CHAPTER 49

Chapter 49: Dislike

MAGILIW na sinalubong kami ng parents ni Michael. Nandoon din sina Grandma Lorainne at Grandpa Don Brill. Sinadya na rin na bumili ng pasalubong for them ang tita Mommy ko.

Nagmano ako sa grandparents niya at mahigpit ang yakap sa akin ni Grandma. Hinalikan pa niya ang pisngi ko at matagal na tinitigan ang mga mata ko. Hayan na naman siya sa nakakikilabot na titig na parang kinikilatis din ako at umaabot iyon sa aking kaluluwa.

“Parang ang tagal din nating hindi nagkita, apo.” Napatango ako.

“Oo nga po, eh. Na-miss ko po kayo, Grandma,” nakangiting sambit ko pa.

“Kaya nga nag-set kami ng dinner ngayon para makita ka namin ulit. Anyway, congrats sa competition niyo. Hindi ka man naging champion ay ikaw pa rin ang pinaka-the best na tennis player para sa akin.” I chuckled.

“Thank you po.”

“First runner-up is not bad,” she added.

Hindi agad kami pumunta sa dining area dahil inaya nila kami na mag-coffee muna raw sa balkonahe ng mansion nila.

Umupo ako sa tabi ni Grandma at nasa tapat naming nakaupo sina Grandpa at Tito M. Si Tita Mommy ay sumama kay Tita Jina para tulungan siya sa kitchen nila. Kahit tumanggi naman ang mga ito dahil bisita raw kami.

Sa pagbalik nila ay wala naman silang dalang tray. Sa halip ay si Kuya Markus ang nagdala no’n. Akala ko nga ay kasama na rin nila si Michael pero wala pa rin.

“Are you looking for my grandson, apo?” Tumango ako sa tanong ni Don Brill.

“Two weeks din po kami hindi nagkita, Grandpa at wala po kayong idea kung gaano ko siya ka-miss.” Humalakhak lang siya sa sinabi ko.

“Iba talaga ang kapangyarihan ng isang Brilliantes,” sabi niya at napangiti rin si Tito M.

At masakit din po kayong mahalin.

Isa-isang inilapag ni Kuya Markus ang tasa ng mga kape pero wala roon ang gusto kong inumin. Gusto ko iyong malamig na drinks? Kahit bawal yata sa buntis iyon. Pero iinom na lamang ako ng coffee. Mukhang masarap din kasi ang hinanda ni Tita Jina.

“Hi, Novy. How’s life?” he asked at may ngiti sa mga labi niya. Bihira lang siya kung ngumiti.

“Better po, Kuya,” I replied.

“That’s great.”

“Ang alaga niyong pusa ni Michael?” tanong naman ni Grandma.

“Opo, Si Percy,” nakangiting sambit ko.

Umupo na rin sa tabi ko si Tita Mommy. Kaming mga babae ang magkatabi at akala ko ay hindi na makararating pa si Michael.

“Good evening po,” he greeted us. Bumilis agad ang tibok ng puso ko pero may kirot na rin akong nararamdaman. Dahilan na nahihirapan akong huminga.

Inabot ko ang basong tubig pero dumulas lang iyon sa table kaya nabuhos ang laman no’n. Diretso iyon sa dress ko.

“Oh, my God, hija!”

Maagap si Tita Mommy na tinuyo niya ang tubig sa kamay ko pababa sa kasuotan ko.

“Sorry po, nadulas lang sa kamay ko,” Kagat-labing saad ko.

“You’re already wet, apo.”

“Mabuti pa ay magpalit ka muna ng damit. May extra dress pa ako na hindi ko nasusuot.” Umiling ako kay tita.

“Makapal po ang dress ko, Tita. Hindi ako nito lalamigin. It’s okay po,” ani ko at may pag-aalangan pa sa mga mata niya.

“Are you sure, anak?” my aunt asked me. Nang makita ang matamis na pagngiti ko ay hindi na sila nagpumilit pa.

“Have a seat, son. Kanina ka pa nakatayo riyan,” pag-aaya ni Tito M sa anak niya at nang umupo ito ay nasa tapat ko pa talaga.

I don’t have any idea if ano rin ang dahilan kung bakit nag-invite sila for a dinner. Humigpit ang yakap ko kay Percy nang maramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

“Congratulations, Miss. You did a great job.” Umawang ang labi ko sa katagang lumabas mula sa bibig niya. I felt a pang in my chest.

