CHAPTER 43

Chapter 43: Her world

HAVING a dinner together with my future in-laws it was very nice. Mababait naman talaga ang Brilliantes clan kaya hindi sila mahirap pakisamahan. Especially ang grandparents ni Michael.

Si Grandma Lorainne ay napakabait niya and approachable rin siya. Si Grandpa Don Brill ay ganoon din naman. Bagay na bagay nga silang mag-asawa dahil kapwa silang may mabubuting loob.

In the next morning ay sinadya ko na hindi na muna ako papasok sa work ko today. Tinawagan ko na ang secretary ko at sinabihan ko na lamang siya na siya na muna ang bahala sa company namin.

I chose to wear my purple empire dress above my knees and a pair of ankle strap heels. I put my light make-up on my face. Nasa vanity table ako nang lumabas mula sa walk-in closet ko ang fiancé ko.

He was wearing his dark blue suit, sky blue longsleeve and a pair of black shoes. Wala siyang suot na necktie at naka-gel pa ang hair niya. He was ready for his work too.

“Let’s go?” pag-aaya ko. I stood up and went to our bed. Nandoon kasi ang pouch ko.

“Bakit parang hindi ka naman papasok sa trabaho mo, Miss?” nagtatakang tanong niya habang sinsipat ang outfit ko.

“Paano mo naman nasabi?” natatawang tanong ko.

“Hindi kasi ganyan ang damit mo kapag nagtatrabaho ka.” I extended my hand to him. Isa na pala iyon sa naobserbahan niya.

“We’re having a date today,” I muttered. Nagsalubong ang kilay niya pero kalaunan ay tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.

“But I’m gonna meet my client today, baby.” I snorted.

“Sasayangin mo ba ang outfit ko, Engineer Michael?” I asked him. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Natatawang nilapitan niya ako at ginawaran ng halik sa aking noo.

“You’re so gorgeous, Novy.” He caressed my face and lowered his head to kiss my lips. I didn’t wrap my arms around his neck, instead tinulak ko siya sa dibdib.

“Ayaw mong maka-date ako, hmm?” Naglalambing ako na parang pusa. Speaking of our Percy, hayon nasa pangangalaga siya ni Tita Mommy.

He licked his lower lip at muli niya lang akong siniil nang mariin at mainit na halik. Nang iginalaw ko na rin ang mga labi ko ay may diin niya akong hinapit sa baywang ko para magkadikit ang katawan namin.

Kahit gaano pa kataas ang heels ko ay ang hirap pa rin niyang abutin kaya hinila ko pababa ang collar niya para mas mahalikan ko siya nang maayos. Kusa naman siyang yumuyuko.

Napahigpit ang paghawak ko nang kagatin niya ang labi ko at ipinasok ang dila sa loob para galugarin nito ang bibig ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa mapupusok niyang mga halik. Nasa aking pisngi na ang isang palad niya.

Nang pakawalan niya ang labi ko ay pareho naming habol ang sariling hininga. Mapupungay ang mga mata niya nang titigan niya ako. Ngumiti siya sa akin dahilan na bumilis na naman ang heartbeat ko.

“Of course, I love to,” he replied and kissed my nose.

“I love you, Michael. You are the most important person in my life. You are my everything. Kung may pagkukulang man ako sa ’yo ay pagpasensyahan mo na ako. But always remember na sa ’yo lang titibok ang puso ko,” emotional na saad ko.

Hindi naman ako ka-cheesy dati. Hindi ako ganito kung magsalita sa isang tao. Hindi ako sweet at mas lalong hindi rin mabait na tao. But with him, nang makilala ko siya ay marami siyang nabago sa aking pagkatao.

Marami akong mga bagay na na-realize. Siya rin ang kauna-unahang lalaki na nagturo sa akin kung paanong maging better person at ang mahalin ang mga taong may pakialam sa ’yo, pinapahalagahan ka at tanggap ang kung ano ka man.

“I love you too, Novy Marie... Let’s get married, baby,” he uttered and I chuckled softly.

“Puwede rin. Tapos uunahan natin ang mga kuya mo,” sabi ko at napailing siya.

“I love you. Hindi iyon magbabago at hinding-hindi ako mapapagod na intindihin ka,” he promised. May matamis na ngiti sa mga labi niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Dámn it. I love this man so much. Paano na lang ako kung mawawala siya?

