CHAPTER 31

Chapter 31: Hiking

ONE day lang ang rest ko after ng lovemaking namin ni Michael. Inaamin kong masakit nga siya pero kalaunan naman ay iba rin ang mararamdaman ko. Ganoon pala ang feelings ng uhm...basta.

To be honest ay gusto kong ulitin iyon kasama siya. That’s part of our relationship, I guess? Wala akong regrets na ibinigay ko ang virginity ko sa kanya. We enjoyed naman. I didn’t expected lang na ang naughty stuff ay mauuwi sa lovemaking namin. He was full of surprise talaga.

“Michael, dumaan tayo sa pharmacy after nating i-meet ang friends mo,” ani ko. Nakaupo lang ako sa bed namin. Bumalik din kami sa penthouse dahil baka hanapin ako ng mga brother ko.

Inaayos nga niya ang damit na dadalhin namin sa hiking. Hindi niya ako hinayaan na ayusin iyon. Him, being gentleman again, and I like him for that. I am so lucky to have him. That’s why ginagawa ko rin ang best just for him.

Dumapa ako sa bed at tiningnan siya. Duffle bag lang ang paglalagyan ng mga gamit namin kasi suggestion niya iyon. Pero magdadala pa rin ako ng backpack para sa personal things ko. Casual lang ang outfit niya today. Green v-neck shirt na mas nadepina ang pagiging mestizo niya. Ako ang nahihiyang dumikit sa kanya kasi super puti ng kutis niya. Black na sweatpants naman ang pababa and his black sneakers. May black hoodie naman siya.

I wore my black tank top, navy green jacket, black sweatpants and a pair of white sneakers. Shorts sana ang susuotin ko pero sinita niya ako dahil baka raw malamok doon at pagpiyestahan ang legs ko. Naisip ko na true naman iyon kaya hindi na ako nakipag-argument pa sa kanya.

“What’s for? Bibili ka ba ng gamot? May masakit sa ’yo?” he asked me, casually. I nodded, err wala akong sakit.

I got off from my bed at kukunin ko na sana ang backpack ko nang mabilis niyang sinukbit iyon sa balikat niya.

“Ako na ang magdadala niyan, Michael,” ani ko na ikinailing niya. Magaan lang naman siya.

“Ako na. Magpaalam na lang tayo sa mga kapatid mo,” sabi niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at pinagsiklop niya ang mga daliri namin. “Para saan ang gamot, Miss?” he asked.

“Contraceptive pills, we need that.”

“What? Contraceptive pills? What’s that?” kunot-noong tanong niya. Marunong din naman pala talagang ma-curious ang mga engineer na katulad niya.

“In case lang naman na may mangyari ulit sa atin. For safety purposes, baby. I don’t want to get pregnant pa, Engineer. You understand naman, right?” I asked him at naglakad ako nang paatras in front of him. Pinapanood ko lang kasi ang magiging reaction niya if agree siya sa sinabi ko na hindi pa ako dapat mag-bear ng baby namin. Sana ay okay lang sa kanya.

“Yeah, it’s okay. Take your time, baby. We’re just engaged. No pressure,” nakangiting sabi niya. Hinapit niya ako palapit sa katawan niya at kinintalan ng halik sa lips ko.

May nagsalita naman bigla. “Stop that. May bata rito.”

“Yeah.” Hinarap na namin ang mga kapatid ko na nasa sala ko.

Magkatabing nakaupo sina Cloud at Primo. May ginagawa sila sa laptop. Nag-thumbs up sa akin si Primo at nakuha ko ang gusto niyang iparating sa akin kaya sinenyasan ko rin siya. Si Lemery naman ay may yakap-yakap siyang isang bowl at naglalaman iyon ng iba’t ibang fruits na naka-slice na. Mahilig siyang kumain at nanonood pa siya ng TV, mahina lang ang volume nito and God knows kung ano ang pinapanood niya. Horror movie.

“Dito lang kayong tatlo?” tanong ni Michael sa kanila na tinanguan nila. He invited them na sumama pero tumanggi sila. Kasi raw busy sila.

“Magkikita pa naman po tayo next week bago kami uuwi, Kuya. Just take care of our ate,” sabi ni Primo. Nanatiling tahimik si Lemery pero paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa amin. He just smiled at me.

