CHAPTER 35

Chapter 35: Champion

FOUR days kami sa tuktok ng bundok. May nagdadala ng mga pagkain sa amin at charge iyon ng tatlong lalaki na kasama namin. Ikinabahala pa ni Pamela, na baka kung may pagkain siyang pinaglilihian niya ay hindi niya agad makakain dahil nasa mountain nga kami. Hindi na rin nagbiro pa si Anthony, alam na niya kung ano ang mangyayari.

I think ay hindi talaga iyon isang simpleng hiking lang. Sinadya naman nila iyon. Wala nga akong nabalitaan na may team building sila. Psh, pakulo lang nilang mga lalaki ang mag-hiking.

Hindi na rin kami tumuloy pa sa last destination namin, may next time pa naman daw. Siguro na-g-guilty lang sila sa akin. Kasi may olympic competition na naman ako at international pa iyon pero one week lang ang practice ko kasi nakuha nga ang oras ko sa hiking namin.

Ayos lang naman iyon kasi sinasabayan nila akong maglaro at enough na iyon for me. Thankful ako na tapos na rin ang monthly period ko and hindi na rin ako mababahala sa araw ng competition namin. Baka kasi hindi ko kayanin ang sakit ng puson ko.

Sinimulan ko na rin uminom ng pills ko kasi noong nakabalik na kami sa penthouse ay may nangyari ulit sa amin ni Michael at buong magdamag na naman akong inangkin ng fiancé ko. Nagtiis daw siya ng ilang gabi. Mukha niya, gusto niya lang makaisa sa akin. As if maniniwala pa ako.

Mas intimate na pala kami kapag alam na namin ang feelings ng isa’t isa. Ngayon ay nararamdaman ko na ang mga babae na wala silang pinagsisisihan na ibigay ang mga sarili nila sa mga boyfriend nila. Kasi tiwalang-tiwala nga sila, mahal din nila ito. Ako rin naman kay Michael.

One week had passed and ready na kami sa flight pero nauna kami ni Coach Avemn. Wala pa si Michael. Sinabihan ko na siya kanina na umuwi siya nang maaga. Dala-dala ko ang alagang pusa niya na pinangalanan kong si Percy.

Bumalik na rin sa kanilang tahanan ang mga kapatid ko kasama ang parents nila. Nakakuha na rin naman ng trusted person si Dad at siya muna ang umaasikaso pansamantala. Inaasahan ko siya na magagawa niya nang maayos ang work niya habang wala pa ako.

Hindi na rin ako napilit pa nina Ocean at Zafrina na maging interior designer nila, kahit ang fiancé ko nga ay hindi ko pinagbigyan. Aba sila pa kaya?

“Sure ka na darating ang fiancé mo, Novy?”

“Yup po, Ninang,” ani ko habang hinahaplos ko ang balahibo ni Percy. Nakaupo lang ako sa departure area at sa totoo lang ay may mga fans ako na pumunta pa sa airport para lang daw ihatid ako and nag-goodluck pa sila sa akin. Lucky charm ko sila.

“Malapit na ang flight natin. Wala pa ang engineer ng buhay mo.” I giggled because kinikilig ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag may hot and sexy kang engineer? Bonus na ang pagiging guwapo niya and mabait.

“Dadaan pa ho iyon sa penthouse namin,” wika ko. Si Percy lang ang dinala ko, ang luggage namin ay nasa penthouse. Siya na raw ang magdadala. Sure naman ako na hindi iyon magpapaiwan. He promised me na sasama siya. Ako kaya ang naglibre sa kanya ng plane ticket.

“Nag-l-live in na talaga kayo at doon pa sa penthouse mo, Novy?” she asked me and amusement written all over her face. I nodded.

“Opo. Gusto niyang ampunin ko raw siya,” natatawang saad ko. I didn’t expected naman iyon. Nagulat na nga lang ako nang makita kong may bitbit na siyang luggage niya. As my fiancé-slash-live-in partner ay binigyan ko rin siya ng key para hindi na siya maghihintay pa sa pag-uwi ko.

“Kakaiba talaga,” she said and shook her head.

’Sakto noong tinawag ang flight namin ay dumating na rin si Michael. I stood up from my seat and sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Mabilis niyang hinalikan ang mga labi ko at binati ang ninang ko.

“Hello, Tita Avemn. Medyo traffic po kaya ngayon lang ako dumating,” sambit niya.

“Akala ni Ninang ay hindi ka na sasama pa sa amin. Ang tagal mo po, Engineer,” usal ko.

