CHAPTER 54

Chapter 54: A father

HABANG inaalala ko ang masasayang panahon na dumating sa buhay ko ang anak ko ay dumagundong naman sa apat na sulok ng silid naming mag-ina ang ringtone ko ng cellphone ko.

I pulled that out of my backpack. This has a really loud volume. Seeing Tita Mommy wants to video call me makes me smile. I missed her so much. My phone’s data is really open because  through Facebook account kami nag-uusap.

Nang pinindot ko na ang accept video call ay kasabay namang pagbukas ng door kaya naibaling ko ang tingin ko roon. Ibinaba ni Cloud ang pamangkin niya na patakbong nilapitan ako.

“Maiwan ko muna siya, Ate. May date kami ng fiancé ko,” sabi niya na tinanguan ko.

Yup, may fiancé na rin ang little brother ko, while Primo ay married na rin siya. God knows, kung sino ang naging wife niya. Si Roxanne, malaki ang age gap nilang dalawa pero hindi rin naman daw iyon mahalaga pa for them. The important is mahal naman nila ang isa’t isa.

Hindi niya lang ito kasama kasi preggy na sa second baby nila. I’m happy for both of them.

“Ingat ka,” I told him and he nodded.

Pinaupo ko sa lap ko ang little boyfriend ko at tumutok na kami sa screen kung saan makikita namin ang close up face ni Tita Mommy. Base sa background niya ay mukhang nasa garden sila. Uncle Rylander bought a new mansion for his family. While Devillaine ay nasa hotel lang kasama ang hubby niya, civil wedding lang naman iyon.

“Hi, Mama Nov!” hyper na bati niya sa lola niya. I dropped a kiss on the top of his head at idinikit ko na rito ang cheek ko. Mama Nov ang tawag niya sa aking magandang tita.

“Oh, hello there, Lenoah! I missed you, handsome!”

“I missed you too, Mama Nov! Where is Kuya Kaze po, Mama?” Ang tinutukoy niya ay ang little cousin ko—ang nakababatang kapatid ni Devi.

Yes, nakahabol pa sila ng other babies. Bata pa naman kasi ang tita ko kaya nagkaroon pa sila ng dalawang anak. Lalaki ang una na si Zakerein at ang bunso naman nila ay babae. Nevilainne naman ang pangalan. To be honest, malapit ng mag-one year old ang bunso nila. Kamukhang-kamukha ni Devi.

“Kaze, sweetheart! Come here! Nandito ang pamangkin mong si Lenoah, my son!” sigaw ni Tita Mommy at mabilis na lumitaw sa tabi niya ang mas chubby na baby boy. He wore his black t-shirt na may cartoon character ang naka-print dito.

Mas matanda ng apat na buwan ang baby boy ko kaysa sa pinsan ko at ‘kuya’ talaga ang tawag ni Lenoah kahit na mas matanda siya rito. Paano kasi ay uncle na niya ito. So, kuya na lang ang tawag niya.

“’Yo, Lenoah! Ate Novy, hello!” Napalakpak ito nang makita kami. Ang tambok ng pisngi niya at gusto ko tuloy pisilin ito.

“Hi, dear. How are you?” malambing na tanong ko sa kanya.

“I’m good po!” Katulad din siya ni Lenoah. Super hyper and energetic.

Madalas kong binibiro ang parents ni Devi, kung tuluyan nang sumuko ang daddy niya sa paghahanap sa kanila ay baka hindi siya nasundan pa ng dalawang nakababatang kapatid.

Happy naman siya because at the age of 27 ay nagkaroon pa siya ng mga kapatid. Sayang talaga kapag hindi sila nahanap ni Tito Rylander. Ikinasal din naman sila for real.

“Novy, sweetheart?”

“Yes po, Mommy?” tugon ko. Kahit na nagkaroon na ng dalawa pang bubwit si Tita Mommy ay hindi naman niya ako nakalimutan. For her ay anak niya rin ako, na kami ni Devi ang panganay niya. I can even feel her love for my son too.

“One year old na ang pinsan mo next month, sweetheart. I just hope na makapunta kayo together with your brothers for Nole’s birthday. But no pressure, anak. Naiintindihan ko ang situation mo.” Until now ay understanding pa rin siya. That’s why I love her.

“Hmm...” I uttered at napaisip pa ako kung pupunta ba kami roon or hindi na? Ready na ba ako? Because I know kapag pumunta ako ay iyon na rin ang right time na maipakilala ko si Lenoah sa daddy niya. Ang dapat lang paghandaan ay ang sarili ko.

“Me, me! Mama Nov, I wanna go there and meet you so soon!” excited na sigaw ni Lenoah at tiningala pa niya ako na may pa-cute eyes pa. “Can we go there po for Nole’s first birthday, babe?” malambing na tanong niya sabay halik sa pisngi ko at natawa si Tita Novyann sa nakita niyang eksena namin.

