CHAPTER 38
Chapter 38: Food delivery
WHEN I entered into the conference room ay nagsitayuan ang mga staff ko pero mabilis ko silang sinenyasan na umupo ulit. Hindi nila kailangan na tumayo kapag nakikita nila ako. Kahit simpleng greetings lang ay goods na.
Kinawayan ko naman si Ms. Guerrero upang lumapit sa akin. Tumango siya at tipid na ngumiti and then approached me. Ibinigay ko sa kanya ang mga kopya ng designs ko. Bago ako lumabas sa office ko ay pina-print ko na muna ang digital design ko para maipakita ko mamaya sa iba.
Bilang isang boss or owner ng isang company ay kailangan bukas din ang tainga mo para pakinggan din ang mga opinyon ng mga staff mo. Hindi iyong ikaw palagi ang nagpapasya sa mga dapat na gawin porket ikaw nga ang boss. Malay natin na may mas maganda palang ideya ang staff mo at may plano rin?
Isa iyon sa mga natutuhan ko na sinabi ni Mommy. Ang advice naman sa akin ni Dad ay kung paanong bolahin din ang isang tao para makuha ang mga loob nila. Ngunit huwag daw kalimutan ang goals and purpose mo.
“Provide this copies sa kanila para makita nila ang designs ko. Anyway, sa five interior designer natin. You can pass your copy sa akin. Alam ko naman ang kakayahan niyo, so I need to see that,” I uttered at may limang staff ko ang tumayo. Dalawa lang ang lalaki.
Sila ang mga na-hired namin na nabigyan agad ng task dahil na-approve ng client namin. Hindi ko pa man nakikita ang mga works nila ay alam kong lahat sila ay may potensyal.
Si Mommy ang pumili sa kanila at nag-hired. Kaya alam ko na mahuhusay naman sila. Strict ang mommy ko at kapag nakita niya na tila wala nga itong potensyal ay hindi siya magpapasyang tanggapin agad ito. Maliban na lamang kung makikitaan niya rin ng improvement.
Isa-isa kong tinanggap ang naka-folder nilang designs. May kumatok naman sa pintuan at binuksan agad ito ni Ms. Guerrero. Natapos na niyang ibigay ang mga kopya sa iba, na tinitingnan na ng mga ito. Pinapasok niya ang tatlong katrabaho namin at binigyan kami ng mineral water at pandesal.
Hindi lang ang mga interior designer namin ang nandito sa loob. Dahil maski ang finance namin ay nandito rin. Bago ako nagsalita ay inabot ko muna ang bottled water ko. Tinanggal ko ang cover nito saka ako uminom. Mabilis ko ring ibinalik ang cover. Pinunasan ko ang mga labi ko gamit ang puting panyo ko. Hindi ako nabahala na baka matanggal ang lipstick ko kasi waterproof naman ito.
Kumuha ako ng pencil at sinimulan kong tingnan ang mga ibinigay nila sa akin na pinaghirapan nila. Need din naman itong i-approve, eh.
“30 clients ang mayroon tayo ngayon at anim lang tayo ang nakuhang interior designer because the 10 remaining persons ay tinanggihan nila.” Tiningnan ko ang mga hitsura nila. Compose at seryoso silang nakikinig sa akin. Aakuhin ko ang 15 clients and the rest ay sa inyo ko na ibibigay,” sabi ko at nagulat pa sila sa napili kong pasya.
“Hindi po ba kayo ma-p-pressure niyan, Ma’am Novy? Puwede naman tig-lima tayong kliyente para hindi po kayo gaano ma-pressure.” Tiningnan ko iyong design niya at may profile siya rito.
“Oo nga po, hindi naman sa nagyayabang kami, Ma’am Novy. Na na-approve nga ang design namin ay kayang-kaya na namin ang trabaho namin. But we cared for your health din po.”
“I agree to that, Ma’am Novy.”
“Na-review ko naman ang lahat ng ito, kahit 15 ang hahawakan ko at may posibilidad pa na marami dapat ang maipakita mong design.” Gumuhit ako sa isang malinis na bond paper para maayos ang paghahati ko ng task kasama na ang mga hahawak nito. “At hindi ibig sabihin na isa lang ang kliyente mo ay isang kuwarto rin ang tatrabahuhin mo. No, hindi iyon ganoon,” pagpapatuloy ko.
“Tama po kayo, Ma’am Novy,” pagsang-ayon naman sila sa akin.
“Huwag niyo ring isipin na kalahati ng kliyente natin ay kinuha ko dahil sa simpleng task lang. Sa nakita kong demand nila ay 10 houses sa iba’t ibang subdivision ay dalawa silang client natin. 5 building—nakalagay na rin kung ano’ng klaseng building. Probably the company business, there are five clients. Five condominium, lima sila at buong gusali ang kailangan para sa isang interior designer. Inaasahan ko na lima kayo ang dapat kong i-assign dito. 10 of each condo and five restaurants. Para balanse ang oras natin and we need to focus sa work natin. Sa limang interior designer natin ay sila ang hahawak ng mga ito but designs ko lang. Ayos lang naman siguro sa inyo na i-handle ito kahit na...sa akin nagmula ang designs? Kailangan ko lang kasi ng staff for this. Mas madali ang ganito.”
