CHAPTER 26
Chapter 26: Officially engaged
"LOOK at them, mahal ko. Naalala kita sa iyong apo na si Michael. Ganyan na ganyan ka sa akin at gusto mo palagi na share tayo ng pinggan at pagkain. Dahil ganoon nga tayo ka-close," pahayag bigla ni Grandma Lorainne na ikinangiti ko.
"Fresh and clear, naalala ko iyon, mahal ko," Grandpa said.
No wonder na sweet si Don Brill dahil nakikita ko ang personality niya kay Michael. But sometimes naman ay strict din siyang tingnan kapag sa ibang tao na siya haharap. But to his beloved wife? He's so soft and composed. While his grandson?
"What?" nakataas ang kilay na tanong niya. Sometimes, nakaiinis din siya. See? Nagsusungit na siya sa akin.
"Ang suplado mo," I blurted out.
"Wala akong ginagawang masama sa 'yo," depensa niya sa sarili niya.
"Whatever," I said and rolled my eyes. Hinaplos niya ang baywang ko at mariin akong hinalikan sa pisngi.
"Just eat, baby, and after this... Let's do the naughty stuff again." I, again rolled my eyes. Naughty stuff? Eh, ako lang mabibitin. Dahil sinasadya niya iyon.
Kumuha na ako ng kubyertos para makakain na rin at ganoon din ang ginawa niya kahit nasa iisang plate lang kami kumakain. I find it sweet naman. Kahit na pinagtitinginan kami ng kasama namin sa table. Si Devi nga ay puro pagtikhim na lamang ang ginagawa niya. Nang-aasar pa siya.
I roamed my eyes around the area, maroon ang theme, it was beautiful and breathtaking. Halatang hindi sila nagmadali sa engagement party namin. Ready na ready sila.
In the midst of our dinner, kinuha naman ng MC ang lahat ng attention namin. I groaned dahil gusto nito na pumunta kami sa center para sa engagement ceremony—whatsoever. I heard Michael chuckling.
He encircled his arm around my waist and pulled me up. I don't have any choice but to be with him na lang para magpakita sa maraming tao.
There's a couple... I mean our engagement ring. A beautiful diamond on top of the ring and it was... breathtaking.
Isinuot niya iyon sa akin na ikinangiti ko tapos mayroon din pala sa kanya, a simple ring pero alam ko na hindi ito cheap price. Knowing their clan na super rich.
"These are beautiful, baby," I uttered at hinawakan ko pa ang kamay niya para makita ko rin ang suot niyang singsing. I smiled at him. Sa ilang mga araw na kasama ko siya ay nasasanay na ako sa blank expression niya. Kahit wala ka man na mababasa na any emotions ay makikita mo iyon sa mga mata niya. Kumikislap at nababasa ko ang admiration and amusement. Tapos... "What a cutie boy. You're blushing, Engineer Michael," I said and grinned at him. Bumuga siya ng hangin mula sa bibig niya.
He pulled my waist closer to him at kahit maraming tao ang nanonood sa amin ay wala na naman siyang pakialam roon.
"Stop calling me that," he whispered to my ear.
I caressed his arm. "Alangan naman na sabihin ko sa 'yo na girl? Eh, boy ka naman?" nakataas ang kilay na tanong ko at matiim pa niya ako tinitigan. He clinched his teeth and I shrugged. Bago kami inaya ng MC na sumayaw.
Nag-echo sa loob ng hall ang pamilyar na kanta ni Kelvin Miranda. I wrapped my arms around my fiancé's neck. Yes, we're now officially engaged.
Take your time
We still have one more night
Take my hand, hold me tight
And never let go
I'll be here
Go ahead dry your tears
Promise me one more thing
You'll be alright
I rested my head on his right shoulder na malapit iyon sa leeg niya. Humigpit ang yakap niya sa baywang ko habang sumasayaw kaming dalawa. Pumikit ako dahil sa nagugustuhan ko ang pakiramdam habang nasa mga bisig niya ako. I can feel the sincerity on his arms.