How could he? Parang...walang hiwalayan ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ang casual, ang casual nang pakikipag-usap niya sa akin. Ngayon ko mas napatunayan na kayang-kaya niyang mabuhay na wala ako. Kayang-kaya niyang harapin ang bukas na hindi na niya ako kasama pa. Masakit malaman ang katotohanan na iyon.

“Thank you, Engineer,” sabi ko at ngumiti pa sa kanya na hindi naman umabot hanggang tainga ko. Katulad nang huling pagkikita namin ay siya agad ang mabilis na nag-iwas nang tingin.

Tahimik lang kami ni Michael noong nag-uusap na ang family namin. Hindi naman sila nakahalata pa na may problema sa amin. Siguro rin ay sanay na sila sa pananahimik namin. Hinihintay ko na rin ang topic namin about us.

Pero umabot lang kami sa dinner ay masaya pa rin ang pakikipagkuwentuhan nila. Ni minsan din ay hindi ko na naramdaman pa ang pagsulyap niya.

Mahirap na nga talaga akong tingnan, ano?

“Be careful, sweetheart,” paalala ni Mommy nang makita niya ang pagkuha ko ng basong may laman na tubig. I just smiled at her and uminom na rin ako.

“Novy, hija. Hindi mo ba nagustuhan ang mga luto ko?” bigla ay tanong ng mommy niya. Medyo nagulat pa ako.

“Masarap po ang luto ninyo, Tita.”

“Pero pansin ko na puro tubig lang ang iniinom mo.”

“Are you not feeling well, Novy? Namumutla ka,” komento naman ni Kuya Markus at binundol agad nang kaba ang aking dibdib.

Nagtama ang paningin namin ni Michael and this time ay ako na ang unang umiwas.

“Siguro po dahil...may jetlag pa ako.”

“Oh, we forgot na Kadarating mo lang pala.” I nodded to Grandpa’s remark.

“Halos hindi mo pa nagagalaw ang food mo, sweetheart.”

“Sorry po talaga... Mukhang...masama nga po ang pakiramdam ko. Nasusuka—nahihilo pa ho ako,” saad ko at ilang saglit pa silang natigilan. Bayolenteng napalunok ako. Muntik ko nang masabing nasusuka ako. I looked at my Tita Mommy. Ayokong malaman nila na buntis ako.

“Gusto mo bang umuwi na tayo?” Nilingon ko ang Brilliantes clan na masayang kumakain na kasama kami pero dahil lang sa masama ang pakiramdam ko ay iiwan na lamang namin sila nang ganito?

“I’m sorry po...” sincere na sambit ko at nagawa ko pang yumuko.

“Novy, why are you saying sorry, hija?” tanong ni Grandma Lorainne.

“W-Wala po bang sinabi sa inyo si Michael?” tanong ko sabay na sinulyapan ko ang side nito. Nag-angat siya nang tingin.

“Miss...” he said.

“What is it, son?” his father asked him. Nakuha na niya ang atensyon ng mga ito.

“May dapat ba kaming malaman, apo?” tanong naman ni Don Brill.

“Uhm, mabuti pa na magpahinga na muna si Novy sa kuwarto ni Michael. Son, ihatid mo muna ang fiancé mo.” Ilang beses pa akong napakurap dahil sa pagsabat naman nito. Parang...may alam si Tita sa nangyari.

Ano ba ang gusto nila?

Sabay pa kaming tumayo ni Michael. “Doon na lamang po kami sa living room niyo ni Percy.”

“But, hija.”

“Baka po kasi makatulog ako kung may mararamdaman akong bed,” biro ko at bago pa sila magsalita ulit dahil hindi sang-ayon ay nagsimula na akong maglakad.

Umupo ako sa malambot nilang sofa at isinandal ko ang likod ko sa headrest nito. Ibinaba ko na rin si Percy pero umakyat lang siya sa lap ko.

“Someone’s being clingy,” I uttered.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang saglit pa lang ay naramdaman ko ang pamilyar na presensiya niya. Kahit nakapikit pa ako ay makikilala at makikilala pa rin siya ng puso ko. Sa kanya lang kasi ito tumitibok, eh.

“Mommy knows everything, Miss. Siya na rin...ang bahala na magsabi ng tungkol sa atin.” I nodded. Tama nga ako na may nalalaman din siya.

“I guess, this is gonna be the last na makakarating ako here sa mansion niyo and hindi na ako welcome pa sa susunod,” sambit ko at mapait akong ngumiti.

