CHAPTER 3
Chapter 3: First encounter
“NOVY, alam mo kung bakit hindi rin kita pinagbigyan, hmm?” Binalingan ko si Ninang Avemn nang magsalita siya.
Kasalukuyan na kaming naglalakad dahil magtutungo na nga kami sa hotel room namin. Nasa unahan lang silang naglalakad at kami naman ni Devi ang nasa likuran nilang tatlo.
Marami pa kaming nadadaanan na foreigner na napapatingin sa gawi namin. Tumatagal iyon sa akin kaya pinagtataasan ko sila ng kilay. Ano naman ba ang tinitingnan nila?
“Novy, dapat kung may ngumingiti sa ’yo ay smiled them back naman,” mahinang bulong sa akin ni Devi. Siniko ko lamang siya.
“Wala akong care sa kanila,” masungit na sambit ko lang.
Binalingan ko ulit si Ninang Avemn. “What is it then, Ninang?” I asked her.
“Kasi... may nag-invite sa ’yo para mag-coach lang sa bagong tennis player,” nakangiting sagot niya. That’s not a good idea.
“Ninang, alam ninyo po na maiksi lang ang pasensiya ko when it comes to that,” I said.
Because that was true. Hindi rin naman ako mabait na coach if ever. Mabilis akong mainis kapag pumalpak ang isang tennis player. Ayoko naman na umabot sa puntong kamuhian nila ako at sabihin din nila na pabida-bida lang din ako.
Dahil ako raw ang mas successful kasi palagi akong champion sa olympics game. Hangga’t kaya ko ay gusto ko talagang maging isang mabuting player, iyong tipong gagawin nila akong role model nila at bigyan din sila ng motivation.
“Nag-agree na ako, Novy. Sa Sunday pa naman ang birthday ng daddy mo kaya puwede tayong pumunta roon anytime. But of course, magpapahinga tayo tomorrow,” sabi niya.
Pinindot ni Tita Mommy ang elevator at sumulyap naman siya sa akin. “Gusto mo nang makita ang lalaking tinutukoy ko sa ’yo, Novy?” she asked me. Bakit ba gustong-gusto ni tita ang palagi niya akong nirereto?
“Sino po ba ang may gusto na makita ang lalaking iyon? Parang kayo lang po, Mommy, eh,” nakangusong sambit ko. Halata sa boses niya ang excitement. Grr.
Tita Mommy, sometimes ang tawag ko sa kanya, Tita or Mommy. Mas gusto ko pa nga na Mommy na lang pero baka raw magselos ang totoong mommy ko kapag hindi ko nilagyan na tita ang sasabihin ko sa kanya. I don’t really care about her talaga.
“Don’t worry, sweetheart. Kilala ko naman siya,” sambit niya at sabay kindat sa akin.
“Bakit po hindi na lang si Devi, Tita?” curious kong tanong para lang magreklamo agad ang cousin ko. Ayaw niya rin.
“Kilala ko rin iyon, Novy. Pero hindi ko bet ang engineer, eh. Mas gusto ko iyong crew namin sa hotel—ay! Wala po iyon, Mommy!” biglang pagbawi niya sa sinabi niya.
Nagkatinginan tuloy kami ni Ninang tapos si Tita ay sinamaan niya lang ng tingin si Devi. Ano’ng crew?
“Ano po iyon, Tita?” untag na tanong ko.
“Well, hindi rin ako sure if magugustuhan ka ni Don Brill as his granddaughter.” Ninang laughed so hard.
Na parang alam na rin nila na hindi ako magugustuhan ng lalaking pinili ni Tita Mommy dahil lang sa attitude ko? Well, aminado ako na kakaiba rin ang pag-uugali ako. Binansagan kaya ako na cold-hearted person.
“Mommy! Kay Devi na lang po!” sabi ko.
“No, Mom! Kay Novy na lang po!” giit ni Devi. Sumimangot ako.
***
Si Devillaine ang nagbukas ng room naming dalawa at tiningnan pa iyon ng mommy niya para lang masigurado na magiging comfortable kaming dalawa. Nagkibit-balikat lamang ako at pabagsak na humiga ako sa bed. Ang lambot nito.
“Sabay-sabay tayong kakain ng dinner later, alright?” Tita uttered. “Novy, don’t forget to call your Dad. Para hindi iyon magtampo sa ’yo.” I rolled my eyes.
“Yes po,” sabi ko na lamang.
“As if po ay tatawagan iyan ni Novy, Mommy. Kilala ninyo po iyang panganay mo, Mom.”
Isa ito sa nagustuhan ko sa pangalawang family ko. Maski si Devi ay hindi niya rin ako trinato na parang ibang tao. Mas naramdaman ko lang ang pagiging kapatid niya. Hmm, mas matanda nga ako sa kanya ng dalawang buwan. Iyon lang gap namin. Siya rin naman kasi ang kasa-kasama ko noong bata pa lamang kami.
“Novy, anak...”
“You want po na puntahan ko na agad si Daddy? Baka po ang bruha niyang wife ay magulat sa akin,” I joked.
“Do whatever you want, Novy. Sige na, magpahinga na kayong dalawa,” paalam pa niya sa amin.
Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagtayo ng aking pinsan at nang lingunin ko siya ay nasa pintuan na agad siya. Ano naman kaya ang balak niya? May pupuntahan ba siya sa labas?
“Sumbong kita kay Mommy,” sabi ko at napahinto siya. She glanced at me.
“Labas tayo, Novy?” pag-aaya niya pero umiling ako. See? May binabalak talaga siya.