Take a breath
And make another step
Baby, don't be afraid
I'll take the lead
Can't you hear
Our song playing loud and clear
The lights dimmed, while crickets sing
Stars came alive
"Novy..."
"Yeah?" simpleng tugon ko.
"I like you, so much..." That made me smile even more. Now, nasabi niya ulit sa akin ang mga katagang iyon ng hindi na siya lasing.
"Yes, sinabi mo na iyan sa akin and I like you too, my Engineer..."
All I wanna do (even though I'm quite afraid)
Is to hold you (and caress you)
A little bit longer tonight (tighter and tighter)
Hold still (it's making me hard to breathe)
Our hearts in a race
Can you feel it?
I can hear it tonight
As the night grows dim and cold
I'll be here without fear
I'll fight for love
Hinalikan niya ang balikat ko at pagtapos naming sumayaw ay bumalik kami para lang uminom ng wine. Hindi ko na nagawa pang pigilan si Michael dahil nakainom na siya.
Sa pagbalik namin sa table ay naramdaman ko na ang pananahimik niya. When I glanced at him ay pulang-pula na naman ang magkabilang pisngi niya. Sigurado akong... lasing na naman siya.
"Michael?"
"What is it, Grandma?"
"Alam kong mahina ang alcohol tolerance mo. Gusto mo na bang umalis dito at matulog na lang?" his grandmother asked him and he nodded.
"And doing the naughty stuff with my fiancé, Grandma." Nahinto ang pag-inom ko ng champagne dahil sa sinabi niya. Umawang ang labi ko sa gulat at malakas na natawa si Don Brill. Naiiling na naman si Grandma.
Sumabay rin si Tita Mommy at wala na sa table namin ang cousin ko.
"He's drunk na po. Puwede na po ba kaming umalis?" paalam ko na tinanguan nila. Tumayo ako at hinila ko ang braso ni Michael.
Nagpatianod naman siya sa paghila ko pero hindi agad kami lumabas dahil nakita ko ang panay kaway ng mga kapatid ko. Tumikhim siya at hinarap ang mga kapatid ko na nakatayo na.
"Hi, good evening po, Tita and Tito," bati niya kina Daddy at sa stepmom ko. "Hello."
"This is Primo Calixto, my first brother sa side ni Dad. Si Lemery Jervy, second bother, and Cloud kilala mo naman," ani ko.
"Hi, I'm Primo Calixto. Nice meeting you."
"Likewise," tipid na sabi niya lamang.
"Lemery Jervy, take care of my big sister, okay?" pagpapaalala sa kanya ng bunso kong kapatid.
"I will, I will, buddy," Michael said and he tapped his head.
"Dad, mauuna na po kami," paalam ko and he just nodded. Hindi na kami lumapit pa kay Mommy dahil nakilala naman nila in person si Michael.
Hindi naman ako nahirapan na akayin siya dahil naglalakad lang din siya at hindi halata sa kanya ang kalasingan siya. Nang makapasok kami sa penthouse ko ay nagsimula na siyang maghubad ng suit niya.
"I need a cold shower, Miss," namamaos ang boses na sambit niya. Itinuro ko sa kanya ang door ng bathroom ko.
"Go," sabi ko at hinayaan ko siya na magtungo roon. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang silipin siya kasi baka kung ano ang gawin niya sa loob.
Nasa bathtub siya at ang magkabilang braso niya ay nasa gilid niya. Nakapikit siya. Akala ko ay maliligo na agad siya pero nagbabad pa pala siya sa tubig.
Nilapitan ko siya at bigla siyang napadilat. Namumungay ang mga mata niya at namumula pa rin ang cheeks niya. Lumuhod ako sa gilid nito at hinawakan ko ang panga niya.
"Hey, baby..."
"Pumasok na tayo at magbihis ka na, Michael." Sa isang salita ko lang ay tumayo na siya at napasinghap ako nang makita ko ang pants niya. Hays, wala na talaga siya sa sarili niya.
Bago ako lumabas ay ibinigay ko sa kanya ang bathrobe ko. Nagtimpla ako ng coffee for him. Nakita ko naman na sabay-sabay na pumasok ang tatlo kong kapatid.