“Yeah, akala ko nga ay magpapaiwan ka na.”

“Puwede po ba iyon, Tita? Nag-promise po ako sa fiancé ko na sasama ako at manonood ng competition niya,” sabi niya na tinanguan ni Ninang.

“You love each other. Halatang-halata na iyon, ingatan niyo lang ang relationship niyo dahil sayang kapag nasira iyan,” paalala niya. Inaamin kong kinabahan ako pero sisiguraduhin ko na hindi iyon masisira.

“Yes po, Ninang.”

“Hi, Percy. Ang suwerte mo at yakap ka agad ng fiancé ko, ha.” Napangiti ako sa tinuran niya sa pusa namin. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo nito.

“Nagiging extra na nga siya sa atin, eh,” ani ko at saka kami sumunod kay Ninang Avemn.

Sa flight namin ay si Michael ang unang nakatulog. Hapon na rin naman ang flight namin and he seems tired. Hinaplos ko lang ang pisngi niya, nakahilig kasi ang ulo niya sa balikat ko. Ginising ko lang siya noong kumain na kami tapos tulog ulit siya.

Naaawa na rin ako sa kanya, palagi siyang nakasuporta sa akin. Kung sa effort ay siya lang ang gumagawa no’n kaya gusto ko rin na bumawi sa kanya after this competition. I promise that.

When we arrived ay nabigla pa ako sa dami ng tao sa arrival area at nakita ko ang banner na may pangalan ko at ang picture ko. Mayroon din na ipinakita nila ang flags namin. From Philippines din sila pero naninirahan na sila here sa Hollywood at saka ang iba ay sinadya rin nila ang pumunta rito para lang mapanood kami.

I was so happy kaya naman kahit may jetlag pa ay nakipag-picture naman ako sa kanila. Nanatili sa likod ko si Michael at tinitiyak niya lang na hindi ako dudumugin ng husto. Mahirap na raw ang ma-out balance ako tapos hindi ako makasali sa kompetisyon.

“Goodluck, Novy!”

“Mabuhay!”

Kung dati ay seryoso lang ako kung kukuhanan nila ako ng litrato pero ngayon ay hindi na. Ewan ko lang kung bakit biglang may nagbago rin sa akin, and sana ay tuloy-tuloy na rin ito.

***

Pabagsak akong tumalon sa malambot na bed at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagbaba ni Michael kay Percy kasi nag-ingay rin ito at napangiti ako nang sumiksik ito sa gilid ko. Ilang beses ko siyang hinalikan.

Lumuhod naman sa paanan ng kama si Michael para hubarin ang sneakers ko at pati na ang medyas ko.

“Thanks, baby,” ani ko at tumihaya ako. Kinubabawan pa niya ako sabay halik sa tungki ng ilong ko at pababa pa sa mga labi ko.

“Rest for now, Miss.” Tumango ako. “I love you...”

“Hmm, I love you, Percy,” sambit ko at niyakap ko ang pusa. Nagsalubong tuloy ang makapal niyang kilay.

“How about me, baby?” Nagtatampo agad siya ng hindi ko siya sinagot.

“I love you too, Michael.” By that, he kissed me passionately. I kissed him back but nang gumala ang isang palad niya sa loob ng t-shirt ko at humahaplos pa ay saka ko lang tinabig iyon. “I’m tired. Please, let me rest muna,” nakangusong sabi ko.

Hinalikan niya iyon at natatawang humiga na lang siya sa tabi ko. Ginawa niyang unan ang kaliwang braso niya para sa akin.

“At kapag may sapat ka nang pahinga ay puwede na mamaya?” Sumimangot ako. Talaga naman, oh.

“Ang adik mo sa sèx, Engineer.”

“Baby, watch your words. Lovemaking iyon, hindi sèx,” pagtatama niya sa akin and I shrugged. For me ay pareho lang naman iyon.

“Eh, same lang naman iyon. Nag-s-sèx tayo,” sabi ko at umigting ang panga niya. Tinawanan ko siya at hinalikan ko ang panga niya. Mahigpit ko siyang niyakap at nawala na naman si Percy, naging extra na naman siya. I fell asleep later on.

***

Sa dinner ay nagpa-room service na kami. Kagustuhan na iyon ni Ninang. Isa pa ay hindi lang naman ako ang tennis player. May kasama kami at hindi iyon solo, by partner. One day muna ang pahinga before the competition. Para makapag-relax kami.

