CHAPTER 50

Chapter 50: Revelation

“I’M pregnant, Tita Jina...” Napatayo siya at halata sa mukha niya ang gulat. Umiling siya at pinunasan ang mga luha niya.

“Novy...” she uttered my name.

“B-Baka po... eight weeks na or more. Delay na ang menstruation ko almost three months na, Tita.” Pinisil-pisil ko ang likod ng kamay ko. “Iyon po ang mga panahon na away-bati kami ni Michael. Siguro po, kaya ako nagiging mahigpit sa kanya at nagseselos ako kahit wala namang dapat na pagselosan ay dahil buntis na ako. Alam niyo naman po na pabago-bago ang mood ng mga buntis, ano?” Nagawa kong ngumiti kahit wala nang tigil ang pagluha ko. Masaya ako na nalulungkot.

Masaya ako dahil may baby na kami ni Michael, kahit hindi pa ako sure if nandito na rin ba siya sa tummy ko. Malungkot dahil hindi na niya malalaman pa iyon.

“I-I didn’t know that...” Napatakip siya sa bibig niya at nag-uunahan na rin sa pagbagsak ang mga luha niya. Ginawa niya lamang ito dahil sa anak niya. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ito just because of me.

Mabuti at dala ko ang pouch ko at kasyang-kasya roon ang pregnancy test kit. Inilabas ko iyon at ibinigay sa kanya. Her hands are shaking when she accepted that thing and cried so hard.

“Nasabi ko po dati sa anak niyo na hindi pa ako handang magbuntis dahil sa career ko and he told me too na hindi naman kami nagmamadali. Nangako po siya sa akin na hindi niya ako iiwan sa ere, mamahalin niya ako habang-buhay at gagawin niya ang lahat para sa akin pero napagod lang po siya na intindihin ako palagi. Ang lahat po nang ginagawa ko ngayon ay siya po ang dahilan, Tita... Minsan na po akong tinanong ng mga best friend niya kung may isang bagay ba ako na puwedeng ipagmalaki ni Michael bilang fiancé niya at iyon wala po. Maliban sa paglalaro ko ng bola at raket. You once asked me that. Ngayon po, para saan pa ang mga pinaghirapan ko kung wala na siya sa piling ko, Tita?” Pumiyok pa ang boses ko.

“What...”

“Tinatanggap ko na po, tinatanggap ko na ang break up namin ni Michael. Kahit masakit po...kahit mahirap ay gagawin ko but Tita... Huwag na po tayong maglihim. Malalaman at malalaman din po nila. Ayoko na rin pong umasa pa. Hindi na namin kailangan na mag-usap ng anak niyo dahil tapos naman na po kami—”

“Your child, Novy...” She shook her head. Nagbago na naman ba ang isip niya? Sasabihan na naman niya ang anak niya na balikan ako at panagutan dahil dala-dala ko na ang magiging anak nito? Kahit gusto ko man na bumalik ito sa akin ay hindi na puwede.

“Hindi ko po gagamitin ang batang ito para lang bumalik sa akin—sa amin ang daddy niya... Huwag niyo na lamang pong sabihin ito sa kanya. Sapat na kayo lang ang nakaaalam...” Kitang-kita ko naman ang pagtanggi niya. She need to respect my decision para maging fair naman kami sa isa’t isa.

“Novy, m-may karapatan ang anak ko—”

“Hindi ko po ipagkakait sa kanya ang anak niya... Pero sa akin na muna po ang baby ko... Ayokong itali ang daddy niya sa relasyon naming nakapapagod. Tita Jina, alam kong lumaki ako na walang mga magulang ko ang gumagabay sa akin. Without Michael, I can take care of our child...” I stood up at bumalik siya mula sa pagkakaluhod niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Nanlalamig na ito.