“Kuya, paalala lang. Kapag napagod ka na sa ate namin ay isauli mo na lang po siya sa amin. Even though she’s always grumpy and snob, we love her from her head to her toes.” Lumapit ako kay Cloud para pisilin ang pisngi niya.

“Mas mukha ka pang bunso natin kaysa kay Lemery,” ani ko at dumaing lang siya. “We’ll go ahead na.”

“Ingat po, Ate.”

“Bye,” sabi ko lang at lumabas na rin kami sa penthouse.

Nakasalubong pa namin sina Mommy at Daddy, of course kasama nila pareho ang partners nila. Never ko nang makikita na magkasama ang parents ko. Malamang pamilyado na rin silang dalawa.

“Where are you going?” mataray na tanong ni Mommy. Nagtaas agad siya ng kilay sa akin.

“We’ll go hiking, Tita,” sagot ni Michael at lumipat ang tingin sa akin ni Dad.

“What about the opening, Novy?” my father asked.

“Sina Mommy at Tita na po ang bahala roon,” ani ko at tumalikod lang si Mommy. Ngumiti naman sa akin ang hubby niya na tinanguan ko naman.

“Kailan ang balik niyo?” Binalingan ko naman si Tita Mommy.

Sabay-sabay siguro silang kumain ng breakfast nila. Basta ang alam ko sa tatlo ay nagpa-room service na naman. Ayaw ng mga iyon na lumalabas kapag hindi naman ako kasama.

“Next week po, Tita Mommy.” Humalik ako sa pisngi ng tita mommy ko saka kami nagpaalam. Hindi naman kami puwedeng ma-late. Ang usapan ay before 7 ay dapat nakaalis na kami.

Inilabas ko agad ang shades ko nang makasakay na kami ni Michael sa car niya. Pinaalala niya agad ang seatbelt.

“Sino-sino pala ang kasama natin?” tanong ko sa kanya.

“My friends,” tipid niyang sagot.

“Team building ito, right? Bakit kayo lang mga kaibigan mo?”

“Hindi na kami sumama pa sa iba. We planned to have our hiking, Miss.”

“Ah, bonding time with friends. That’s good.” Inihinto pa niya ang car niya sa pharmacy at balak pa sana niyang bumaba para siya na raw ang bumili nang pinigilan ko na siya. “Ako na. Ako naman ang gagamit,” sabi ko.

“Are you sure? Hindi ka ba nila makikilala?” worried niyang tanong.

“Ano naman? Alam nilang may fiancé na ako,” I said and shrugged. Since maaga pa lang ay iilan lang ang customer sa loob kaya hindi ako nahirapan na bumili ng pills. Hindi pa nga gaano nagpapakita si haring araw.

Pinaliwanag pa sa akin ng babae kung paano gamitin ito at may mga birth control daw na nakatataba at ayoko naman ng ganoon. Baka lumalaki ang tummy ko, hala.

Nakabukas agad ang pintuan pagkalapit ko. Ngumiti ako sa kanya nang ipakita ko ang plastic bag.

“You don’t need to drink that, baby. I can control myself. Maingat ako,” sabi niya.

“Okay lang. Para sure naman tayo,” sabi ko.

“Hmm, ikaw ang bahala.”

Wala akong idea kung saan kami pupunta pero may kalayuan daw sa City kasi bundok ang pupuntahan namin. Hiking nga iyon.

30 minutes drive lang iyon and we finally reached our destination. Nakita kong may mga kotse rin sa parking area. Napatingin ako sa daan kung saan ay may mga tao na ang nagsisimulang mag-hiking.

May handle pa ito pero qlam ko kung maabot mo na ang dulo ay wala na ang mga iyan. Safe naman ang place, sureness ako riyan.

“Baby!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng taong sumigaw. Familiar din kasi ang boses niya. Napangiti ako nang makita ko si Pamela iyon. Tiningnan ko ang body niya. Sa pagkakaalala ko ay buntis siya pero mukhang hindi pa iyon halata. When she approached me ay nagyakapan kaming dalawa. “I miss you, Novy!” masayang bulalas niya at pinaulanan ako ng mga halik niya sa face ko. Marahan pa niyang pinisil ito.