“Ikaw talaga, Novy. Bakit tinuturuan mo ang anak mo sa ganyan? Did he just called you babe?” she asked in amusement. I nodded.

“Kapag naglalambing po siya, Tita. Tinatawag niya po akong ganoon because girlfriend niya ako but nagpapa-baby rin po siya sa akin. Mommy, I want milk from your booby!” panggagaya ko sa boses ng babe ko at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

“Nasa clan yata nila na kahit three to four years old na ang mga anak nila ay nag-b-bresstfeed pa sila sa Mommy nila. I heard about that matters, sweetheart. Especially iyong anak na kambal ng panganay.” I shrugged. Si Kuya Markus iyon. Good for him na may sarili na rin siyang pamilya.

“Alam niyo na po kung kanino ito nagmana,” ani ko at hinalikan ko ito sa temple niya. “About the invitation, I’ll think about that po, Tita Mommy,” I said and smiled at her. “Where is my little baby cousin?”

“Oh, nasa Ate Devi niya. Sisters’ bonding daw nila ngayon. Naiwan lang dito sa akin si Zake.”

“Your hubby, Tita?”

“Work,” she replied shortly. I nodded again. Umabot pa nang isa’t kalahating oras ang pag-uusap namin hanggang sa nagpaalam na rin kami sa isa’t isa.

“Wash ka muna, baby. Before ka mag-rest, okay?” I told to my son and dahan-dahan siyang tumango.

Binuhat ko siya at nagtungo kami sa bathroom. Hindi naman masyadong mabigat si Lenoah at hindi rin siya magaan. Parang ’sakto lang ang bigat niya kaya madalas ay binubuhat ko siya kapag malayo ang lakad namin.

Ibinaba ko siya sa bathtub at hinubad ang lahat ng saplot niya saka siya umupo roon. Kinuha ko ang host para lagyan na ito ng tubig. Nagtilamsik na siya at natatawang sinabuyan pa ako. Kinuha ko ang baby soap niya and his shampoo at pinapaliguan ko na rin siya.

“Mommy?” mayamaya ay tawag niya sa akin. Nasa boses ang tila nag-aalalangan.

“Yes, babe?” I replied.

“When will I meet my daddy, Mommy?” Nabigla ako sa tanong niya dahil ngayon lang siya nagtanong about his father and he seems interested.

Maski ang mga uncle niya ay pinili rin naman ang manahimik tungkol sa kanyang ama. Walang balak ang mga iyon na magkuwento kasi galit pa naman sila sa engineer na iyon. Kahit si Cloud na maloko at kuhang-kuha ang ugali ni Miko ay hindi niya rin nagustuhan ang ginawa nito.

“Bakit mo naitanong agad iyan, Lenoah? At saka paano mo nasabi ’yan? Did you know what daddy means?” marahang tanong ko. Three years old pa naman siya. Matalino siya, oo at observant din.

“Yup po, Mommy. It’s a father! Like Lolo Leonard, Lolo Nevo and Uncle Primo.” Sa paghahalintulad ng mga tao ay alam na nga niya ang ibig sabihin ng daddy. Direct to the point na nga iyon.

“Enlighten me, honey.” Gusto kong marinig ang opinyon niya about that.

“That means a father; a father who protects our family, Mommy. A father who is your partner in life. A father who will help you save money for our expenses. A father that I will call daddy and also love you like I do, treat you like a queen. A father who is with us in one house and a father who will teach me all the things about boy’s stuff. A father to teach me how to protect you too. A father who loves us, Mommy,” mahabang paliwanag niya at tumaas ang sulok ng mga labi ko.

Ang mga katagang ito ay nagmula ba talaga sa baby ko? Na ganito nga ang mindset niya? Ganito na kalalim ang pagkakaintindi niya?

“Kanino ka nagmana, Lenoah? You’re such a smart kid, my lover boy. Mommy loves you so much and I am so proud of you.” I cupped his face at tinanggal ko ang bubbles sa face niya. I kissed his cheeks.

“I love you too, Mommy ko. Hurry up po and I want my milk.” I chuckled softly.

“You will meet him soon, honey. Huwag lang ngayon. Dahil kailangan nating maghanda,” pagpapaintindi ko sa kanya.

“Okay po!”

Tumayo ako at binanlawan ko na siya para matapos na rin kami rito. Kumuha ako ng towel at binalot ko iyon sa maliit niyang katawan. I carried him at sa walk-in closet kami nagtungo para mabihisan ko na siya. Nilagyan ko pa siya ng pabango at kung ano pa sa mukha niya.