"Good night, Ate," they said in unison.
Talagang magkasundo nga silang tatlo na parang magkapatid lang din. Dahil iyon sa akin kaya nagawa nilang magkasundo. Kahit si Lemery ay kuya ang tawag niya kay Cloud.
Sa pagbalik ko sa room ay nakita ko na si Michael na nakadapa na siyang natulog sa bed. Sinasabi ko na nga ba, eh. Tsk.
Ininom ko na lamang ang coffee at saka ko siya nilapitan. Katulad ng ginawa ko dati sa kanya ay kinagat ko ang lower lip niya. Napadaing siya nang hilahin ko iyon at mariin na kinagat. He immediately open his eyes at hinawakan niya ang pang-ibabang labi niya.
"What the hèll..." malutong na mura niya na malakas kong ikinatawa.
"Nagising ka ba?" mahinang tanong ko.
"I'm awake. What the hèll, Miss? Why are you bitting my lips?" iritadong tanong niya.
"Ang sabi mo sa akin ay gagawa na naman tayo ng naughty stuff," sabi ko na tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Forget that," supladong sabi niya at ibinaling niya sa ibang direksyon ang mukha niya. Hindi na nga niya ako pinansin pa. I shook my head.
Nauna siyang natulog dahil na rin sa alcohol na ininom niya. Hindi agad ako nakatulog dahil pinag-isipan ko muna nang mabuti ang ipapatayo kong business. Puwede ko naman siguro puntahan bukas ang building na tinutukoy ni Tita Mommy.
Since alam ko naman kung ano ang gagawin ko roon and stuff na bibilhan ko ay isinulat ko na lang iyon sa notes ko. Kailangan kong mag-success sa business ko. Yes, ginagawa ko ito for him.
Nag-beep naman ang phone ko at napatingin ako roon. Nanlaki ang mga mata ko nang nag-transfer na naman ng pera si Mommy. 30 millions na ang perang binigay sa akin ni Mommy. I stood up from my seat at pinuntahan ko ang hotel room niya.
When I pressed the doorbell ay bumukas na agad ito. Inaasahan na rin yata ni Mommy na pupuntahan ko siya.
"Sapat na po sa akin ang 10 million, Mom. Bakit dinagdagan mo ng 20 millions?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Naisip ko lang na dagdagan. Now go, go to sleep. Next month pa ang balik namin. Dahil gusto kong gabayan ka sa pagpapatayo mo ng new business mo," she said and crossed her arms against her chest.
"Kaya ko naman po ito, Mommy."
"No. I'll stay, kahit mauuna nang umuwi ang kapatid at tito mo. Now go back to your room," sabi pa niya na ikinagulat ko ang paghalik niya sa pisngi ko at marahan na isinara ang pintuan. Ilang beses pa akong napakurap-kurap at napabuntong-hininga na rin kalaunan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking ina pero okay naman na siguro iyon. Hindi iyong parang galit kami palagi.
12AM na noong naisip kong matulog na rin at tumabi na ako kay Michael. Umunan ako sa braso niya at mahimbing na talaga ang tulog niya kaya hindi na niya ako namalayan pa.
In the next morning ay ako pa rin ang naunang nagising at babangon pa lamang ako nang magulat ako na may humila sa pulso ko.
"Iiwan mo na naman ako?" tanong niya at napahikab pa siya.
"What?" I asked him in confused. Dinala niya sa noo niya ang kaliwang palad ko.
"I feel like may fever ako, baby."
"Parang bata. Wala kang lagnat. Dahil 'yan sa hang-over mo," ani ko at pinitik ko ang noo niya. Sinubukan ko na umalis sa kama pero hinihila niya talaga ako.
"Dito ka lang." Hinayaan ko na lamang siya at yumakap pa siya sa baywang ko. Sumiksik siya sa leeg ko at naramdaman ko ang pag-amoy niya. Itinulak ko ang face niya.
"Stop it, mambibitin ka na naman," nakangusong sabi ko at naninimbang na tinitigan na naman niya ako.
