CHAPTER 28
Chapter 28: Priority
NANG matapos kami sa lunch namin ay lumabas ang tatlo para lang mag-ikot-ikot sa building nito. Pero bago roon ay binigyan pa sila ni Michael ng hardhat. For safety purposes.
Lumapit pa nga sa akin si Cloud para ayusin ang pagsusuot ng hardhat niya. “Ang tanda-tanda mo na ay hindi ka marunong magsuot nito?” tanong ko sa kanya. Kusa siyang yumuko para hindi ako mahirapan.
“Katamad mag-ayos, Ate,” he reasoned out. After that ay si Lemery naman ang tiningnan ko. Maayos na niyang naisuot iyon. Mabuti pa ang bunso namin kaysa sa pasaway na si Cloud.
“Behave, okay? Don’t go when you know it’s dangerous,” paalala ko sa kanila.
“Duly noted,” sabay-sabay na sagot nilang tatlo.
Nang maramdaman ko ang kanina pang matiim na pagtitig sa akin ng katabi kong engineer ay nilingon ko naman siya. He was silent again.
“What?” bored na tanong ko sa kanya.
“You love your brothers, do you?” he asked me at inilapit pa niya ang mukha niya close to my face para lang haplusin ang pisngi ko.
“Paano ko sila hindi mamahalin kung nag-contribute lang naman sila ng money para bilhan ako ng car? At alam mo ba kung ano’ng klaseng kotse?”
“What is it, baby?” he asked.
“A hummer, its navy green. Ayos naman siya, close door and tinted. Hindi katulad ng mga hummer na open ang window and sa backseat din. Pinakamura raw iyon pero alam ko ang price no’n,” pahayag ko pa.
“Come on. I want to see it,” he said and guided me to stand up. Sinulyapan ko pa ang mga kapatid ko sa labas at nakita ko naman sila na nakikipag-usap sa iba.
Nasa parking space na kami at itinuro ko ang hummer ko. Napatango siya habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya. Naglakad siya palapit dito at naglahad ng kamay. Nakuha ko naman ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang key. Sumakay siya roon at tiningnan pa niya ang dashboard nito.
“Maganda, ’di ba?” nakangiting sabi ko at tumango siya.
“Hop in, baby.” Hindi ako nagdalawang-isip na sumakay sa passenger’s seat. I wore my seatbelt din. Sinimulan niyang paandarin ang hummer at nag-ikot-ikot lang kami sa paligid.
Condominium or something hotel yata ang building na ipinatayo nila. Malaki ang space kahit na may katabi pa itong mga building.
Inihinto niya rin sa parking space at humarap siya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay when he licked his lower lip. Parang may gusto siyang sasabihin sa akin.
“What’s on your mind, Engineer?”
“Let’s do our naught stuff here, Miss.” Mabilis kong tinanggal ang seatbelt sa katawan ko at bubuksan ko pa lang sana ang pintuan nang mabilis niyang hinuli ang pulso ko.
“Hayan ka na naman, Michael! Ang hilig mong gumawa ng ganoon kahit alam mo na maraming tao!” sigaw ko sa kanya at ngumisi lang siya.
“Exciting. I can pleasure you, then you need to quite so walang makahuli sa gagawin natin. What do you think, baby?”
“Spare me,” mariin na sabi ko.
“You choose, Novy. Sa kotse mo o sa loob ng opisina ko?”
“P-Puwede naman nating gawin iyon sa penthouse ko? Or sa condo mo, right? Huwag dito, Michael,” I pleaded. Ako na kasi ang kinakabahan sa ginagawa namin.
“But I want it here...”
“Sa penthouse ko na lang, please... Promise maghahanda ako.” Mariin kong naipikit ang mga mata ko.
“Hmm... Okay?” Napilit ko naman siya at hindi na siya nagsalita pa about sa naughty stuff niya.
Bumalik din kami sa pinanggalingan namin, sa company ko na inaayos na ang mga gamit nito. Isang araw pa lang ang pag-organize namin ng things here ay mukhang matatapos nga ito ng hindi na umaabot pa ng one week.