***

“Can you do me a favor, Kuya?” Kausap ni Michael ang nakatatandang kapatid niya na si Kuya Markus, over the phone. Gusto niya na ito ang makipag-meet up sa client niya.

Para naman daw hindi ito ma-disappoint na hindi siya ang nakarating. Wala rin naman kaso kung ito pa ang makikipagkita.

“Spill it,” narinig kong seryosong sabi nito sa kabilang linya. Naka-connect sa speaker niya ang phone kaya maririnig ko ang boses nito. Kasalukuyan na rin kasi kaming lulan ng kotse niya at nag-d-drive na siya.

“You’re not busy?” he asked again.

“Busy. But what is it?”

“Puwede po bang ikaw na muna ang makikipagkita kay Ms. Chua? She’s my client at may lunch meeting nga kami sa Amor restaurant,” he stated.

“Why? Hindi ka ba makararating?” balik na tanong nito. Sinulyapan niya ako at mabilis na ngumiti. I smiled at him lovingly.

“I’m with my very beautiful fiancé, Kuya. She asked me for a date. Who am I to decline her invitation, right? She’s just being sweet.” My lips parted in shock.

“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Kailangan pa ba talagang sabihin iyon sa kuya niya? Hindi ba puwedeng sabihin na lamang niya na may date kami? At gusto pa niyang ipangalandakan na ako talaga ang nag-aya sa kanya ng date? Seriously?!

“Oh, how sweet. Okay, ako na ang bahala. Enjoy your date then,” sabi nito saka ibinaba ang tawag.

I glared at Michael. Since hawak niya ang kamay ko ay nagawa kong pisilin nang mariin ang mahahaba niyang daliri.

“The hèck, Engineer! Do you need to say that to your older brother?!” I shouted at him. He just smiled at wala lang sa kanya ang pisilin ko nang sobrang diin ang daliri niya.

“I’m proud of you, that’s why. Isang engineer lang naman ang inaya mong makipag-date, Miss.” Napaismid na lamang ako sa naging reason niya. Ako pa ang gusto niyang ipahiya!

We went to the gym, kung saan na madalas akong namamalagi dati. Kung saan ako nag-p-practice ng tennis. Alam kong nabigla siya dahil date namin ito pero dadalhin ko pa siya roon. But he didn’t complaint. Isa ito sa nagustuhan kong pag-uugali niya.

Pagkababa ko from his car ay pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko. Maganda ang panahon ngayon at hindi siya masyadong mainit. To be honest ay malamig nga ang simoy ng hangin at may kalakasan pa ito.

Bahagya pang lumihis ang dress ko dahil sa hangin kaya mabilis niyang hinawakan iyon. Salubong agad ang kilay niya nang sulyapan niya ako.

“Dapat ay nag-pants ka na lang, Novy.”

“Date po ito, Engineer. Ayokong mag-pants,” nakasimangot na saad ko. He let out a short laugh at saka ko siya inaya.

Nagtungo kami sa last floor ng building, kitang-kita pa rin naman mula rito ang gymn at makikita ang mga tennis player na naglalaro sa baba. Nahagip pa ng mga mata ko si Coach Avemn. Fourth floor lang naman ang mayroon dito.

May balkonahe rito kaya muli kong hinila si Michael. Magkasiklop ang aming mga daliri.

“Welcome to my world, Engineer Michael S. Brilliantes,” nakangiting sabi ko at ikinompas ko ang kaliwang kamay ko para ipakita iyon sa kanya.

Napailing siya at mahinang humahalakhak na naman. “Being a tennis player and this place is your world?” he asked. Naglalaro sa eyes niya ang amusement. I nodded.

Higit ko pa siyang hinila sa railing kaya napahawak siya roon pero hindi niya pinutol ang pagtitig niya sa akin.

“Hey, my world! I want you to meet my someone special!” I shouted from the top of my lungs with my left hand at the side of my face.

“Baka may makarinig sa ’yo, Miss,” natatawang saad niya. Hindi ko siya pinansin at muli akong sumigaw.

Hanggang sa makuha ko ang atensyon ng mga player. Ewan ko lang kung maririnig nila ang boses ko pero nakita ko si Coach na nasa baywang na ang dalawang kamay niya. Mukhang nakilala niya kami. Until umalingawngaw ang boses niya dahil sa hawak niyang speaker.

