CHAPTER 48

Chapter 48: Pregnant

“DID you miss him, Percy? Did you miss your Daddy Michael? Hmm?” I asked my cat, Percy. As I caressed her balahibo. Nasa hotel suite kami at kauuwi ko lang from my work.

Michael was true na kailangan namin ng break up dahil hindi na rin healthy ang relationship namin. Wala na akong nararamdaman na pressure or something, pero magulo pa rin ang isip ko. Nagagawa ko nang umuwi as early as possible at si Percy agad ang sumasalubong sa akin everytime na umuuwi ako sa hotel.

Tatambay ako sa balcony ko kasama si Percy at tatanawin namin ang nasa baba, hanggang sa inaabutan na rin kami nang gabi. Kung hindi ko lang nararamdaman ang pagod ng hips ko from my seat ay hindi ako aalis agad. Nag-r-relax ang katawan ko sa malamig na simoy ng hangin. Hina-hunting pa rin naman ako ng memories namin ng ex-fiancé ko.

Sa tuwing naalala ko siya ay hindi ko na naman mapigilan ang mapaluha. Mabilis kong pinunasan iyon gamit ang likod ng palad ko.

Hindi siya katulad ng ibang tao na kahit na kapag napagod siya ay puwede namang mag-cool-off. Iyong kailangan niyo lang ng distance at hindi kayo maghihiwalay. Cool-off lang, iyong tipong pahinga lang. Na walang pressure at kapag okay na kayo ay puwede na kayong magbalikan ulit.

Pero iba ang tumatakbo sa utak niya. Iba ang pinili niya at ang desisyon niya ay ang tapusin ang kung ano man ang mayroon sa amin and I need to respect his decision. I don’t have right na pigilan siya sa gusto niya, dahil sa aming dalawa ay siya nga talaga ang nag-e-effort at mahaba ang pasensiya niya. Naiintindihan ko na nakapapagod ang relasyon namin na puro selos at pag-aaway lang ang nangyayari.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga at nang bumaba ang mga mata ko kay Percy ay mapait akong napangiti. Suot ko pa rin ang engagement ring namin.

“Pati ikaw ay kailangan ko na ring i-give up,” sambit ko at bumaba pa ang tingin ko sa anklet ko. “Ikaw rin?” Parang hindi ko rin kasi kaya na makita ang mga bigay niya. Mas lalo akong nasasaktan.

Nang dumilim na lalo ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng room ko. Napahinto lamang ako nang makita ko ang lalaking nakatayo sa unahan ko, ilang hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa.

Matapang na sasalubungin ko rin sana ang mga mata niya pero agad siyang nag-iwas nang tingin. Hindi niya kayang tingnan ako nang matagal sa eyes ko. Parang isang sumpa na maaari siyang maglaho.

Tumalon mula sa kamay ko si Percy at nilapitan siya. Naglambing ito sa paa niya at saka siya yumuko para buhatin ito.

“Long time no see, Percy.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Tila may bumara sa lalamunan ko at mahirap lunukin.

Nangangatal ang mga kamay ko at pinipigilan ko ang sarili ko na itapon ang katawan ko para yakapin siya. Iniisip ko na lamang na parang may lubid na gumagapos sa aking katawan para hindi ako makalapit sa kanya. Miss na miss ko na siya at walang oras na hindi nagdaan na hindi siya sumasagi sa isip ko. But he seems fine. Hindi halatang brokenhearted siya.

“Meow...” Tumalon ulit si Percy at ako na naman ang nilapitan niya pero nanatili na ako sa kinakatayuan ko.

“I’m here to pack my things.” Mariin kong kinagat ang lower lip ko. Muntik ko nang isipin na nandito siya dahil sa akin. That maybe his mind was change na rin. Na gusto na niyang makipagbalikan sa akin.

“Go ahead,” malamig na sambit ko. Mabuti na lamang ay hindi nabasag ang boses ko.

Naghintay ako sa living room ng penthouse ko at nasa loob na siya ng walk-in closet para mag-impake ng luggage niya. Nasa lap ko na ulit si Percy. I felt his presence from behind but I didn’t even move. I remained silent.

Napatingin ako sa suot niyang slippers niya. Mabilis na lumipat lang iyon sa center table at inilapag niya roon ang key niya.

“This is your key and thank you,” he said casually. I cleared out my throat. Hindi na ako nakapagsalita pa until he went to the door.

I stared at his back. Mariin kong naitikom ang bibig ko. I wanna say something. Like gusto ko siyang pigilan. I want him to stay with me and pleaded him to take me back with him but I just can’t.

Nang ipihit niya ang door ay tuluyan na siyang lumabas. I stood up at nagtungo rin ako sa pintuan ko. Hinawakan ko ang doorknob at iikutin ko na sana iyon nang umaagos na ang luha ko.