"Are you ready for that, Miss?"
"Oh, bakit ikaw hindi?" tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Are you sure?" halos pabulong na tanong niya.
"Bakit? Paano kung handa na ako na gawin iyon?" I fired back.
"Maybe... I can make you pregnant, baby... Are you ready for that?"
"K-Kaikangan talagang mabuntis mo agad ako?"
"Yes..." sabi niya sabay haplos sa tiyan ko at ipinasok niya iyon sa loob ng shirt ko. He reached my breast. When he pinched my nipple underneath my shirt and he kissed me on the lips.
He positioned himself above me but... my phone rang. Of course, sa akin iyon dahil pamilyar sa akin ang ringtone. Huminto na siya sa paghalik sa akin pero pinagsiklop ang mga daliri namin at pinihid iyon sa gilid ng ulo ko.
Tiningnan ko ang phone ko at nasa center table ko iyon, malayo mula rito. Tinulak ko si Michael pero hindi siya nagpatinag at ang bigat niya.
"God, Michael. Umalis ka muna. May tumatawag sa akin!" I shouted at him. He groaned at umalis naman siya sa ibabaw ko.
Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at saka ako umalis sa bed. Nakahiga na siya at hinihilot niya ang sentido niya. Si Pamela ang tumatawag ngayon sa akin kaya agad ko na itong sinagot.
"What's up, baby?"
"Gagi, hindi ka man lang dumating sa engagement party namin kagabi? I heard na nandito ka na raw."
"Sorry, Novy. Sinadya ko talaga dahil ayokong sumama kay—" I cut her off.
"Hindi mo rin sinabi sa akin na may hubby and baby ka na."
"I'm sorry. Complicated kasi. Anyway, I heard din from your aunt na magpapatayo ka na ng new business mo here in the Philippines. Are you going to quit from your job? I mean, being a famous athlete?"
"Nope, secret muna iyan. Let's meet, Pamela. Gusto ko lang i-check kung may paglalabasan ka pa ba ng baby," ani ko at naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Michael. Umiling siya sa akin pero nakataas ang sulok ng mga labi niya. Inirapan ko siya at tumutok ulit ako sa best friend ko.
"Bruha ka. Before you can do that ay may gumawa na no'n. Kagigising ko lang actually. Naparusahan ako ng hindi ko naman kagustuhan," aniya.
"Parusa, like what?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Hmm, secret. Meet tayo saka na kapag free ka na. Isasama ko ang itinago kong inaanak mo."
"Alam mo ba na sinira ng asawa mo ang laptop ko?"
"Really? Gusto mong gantihan ko siya? Why are you staring at me like that?" narinig kong tanong niya from the other line. May kalamigan ang boses niya.
"Sige na. Busy ka na yata sa wife duty mo. See you soon, Pamela," I bid goodbye before I hang up the phone. "Come here, lumabas na tayo para sa breakfast," pag-aaya ko sa fiancé ko. Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. He's like this. Clingy.
Sabay-sabay kaming kumain ng breakfast kasama ang parents ko and their own family. Sa restaurant mismo ng hotel at kahit na naka-pajamas pa kami. Hindi naman nila binuksan ang usapin about sa pagpapatayo ko ng sarili kong company. Ayoko rin na malaman na muna ng fiancé ko kasi wala pa akong maipagmamayabang sa kanya. Chos.
"Are you free today, Miss?" tanong niya sa akin. Hinarap ko naman siya at nagawa niyang pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Why? Why'd you ask, Engineer?"
"Let's go to the beach? And let's date?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"No, pagod ako sa pag-p-practice ko. Dito na lang tayo sa hotel and I know busy ka rin."
"Then, visit me sa site? Dalhan mo ako ng lunch and snack ko?" his little request.
"Ayoko. Bahala kang bumili ng pagkain mo kay Fatima," ani ko and I shrugged my shoulder.
"Please, baby..."
"Shut it, Engineer," mariin na sambit ko sabay pisil ng pisngi niya. Hindi siya dumaing pero nakarinig kami ng sunod-sunod na pagtikhim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top