Quarter 6 na noong umuwi kami at pagod na pagod pa ang mga kapatid ko. Especially the two. Pinauna ko na silang kumain ng dinner dahil hinihintay ko ang fiancé ko.
One hour pa ang hinintay ko at hindi na ako nakapaghintay pa. Tinawagan ko na siya but hindi niya sinasagot. Kahit ilang beses ko na siyang tinawagan pa. Napanguso ako. Busy ba siya? Or hindi siya uuwi rito sa penthouse ko?
Kalahating oras pa ang hinintay ko at nakaramdam na ako ng gutom kaya nagtungo na ako sa kusina. ’Saktong bumukas ang main door at nakita kong pumasok sa loob ang lalaking kanina ko pang hinihintay. Magagalit na sana ako dahil bakit ngayon lang siya dumating or why he didn’t accept my calls?
But naumid ang dila ko nang makita ko ang bitbit niya. His luggage, suitcase and a duffle bag. Parang aalis siya or something.
“Where have you been? At saan ka rin pupunta bitbit ang luggage mo?” Sinalubong ko siya at tiningnan ang mga dala niya.
“Hi, baby. Sorry if I’m late. Nag-impake lang ako ng mga gamit ko sa condo ko.”
“For what?” I asked him.
“Para mag-stay rito kasama ka.” My eyes widened in shocked.
“What?! Gusto mong... mag-live in na tayo?!” tanong ko na nasa boses ang pagkagulat. Tumango naman siya and when I stared at his face. Ibang-iba ang ipinapakita niya ngayon sa akin na emotions. He looks innocent na parang wala na siyang house na matutuluyan niya and I need to adopt him na lang. Doon ko lang din napansin ang isa pa niyang dala. “Is that?”
“A cat?” patanong na sagot niya at kinuha ko iyon para dalhin sa center table. There is a little cage at nakikita ko ang alagang pusa niya. Binuksan ko ito at kinuha ko siya.
Mabait na pusa siya dahil hindi niya ako kinalmot at hindi rin siya nagpumiglas. He kept saying ‘meow’. I kissed her head.
“Hello, little creature. Long time no see,” malambing na sabi ko. Yes, cat lover ako. I love them lalo na iyong balahibo nila ay masarap sa pakiramdam na haplusin.
“Novy, are you done with your dinner?” Michael asked me. Sinulyapan ko siya.
“Hindi pa. Kanina pa kita hinihintay para sana sabay na tayong kumain. You didn’t even accept my calls. Ilang beses lang nag-ring ang phone mo sa other line,” nakasimangot na sabi ko.
He walked towards me and sat beside me rin. Inilabas niya ang phone niya from his pocket at ipinakita niya iyon sa akin. Naka-silent mode at nabasa ko pa ang pangalan sa phonebook niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil ‘My Novy baby’ ang nakalagay roon.
“Hindi ko agad na-check. Busy ako sa pag-iimpake kanina at dumaan pa ako sa mansion namin para lang kunin si Novy. Natagalan pa ako dahil kinausap ako ni Dad about business,” paliwanag niya sa akin na naintindihan ko naman.
“It’s okay. Papalitan ko ang pangalan ng alaga mo, Michael. Seriously? Novy talaga?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Well, naaalala kita sa kanya. You’re always grumpy.”
“Hindi ako pusa!” I shouted at him at mariin ko pang pinisil ang pisngi niya. Mahinang humalakhak lang siya at hinawakan ang kamay ko para halikan iyon.
“Iwan na muna natin dito si Novy—”
“Engineer Michael,” I uttered his name with a warned.
“Chill, baby. Puwede mo naman Siyang bigyan ng pangalan. A new one but take a look at this. Novy... Come here...” Nagulat na lamang ako nang tumalon ang pusa sa lap niya at nag-ingay iyon sa mga bisig niya. Naglambing ito sa kanya.
Nang mapansin niya na masama na ang tingin ko sa kanya ay todo ngiti na siya.
“What in the world...”
“Miss, sanay na siya sa pangalan niya ngayon. Novy...”
