CHAPTER 53

Chapter 53: Years Later

NANG makatulog na ang little boyfriend ko ay maingat na siyang inilagay ni Mommy sa bed naming mag-ina. Hindi sa crib kasi magkatabi nga kaming natutulog. Nagigising siya sa malalim na gabi at wala na akong milk na ni-r-reserve for him. Isa iyon sa pinapaalala ni Mommy. Hindi rin daw puwede iyong malamig na gatas talaga.

“Kailan mo balak bumalik sa paglalaro mo ng tennis, Novy?” Mom asked me. Simula nang naging close na kami ay sinusuportahan na niya ako.

“Saka na po kapag malaki na talaga si Lenoah, Mom. Gusto ko pong subaybayan ang paglaki niya,” ani ko at sinulyapan ko pa ito sa kama. Mahimbing na agad ang tulog niya. Side to side ay may maliliit siyang pillow niya na color blue.

“Okay, mabuti ’yan. Maiwan ko na kayo. Iwan mo na lang iyang tray, baby.”

“Sige po, Mom,” sabi ko at ibinalik ko ang atensyon ko sa TV. Nang matapos ko ang kinakain kong snack ay tumingin ako sa likuran ko. I grinned and stood up.

Maingat akong sumampa sa kama namin at dahan-dahan na gumapang. Tinanggal ko ang isa niyang pillow at ginawa kong unan ito. Buong pagmamahal ko siyang tinitigan. Hindi ako magsasawa kung ganito ang eksena namin everyday.

I looked at the door and I saw my mother, nakatayo siya at naka-cross arms.

“Hayan ka na naman, Novy. Let him sleep first, baby.” Hinawakan ko ang matambok nitong braso at hinalikan.

This is one of my hobby, kapag natutulog ang baby boy ko ay pinapanood ko siyang matulog at kapag nawili ako ay kahit saang parte na ng katawan niya ang hinahalikan ko. Kahit ang maliit niyang talampakan ay hinahalikan ko and my favorite spot ay ang leeg niya. He’s smell so good kasi, amoy baby pa siya. Naghalo-halo ang baby powder and milk and I love that.

Kapag hindi ko siya titigilan ay nagigising siya at umiiyak. Isa sa kinaiinisan niya ay ang naaabala siya sa sleeping time niya. Minsan nga ay hindi ko na siya nagagawa pang patahanin na parang nagtatampo siya sa Mommy niya kasi ginugulo siya sa pagtulog niya. In the end ay pinapagalitan pa ako ng lola niya.

Nagsimulang nalukot ang face nito at sumipa-sipa na siya kaya hindi na maayos pa ang kumot niya. I heard my mom tsked.

“He’s so handsome and adorable, Mom. God, anak ko ba talaga ito?” naaaliw na tanong ko at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang mga kamay nitong nasa buhok ko na. I chuckled nang hinila niya ito, na parang gusto niyang tanggalin. Maingat kong tinanggal ang kamay niya at ilang beses na hinalikan ito.

“Hay naku, bahala ka riyan, Novy.” Umalis na rin naman ang aking ina.

“I love you, my baby. Mommy loves you so much.” Humiga na ako sa tabi niya at yumakap sa kanya. Naramdaman naman niya ang presensiya ko at saglit lang siyang nagmulat ng mga mata. Sumilay ang magandang uri ng mga mata niya. I kissed his forehead. “I love you, Mickee Lenoah.”

Three days pa ang nakalipas bago kami pinayagan ni Mommy na pumunta sa Canada at dalawang bodyguard pa ang na-hired niya. Okay naman ang isa lang.

“Bye-bye mo na si Lola mo, Lenoah.” Ilang beses ding hinalikan ni Mommy ang matambok nitong pisngi.

Marami akong hinanda na feeding bottle niya. Hindi ko naman kasi siya puwedeng i-breastfeed sa dami ng tao sa airplane. Naka-black jacket pa ako and maong na pants, a pair of rubber shoes. Naka-sumbrero pa ako and facemask. To be sure na walang makakakilala sa akin.