“May sasabihin ka ba, Novy? We can hear your voice from here,” sambit niya at nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Michael.

“Yes po,” sagot ko sabay kindat kay Michael. Lumubo ang bibig niya. “Hey, my world!” I shouted again. “Thank you for being my temporary world, because today... I will replace you but still, you’re the part of my life and this handsome man standing beside me will be my new whole world. Sorry, I love him more than you! Just be happy for me, I guess... Meet my future husband, Engineer Michael S. Brilliantes!” Hindi ako nahiya na ipagsigawan siya sa buong mundo dahil totoong mahal na mahal ko siya at siya na rin ang magiging mundo ko.

Yeah, I’m being corny here... Psh.
Michael pulled my arm gently as he hugged me so tight.

“I love you more, Novy Marie... You are my everything too,” he whispered and sealed me with a deep kisses.

Of course hindi kami roon mag-d-date. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin namin dahil para sa amin ang araw na ito at ibibigay ko ang buong oras ko just for him.

Suggestion niya ay manood ng sine. Isa iyon sa mga common scene ng dalawang taong nag-d-date. But ayaw ko sa maraming tao so inaya ko siyang bumalik sa hotel at namangha pa siya dahil may sarili itong entertainment room.

“I like this... Just the two of us...” he uttered.

“Ikaw na ang pumili ng panoorin natin, Engineer,” ani ko and I call for a room service. Bumili kami kanina ng popcorn.

Malaki ang entertainment room at malambot ang upuan na parang sofa na rin siya. White ang color nito and blue ang structure ng wall.

“How about this 20 Years Later? Baby?” Nilapitan ko siya at ipinakita niya sa akin ang CD. Nalukot ang face ko.

“It sounds tragic, baby. I’m a cold-hearted person but I don’t want to watch a tragic story,” sabi ko at humilig ako sa balikat niya.

“Hindi natin malalaman kapag hindi natin pinanood and besides... This is just a movie, Novy. No big deal. Kathang isip lamang ito,” sabi niya. Nag-tiptoe ako para halikan ang gilid ng labi niya. Naramdaman ko pa ang paninigas ng katawan niya.

“Okay po,” nakangiting bulong ko sa tainga niya at lumapit ako sa door dahil may kumakatok doon. Dumating na rin pala ang room service namin.

Naisalang na agad ang panonoorin naming movie at hinanda ko na rin ang snack namin sa center table. Hinila na ako ni Michael paupo sa sofa bed. Humilig agad ako sa dibdib niya at hinalikan naman niya ang ibabaw ng ulo ko.

“I love you...” Hala, paulit-ulit na kami sa ‘I love you’, pero hindi naman nakasasawa.

“I love you rin,” sambit ko at tatlong beses kong pinatakan ng halik ang lips niya. Sasagot pa sana siya pero itinulak ko na agad siya sa chest niya. “No more kisses. Holding hands lang,” sabi ko at pinagsiklop ko ang mga daliri namin.

Hindi siya nakinig sa akin dahil sa pahalik-halik niya sa sentido ko, sa pisngi at pati ang leeg ko ay hindi rin nakatakas. Sa tuwing pinipisil ko ang tungki ng ilong niya ay kinakagat niya ang tainga ko. Ilang beses ko siyang kinurot sa tagiliran niya kasi super kulit niya. Tinatawanan niya lamang ako at hanggang sa ako na rin ang sumusuko sa pagiging makulit niya.

Nag-focus lang ako sa panonood namin nang maghiwalay ang mga bida sa movie. Dahil ikinasal sa ibang babae ang male lead. Hindi ko napigilan ang mapaluha. Marahan na pinunasan niya ang tears ko.

“It’s just a movie, baby. Why are you crying?” he asked in a amusement.

“Huwag mong tularan ang bidang lalaki, ha? Kung mahal mo ay dapat ipaglaban mo hindi iyong iiyak ka rin sa eroplano!” naiiyak na sigaw ko. Umawang ang mga labi niya but later on ay tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.

“Yes, I will fight for you, for my love,” he said at mariin na hinalikan ang noo ko.

|| Read my short story with 5 chapters entitled “20 Years Later” cutie. Subaybayan niyo po ang love story ng dalawang bida kung may happy ending siya.

|| LYN HADJIRI

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top