“Oh goodness! I don’t want it, Engineer! Change it! Change it, please!” I said, hysterically. Ibinalik niya sa cage ang alaga niyang pusa at tumango-tango siya.
“Okay. Come on. Pakainin mo na ang baby mo, Miss. I’m hungry.” I shook my head. He was referring to himself. That he’s my baby? Seriously?
“Sure ka na gusto mong mag-stay kasama ako? Baka mamaya niyan ay magsawa ka sa akin.” Inakbayan naman niya ako habang naglalakad na kami patungo sa kitchen.
“Saan ako magsasawa, Miss?”
“Sa attitude ko. You may get tired na intindihin ako. Tapos bigla ka na lang din susuko just because of me. Michael...”
“I won’t get tired, baby. Rest assured na palagi pa rin kitang iintindihin. I’ll stay with you forever, Novy Marie.”
“Don’t promise me that, Michael.”
“Okay, I won’t.” We ate our dinner together and sleep on the same bed with our kitten. Wala kaming ginawa other than cuddling.
May naisip na akong name for the cat. Percy. Sasanayin ko siya sa pangalan na Percy at hindi sa pangalan ko. Hindi na ako pumupunta pa sa site niya dahil naging busy ako. Nag-order na lang ako ng lunch for him at ipina-deliver na iyon sa address nila.
Hindi pa umuuwi ang both parents ko and big help talaga ang brothers ko, especially Primo. Inasikaso nila ang mga paper na kakailanganin ng new business ko, and tumagal pa iyon ng three weeks. Si Lemery na kailangan na sa school ay pinili niya ang online classes at babawi na lang daw siya if tapos na ang lahat.
As soon as natapos na nga iyon at ang empleyado na lang ang kulang ay tumawag sa akin si Ninang Avemn. May another olympic competition na naman kami at nagkataon pa sa other country pa. Sa Hollywood. Two weeks from now pa naman and every morning ay kasama ko ang fiancé ko na lumabas para mag-jogging. Minsan ay iniiwan ko sa bed namin at saka lang siya susunod.
Hanggang dinner na lang kaming nagsasabay at matutulog na magkatabi. Minsan na lang din kaming kumain ng breakfast. Hindi naman siya gaano ka-busy. Dahil iyon sa akin na wala na akong time sa kanya.
So, sa lunch time. I went to his site. Patapos na rin kasi ang project nila. As usual ay bumili lang ako ng food sa fancy restaurant. Wala akong time para mag-aral ng cooking.
Diretso agad ako sa office ni Michael and naabutan ko silang kumakain na pala. Nandito rin ang friends niya. Si Anthony rin.
“Hi,” tipid na bati ko sa apat. Awtomatikong tumayo agad si Michael para salubungin ako. Inagaw niya ang dala kong paper bag.
“Akala ko ay nakalimutan mo na ang lunch ko. Ikaw na pala ang maghahatid nito sa akin,” sabi niya na ikinatango ko. Iginiya niya ako paupo at napatikhim pa ako ng seryoso akong tiningnan ni Anthony.
“Nasaan na pala si Pamela? Hindi ko pa siya nakita.”
“She’s mad at me. Nasa bahay siya ng parents niya. Together with our son,” he answered.
“Hello, Novy. Kumain ka na ba?” Binalingan ko si Ocean. Umiling ako.
“Sabay kaming kakain ng fiancé ko,” ani ko pero nakita kong may kinakain na siya.
“Kakainin ko pa rin ang dala mo,” aniya. Inilabas na niya ang lunch pack mula sa paper bag. I looked at Zafrina.
“Hello, Zafrina. Long time no see,” I told her. Kung hindi ko pa siya binati ay hindi niya ako papansinin.
“Yeah. Busy ka yata nitong mga nakaraang araw, ah?”
“Unfortunately yes,” I replied and nod my head.
“So, ikaw ang bumibili ng lunch for Michael?” Anthony asked me. I nodded for the second time around. “Wow, not the other way around? Bro, ikaw ang lalaki. You should buy her a lunch.”
