kaya naghintay na kami ro’n ni Lenoah. Kahit may mga empleyado ang napapatingin sa gawi namin ay hindi ko na pinansin pa ito. Kahapon lang ang dating namin at ipinagpasalamat ko na wala pang reporter ang naligaw rito.

Nalibang naman si Lenoah sa mga batang naglalaro rin sa lobby at nawala sa isip niya ang paghihintay namin. Pero ako hindi. Maiksi lang ang pasensiya ko.

“Babe, bumalik na lamang tayo bukas. Busy yata ang daddy mo, anak.” Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sa halip nga ay tinanong pa ako kung okay lang ba ako. Paano ba naman kasi hindi na maipinta pa ang mukha ko. Inis na inis na ako.

I approached the girl again. Nag-iwan ako ng information tungkol sa akin at nagpa-set na rin kami ng appointment.

Tatawag na lamang daw sila o mag-e-email kung kailan kami magkakaroon ng schedule.

“Rest assured po na mabibigyan ka namin ng update,” she said. Tumango na lamang ako at naglakad na kami palabas.

“Mamasyal na lamang tayo, my boy?”

“Sure po, Mom!”

Ganoon na nga ang nangyari. Ipinasyal ko siya pero sinigurado ko sa maraming tao para hindi kami makilala ng mga media. Masisira ang araw ng aking anak kapag may susulpot na naman.

Hapon na rin noong bumalik kami sa hotel at pagod na pagod na ang bibong little boyfie ko. Nang maramdaman nga niya ang malambot na kama ay nakatulog agad siya.

May contact number pa ako ni Michael. Ibang phone na ang gamit ko and simcard. I’m not sure lang if same pa rin ang number niya or gamit pa niya ito ngayon. Maybe hindi pa ngayon ang nakatakdang oras na magkita sila.

***

Sa unang araw ng practice. Iniwan ko si Lenoah kay Tita Mommy. He didn’t force himself na sumama sa akin. Dahil may playmate naman na siya.

Mainit kaming tinanggap ng team ni Coach Avemn. Kahit nagkikita naman kami ng ninang ko ay naiyak pa rin siya nang makita na ulit ako.

“Akala ko dati ay hindi ka magiging coach. Kasi sinabi mo noon na hindi mo sila kayang i-handle. Na maiksi rin ang pasensiya mo.” Nakaupo na kami ngayon sa plastic chair. Ang co-coach ko ang naging referee sa mga trainee namin.

“Akala ko rin po, Ninang,” ani ko.

“May single-competition din ang magaganap, Novy. Gusto mong subukan?”

“Ninang, kadarating ko lang po. Baka sabihin ng mga tao na ano,” nakangusong saad ko na ikinatawa niya lamang. Na feeling magaling na naman ako.

“Magandang idea naman iyon, Novy. Kababalik mo lang sa bansa at sasabak ka agad sa kompetisyon. So?” Napaisip naman ako sa ideyang iyon. May point naman si Ninang Avemn. “Nalungkot nga ang mga fans mo nang nawala ka na lamang bigla sa tennis world natin. Give yourself a chance para maibalik ang titulong reyna ng tennis,” sabi pa niya. Natawa ako.

“Reyna ng tennis?” kunot-noong tanong ko. Ngayon ko lang yata nalaman iyon, ah.

“Role model ka ng tennis world, Novy. Alam mo ba may kumuha na rin ng posisyon mo?”

“Po?” nalilitong tanong ko at may itinuro siya sa kung saan.

“Si Kalezy Carmencita. She’s one of the famous tennis player and na parangalan siyang Queen of the Tennis Player of the year. Two years pa siya sa larangan na iyan pero dahil isa rin siyang model ay mas naging sikat siya at matunog ang pangalan. Ayoko sanang ikompara kayo sa isa’t isa dahil alaga ko kayo pareho but.” She sighed. Sakit ng ulo kaya kay Ninang Avemn si Kalezy Carmencita? Base pa lang sa pagkukuwento niya.

“But?” I asked. I can’t wait to know about that tennis player.

“Halos kaedad mo lang siya, Novy. Iba’t ibang artista, businessman na ang nali-link sa pangalan niya but she told me na taken na raw siya. Private lang ang relationship nila kasi kagustuhan daw iyon ng boyfriend niya. Marriage proposal na raw ang kulang pero hindi pa naman iyon naibalita. So, marami pa rin siyang manliligaw. Unlike you dati na ni-r-reject ang mga suitor mo. Ngunit siya ay binibigyan niya ng schedule. Hindi na maiwasan ng mga taong i-compare ka towards her,” her stated. I shrugged my shoulders.

“Well, she deserve naman po yata, Ninang? Nasa puso ko pa rin po ang pagiging athlete ko pero hindi na ako nag-i-expect pa ng maraming audience or fans sa pagbabalik ko. Kontento na po ako sa little boyfriend ko,” nakangiting sabi ko. She caressed my back.

“But until now ay humahanga pa rin naman ako sa kakayahan mo.” Lumambot ang face expressions ng ninang ko.

“I don’t want to accept your invitation, Ninang. Mamaya niyan ay ma-trigger ko ang alaga mo at ma-bash ako ng mga fans mo. Na ang feeling na magaling si Novy Marie ay nagbalik sa bansa and baka matalo po ako. Wala naman sa akin iyon, parte na sa buhay natin ang pagkatalo at hindi sa lahat ng oras ay pinagbibigyan tayo ng tadhana,” mahabang usal ko.