“I missed you so much, Michael... Seeing you like this... is killing me...” I uttered. I rested my back sa door at dumausdos na naman ako pababa.

I was calling his name again, again and again... Napahawak ako sa puson ko nang maramdaman ko na naman ang pananakit nito, sumasabay sa kirot sa puso ko.

I can’t imagine myself hurting like this... Tita Mommy was right. Masakit ang first love. Hindi ko in-expect na ganito pala siya kasakit. Ang memories namin ay naglalaro sa utak ko at naaalala ko lang ang masasayang eksena namin.

Paano kaya nila nalalampasan ang ganitong klaseng pagsubok? Paano nila nagagawang kalimutan ang isang tao na nagbigay sa ’yo nang walang hangganan na kasiyahan ngunit mauuwi lamang sa malungkot na ending?

Paano? Paano ko kalilimutan ang isang lalaking minahal ko na halos ibinigay ko na sa kanya ang lahat?

“I don’t want this relationship anymore, I thought I could handle it. I thought I could still hold it... But it’s not anymore... I’m the one adjusting! I waited for your times! But there is nothing! You are always busy! Then now you give me all your attention you tie me up too! Lahat na lang ng babaeng kasama ko sa trabaho ay pinagseselosan mo na! I love you! I love you at hindi ko kayang mambabae!”

“I am sorry, Novy... I know you can do this, just like me... But thank you, Novy. My love for you is genuine but—”

“But I’m already tired! Pagod na akong intindihin ka!”

“I’m just tired, Novy... We...we need to break up...”

“Pagod na pagod na pala talaga siya, Percy... Pero nahihirapan pa rin akong pakawalan siya... M-Mahal na mahal ko ang engineer na iyon, Percy... Nakapapagod pala akong...mahalin, ano? N-Nagkamali ba ako na ibigay ko ang pagmamahal ko sa kanya? But, but...” Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at kahit ang sipon ko ay tumutulo na rin. “But I really love him, Percy... Sana... panaginip na lamang ito at sana magising na ako... A-Ayoko na rito... Ayaw ko na, Percy... Ayaw ko na...”

PARANG lumulutang ang katawan ko at ang hirap maka-get over sa mga nangyari sa buhay ko. Higit kong naramdaman ang pagod ko.

Titig na titig ako sa company ko. My little brothers help me for this and I was inspired because of my fian—ex-fiancé. Tatanungin ko ang sarili ko ngayon, kaya ko pa ba itong ituloy?

Makakaya ko pa bang ipagpatuloy ang isang bagay na nasimulan ko na? Isa ito sa dahilan kung bakit ako naging busy at halos wala na rin akong oras para sa kanya. Ngunit ang lahat naman ay ginawa ko for him. Sa akin lang ang may mali, ako lang ang nagkulang. Hindi ako naging perpekto.

Mabilis akong napatakip sa ilong ko nang may dumaan na staff ko. “What’s that smell?” I asked her. She’s one of my interior designer. Huminto siya nang makita ako.

“Good morning po, Ma’am Novy. Miso soup po ang kinakain ko,” sagot niya at may disposable cups pa siya.

“Kumakain ka kahit naglalakad?” I asked her in confused. Tipid siyang ngumiti.

“Pang-breakfast po, Ma’am.” I just nodded at hindi na ako nag-usisa pa. Sabay na kaming pumasok.

“Bakit po gusto niyo? Malapit lang naman po ang resto at puwede akong mag-take out ulit para sa inyo, Ma’am Novy.” Umiling ako. Hindi ko gusto ang amoy kaya baka pati na ang lasa nito. Nandidiri ako na ano, hindi ko maintidihan ang taste ko ngayon.

“Hindi ko gusto ang amoy. Parang malansa,” sabi ko at nagtaka siya sa sinagot ko. I tapped her shoulder saka ako pumasok sa office ko.

Hindi pa man umiinit ang upuan ko nang pumasok na si Ms. Guerrero at problema na naman ang hinarap ko. Umalis ako kasama ang isa kong staff na naka-assign sa isa naming client.

“Madali lang naman talagang gawin ito pero bakit umabot pa ito nang days?” the client asked me. Kanina pa ako nakikinig sa complain niya at hindi pa agad ako nagsalita kasi sunod-sunod ang words niya.

“Kailangan na po ba talagang matapos ito agad?” walang buhay na tanong ko.

“Yes, darating na kasi ang fiancé ko next week.” Pinagkrus pa niya ang magkabilang braso niya. Fiancé.

“Then we work this for two days.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Seryoso ako.

“Are you sure kaya niyo sa loob ng two days? One week na ito pero hanggang room ko lang ang nagagawa niyo.”