Sumang-ayon naman sila sa akin at ni isa sa kanila ay wala silang reklamo kaya naging maayos para sa akin ang lahat at ang gagawin ko lang ay bibisita para i-check kung maayos na ba ito. Hindi ko naman sila pababayaan.
“Magandang ideya na po iyon, Ma’am.” I nodded.
“Sa natira pang lima ay kailangan niyo lang makipag-cooperate sa ID natin para hindi naman sila mahirapan. Kayo na ang bahala kung sino ang gusto niyong tulungan, and always remember na palagi akong nasa likod niyo para suportahan kayo. Goodluck and meeting adjourned.” I stood up from my chair at dinala ko ang folder na ibinigay nila sa akin. “Akin na ’to, ha?” nakangiting sambit ko at napangiti rin sila.
“Actually po ay ipapasa talaga namin sa ’yo iyan, Ma’am Novy.”
“Nice. Sige na, back to your work na. Kayo na ang bahala sa set-up niyo, ha? I need to meet my client first,” sabi ko at saka ako nagmamadali na lumabas. Nagpaalala pa sila mag-iingat ako but hindi naman ako nag-iisa. Kinawayan ko na lamang sila. “Let’s go, Ms. Guerrero,” pag-aaya ko naman sa secretary ko. Mabilis siyang kumilos saka siya sumunod sa akin.
Nakipagkita ako sa isa kong kliyente. Kabado ako masyado pero pinilit ko pa rin na maging compose.
I expected na kapag isang business man ay strict masyado. Nasa age 40’s na at mabait naman pala siya. Nang ipakita ko sa kanya ang designs ay agad siyang nagandahan at hindi na ako nagkaroon pa ng problema roon.
He even invited us na sabayan na ring kumain ng lunch before that ay tumawag si Michael. So nag-excuse muna ako sa kanila to answer this.
“Yes, baby?” I answered the call.
“You ordered the food for me, baby?” he asked and I nodded even tho na hindi niya ako nakikita.
“Yeah, do you like the food? Kailangan ay wala kang matitira kahit isang butil ng kanin. Siniguro kong may extra rice ’yan at marami na rin ang ulam,” sambit ko at narinig ko ang sexy niyang pagtawa from the other line.
“Miss, hindi ba dapat ako ang gumagawa nito sa ’yo dahil ako ang lalaki?” It’s my turn to chuckle. Porket siya ang lalaki ay siya lang puwedeng gumawa nito?
“Bakit po mga lalaki lang ba ang puwedeng gumawa niyan, ha Engineer? Hindi ba minsan mga babae ang naghahanda o naghahatid ng lunch and snack sa fiancé or asawa nila? Sa case ko ay wala naman akong future sa kitchen... So...”
“So?” I chuckled softly. Even though over the phone pa ay nandoon pa rin ang excitement ko sa tuwing nakauusap ko siya. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay hindi mawala ang kasiyahan sa dibdib ko.
“Baby, just enjoy your food. Mainit-init pa naman ’yan,” sambit ko.
“Yes po, ikaw rin. I’ll call you later, Novy.”
“Okay, I’ll wait for that. Bye, I love you.”
“I love you too, Miss.” Lumapad ang ngiti ko nang matunog niyang hinalikan ang screen ng phone niya bago naputol ang line namin.
Binalikan ko ang kasama ko saka kami kumain. Masarap ang in-order naming pagkain sa Amor’s resto. Hindi bale na mahal masyado ang mga pagkain nila pero worth it naman dahil masasarap ang food nila at maganda pa ang service ng mga staff nila.
After that ay sunod-sunod na naming kinausap ang iba pang mga kliyente para na rin sa contract. Hapon na nga noong nakabalik kami at nakalimutan ko na naman ang oras. Kung hindi lang dumating ang fiancé ko.
Nang makita ko siya ay agad akong napatayo at dali-dali ko rin siyang sinalubong para yakapin siya.
Natatawang niyakap niya ako pabalik and I even wrapped my legs around his waist.
“Just look at this beautiful woman of mine. Workaholic tapos makita lang ang fiancé niya ay clingy na siya,” natatawang sabi niya at hinalikan pa ang balikat ko.
“I’m fvcking tired, baby...”
“Watch your words, baby.” Tinanggal ko na ang mga binti ko sa baywang niya at hinawakan niya ang aking kamay. Hinalikan pa niya ito. I shook my head at may multong ngiti sa mga labi ko. Favorite niyang hinahalikan ang mga kamay ko.
“You’re so guwapo pala, and fresh pa rin.” Sumubsob ako sa leeg niya at sininghot ko ang amoy niya. Hinapit niya ako sa baywang at naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko.
“Let’s go home, Miss. Don’t stress yourself.” I nodded at humiwalay muna ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko matapos kong sinikop ang mga gamit sa aking mesa.
When I approached him ay inagaw niya sa akin ang bag ko at sinukbit sa balikat niya. Magkahawak kamay kaming lumabas sa opisina ko. Salamat na lamang ay wala na rin ang mga empleyado ko. Nagsiuwian na rin sila pero hindi si Ms. Guerrero.
“Umuwi ka na rin, Ms. Guerrero.”
“Yes, Ma’am.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top