CHAPTER 5

Chapter 5: Birthday party

STRAP and backless ang suot kong gown ngayon and emerald green ang kulay nito na mas bumagay sa aking maputing kutis. Si Tita Mommy ang naghanda sa akin nito kasi alam niya na hindi ko rin talaga pinaghahandaan ang birthday ng parents ko kaya expected niya na wala akong bagong dress na susuotin ko mamayang gabi.

Ilang araw lang kaming nanatili sa hotel at tumuloy na kami sa mansion ni Dad. Kung saan ay nakatira rin dito ang bago niyang pamilya. Hindi ako bitter, dahil naiinis lang ako sa daddy ko. Sila ni Mommy. Hanggang ngayon kasi ay sila pa rin ang sinisisi ko. Mabuti na lamang ay mabait at mapagmahal ang tita ko. Kung hindi nga lang kay Tita ay hinding-hindi ko na talaga sila kakausapin pa.

Nalaman din ni Tita ang ginawa ko sa aking ina, alam kong mali ang sagutin ng ganoon si Mommy at nagmura pa ako sa harapan niya pero hindi man lang ako nakaramdam ng guilt. Because I don’t really care about her. Katulad pa rin kung paanong nawalan din siya ng pakialam sa akin. Dapat lang ay maging patas kaming dalawa.

Hahagurin na sana ng mga daliri ko ang aking buhok ng makita ko si Devi na hawak niya ang coat ng lalaking nakilala ko—I mean iyong lalaki nga na kasama kong na-stuck sa elevator.

Hindi ko na kasi nakita pa ang owner ng coat na iyan kahit sinusubukan ko siyang hanapin pero hindi na siya mahagilap pa. Ewan ko kung guni-guni ko lang ang gabing iyon pero hindi rin naman, eh. May ebedensiya pa rin sa akin. Chos.

Hindi ko rin pina-laundry ang coat niya dahil ayokong mawala ang amoy ng perfume niya. Curious nga ako kung ano’ng brand ng perfume ang gamit niya at bakit ang hirap hanapin?

“Don’t touch it, Devi!” sigaw ko sa pinsan ko at napakamot siya sa pisngi niya.

“Noong isang araw pa iyan, coz. Kanino ba iyang coat na ’yan? Don’t tell me may itinatago ka na sa amin ni Mommy na boyfriend mo? Bakit hindi mo ipakilala sa amin ng Mommy natin? Luma-love life ka na, ha,” aniya at inikutan ko siya ng eyeballs.

“Hindi ko siya boyfriend, Devi. Nagkataon lang noong sinumpong ako ng nyctophobia ko ay siya ang nandoon para i-comfort ako,” ani ko at nanlaki ang mga mata niya.

“At nagtiwala ka naman sa kanya?! Ni hindi ka ba natakot?! Gosh! Hindi mo kaya siya kilala!” sigaw niya sa akin at mukhang na-stress agad siya.

“Natakot? Nagmagandang loob lang naman siya na tulungan ako, ’no!” sigaw ko rin sa kanya at inirapan ko siya.

“Isusumbong kita kay Mommy!”

“Sige, isusumbong din kita na nauna kang lumabas mula sa private suite natin after mong sagutin ang tawag sa phone mo!” pananakot ko sa kanya at napanguso siya. Kasi ang reason niya noon ay sabay kaming lumabas at sumama lang din siya para i-meet ko ang mommy ko pero sino nga ba ang pinagloloko nitong si Devi?

Eh, may ka-date siya ng araw na iyon. Hindi ko lang alam kung sino at kung bakit kaya nandoon din sa mga oras na iyon. Na parang alam na alam din nito na nandoon siya.

“Grabe ka naman diyan, Novy!”

“What are you doing? At bakit kayo nagtataasan ng boses sa isa’t isa?” Pareho pa kaming napaigtad sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Tita Mommy at agad ko ring naitago sa likuran ko ang coat upang hindi niya makita. Tatadtarin niya rin naman ako ng tanong kung sakali man, eh.