“We can do that. We have our design and layout, tapos na iyon. Rest assured na tapos na ito for two days.”

Hindi ko nabigo ang kliyente namin. Maski ang mga kasamahan ko ay nagulat din na magagawa naming tapusin ang work namin sa loob lang nang two days. May sapat na pahinga naman kami.

One week pa ang nakalipas at noong competition namin, for the first time in the history, I failed. Nag-first runner-up lang ang team namin. Maliit na puntos lang ang pagitan.

Hindi iyon dahil kulang ako sa practice or something, magulo lang talaga ang brain ko at hindi ako nag-focus. Kahit noong pauwi na kami sa Philippines ay dinumog kami ng mga media at tinanong ako kung bakit hindi kami naging champion.

Si Ninang Avemn na lang ang sumagot. May iba na na-disappoint ko pero karamihan naman sa mga fans ko ay sinuportahan pa rin ako.

Pagsakay ko sa puting van ay ’sakto namang tumunog ang ringtone alert ng phone ko. I smiled bitterly. Maski ang phone na ito ay mula pa sa kanya.

Binabasa ko ang message na na-received ko from Tita Jina. She’s inviting me sa dinner. Ewan ko lang kung darating din si Michael or maybe hindi na. O baka posible rin kasi bahay nila iyon. May bumubulong sa akin na tanggihan ang invitation pero mas nanaig sa puso ko ang gusto kong makita ulit si Michael.

Kahit hindi na niya ako pansinin pa roon o kahit masakit ang makita siyang masaya na siya nang pinili niyang palayain ko na siya at sumuko na lamang bigla.

“Masyado mo bang dinibdib ang competition, Novy?” tanong sa akin ng ninang ko. Ngumiti ako sa kanya na parang wala nga akong problema sa nakalipas na mga araw. Tinanggal ko ang eyeglasses ko.

“Deserve po ng kalaban namin na manalo because ginawa po nila ang best nila,” sambit ko na ikinangiti niya.

“Iyan ang isa sa nagustuhan ko sa ’yo, Novy. Ang pagiging positive mo. Pero kumusta naman ang pakiramdam mo?” tanong niya kapagkuwan. Napapansin niya kasi na madalas akong nahihilo at nagsusuka pa.

“Ayos lamang po ako, Ninang.” Never been better.

“Hindi ka na ba nahihilo? Kanina ay nagsusuka ka. Bago pa lamang ang competition niyo ay halatang masama na ang pakiramdam mo. Kaya ang sabi nila na wala ka sa kondisyon para maglaro,” wika niya. Totoong wala ako sa kondisyon.

“Wala lang po ito.”

“Tell me, hija. Are you pregnant? Sintomas ng pagdadalang-tao ang mga nararamdaman mo ngayon.” Tila nabingi ako sa tanong ni Ninang. Am I pregnant?

Wala sa sariling napatingin ako sa calendar sa phone ko at doon ko lang naalala na malapit na palang mag-three months na delay na ang menstruation ko. Ito ang mga panahon na away-bati na lamang ang ginagawa namin ni Michael. Nakalimutan ko na rin ang tungkol dito. God...

Napahawak ako sa puson ko. God... Hindi ko na alam ang gagawin ko kung buntis na ba ako. Gayong...wala na kami ni... I took a deep breath.

“I am not sure pa, Ninang,” I answered.

“Kuya, dumaan po tayo sa pharmacy May bibilhan lang po ako,” sabi niya sa driver niya.

Si Ninang Avemn lang ang bumaba sa van pagdating namin sa pharmacy at bumili siya ng pregnancy test kit. Dalawa pa iyon para sigurado raw kami. Nanginig pa ang kamay ko nang abutin ko iyon.

“What if... positive po ito, Ninang? What about my career?” I asked her. She patted my head. Sa totoo lang ay hindi naman iyon ang problema ko. Ang daddy mismo ng baby ko, if ever na nandito na rin siya sa sinapupunan ko.

“It’s a Blessings, Novy. Baka panahon na nga para huminto ka muna. Puwede ka namang bumalik after your pregnancy,” she just said. No wonder na naging best friend siya ni Tita Mommy. Mabait siya at maalalahanin.

“Thank you po, Ninang,” ani ko at yumakap siya sa akin.

“If positive iyan ay sabihin mo sa akin agad, okay?” I nodded.

WHEN we reached the hotel ay agad kong ginamit ang binili ni Ninang Avemn. Kahit medyo kabado ako ay sinubukan ko pa rin para malaman ko na kung preggy na rin ba ako. Kasi base pa lamang sa mga weird na nangyayari sa katawan ko ay sintomas na iyon nang pagbubuntis.

Ilang minuto muna ang hinintay ko at nasa banyo pa rin ako. Hinihintay ko ang resulta saka ko tiningnan ang pregnancy test ko.