“You can come—”

“Don’t give me a false hope, Engineer. Aasa lang ako sa wala. Please, stop it. Don’t make this hard for me, please...”

“I’m sorry.” Napalingon na ako sa kanya nang humakbang na naman siya palayo, away from me.

Wala na nga ba talaga, Michael? Hanggang dito na lamang tayo?

Hindi na rin ako nakaalis pa sa seat ko dahil nagtungo agad sila rito. May dessert pa raw silang hinanda. To be honest ay gusto ko nang umuwi. I can’t stand to stay here with his presence na balewala na lamang ako.

“Novy, good job.” Nag-angat ako nang tingin sa biglaan na pagbati ni Tito M.

“Congrats, apo. Hindi nga talaga ako nagkamali,” ani naman ni Grandpa. Nagtatakang tumingin ako kay tita. Dumating ulit si Michael at hindi na siya umupo sa tapat ko. Clueless ako kung bakit binabati nila ako.

“I told them about your business, anak.” Hinaplos pa niya ang buhok ko.

“Akala ko ay bola lang ang kaya mong hawakan, Novy,” wika naman ni Kuya Markus. Ngumiti ako.

“Bagay nga sila ni Michael. Anyway, hija. He’s doing fine naman, marami na siyang project na hawak ngayon dahil sa sarili niyang kompanya,” pagbibida pa ni Grandpa. That’s good to hear po, na okay na siya.

“Secure na ang future ninyong dalawa.” Tiningnan ko naman ang reaction ni Tita Jina. Kabado pa siya.

“Maybe. Pero hindi maganda ang lagay ng company niya ngayon. Sinusubok siya ng tadhana kung paano niya i-handle ito nang maayos.” Hinayaan ko na ang tita ko na magkuwentuhan about that. Wala namang mawawala sa akin kapag nalaman nila ang tungkol doon.

“Like what? Do you need a help, Novy?” Kuya Markus asked me. Umiling ako.

“May 30 clients agad sila, fifteen lang silang interior designer pero na-reject daw ang sampung kasamahan nila kaya silang lima lang ang nagtrabaho nang husto.” Yumuko ako dahil sa naramdaman kong nasa akin ang lahat nang atensyon nila.

“Paano iyon? Tig-limang proyekto ang hawak niyo?” Si Grandma naman ang nagtanong. Napukaw ko rin ang interes niya.

“Sana nga po ay ganoon ang nangyari, Mrs. Lorainne. Pero mas maraming hawak na kliyente si Novy. What is worst po ay ang pera nila ay tinakbo pa ng secretary ng supplier nila,” sagot naman ng tita ko.

Iniiwasan ko ang mapatingin ulit kay Michael kasi tumatagal na rin yata ang titig niya. Kabaliktaran kasi ang nangyari sa kanya at sa akin.

“Na-report ninyo na ba siya?” tanong ni Kuya Markus.

“Opo, pero hindi namin mahanap ang whereabouts niya. Nag-resign din kasi after that.”

“Kailan nangyari ’yan?”

“May...three weeks na po,” sagot ko sa tanong ni Tito M.

“And until now ay hindi pa siya nahahanap?” Umiling ako.

“That’s impossible. Give me his or her name and information, ipahahanap ko siya sa private investigator ko.”

“No need, Kuya Markus. Ang company na nila ang bahala. Nag-u-update naman na sila sa akin,” ani ko.

“Tapos na rin ba ang designs mo para sa iba mong kliyente?”

“Wala pa ho ako sa kalahati.” Napasinghap sila sa sinagot ko.

“What about the budget?”

“My father, siya po ang investor namin and Mom, provided the money. Dahil na rin po sa nanakawan kami ay napilitan na rin po ako na gamitin ang mga perang naipon ko sa pagiging tennis player ko,” pagkuwento at higit silang namangha sa ginawa ko.

“Hindi ka naman siguro na-pressure, hija?”

“Pressure na pressure po ako. Hindi ko na rin po alam ang gagawin ko sa mga problemang sunod-sunod na kinahaharap ng company namin. Therefore huwag na rin po kayong magtaka kapag hindi naging successful iyon.”

“Ha, why?” halos magkasabay na tanong nila.

“Nawala na rin po kasi sa akin ang isang importanteng bagay na dahilan kung bakit...nabuo ang kompanya na iyon.” Diretsong nagtama ang aming mga mata at doon ko nakita ang emosyon niya. Nagtataka, may pagtatanong.