Nakita ko na nalukot ang mukha ni Anthony when he saw that, his wife kissing me face.

“You’re pregnant, right?” I asked her and she nodded. “Eh, bakit sasama kang mag-hiking?” kunot-noong tanong ko at pinitik ko ang noo niya. She’s stubborn talaga.

“Hindi nga ako pinayagan, eh. Aakyat lang naman tapos kung bababa na tayo ay may helicopter naman,” sagot niya.

“Where’s your baby?”

“Nasa grandparents niya. Soon, you can meet our baby,” sabi niya.

Nilapitan na namin ang mga kasamahan namin. Mas nauna pa pala sila. Handang-handa na rin sila. This is my first time. Kasi ni minsan ay hindi kami nag-hiking. Busy ako palagi sa practice and sa competition namin.

Nakaangkla ang kamay ni Pamela sa braso ko. Si Anthony ay never nawala ang paningin niya sa wife niya. I can’t still believe na kasal na nga ang best friend ko. Ako lang ang walang kaalam-alam.

“Ready na kayo? Aakyat na tayo para hindi masyadong mainit,” sabi ni Zafrina. Sumilip pa siya sa amin.

“Come here, Pamela,” mariin na utos ni Anthony pero hindi gumalaw si Pamela. Humilig pa nga sa balikat ko. “Fvck, come here,” pag-uulit niya. I glared at him.

Nagawa nga si Ocean nang makita niya iyon. Si Michael ay umiling lang. “Minumura niya ang best friend ko. Sino ka sa inaakala mo?” malamig na tanong ko. Mariin siyang napapikit.

“She’s pregnant at hindi pa aabot ng 20 minutes ay hihingalin na siya. I will guide her.”

“I can do that,” I said and shrugged. Saka ko binalingan si Michael. “Let’s go, baby?” pag-aaya ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya.

Binigyan pa kami ng babae ng bracelet na may mga pangalan namin. Isasauli rin iyon, in case raw na baka may maligaw at hindi agad makababalik. May sumbrero rin na color blue at lahat kami nakasuot ng ganoon.

Si Zafrina ang naunang naglakad at nasa kanya ang mapa, kami naman ng friend ko ang nakasunod. May dalang totebag pa si Pamela. Napilit ko rin si Michael na dalhin ang backpack namin. Siya ang nasa likuran namin. Sunod naman ay sina Ocean at Anthony. Nag-uusap ang dalawa.

Anthony was right, dahil hindi pa nga kami pinagpapawisan ay hiningal na siya.

“Sasama-sama ka, eh alam mong preggy ka,” sita ko sa kanya na tumulis lang ang mga labi niya.

“Exercise na rin kasi ito para hindi ako mahirapan na manganak,” she reasoned out and I rolled my eyes.

“Wala ka pang baby bump.”

“But I’m tired na agad, Novy,” naiiyak na sabi niya. Napalingon sa amin si Zafrina na kunot-noo. Sinenyasan ko siya.

“Wala pa ngang 20 minutes. Hala ka,” ani ko.

“Pahinga muna tayo,” sabi niya. Lumingon naman ako sa aming likuran. Halatang sanay ang magkakaibigan na ito kasi parang wala lang sa kanila.

“Doon ka na nga kay Anthony at magpabuhat ka sa kanya,” pagtataboy ko. Bumitaw na siya at sinalubong niya ang paglalakad ng asawa niya. Salubong agad ang kilay nito.

“Sabi ko na nga ba,” naiiling na sabi nito. Ibinaba niya ang duffle bag niya para kunin ang tumbler. Binuksan niya ito saka niya ibinigay kay Pamela.

Napanguso na lamang ako nang makita ko na pinunasan niya ang sweat nito gamit ang panyo niya. Napaigtad naman ako nang may humawak sa baywang ko.

“Ang sweet pala ng friend mo,” ani ko na tinanguan niya.

“Sa asawa niya lang.”

“Akin na. Ako na ang magdadala niyan, Anthony,” pag-volunteer naman ni Ocean. Pare-pareho lang naman ang dala nila.

“Thanks, bro.”

“Magsabi ka lang kapag pagod ka na, Ocean. Ako naman ang magdadala niyan,” sabi naman ng fiancé ko. Nag-thumbs up lang ito saka niya nilapitan si Zafrina.