“Ayaw ko. Pagod ako sa flight natin kanina,” sabi ko.
“Eh, sanay ka naman na, right?”
“Ayaw ko nga. Ikaw na lang ang lumabas,” sabi ko at nagtakpan lang ako ng unan sa ulo ko.
Tinatamad ako at nararamdaman ko ang pagod ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ay tiningnan ko ulit siya at wala na nga siya roon. Lumabas talaga ang isang iyon. May ka-meet yata siya sa labas, ah.
Bumangon naman ako at inabot ko ang slingbag ko sa bedside table para ilabas ang phone ko. Kahit labag sa loob ko ang gagawin kong ito ay ayoko namang ma-disappoint ang tita ko.
Hinanap ko ang pangalan ni Dad sa phonebook ko pero tatawagan ko na sana siya ng lumitaw bigla ang pangalan ni Mommy. Ilang ring lang ang pinatagal ko saka ko sinagot ang tawag niya. I always do that. Minsan ay three times pa sila kung tatawag ni Daddy ay saka ko sasagutin.
“Hello?” I answered the call.
“Let’s meet sa labas, Novy. I saw you kanina with your tita and your cousin,” she said. Wala man lang hello-hello?
“Saan ninyo naman po ako nakita?” tanong ko.
“Nasa Canada ka, Novy. Nakita kita rito sa hotel. Gusto kong sabunutan ang stepmom mo at inimbitahan pa niya ang asawa ko.” I frowned. Bakit sa akin niya sinasabi ito? Hindi ba dapat sa asawa iyon ng daddy ko?
“Sa kanya ka po magreklamo. Hindi sa akin. Ano po ba ang pakialam ko sa inyo?” malamig na sabi ko.
“I’m still your mother. Watch your language. Labas ka, Novy Marie.”
“Pagod ako, Mom. Kadarating lang namin,” sabi ko lang at bumuntong-hininga siya.
“Me as well,” malamig na saad niya.
“The hell...” sambit ko.
“I fvcking heard that.” Hindi talaga matinong babae ang aking ina. Ayoko talagang magmana sa kanya, eh. Pala-mura.
Pinatay ko ang tawag at tiningnan ko muna ang sarili ko. Napangisi ako ng may pumasok na lang bigla sa isip ko.
Nagpalit na muna ako ng damit ko. Bago ako lalabas. I wore my black sleeveless blouse na sinadya kong nakabukas lang dalawang butones nito. White shorts naman pababa, iyong uso na isinusuot naman ng mga kababaihan. Iyong kaunting galaw ko na lamang ay makikita na ang panty ko.
Hindi naman conservative si Mommy pero ayaw niyang nagsusuot ako ng ganitong outfit dahil kulang na lang daw ay bastusin ako ng mga lalaki.
Kung ano-ano pa ang sinasabi niya sa akin pero iniwan niya rin naman ako sa tita ko, eh. Puro pangaral siya, eh ako hindi niya nga ako maalagaan ng maayos.
Pinili ko ang red lipstick at ang buhok ko na umabot lang sa balikat ko ay sinadya kong guluhin na parang may sumasabunot din sa akin. But just a messy hair lang naman. Hindi rin halata, psh.
Sinuot ko lang ang heels na gamit ko kanina saka ako lumabas. Nang makita ko naman ang elevator na pasara na ay patakbong lumapit ako roon upang maabutan ko ito.
Iniharang ko lang ang isang palad ko at napangiti ako nang bumukas na ito. Pero pasakay na sana ako sa elevator nang hindi ko inaasahan na magtatagpo lang pala ang mga mata namin ng isang lalaki na masyadong seryoso ang facial expression nito at malamig ang mga mata niya.
Bayolenteng napalunok ako dahil nararamdaman ko na tila matutunaw ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin at hindi pa iyon umabot nang ilang minuto.
B-Bakit g-ganyan n-naman s-siya makatingin sa akin?
Makapal ang kilay niya at ngayon lang ako nagandahan sa kilay ng isang lalaki, ang tangos ng ilong niya at ang panga. Natural na mapupula ang mga labi niya. Bakit super pogi naman ang isang ito? Ang tangkad din niya masyado.
Napatutop ako sa dibdib ko dahil sa bilis nang heartbeat ko. Abnormal na yata ito, eh. I cleared my throat at sumakay na rin ako pero mukhang pinagsisisihan ko iyon dahil noong pasara na ito ay mas nabingi na ako sa lakas ng tambol sa dibdib ko.
What happened?
Hindi naman siguro niya maririnig ang bilis ng tibok ng puso ko, ah? Bakit ba kasi bigla na lang ganito ang heartbeat ko? This is my first time. Oh good God...
“Maryann... No, behave,” narinig kong sambit niya at nakarinig din ako ng pag-meow? What?
May pusa? Wala sa sariling napatingin ako sa kanya-sa bisig niya. May pusa nga siyang hawak-hawak at ang liit masyado.
Mahigpit kong hinawakan ang isang braso ko dahil na-t-temp akong hawakan ito at haplusin ang balahibo nito. Mahilig ako sa pusa dahil ang cute lang nila pero kailangan kong magpigil.
Nakahihiya sa lalaking katabi ko lang therefore dahan-dahan akong dumistansya at sunod-sunod na humugot nqng buntong-hininga.
Naabot ko na yata ang sulok ng elevator ng biglang nawalan ito ng ilaw. Nilukob agad ako nang takot. Wala akong nakikita!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top