“Please, hija... I-I know padalos-dalos ako sa mga d-desisyon at kinunsinti ko ang anak ko sa kagustuhan niyang hiwalayan ka... Pero bigyan mo siya nang oras... Alam ko rin kung gaano ka kamahal ni Michael, napagod lang siya... Napagod lang siya at hintayin mo siya... Hintayin mo siyang maging maayos... Huwag mo namang ilayo sa kanya ang bata...” umiiyak na wika niya.

Napatingala ako sa kisame para lang ihinto ang pagluha ko pero kahit ano pa ang gawin ko ay tutulo at tutulo pa rin ang mga luha ko.

“He’s breaking up with me, Tita... Hindi po iyon cool-off na puwede ko siyang hintayin kapag naging okay na siya... Wala rin siyang sinabi na babalik siya sa akin o hihintayin ko siya. Sinaktan niya rin po ako sa sinabi niyang pagod na siyang intindihin ako at mahalin... Isipin niyo naman po ang feelings ko and I’m pregnant... Huwag niyo na pong bawiin ang sinabi niyo... Pinili po kayo ni Michael at ako ang binitawan niya. Let’s end this, Tita... Dapat po na maging fair tayo at nirespeto ko naman po ang desisyon ng anak niyo... A-Ako naman po ang pagbigyan niyo ngayon.” Marahan kong binawi ang kamay ko at naglakad na ako patungo sa pintuan. Tinawag pa niya ako ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Nasa hagdanan na ako ng mansion nila nang paakyat naman pataas si Michael. Hindi ako huminto sa paglalakad at parang bumagal pa ang takbo nang oras nang malampasan ko na siya.

“Michael...” I uttered his name. Naramdaman ko rin ang paghinto niya. “Don’t feel guilty. Naging honest ka lang sa akin. Siguro nga ay hindi para sa atin ang oras na ito... To love each other na mararanasan din natin ang sakit. Kahit may pinagsisihan ako na mapalapit sa ’yo ay masaya pa rin ako na minahal ako ng isang Brilliantes na katulad mo. Just take care of yourself.”

Hindi ko na kailangan pang puntahan doon si Tita Mommy dahil sinalubong na niya ako. Nang makita niya ang mukha ko ay nag-alala siya.

“Sweetheart...”

“K-Kung siya po ay pagod na sa akin... M-Masakit naman po siyang m-mahalin, Tita Mommy... M-Masakit na masakit ang magmahal ng isang B-Brilliantes...” My lips trembling when I uttered those words.

When we arrived sa hotel ay hinayaan ako ni Tita na mag-isa na muna sa penthouse ko. Napaupo ako sa sahig na nasa paanan ng bed ko. Inilabas ko ang phone ko at isang tao lang ang gusto kong makausap ngayon. Ang makatutulong sa problema ko at sana maiintindihan niya ang situation ko.

Gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang mga luha ko. Naiinis na ako kapag palagi na lamang akong ganito. Ayoko nang umiyak, nakapapagod na. 

“Hello?” Napahikbi ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Ewan ko kung bakit parang gusto kong magsumbong sa mommy ko. “Novy? What’s wrong? Why are you crying?” sunod-sunod niyang tanong na may bahid na pag-aalala pa.

“M-Mommy...”

“Speak. Huwag kang umiyak at sabihin mo ang problema mo!” sigaw nito sa akin, hindi dahil galit siya. She’s still worried. “Novy Marie!”

“I-I’m p-pregnant, Mommy...” Ilang minutong nanahimik mula sa kabilang linya ang aking ina. Panay pa rin ang pag-iyak ko.

“What’s wrong with that? You’re pregnant, so why are you crying?” she asked.

“W-Wala na kami ng fiancé ko, Mommy... W-We’re over and soon... s-sasabihin din namin na t-tapos na ang ugnayan ng Bongon family and Brilliantes clan,” paliwanag ko at parang may bumara sa lalamunan ko.

“That fvcking engineer... Is he dumping you, Novy? Tell me! After ka niyang buntisin ay saka niya tatapusin ang relasyon niyo?! That asshole!”