Michael shrugged his shoulder. “She spoiled me with foods. I don’t mind,” sabi lang niya at nagsimula na rin siyang kumain.
“Anyway, may interior designer na ba tayo, Michael?” Nag-usap na sila tungkol sa work nila at kumain na rin ako. Tahimik na rin si Anthony pero interesado pa rin siyang marinig ang pinag-uusapan ng mga friends niya.
Nilagyan na naman ni Michael ng tosino ang paper plate ko kasi nakita niyang paubos na ang ulam ko. Kahit nakikipag-talk pa siya sa mga ito ay hindi pa rin niya ako nakalilimutan.
“May new opening company ngayon. Though mga bago ang interior designer nila pero nakita ko ang designs and I can say na maganda ang portfolio,” Ocean uttered.
“Really? Saang website iyan makikita? Puwede nating i-view?”
“Wait, hanapin ko lang.”
Aabutin ko na sana ang mineral water nang mabilis na kinuha iyon ni Michael. Tinanggal niya ang takip nito at saka niya ibinigay sa akin.
“Thanks.”
“Hindi ka busy sa practice ninyo ngayon?” he asked me.
“In the next two weeks. Ako na ang pumunta rito para yayain kang lumabas later. Hindi ba almost wala na akong time sa ’yo?” He nodded and caressed my cheek.
“Oh, hindi ako tatanggi.”
“Sorry, ah? Babawi ako ngayon sa ’yo.” Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya dahil sa sinabi ko.
“Iyong NCPL company. Yes, tama ka nga, babe.” I stilled when I heard the company name they mentioned.
NCPL, initial iyon ng first name namin ng mga kapatid ko at iyon lang ang tanging naisip ko. Ang portfolio ba namin ang tinutukoy nilang maganda?
“Maliit na company lang ito compared sa iba. But I can see its potential.” Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Hindi ako sanay sa compliment kapag tungkol na sa design ko.
“Are you okay, Miss?” my fiancé asked me.
“Oo naman,” sagot ko. Parang gusto ko na rin umalis pero nag-invite pa naman ako kay Michael na lalabas kami today. It’s a date. Ayoko magtampo siya. Baka sabihin niya na binabawi ko na ang invitation ko sa kanya.
“Sino raw ang interior designer?”
“Look for it, Ocean.”
“No don’t, Ocean. Mag-set ka na lang ng schedule para makausap natin sila in person,” Michael stopped him and I felt relief.
“Nasaan na pala ang mga kapatid mo?”
“Nasa hotel. Next week pa ang uwi nila.”
“Anyway, Novy. May hiking kami this coming Saturday to Monday. Three days, gusto mong sumama? Tapos the remaining days ng one week natin ay pupunta tayo sa Isla Brilliantes,” pag-imbita bigla sa akin ni Zafrina. Hindi ko inaasahan na niyaya pa niya ako.
“I can’t. May olympic competition ako next two weeks. Kailangan kong mag-practice. Sayang ang one week ko kapag hindi ko ginugol iyon sa practice namin,” sabi ko at nakita ko na natigilan pareho sina Anthony at Ocean.
“You’re always busy, Novy. Honestly speaking, wala ka na ring time para sa fiancé mo. Puro pag-p-practice ka na lang. Kailan mo naman isisingit si Michael sa priority mo?” Ako naman ang natigilan sa tanong niya.
“Babe.”
Priority?
Masyado ko bang nabalewala si Michael para mapansin iyon ng mga kaibigan niya? Priority? Inaamin ko naman na first priority ko noon ang paglalaro ko ng tennis. Dahil sa buong buhay ko ay iyon na talaga ang daily routine ko.
But hindi lang naman iyon ang reason ko kaya naging busy rin ako this past few days. It was him, si Michael. Kaya naisipan ko na lang bigla na magkaroon ng sariling business company para kung may magtanong sa kanya if ano ang work ko ay iyong may maipagmamalaki naman ako sa kanya.
Na hindi nila iisipin na puro paglalaro lang ng tennis ang alam ko at doon lang ang umiikot ang buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top