“Michael, I think matutulungan mo rito ang fiancé mo,” saad ni Grandpa. I looked at him.

“Actually po, Michael and I are—”

“Hija, tara sa kuwarto namin. May gusto lang akong ibigay sa ’yo,” biglang sabat ni Tita Jina. Nang hawakan niya ang siko ko para alalayan akong makatayo ay wala na rin akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Napatingin ako kay tita mommy na ngumiti lang siya at kinuha na niya si Percy mula sa bisig ko. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin sa akin ng Mommy ni Michael. I know na may kinalaman ito sa amin.

Pagdating namin ay hindi ko na rin siya hinintay na magsalita pa. “Tita, m-may alam po ba kayo sa nangyari sa amin ng anak niyo?” I asked her right away.

She nodded at iginiya niya akong umupo sa sofa. Pinagsiklop ko ang magkabilang palad ko and I wait for her answer.

“Two weeks ago ay umuwi siyang umiiyak. He told me everything that...he wanted to break up with you even though alam ko ang consequence kapag binali niya ang desisyon ng lolo nila. But hija, anak ko siya at kahit ma-d-disappoint ang father-in-law ko sa gagawin naming pag-atras ng kasal niyo ay paninindigan ko. Hindi ko kayang makita ang anak ko na nasasaktan at umiiyak dahil lang sa pagod na intindihin ka. Sabi ko naman sa ’yo, right? May limitasyon siya at napupuno rin siya kaya iyon ang nangyari sa inyo.” Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

“B-Binigla naman niya po ako, Tita... H-Hindi pa ako handa...” humihikbing sambit ko.

“Don’t be mad at him. Ako, ako ang may gustong bitawan ka niya. Naging masunurin din siya dahil alam niya na iyon ang makabubuti para sa kanya, Novy,” sambit niya at napatutop ako sa aking dibdib.

“Tita...”

“Huwag na muna nating sabihin ito sa kanila. Bigyan mo ako nang sapat na oras para sabihin ang tungkol sa inyo, Novy. I am sorry, sa totoo lang. Sa umpisa pa lang ay ayoko na sa ’yo...” Umawang ang labi ko sa gulat.

“T-Tita...” Nabasag ang boses ko dahil lumalabas na rin ang true colors niya. Ayaw niya pala sa akin, pero bakit nagpanggap siya na okay kami? Nakikita ko na tila gusto niya ako para sa anak niya pero bakit ngayon ay lumabas na rin ang katotohanan na ayaw niya sa akin.

“Dahil malakas ang kutob ko na sasaktan mo lang ang anak ko, Novy,” mariin na saad niya ngunit pulang-pula na rin ang mga mata niya.

“N-Nasasaktan din po ako, Tita,” naiiling na saad ko at marahan kong pinalo ang dibdib ko. Halos hingalin na rin ako dahil nahihirapan akong huminga. “M-Mahal ko po ang anak niyo... Mahal na mahal ko po siya...”

“But for now, you need to let him go first,” sabi niya at dinaluhan niya ako pero iba ang ginawa niya.

Nagawa niyang lumuhod sa harapan ko na basang-basa na rin ang pisngi niya, sa mga luha.

“T-Tita...” Napatayo agad ako.

“Please, bigyan mo muna kami nang sapat na oras para sabihin sa lolo niya ang paghihiwalay niyo at kapag nangyari iyon... Kusa mo sanang tanggapin at respetuhin ang desisyon ni Michael. Kung mahal mo siya ay palayain mo siya, hija... N-Nakikiusap ako... Palayain mo siya nang hindi siya nakararamdam ng kahit na ano’ng guilt sa kanyang dibdib. Noong pinili niyang bitawan ka ay naging maayos sa kanya ang lahat not until nakita niya sa NEWS ang competition niyo at sinisisi niya ang sarili niya kung bakit halatang hindi ka naka-focus sa laro niyo. Novy... Kausapin mo sana siya nang hindi mo pinaparamdam sa kanya na nasasaktan ka rin. Let him heal,” nakikiusap na saad niya.

“P-Paano naman po ako, Tita? Paano—”

“Kaya mo, Novy... Alam kong kaya mo...” I shook my head.

“How, Tita? Paano ko ho kakayanin? I’m pregnant.” Gumuhit ang gulat sa mukha niya nang marinig ang mga katagang sinambit ko. “I’m pregnant, Tita Jina...”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top