“It’s my fault, M-Mom... I-It’s mine... H-He’s tired of l-loving me... Nakapapagod pala akong m-mahalin, kaya iniwan niyo rin ako ni Dad dati, right Mommy? I’m sorry! I am sorry dahil ang malas-malas ko! Ang malas ko sa mga magulang! Malas din ako sa lalaking mahal ko! Sana hindi na lang ako nabuhay! Sana hindi niyo na lang ako hinayaan na mabuhay noon o eh, ’di sana noong pinagbubuntis mo pa lang ako ay pinalaglag mo na ako, Mommy! A-Ayoko po nang ganito... Pagod na pagod na rin po ako... I feel rejected, M-Mom...” Ito ang unang beses na sinumbatan ko ang Mommy ko about my existence at umiyak pa ako kahit over the phone.

Ni minsan ay hindi ko iniyakan nang ganito si Mommy pero ngayon, mukhang naubos na nga rin ako at inilabas ko na ang lahat nang sama ng loob ko. Parang ilang taon ko ring kinimkim ang sakit na ’to. Nagsisisi ako na nabuhay ako na palaging iniiwan sa ere.

“You didn’t know our story, Novy...” I stilled when I heard my mother’s voice. She was crying too.

“W-What do you mean?” I asked her.

“Katulad mo rin ako noon...”

“Enlighten me, Mom...”

“Buntis din ako sa ’yo sa mga panahon na iyon nang sinukuan din ako ng daddy mo dahil sa ugali ko at sa pagseselos ko.”

“H-How...” Gusto kong malaman ang pinagsasabi niya na buntis pa siya noon nang sinukuan siya ni Dad. Ito ang hindi ko alam dahil ngayon lang siya nagkuwento. Ano ang ugali niya? At ano ang tungkol sa pagseselos?

“What do you want me to do, Novy?”

“Gusto kong malaman ang sinasabi mong kuwento niyo ni Dad, Mom. Ano ang ibig niyong sabihin doon? Ano’ng ugali mo at pinagselosan?” tanong ko. Aware na ako sa attitude niya dahil aminado ako na sa kanya ako nagmana.

“I will tell you everything kapag nagkita na tayo. Just tell me kung ano ang gusto mong gawin ko ngayon. Do you want me to talk with him?”

“No... S-Sunduin mo na lang po ako rito, Mommy... Ayoko nang mag-stay pa rito nang matagal...”

Hindi sumagot si Mommy sa akin at basta na lamang niyang ibinaba ang tawag. Tumayo na ako para humiga sa kama ko. Mabilis din akong nakatulog.

Naalimpungatan lang ako nang may malambot na mga kamay ang  humahaplos sa pisngi ko at sa aking ulo. Pamilyar ang paraan nang haplos nito at pakiramdam ko ay bumalik ako mula sa pagkabata ko. Na ang biological mother ko mismo ang gumagawa no’n sa akin at this moment. Dahan-dahan akong dumilat at napapikit ulit para mag-adjust sa liwanag ng room ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang Mommy ko. Napabalikwas ako nang bangon at gulat na gulat ko siyang tiningnan.

“P-Paano kayo nakarating agad dito, Mom?” tanong ko. Kagabi lamang kaming nag-usap at alam kong nasa London siya. Paanong nangyaring nandito na agad siya?

I glanced at my bedside table para makita ko kung ano’ng oras na, and it was 10:23 in the morning.

“I already packed your things. Now get up. Take your shower and get dress. Around 3PM ang alis natin,” seryosong sabi niya at bago pa lamang siyang makababa mula sa kama nang hinila ko na ang pulso niya.

“Mom...” Binalingan niya ako. Wala na akong nakikita na tila may awtoridad sa mga mata niya o galit dahil hindi naman ako naging mabait sa mommy ko.

“What?”

“Why are you here?” Kumunot ang noo niya sa aking katanungan. Dahan-dahan din siyang nagtaas ng kilay, na tila na sinasabi niyang alam ko na kung bakit siya nandito.