Ayos na ayos na nga rin siya, orange wrap dress lang ang suot niya pero ang elegante na niyang tingnan at parang hindi pa rin talaga siya tumatanda. Kaya marami pa ring nga lalaki ang nagpapalipad ng hangin sa kanya. Hindi niya lamang pinapansin ang mga ito, kahit noong bata pa kami ni Devillaine. Dahil mas gusto niya raw na alagaan na lamang kaming dalawa.

“Nothing, Mommy,” magkasabay na tugon pa namin ni Devi. Nagtaas siya ng kilay sa amin at umiling din siya sa huli.

“Let’s go. Magsisimula na ang party ng daddy mo, Novy,” aniya na tinanguan ko lang at siniko pa ako ni Devi.

“Hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung sino ba talaga ang nagmamay-ari niyan,” mahinang bulong niya sa akin.

“I told you already naman kanina, ah,” ani ko na inilingan niya saka siya naunang maglakad. “Devi!” sigaw ko sa pangalan niya at mabilis akong sumunod.

Napalingon pa sa akin si Tita na kunot-noo na naman. “What is it, sweetheart?” she asked me.

“Naalala ko lang po, Tita Mommy. Magkakaroon na naman po ba ng grand entrance si Dad kasama ang family niya?” I asked her. Iyon kasi ang eksena sa tuwing nag-c-celebrate si dad ng birthday niya.

“Including you, Novy.”

“Tita, pass,” mabilis na saad ko at huminga naman siya nang malalim. Nilapitan niya ako at hinaplos niya ang mukha ko.

“Okay, ako na lang ang magpapaliwanag kay kuya. Alam ko na napipilitan ka lang talaga na pakisamahan ang mga kapatid mo. Especially your stepmom. Sige na, huwag ka nang sumabay sa akin, anak. But dadalo ka pa rin sa birthday party ng daddy mo, okay?” paalala niya.

“Opo, Tita.” Hinalikan pa niya ako sa pisngi saka niya inaya na si Devi.

“Sumunod ka, Novy!” sigaw pa nito sa akin.

“Oo nga!” I fired back saka ako dumaan sa kabilang direksiyon. Pamilyar naman na ako sa mansion ni dad kahit na bihira pa rin akong nagpupunta rito.

Nakarating naman ako sa garden. May green house sila kung saan marami rin talaga ang nakapatong na vase rito at maraming mga bulaklak. Pumasok na muna ako sa loob at umupo sa bench.

Napatingin ako sa isang rosas, hindi naman madilim sa lugar na ito dahil may mga ilaw kaya kitang-kita ko ang ganda ng mga bulaklak. Isa ito sa gusto ng wife ni dad. Kaya rin sila nagkaroon nito.

Pinitas ko ang isang tangkay ng rose pero nasugatan lang ako kung kaya’t malutong na napamura na lamang ako. Ang ganda niya kasi!

“Be careful of the things you touch or no matter how good something is don’t get off his good quality. Sometimes they are really dangerous. Their beauty is deceptive,” bigla ay may matandang lalaki ang nagsalita. Napalingon ako sa kanya at una siyang nasinagan ng buwan sa mukha.

Kahit matanda na siya ay bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging magandang lalaki niya noong kabataan pa niya. Matangkad siya at malaki pa ang pangangatawan. Nang makita ko ang ngiti niya ay may kung ano akong nararamdaman—I mean hindi iyong literal na may kakaiba nga pero ang genuine kasi ng smile niya. Naalaala ko sa kanya ang guwapong lalaki na nakilala ko sa hotel. May hawig din kasi sa kanya.

“This is just a flower. That’s some serious meaning!” I laughed so hard and he was caught by my sudden laugh.

Naglakad pa siya palapit sa akin at nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

And if we talk about a good characteristics that even if it is dangerous we still can’t avoid not being admired by it and even if it is deceptive we still can do nothing.

“This beautiful rose also has a meaning, Sir. This beauty cold also be its resistance to those who want to hurt her. Look, because she’s so beautiful that someone can hold her but there’s also something hidden in her that can also hurt someone who wants to take advantage of her. Despite of her beauty she has thorns, she’s like a person with a unique attitude and personality,” mahabang sambit ko naman.