Hindi ako natulog buong biyahe kasi binabantayan ko ang baby ko. Nagigising lang siya kapag nagugutom na. I didn’t feel tired naman kasi siya ang pahinga ko. Hindi na baleng manakit ang mga braso ko basta mapagmasdan ko lamang ang maamo niyang mukha.

Safe naman kaming nakarating at nag-rent pa ng kotse si Mommy. Ewan ko kung ano ang magiging reaction ng daddy ko kapag nakita niya kami. This is a surprise kasi, and when we reached my father’s mansion. Bumaba na rin kami ni Lenoah. Gising na siya at nag-iingay ang munti niyang labi habang nakatitig sa akin. Sa tuwing ngumingiti ako ay humahagikhik siya.

Parang gusto niya palagi ang attention ko. Halos kapag wala sa kanya ay gagawa pa siya ng ways. Like hahawakan niya ang pisngi ko at pilit akong inaabot. I drop three kisses on his lips.

I still can’t believe I’m the mother of my cry baby who always wants my attention. He knows his Mommy well and baka lumaki rin siya na super kulit.

“Am I really your Mommy, hmm? Did I really carry you for nine months, baby?” He only answered me with his giggles until we were completely inside the mansion. Dad was right in the living room.

“Hi, Dad,” bati ko.

“Novy?” He quickly stood up and approached us, the shock was evident in his face. He kissed my cheek and took his grandchild from me. Umiyak saglit si Lenoah dahil kinuha siya ng Lolo niya. Ang inosenteng mga mata nito ay napatitig sa face ni Daddy. Gumalaw-galaw siya kasi gusto niyang bitawan siya nito.

Nilingon niya ako na tila nagmamakaawa na kunin ko siya. Natawa ako at humalik sa kamay niya.

“It’s Lolo, baby. Lolo Nevo.” Masyado pa siyang baby noong nagkita sila ni Dad. Kaya malamang sa malamang ay hindi siya pamilyar sa presensiya nito. Walang nagawa si Daddy kundi ibalik sa akin ang apo niya. “Iyakin po talaga siya, Dad.”

Siya namang pagdating ni Mama Helleya, minsan ko lang siya kung tawagin na ganyan. We’re not even close.

“Hon, come on. Nandito ang apo natin.” Tumaas lang nang bahagya ang kilay nito pero wala naman siyang sinabi at lumapit sa amin.

Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang mukha ng anak ko. “Si Engineer Michael?” tanong niya na salubong ang kilay.

“Yes,” sagot ko.

“Last week lang ay bumisita rito ang engineer. Hinahanap ka niya.” Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig kong hinanap ako ni Michael.

Alam kong aware naman siya sa nangyari, sa news pa lang doon sa Philippines ay talagang malalaman na niya. Pero sa kaalaman din na pumunta rito si Michael just for me? Na-realize na rin ba niya na mahal niya ako at hindi niya kayang mawala ako piling niya? Pero sinaktan niya ako.

Kahit na-realize niya na ganoon nga ay hindi naman puwedeng bumalik agad ako sa kanya. Grabe ang sakit nang naidulot niya dahil lang sa binitawan niya ako.

“Dad.”

“Not now, Novy. Huwag mo na siyang pag-aksayahan pa nang panahon,” seryosong saad ni Daddy. Nagalit din siya kay Michael kasi dati rin siyang nalagay sa ganoong situation namin.

Na ipinaglaban niya si Mommy kung kailan ay ito naman ang sumuko. However, I don’t remember that much anymore. Lenoah and I are here for vacation and his grandfather is here to spend time with us. Whatever Michael and I had before I forgot about it for now.

I will focus on my child, on taking care of him. I am not selfish. I’d introduce him to our son but like dad said not now. May tamang panahon naman siguro at saka medyo may galit pa akong nararamdaman for Michael. Nandoon din ang pagtatampo.