“I’ll go down para ipagtimpla kita ng milk mo, babe. Sama ka, baby ko?” Naglahad ako ng kamay at mabilis naman niya itong hinawakan.

Sa hagdanan pa lang ay muli ko siyang binuhat at ibinaba ko lang siya nang marating namin ang kitchen. Humawak siya sa dulo ng suot kong blouse at pinapanood ang pagtimpla ko ng gatas niya.

After that ay sabay kaming lumabas para bumalik sa room namin. Inalalayan ko siyang sumampa sa bed at inayos ang unan niya. Ibinigay ko na sa kanya ang milk niya. Napangiti ako dahil feeding bottle pa rin ang gamit niya.

“Thanks, babe.” I giggled nang tawagin niya ako sa endearment namin. “Higa ka po, Mommy ko,” pag-aaya niya at marahan niyang tinapik ang bed sa right side niya.

Inayos ko na muna ang comforter namin saka ako lumusot. Nang makahiga na rin ako ay agad siyang yumakap sa baywang ko. Hindi pa siya nahusto, pati ang maliit niyang binti ay idinantay pa niya sa akin. I kissed his cheek and hugged him back.

“You are always welcome, ’nak.” Pumikit ako at dinama ko ang mainit niyang katawan. Ang nagbibigay rin sa akin nang lakas ng loob.

“Mommy?”

“Yes, babe?” I answered.

“Can I have his name, Mom?”

“The who?” Nagmulat ako at matiim kong tinitigan ang face niya. Kagat-kagat niya ang tsupon ng feeding bottle niya.

“My father po?” Sa himig ng boses niya ay halatang interesado siyang malaman ang pangalan nito.

I took a deep breath. “His name is Michael. Michael S. Brilliantes, Lenoah,” I uttered his name.

“Michael S. Brilliantes. Oh, I am Mickee Lenoah B. Brilliantes. Sounds good, Mommy.” I smiled. Dala-dala niya pa rin ang pangalan ng family ni Michael. Because of Kuya Markus and Grandpa.

I agree na lang, hindi dahil kay Michael. Ayoko rin na sabihan nila akong selfish. Sabi kasi ni Grandpa Don Brill ay may karapatan si Lenoah na gamitin ang surname nila because isa rin siyang Brilliantes.

“Yeah, baby. Pero ang Uncle Lemery mo ang nagbigay sa ’yo ng first name mo,” ani ko at hinaplos ko ang buhok niya.

“And Uncle Cloud, my second name po ay sa kanya, right?” I nodded.

“Ubusin mo na iyan, Lenoah. Then sleep ka na. Later na lang kita gigisingin for our dinner.”

“Okay po.” Pinapanood ko lang siya hanggang sa maubos niya ito kaya inilagay ko muna sa bedside table namin. Niyakap ko ulit siya at hindi ko na namalayan na nakatulog din pala ako.

Sa paggising ko naman ay gising na siya pero hindi siya umalis sa tabi ko. Hawak niya nga lang ang cellphone ko at naririnig ko pa ang mahina niyang pagkanta.

Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya at nakita ko ang pag-scroll-scroll niya sa Facebook account niya. Yup, name niya ang gamit ko. Mickee Lenoah B.B lang ang nakapangalan dito.

“What are you doing, Lenoah?” mahinang tanong ko.

“Wala po, Mommy. Nanonood lang po ako ng movie here,” he answered and kissed my cheek. “Good evening po,” he greeted me. Gumanti ako ng halik sa cheek niya.

“Kanina ka pa gising?” tanong ko at bumangon ako. Inayos ko ang buhok ko.

“Hmm, about ten minutes po,” sagot niya at naglahad ng kamay. Hinawakan ko iyon at marahan ko siyang hinila.

“Kung ganoon ay lumabas na tayo, baka kanina pa nakapaghanda ang Lola mo ng dinner natin,” ani ko.

Hindi naman agad kami nakalabas dahil nakipagkulitan pa siya sa akin. Sa halip ay kiniliti ko pa siya kaya tawang-tawa siya sa ginagawa ko.

“Mom, I’m hungry! That’s enough, please!” halos maiyak na sigaw niya. Hindi ko siya tinigilan. I buried my face on his neck at hinalik-halikan ko siya roon habang palipat-lipat ang kamay ko sa tagiliran niya. “Ah, Mommy! S-Stop na po! M-Mommy!” May mga luha na rin sa mga mata niya at pulang-pula ang pisngi.

“Tama na? Titigil na si Mommy, hmm?” ani ko at tumango siya. Sa malakas niyang pagtawa ay lumalabas ang maliliit at pantay-pantay niyang mga ngipin.

“Y-Yes po! E-Enough na po! M-Mommy!” I stopped at pinangko ko na siya. Yumakap ang maliliit niyang braso leeg ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top