“You told me na sunduin kita rito. So, here I am. Sasama ka sa akin pabalik sa London. Hindi na kita tatanungin pa sa nangyari because it’s obvious na wala na ring pakialam pa sa ’yo ang fiancé mo. Dahil hindi mo iisipin na tawagin ako at iiyak ka kagabi that because you’re pregnant,” she huffed.

“Bakit sa halip na ipasundo mo lang ako ay nagkusa kang puntahan ako rito, Mommy?” curious kong tanong. Matagal bago siya sumagot.

“Anak kita, kahit hindi ako ang nagpalaki sa ’yo ay responsibilidad pa rin kitang alagaan. Nandito ako dahil sa ’yo, I was worried when you called me and you told me about your situation. Sa galit ko ay gusto kong sugurin ang mga Brilliantes na iyon.” Tiningnan ko ang mga kamay niyang nakakuyom na. I held her hands and caressed it.

“Mom...”

“I’m sorry,” she said, almost whispered. Mahinang napasinghap ako nang hinila niya ang siko ko at mahigpit akong niyakap. Nag-init agad ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko na ang pag-iyak niya. “I’m sorry, Novy... I-I a-am very sorry... M-Mommy is too late... Forgive me... Forgive me...darling... H-Hindi ko gustong...iwan ka noon... But I don’t have any choice... Your grandparents force me to marry Cloud’s father... God knows na gustong-gusto kitang isama noon sa akin...pero ayaw nila... W-Wala akong nagawa at nangako ang daddy mo na aalagaan ka niya... Pero nalaman kong...nasa poder ka pala ng tita mo... Ten years old ka na noong nalaman ko ang totoo... Gusto kitang kunin ulit pero huli na ako... H-Huli na ako dahil malayo na ang loob mo sa akin... Sa tuwing nakikita mo ako ay nagagalit ka... Ayaw mong makita ako... Ilang beses kitang sinuyo noon pero wala pa ring nangyari... Lalo na noong nakita mo na si Cloud, m-mas lumaki lang ang galit mo sa akin, Novy... Iniisip mo na iniwan kita dahil sa ibang lalaki... Hindi ko iyon gusto, Novy...”

Paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Mommy? Na iyon ang nangyari sa akin kaya nasa poder ako ni Tita Mommy? Pero bakit wala man lang sinabi sa akin si tita? Bakit hindi niya naikuwento ang tungkol dito?

Or maybe hindi na rin sinabi pa ng tita ko kasi galit siya kay Mommy?

“N-Naguguluhan ako, Mommy...” Nang hihiwalay na sana ako ay hindi niya ako pinakawalan.

“N-Nang sabihin mo sa akin na...pagod na ang fiancé mo sa ’yo, na nakapapagod kang mahalin... B-Bumalik lang sa akin ang nangyari sa nakaraan... Ganyan na ganyan din ako noon, Novy... Mag-fiancé pa lamang kami ng daddy mo at lahat ng mga babaeng nakasasama niya, kahit client niya o asawa ng mga business partners niya ay pinagseselosan ko... Ilang beses kaming nag-away noon ng iyong ama hanggang sa nakipaghiwalay na rin siya... Mahal na mahal ko siya noon... Pero gusto niyang palayain ko siya and I did...” Akala ko ay may idudugtong pa siya pero iyak nang iyak na lamang ang ginawa niya.

Nalinawan man ako na hindi niya ako sinadyang iwan noon kay Tita ay may mga bagay pa akong nais tanungin at malaman pero natakot na ako nang makita ko ang pag-iyak niya na halos nahihirapan na rin siyang huminga. Kakaiba palang mag-breakdown ang isang babaeng alam mong maldita.

Isa lang ang napagtanto ko, history repeats itself.

Wala kaming pinagkaiba ni Mommy. Ang mga naranasan niya noon ay ngayon ako naman ang nasa situation niya dati.