Ayon sa nalalaman kung sa ganitong usapin. Mahilig din ako sa matatalinghagang salita.

“Yes, you’re right about that. Anyway, what are you doing here?” he asked.

“I just want to breath a fresh air, Sir,” I answered and he smiled.

“Oh, that’s my line when I attend the birthday of my friend’s daughter,” he said with amusement.

“Do you like attending birthday parties like this? Aren’t you bored at the party? For me it’s also exhausting. I prefer to sleep,” nakangiwing sambit ko.

“If you have a lot of friends and you’re afraid of losing them, you need to be with them. Don’t disappoint them either,” he said and I nodded.

“Ah, that’s it,” I uttered.

“Come on, let’s get inside and enjoy the birthday party,” he invited me. I stared at his palm and he smiled at me. I accepted that and he still has a strong body kasi nagawa pa niya akong alalayan na makatayo.

“Thank you, Sir.”

“Grandpa? Are you dating someone younger than you?” My lips parted in shock. What do he say? His Grandpa is dating me? What kind of insanity is he talking about?

“What kind of question is that, Grandson? You’re kidding me, right? What I’m dating this beautiful girl? I prefer you to be her husband,” the old man said at ako naman ang napakamot sa kilay ko. Nirereto naman ako agad. Oh, my gosh.

“W-What? Grandpa...”

My heartbeat skipped that fast when I saw the man who helped me to avoid my fear of the dark, my nyctophobia. The guy who forbade me to wear a sexy dress and the one who let me borrow his pet cat. The handsome guy na nakasama kong na-stuck sa loob ng elevator.

Is he this old man’s grandson? That’s why this looks familiar to me because they look alike. The guy looked at me but I thought he’d be surprised to see me too but his face remained emotionless and still looks like he’s composing. I didn’t see any reaction at all. I think he is now like this. Kung sabagay naman ay hindi ko siya nakitang ngumiti. He’s just serious and kinda cold too.

“Who are you? Are you dating my grandfather?” Halos malaglag ang panga ko sa gulat.

“What now?” bored na tanong ko sa kanya pabalik at doon ko lang nakita ang pagbago ng emosyon niya.

“Grandpa, are you serious?” tanong niya sa kanyang lolo at malakas na tinawanan lang siya nito.

“We’re just talking, apo. Ano ka ba naman. Ano’ng klase bang pag-iisip iyan?” For the ninth time ay nagulat na naman ako dahil sa katagang lumabas sa bibig ng matanda.

“You know how to talk that language, Sir?” namamanghang tanong ko.

“Yes, how about you?” balik na tanong niya.

“Sir, we are from the same country,” sambit ko.

“Wow, that’s great! May I know your name, hija? And why are you here? What are you related with Mr. Bongon?” Ang dami niya talagang tanong, na parang interested siya sa malaman ang tungkol sa akin.

“Ah, well. It’s my daddy’s birthday,” parang bored na sagot ko pa. Kung puwede lang na huwag na sanang sagutin pa, eh. His eyes widened. Nagulat siya?

“Is Nevo Carlos Bongon is your father? Are you his first born and only daughter?” he asked again.

“Unfortunately yes,” I replied and shrugged my shoulder.

“Ha? Unfortunately?” naguguluhan na tanong naman ng isa.

“So, you must be Novy Marie V. Bongon? Novyann’s niece?” Ay, hala puro tanong naman siya.

“Do you know my aunt? Ay, you probably know me cuz you’re here on my father’s birthday but how did you know my name?” I asked him in confuse.

“The destiny, He agrees with me and this is how we met. Come with us to the party and you’ll know us there. Yeah, apo? Do you know the girl we are with now?” Ang apo naman niya ang tinanong niya. Matiim na ang titig nito sa akin na parang may kakaiba na sa akin.

“Are you an international tennis player? The champion of olympic games?” he asked. Kilala niya ako? Pero kung kilala niya nga ako ay hindi na siya magtatanong pa tungkol doon. Ano ba talaga?

“How did you know that?”

“Just answer me,” mariin na saad niya.

“Ano naman sa ’yo?” supladang saad ko at umikot na naman ang eyeballs ko. Psh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top