But that doesn’t mean our relationship will work out just because there’s no certainty either. That if we could bring back the old us—our old relationship that was also interrupted by his mother.

Four years later...

I stood up when my trainees won and they will be an official, regular included in my team. Oh, my God! I am so proud of them! Hindi rin basta-basta ang practice nila para lang makarating sila nang ganito.

“Congrats! You did a great job, everyone!” I screamed and clapped. They also creamed with joy that they all got in sa final games nila and become one of us. They run up to me and hug.

“Thank you, Coach Novy!” masayang sabi nila.

Yes, I am a coach now and they have learned a lot when it comes to tennis technique. One more, I just wasn’t the coach. I still play often and still win. This wasn’t even live. I prefer na hindi ito naka-live pero madalas ay nababalita pa rin naman ang pagkapanalo ko.

There is only one country I often decline, even though I have been sent an invitation several times and that is Philippines. Wala pa akong balak na bumalik, but maybe someday.

“Come on. Give yourselves a break,” I uttered. They are only five and still in their 20’s. Isa lang naman ang nakapasok na 18 years old. The youngest of their team.

“Thank you, Coach!” At hindi sila foreigner.

My eyes searched for my little boyfriend who came here with me and found him sitting in the bleachers. He’s not alone because he’s surrounded by ten year olds kids. This made me smile.

Every time he comes with me ay pinagkakaguluhan talaga siya ng mga tao, even my trainees. I walked towards them and heard what they were talking about.

“Huh? You’re still young, how old are you again?” she asked my little boy.

“Three,” his thrifty answer. His backpack is on his lap. Nakatukod ang kanang siko niya and his chin ay naka-rest sa kamay niya.

He’s wearing a white jersey with my favorite number 30 and his name printed. “Lenoah.” His hair with a mess on his forehead makes his look like a Korean child.

“Eh, why did you say you already have a girlfriend? That would be impossible!” scream of a young girl.

“I’m telling the truth! I already have a girlfriend and she’s more beautiful than you,” he said at kung makipag-usap siya sa mga ito ay halata ang pagka-bore niya. I smiled because of his praise towards me.

“Eh, who is your girlfriend?”

“Lenoah, babe?” I called my son and he quick to turn back on my direction. His eyes got bigger when he saw me.

“Mommy!” he called happily and kinuha niya muna ang backpack niya. Nilapitan ko siya para alalayan na makababa, because it still has three steps.

When I held his hand I carried him. I kissed his cheek and wrapped his little arms around my neck tightly.

“By the way! She is my very beautiful girlfriend!” pagbibida niya sa mga ito na mahina kong ikinahalakhak saka kami umalis doon.

Umupo ako sa bench kung saan nandoon din nakalagay ang backpack ko. Umupo ako at inayos ko ang pagkakaupo niya sa lap ko, nakaupo siya nang nakaharap sa akin.

Hindi naman mainit sa London pero pinagpapawisan siya. Pinunasan ko ang sweat niya gamit ang face towel ko. May towel din naman siya sa likod niya. Kinuha ko ang bag niya at ipinatong ito sa upuan ko.

“Nag-enjoy ka bang kausapin sila, my boy?” I asked him. He pouted and shook his head. Namumula ang cheeks niya na parang ilang beses din siyang pinagkukurot ng mga bata.

“Ang noisy po nila, Mommy,” he reasoned out. I nodded naman at hinalikan ko ang munting labi niya. Lumapad ang ngiti niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka niya ako hinalikan sa lips ko. “You are so beautiful, Mommy. I love you.”

“I love you more, my little boyfie,” malambing na sabi ko and he grinned.  Always niyang sinasabi sa mga tao na may magandang girlfriend na siya at ako lang iyon. Sinakyan na lamang niya ang kalokohan ko na boyfriend ko siya. Well, we’re best friend din.

“Are you done na po, Mom?” Tumango ako.