Two lines.

Halos malaglag mula sa palad ko ang kit nang makita ko iyon. Dalawang linya... Dalawang linya na nagsasabing buntis nga ako.

Binalot ako nang takot, kaba, lungkot at saya sa aking dibdib. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman ko at this moment. Isa lang naman ang sigurado ako, I am happy that I’m pregnant kahit break na kami ni Michael. Nag-message lang ako kay Ninang na positive at sinabi ko rin na ilihim muna ito. She didn’t ask anything naman. Naisip niya rin na baka gusto kong i-surprise ang tita ko or my parents.

Maybe ang dinner namin ay para pag-usapan ang tungkol sa engagement namin, na tutuldukan na rin iyon. Dumating naman si Tita Mommy maski siya ay invited kaya nasa isip ko na ito na rin ang oras na malalaman nilang tapos na rin kami ni Michael.

I was wearing my wrapped black dress above the knee, and a pair of doll shoes. Hindi na ako gaano nag-ayos pa ng buhok ko at wala akong in-apply na make-up. Hindi naman iyon pinuna ng tita ko. Naka-blue dress din siya.

“Hindi ka ba sasama sa amin, Devi?” I asked my cousin. Nakaupo lang kasi siya at abala sa laptop niya. Hanggang dito ay dinadala niya ang work niya.

“May date ako later,” sagot niya nang pabulong. I frowned.

“Alam ba ’yan ni Mommy?” She shook her head.

“Don’t tell her, malalaman din naman ni Mommy later on,” she said and giggled. Natawa rin ako sa inasta niya. Wala kasi siyang puwedeng ilihim sa mommy niya. When it comes to her boys ay bantay-sarado si Tita Mommy.

“Bahala ka,” ani ko at nagkibit-balikat lamang siya.

“Let’s go, sweetheart, and you, Devi. Umuwi ka agad at huwag magpagabi,” babala pa sa kanya ng mother niya. She even mouthed me ‘see?’

Lumapit na ako sa sofa para kunin ko si Percy dahil isasama ko rin siya or rather say na isasauli ko na rin siya real owner niya. Matagal ko na rin kasi itong pinag-isipan, eh.

Habang nasa biyahe na kami ay nilaro-laro ko lang ang alagang pusa namin. This is the last time na mayayakap ko siya nang ganito. So, susulitin ko na ang natitirang sandali naming dalawa. Ayokong katulad ng guwapong amo niya na maghihiwalay kami ng hindi pa ako handa.

“I’m gonna miss you too, Percy. Tell your Daddy Michael that I love him, so much” I muttered.

***

“Novy?” I glanced at my tita mommy when she called me name. Nakarating na rin kami sa mansion ng Brilliantes clan. Kinuha na niya siguro ang attention ko dahil matagal kong tinitigan ang bahay ng lalaking mahal ko. Ito na rin ang huling araw na makikita ko ito nang ganito kalapit.

“Yes po, Tita?” tugon ko. Hinaplos niya ang pisngi ko.

“Napansin ko na bihira na lang kung umuwi ang fiancé mo sa penthouse niyo. Busy na rin yata siya sa work niya dahil narinig ko rin na sunod-sunod ang project na ibinigay sa kanya ni Don Brill.” Mapait akong ngumiti sa sinabi niyang fiancé ko.

Tita Mommy, we’re over na po.

“Yeah. Busy na po siya at pareho lang naman po kami,” ani ko. Hinalikan niya ang noo ko. “Mommy, hindi po ba kayo napagod sa pag-aalaga sa akin noong bata pa ako?” tanong ko at nakita ko ang pagkislap ng eyes niya.

“Mabait at malambing kang bata noon, sweetheart. Bibong-bibo, hindi ka mahirap alagaan dahil masunurin ka naman. Kayo ni Devillaine ang naging happy pills ko and my pahinga. Mahal na mahal ko kayong dalawa.” Pinagdikit ni Tita ang aming noo at ngayon alam ko na.

Kadugo ko si tita, nakababatang kapatid siya ng daddy ko at natural na hindi siya mapapagod na alagaan ako. Hindi katulad ni Michael, ilang buwan lang kaming nagsama at... natural din na mapapagod siyang intindihin ako.

“Sana nga po ay ikaw na lang ang Mommy ko, Tita,” ani ko.

“Magtatampo ang Mommy mo niyan,” natatawang saad niya. “Come on, let’s go. Baka nasa mansion na rin nila ang fiancé mo. Maybe kanina pa siya naghihintay sa atin, especially you.” Hinawakan niya ang kamay ko.

Malamang po, kanina pa sila naghihintay at isang pagputol na komunikasyon ng pamilya natin ang mangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top