“I love you...” Oh, God... Hindi ako sanay na sabihan nang ganito ni Mommy. Nahihiya ako at nararamdaman ko ang pagkailang. “I love you, a-anak...” Hinalikan pa niya ang likod ng kamay ko at pulang-pula na ang mga mata at ilong niya. Napako ako nang sapuhin niya ang magkabilang pisngi ko at pinatakan nang halik ang noo ko. Humilig lang ako sa dibdib niya at dinama ko ang mainit niyang pagyakap sa akin. She even kissed the top of my head.

Isa ito sa minsan kong hiniling na sana ay may pagkakataon din ako na maglambing sa sarili kong ina. Na hindi kami mag-aaway at makipagpalitan nang masamang tingin.

“M-Mommy...”

“Saka na tayo magpapa-check up kapag nakarating na tayo sa London.”

“P-Paano ang company ko, Mom?”

“Tinawagan ko na ang Daddy mo.”

“Ano po ang sinabi niya?”

“Ayoko siyang pag-usapan.” Lumubo ang pisngi ko kasi alam kong umirap siya. “Stay here, ipagluluto kita ng lunch mo.” Tumango ako at bago siya lumabas sa aking kuwarto ay humalik pa siya sa pisngi ko.

Nagpasya akong maligo na rin at si Tita Mommy naman ang gusto kong makausap. Nagpaalam ako kay Mom na pupunta lang sa kabila. Nagtaka pa ako nang makita kong nakabukas ang pintuan ng kuwarto niya.

Itutulak ko na sana ito pabukas nang may narinig ako na boses ng isang lalaki. Parang nag-uusap sila. Sumilip ako at naningkit ang mga mata ko sa nakita kong pilit na niyayakap nito ang tita ko. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at binuksan ko ito.

Napatingin agad silang dalawa sa side ko at si Tita naman ay nanlaki pa ang mga mata niya. Nakamanipis na nightdress pa siya.

“What did you do to my Tita Mommy?!” sigaw ko at napabitaw na siya.

“Uhm, sweetheart...”

“Sino siya, Mommy? At bakit ka niya pilit na niyayakap?!” hysterical na tanong ko at napasapo siya sa noo niya. I looked at the guy. Matangkad siya at matitipuno ang katawan. Ang face niya... I bit my lower lip. “B-Bakit kamukha po siya ng...cousin ko, Tita?” I asked her.

Disente naman ang suot ng lalaki at hindi pa naglalayo ang edad nila ni Daddy. Kamukha niya si Devillaine.

“Hi, I am Rylander Castillo. Devillaine’s biological father. You must be Novy Marie, right? My love’s favorite niece,” pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. Napataas naman ako ng kilay.

“My love? Tita Mommy?” Napaka-cross arms pa ako.

“Hmm, what is it, sweetheart?”

“Bakit po may lalaki rito sa room niyo? Kahit na siya po ang biological father ni Devi and he’s not welcome po here, lalo na sa room niyo.” Half true and half joke lang iyon and sa halip na ma-offend sila ay sabay pa silang napahalakhak.

“She’s blunt and unique. Nice meeting you, hija. Thank you for taking care of my love.”

“Why are you here po?” tanong ko kapagkuwan.

“Visiting,” tipid na sagot niya at nagawa pa niyang hawakan sa baywang ang tita mommy ko.

“Bakit po nasa room kayo ng tita ko if visiting lang?” masungit na tanong ko pa.

“Uhm...”

“Nagkita na po ba kayo ni Devi?”

“Yeah, dumaan siya kanina rito,” he answered.

“Then bakit kayo nasa kuwarto? Tell me, Tita. May ginawa po ba kayo here? Nakita ko kayo kanina na magkayakap!” Natatawang nilapitan na niya ako.

“Come, sa labas na tayo mag-usap, sweetheart. Let’s go, Castillo.” Nagpatianod na lamang ako at sumunod sa aming likuran ang daddy ni Devi.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top