“Nope. Pag-isipan mo iyan nang mabuti, hija.” Tumango lamang ako. Ewan ko lang kung kaya kong labanan ang alaga ni Ninang Avemn. Two years din kasi noong sinubukan kong bumalik sa tennis world.

I didn’t meet Kalezy Carmencita that day. Buong maghapon kami sa gym at focus na focus sa practice namin. Tumatawag ako sa hotel to check my son if ano na ang ginagawa niya.

Even though naging busy siya sa pakikipaglaro ay kinulit niya rin pala ang Mama Nov niya na tawagan ako para lang din kumustahin ang araw ko.

Five days na kami sa Philippines at ni minsan ay hindi ko pa nadadala sa gym si Lenoah and today. Siya na rin mismo ang nagkusang sasama sa ’kin.

Navy green polo shirt and naka-tuck in sa partner na color niya ang shorts niya. Mahaba ang medyas niya at pareho ang suot naming sneakers. White ulit.

Same color din ang sumbrero niya na binili ni Tita Mommy, and speaking of that appointment ay hanggang ngayon ay wala pa rin akong update. Naisip ko na lamang na baka marami siyang appointment, sa mga clients niya and etcetera. Kailan naman kaya siya magiging available?

Si Lenoah kahit walang sinasabi or hindi siya nagtatanong, alam kong naghihintay lang siya sa sasabihin ko kung kailan namin makikita ang daddy niya. Ako na nga ang naaawa.

I wore my dark green three-fourths t-shirt na fitted sa katawan ko and loose white pants naman. Nagpapalit din naman ako ng shorts and jersey.

“Stay here, babe. Magpapalit lang ng damit si Mommy,” paalam ko. Itinuro ko pa sa kanya si Ninang Avemn. “Lapitan mo lang si Ninang.”

“Go ahead, babe!” I let out a short laugh. I kissed his temple and saka ko siya iniwan doon na nakaupo na sa plastic chair. I know naman na hindi siya aakyat sa bleachers para lang maghagdan-hagdan dito.

Nakasukbit sa balikat ko ang backpack ko. Aakyat pa ako sa itaas kasi nandoon ang locker. Sa paglalakad ko ay may bigla na lamang humaklit sa braso ko. I groaned in pain when he pinned me on cold wall.

Parang may bumara pa sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga kasi iyong braso niya ay nasa dibdib ko. Sa higpit no’n ay talagang mahihirapan akong huminga. Hinawakan ko ang braso niya at pinilit kong tanggalin ito.

“What the fvck?! I can’t fvcking breath! Get the fvcking get off me!” asik ko sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang face ng lalaki. Nagtagpo ang mga mata namin at ang lamig din ng eyes niya. Blangko ang emosyon niya. Pinakawalan naman niya ako at habol-habol ko ang paghinga ko. “Are you going to kill me?!”

“Where is my son?” tanong niya at sa inis na nararamdaman ko ay hindi ko siya agad sinagot.

Grabe, ganoon niya ako kung hilahin? Ano ba ako animal?

Inayos ko ang shirt ko at nalaglag na rin pala sa sahig ang backpack ko. Walang imik ko siyang tinalikuran.

“Novy,” he uttered my name. Hindi ko siya pinansin kaya muli niyang hinawakan ang pulso ko.

“Maghintay ka, Engineer,” mahinahon na sabi ko at saka ko lang siya hinarap.

Muli ko na ngang nakita ulit ang lalaking nagpatibok ng puso ko four years ago. Ang engineer na nagbigay rin sa akin ng kakaibang kasiyahan sa buhay na parang magiging kontento na rin ako. But nasaktan din naman ako in the end.

And now I can say na siya pa rin naman pala talaga ang nagmamay-ari ng puso ko. Siya pa rin ang tinitibok nito. My first love.

However, ibang Michael na yata ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Isang bagong Michael na mahirap nang basahin ang ekspresyon ng mga mata niya at napaka-dark ng aura niya. He’s still handsome, maganda pa rin ang tindig niya.

“Where is he?” tanong niya. Kalmado naman ang boses niya kahit malamig ito.

“Paano mo naman nalaman na may anak ka sa ’kin, Engineer Michael?” I asked him. Gusto ko lang na maging civil ang relationship namin. Ayokong sungitan siya kasi ang plano ko ay makikipag-ayos na sa kanya.

Iyon ay kung may chance pa ba kaming dalawa. Pero madalas naman ay mga lalaki ang humihingi ng chance sa mga babae para maayos ang relasyon na nasira na dati at ngayon. Gusto kong subukan iyon.

Walang emosyon naman niyang isinuksok ang kamay niya sa bulsa ng pants niya. He wore his maroon suit, black iyong longsleeves niya sa loob. Clean cut ang hair niya.

“Kuya Markus told me about him. Where is he? I want to meet him,” he said.

“Maghintay ka rito kung gusto mong makita ang anak mo,” sabi ko at tinalikuran ko na siya. When I looked at him over my shoulder ay nakatungo lang ang ulo niya.

Nang makapasok na ako sa locker room ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ang heartbeat ko. God, siya pa rin...

Ngunit bakit ganoon? Bakit parang wala man lang akong nararamdaman na parang... Iyong parang... Basta iyon...

Hindi ba ako na-miss ni Michael?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top