Hindi naman natuloy ang gusto ng fiancé ko. Kailangan ko raw maging ready at iyong hindi mahina ang katawan ko.

Three days pa naman aabutin ang competition kasi by round na iyon. Sa first round ay nakapasok namin kami. Iyon nga lang ay mas mahusay pala kaysa sa amin. Pasok pa rin naman kami sa Top 10.

Sa two days ay hindi gumalaw ang ranking namin. Nabahala ang mga fans namin at si Coach Avemn ay ilang beses niya kaming tinuruan sa mga moves namin pero ako ay pa-chill-chill lang. Maybe nahawa na ako kay Michael, maski siya ay composed lang din at parang wala lang sa kanya ang mainit naming labanan.

Hindi siya umalis sa tabi ko at kahit matagal siyang naghihintay sa tabi ni Coach Avemn ay hindi man lang siya nainip. Mahaba nga talaga ang patience niya. Natatakot din naman ako kung hanggang kailan ang limitasyon niya.

“Look at you, Miss. You still calm. Hindi ka ba nababahala na baka matalo kayo?” he asked me.

“Nope. Parte na ng buhay natin ang pagkatalo and besides, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palagi tayong nananalo. Hayaan naman natin ang iba, maybe ma-d-disappoint ang mga supporter mo but later on ay matatanggap pa rin nila at maiintindihan ang situation,” paliwanag ko sa kanya. Ganito talaga ako ka-possitive.

“Kaya ako mas lalong nahuhulog sa ’yo, eh.” Ngumiti ako at may kung ano na naman ang lumilipad sa loob ng tummy ko.

“Ha, talaga?” nakataas ang kilay na tanong ko. Tumango siya at hinalikan niya ang kamay ko.

“I love you, kahit matalo ka man ngayon ay okay lang. I’m still proud of you.” Pinagdikit pa niya ang aming noo.

“Hayan, mas lalo akong na-i-inspired,” ani ko.

“Novy, kayo na ni Roxanne,” tawag sa akin ni Coach.

“Okay po, Coach,” I replied. Itinuro ko naman ang pisngi ko para magpa-kiss sa hot kong engineer. Mabilis naman siyang sumunod at hinalikan ako sa cheek ko.

“Goodluck,” malambing na sambit niya.

Kinausap na muna kami ni Coach saka kami nag-apir kay Roxanne. Isa rin siyang mahusay sa larangan na ito. She’s positive rin sa amin. Dedicated din naman siya.

“Goodluck to us, Rox,” I told her.

“Don’t pressure yourself, Novy. Lossen up,” she said naman.

“Goodluck, always remember that, matalo man tayo o hindi ay ang mas mahalaga ay nakapasok kayo sa final. O kahit hindi na, ginawa ninyo naman ang best niyo,” seryosong saad ni Coach.

“Pero susungkitin ko po ang trophy, Coach,” biro ko na tinatawan nilang dalawa.

“Ako rin po, Coach. Kahit medal lang,” sabi naman ni Roxanne. Humugot nang malalim na hininga ang coach namin saka niya parehong hinaplos ang ulo namin.

“So, sige na. Basta focus lang kayo.”

Maingay na naman ang gymn dahil naghahanda na rin ang mga player. Mabuti na lamang ay aircon ito. Ang kaso lang ay makaririnig ka pa nang ingay. Lalo na kapag humihiyaw ang crowd.

Doon lang namin nabago ang ranking namin, pasok agad kami sa rank 3. Nagulat si Coach at napatayo pa siya. Kasi mabilis daw umusad ang ranking namin.

Hindi naman binilang ang points namin from the past rounds, sa finals na iyon mabibilang and we made it.

As a promise, nasungkit namin ang trophy na gusto ko. Umiyak na naman si Coach Avemn, while my fiancé ay open arms pa niya akong sinalubong. Ilang beses niya akong pinuri at kung gaano siya ka-proud sa akin.

“Ito nga ang resulta ng pagiging positive mo. Congrats, baby. You’re so smart,” he said and drop a kiss on my cheeks repeatedly.

Wala kaming pakialam kung may mga photographers sa gym o baka mahagip kami ng camera. Naka-live rin naman kasi ito.

“Thank you, thank you! Baka ikaw rin ang lucky charm ko.”

“Kahit noong wala pa ako ay palagi ka namang nananalo. Huwag mo akong bolahin, Miss,” aniya.

“I’m telling the truth kaya!” natatawang sigaw ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top