“Let’s go home?” I kissed his forehead and smiled at my son. Tinulungan ko siyang isukbit ang bag niya at sunod naman iyong akin. Hindi ko na siya hinayaan pa na maglakad kahit nag-insist siya na maglalakad na lamang siya. He’s big na raw kasi.

Hindi ko siya hinayaan dahil malayo pa ang lalakarin namin. Ayokong mapagod siya at pagpawisan na naman.

Marami pa ang mga tennis player na bumabati sa amin at wala namang reaction pa si Lenoah. I can feel his chin rested on my right shoulder.

Mabait na bata si Lenoah at hindi naman pala siya madaldal sa ibang tao, pero kapag kinakausap siya ay sumasagot naman siya. Iyon nga lang ay sa amin niya lamang ipinapakita ang pagiging makulit at bibo niyang bata. Clingy rin siya at mahaba ang pasensiya. Nakuha niya iyon sa Daddy niya.

Habang nag-p-practice nga kami ay tahimik lang siyang manonood sa amin at never ko siyang nakitaan nang pagkabagot at bored na expression. Kapag marami akong nakukuha na points ay sumisigaw siya to cheer me up. Nabubuhayan ako nang loob when he did that.

Basta may mga katangian niya na namana niya kay Michael. Kung mayroon mang pinagkaiba ang mag-ama. Siguro si Michael ay magagawa niya akong bitawan at pakawalan nang ganoon lang kadali, ngunit hindi ang anak ko.

Ni minsan ay hindi siya nagpaiwan sa mansion at palagi siyang sumasama para lang sa akin. Para lang makapanood siya sa paglalaro ko ng tennis. Palagi niyang sinasabi na proud na proud siya sa Mommy niya.

Ang suwerte ko sa baby ko, kasi hindi niya makakayang iwan ang Mommy Novy niya at palagi niya akong sinusuportahan.

Ibinaba ko na siya nang makarating kami sa parking lot. Binuksan ko ang pinto sa passenger’s seat at saka ko siya inalalayan na makasakay. Ikinabit ko ang seatbelt niya at nasa kandungan na niya ulit ang backpack niya. Hinalikan ko pa siya sa tuktok ng ulo niya saka ko isinara ito.

“Babe? Are you hungry?” I asked my son at mabilis ko lang siyang sinulyapan.

“Hmm, I’m fine, Mommy. I’m still full po kanina. I brought my snack that you prepared po kanina.”

“Okay po, baby ko.” I winked at him and he chuckled softly.

“I love you, girlfriend.”

“I love you more, babe.” He’s like this. Hindi siya nagsasawang sabihin ang mga katagang iyon. Well, marami nga siyang namana sa attitude ng kanyang ama na until now ay hindi ko pa rin siya naipakikilala. Hindi rin naman siya naghahanap.

Matalinong bata si Lenoah, kahit ang paraan nang pagsasalita niya ay may kung ano pa at hindi siya bulol-bulol magsalita.

When we reached the mansion ay ang Uncle Cloud niya agad ang sumalubong sa amin.

“Uncle Cloud!” masayang bati niya. Pagkababa ko pa lamang sa kanya ay patakbong lumapit siya rito.

“Hello there, Lenoah. My favorite nephew.” Paglapit niya ay binuhat siya nito at hinalikan sa pisngi. Ginulo-gulo pa ang kanyang buhok.

Nauna akong pumasok at sumunod naman sila. Umakyat ako sa kuwarto namin ni Lenoah at nagpaiwan sila sa living room. Naiiling na napangiti ako dahil napuno na naman nang malalakas na tawa nila ang mansion namin.

Inilapag ko sa bed ang bag namin ng anak ko at napatingin ako sa malaking portrait naming mag-ina. Maraming naka-display sa room namin. Noong baby pa siya ang iba.

Tumulis ang labi ko kasi habang lumalaki siya ay mas lumaki ang similarity nila ni Michael. His little version. Halatang-halata na anak niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top