Nakaluhod na sa lupa si Anthony at pinasan na nga niya si Pamela. Hay naku, ang babaeng ito, oh. Wala namang problema sa kanyang asawa. Malaki ang katawan nito at malakas naman ito.

Magkahawak kamay na kami ni Michael at naiiwan sa likuran namin ang dalawa pero hindi naman namin sila iniiwan. Kapag nakikita namin na lumalayo na kami ay kami mismo ang kusang humihinto. Pero habang malayo na nga kami ay mas mahirap na palang akyatin. Ang taas na masyado.

Panay ang pagpunas ko sa sweat ko at hinubad ko na rin ang jacket ko. Itinali ko na lang iyon sa baywang ko.

“Are you tired? Gusto mo bang buhatin kita?” Michael asked me softly. I shook my head.

“Kaya ko pa naman. Pahinga muna tayo?” Tumango siya. Sa hindi kalayuan ay nakita kong umupo rin ang dalawa. Kumaway pa siya sa amin.

Ibinaba niya ang dala niya at tinapik iyon para upuan ko. Umiling ulit ako at sa damuhan mismo ako umupo. Tumabi naman siya sa akin. Pawis na pawis na rin siya pero ang bango pa rin niya.

Dumating din sina Anthony at Pamela. Maingat siyang lumuhod at nang makababa na rin ito ay diretsong upo na siya.

“Maglalakad na lang ako. Kaya ko na.” Hindi na mga mukhang pagod si Pamela. Ngumiti pa siya sa akin nang mapasulyap siya sa gawi namin saka siya tumabi sa hubby niya. Kinulbit pa niya ito at itinuro ang totebag. Tingnan mo nga naman siya na ito ang binuhat ay siya pa ang may ganang mang-utos. “Gusto mo, baby?”

“Yeah.”

“I didn’t ask you kaya. Si Novy iyon,” sabi nito at iniwan niya roon si Anthony. Lumapit siya sa amin at ibinigay sa akin ang isang burger. No choice tuloy na lumapit ito sa amin na nakasimangot na.

“Namimihasa ka, ha?” ani ko.

“Malaki naman ang katawan niya. Engineer Michael, kailan mo bubuntisin ang best friend ko para huminto na siya sa paglalaro niya ng tennis?” Binalatan ko lang ang burger na bigay niya at poker face ko lang siyang tinitigan.

Nilingon ko si Michael na namumula na ang magkabilang pisngi niya. Dahil siguro iyon sa init ng araw.

“Pamela, stop it. Nanggugulo ka na naman,” suway nito sa kanya.

“Saka na kapag handa na siya,” sagot lang ni Michael na ikinangiti ko. Inilapit ko sa kanya ang burger at walang salitang kumagat naman siya saka ako kumain.

“Nang-iinggit kayo?” nakataas ang kilay na tanong nito at hinatian niya ang partner niya na nagpa-baby lang. Gustong magpasubo.

Isang oras ang hiking namin and finally nakarating din kami sa tuktok ng bundok. Uupo na sana ako nang pinigilan ako ng fiancé ko. Hinawakan niya ang siko ko.

“Bakit?”

“Hinihingal ka pa. Huwag ka munang umupo.”

“It’s tiring, Michael. But it’s okay. Enjoy naman and besides first time ko ito.”

“Yeah.”

Malamig pala kapag nasa tuktok ka ng bundok. Dahil na rin sa ulap kasi alam kong mababa lang ito. Actually ay may mga tent din sa baba at iilan lang ang pinili na tumunton sa tuktok nito. Pero mabilis pa rin ang heartbeat ko at hindi pa kalmado.

“Kami na lang ang mag-set ng tent niyo, Anthony.” Mabait talaga itong si Ocean.

“I’ll help you.”

“But we need to rest muna. Come here. May dala akong food here,” ani Zafrina. Inakay ako ni Michael palapit sa dalawa at saka kami umupo paikot.

Pizza, burger and sandwich ang dala niya. May dala rin siyang ice box kaya naman malamig ang drinks namin. Inabutan ako ni Michael ng soda. Binuksan niya ito para sa akin.

“Thanks, my baby. You’re so sweet.” I told him and kissed him on his cheek. Hinaplos niya lang ang baywang ko at tipid na ngumiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top