CHAPTER 25
Chapter 25: Engagement party
MY PARENTS came almost together sa hotel. Tita Mommy is immediately letting them enter our penthouse. Dad had his own penthouse too. Mommy checked in with her husband first. Then my three brothers decided to stay in my penthouse. Because I have two extra rooms. Knowing them na mas bet nila ang tumira sa poder ko. Ganoon sila kalapit sa akin kahit na minsan ay sinusungitan ko sila.
“Ate, pahingi naman po ng snack diyan. I’m thirsty po. Kanina pa talaga, gusto ko ng juice,” request ni Cloud at tumihaya pa siya sa couch. Napatingin pa ako sa sneakers niya. Dahil yata sa kapaguran niya ay hindi na siya nag-abala pa na hubarin iyon.
“Ate Novy, I’ll adjust your aircon po, ha? Mainit kasi sa labas kanina and super mainit din here,” sabi naman ni Lemery at lumapit sa aircon. Hindi sila sanay sa init ng panahon dito sa Philippines. Sanay sila sa malamig.
“I’ll be the one who check your refrigerator if may snack ka na puwedeng kainin doon, Ate,” Primo uttered sabay tayo niya.
“No, just use my telephone and call for a room service. Wala nga ako na puwedeng lutuin diyan,” I told him. Nag-thumbs up lang siya sa akin. Since nasa center table lang namin ang telephone ay hindi na siya tumayo pa.
I approached Cloud at nag-squat ako sa gilid niya, sa bandang paanan niya para hubarin ang sneakers niya.
“That smell so bad, Ate,” paalala pa niya sa akin nang akma pa niyang ilalayo ang paa niya ay marahan kong pinalo iyon para hindi siya gumalaw.
“Hubarin mo na kasi agad,” masungit na sabi ko. Nakita ko naman ang mabilis na paghuhubad ng dalawa ng kanilang mga sapatos. Alam nila na kapag hindi nila iyon tatanggalin ay ako mismo ang gagawa. Sinuri ko pa ang talampakan niyang namumula saka ko ito pinitik.
“Ouch, Ate! That hurts!” reklamo niya sa akin.
Naghanap ako ng extra slippers ko at tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil walang panlalaki. Si Tita Mommy and Devi ang bumibili ng mga ito. Kakasya naman siguro sa kanila kasi may kalakihan ito. Kinuha ko ang tatlong slippers na pambabae. Pink and blue ang color nila.
“Ate, I don’t need that kind of slippers. Okay na po ako sa wala,” mabilis na sabi ni Cloud at hinawakan pa niya ang paa niya. Nakaupo na kasi siya. Inilagay ko sa tapat niya ang slippers na may tainga at mga mata.
“No. Use this,” mariin na saad ko.
“Well, I’m fine with Doraemon, Ate. So cute,” sabi naman ni Lemery at isinuot pa niya iyon. Nilingon ko naman si Primo.
“Uhm... Do I need to use this po?”
“Puwede rin. Tapos mag-check in kayo sa hotel room,” sabi ko.
“Eh, I’ll use na lang. Gusto ko rito, Ate. Komportable ako sa unit mo, dahil makakatulog ako ng mahimbing knowing na place mo ito,” Primo uttered. Siya talaga ang nakababatang kapatid ko na may kaartehan sa katawan.
Well, true naman na hindi siya comfortable sa ibang place. Wala naman siyang insomnia pero nahihirapan siyang matulog. While Lemery ay siya naman ang pinaka-calm sa mga kapatid ko. Wala siyang kaartehan sa katawan at kung ano lang ang mga nakikita niya ay hindi siya nagrereklamo. Kahit sofa lang ang tutulugan niya ay wala kang maririnig na reklamo from him. Iniisip ko nga minsan na baka siya talaga ang mas matanda kaysa kay Primo. Si Cloud naman ang pinakamaingay at pa-baby. Magkasundo silang tatlo.
“Ate, ang tagal ng room service ninyo.”
“Just wait for it, Primo,” mahabang pasensiyang saad ko.
Hindi nga nagtagal ay may nag-doorbell na pero sumimangot siya nang makita ang parents ko. Napakamot na lamang siya sa batok niya at bumalik sa kinauupuan niya kanina.
“Leave us alone, boys. Mag-uusap kami ng ate mo,” sabi ni Dad.
“Let them stay, Dad. Doon na lamang po tayo sa veranda ko,” ani ko at sa pagpasok pa lamang nila ay nakita ko na ang hotel staff namin. “Primo, nandito na ang room service mo.” Patakbong lumapit ulit siya sa door.
Umupo naman agad sila. May round table ang veranda ko at makikita pa mula rito ang field. Marami ka pang makikita na mga guest na naglalakad.
Saka lang ako umupo nang dumating na rin si Tita Mommy na may dalang tray. Four cup of coffee and one glass of water.
“Coffee everyone,” she said at si Dad ang unang kumuha ng coffee niya.
“What’s your plan, Novy?” tanong ni Mommy. “Do you want some money for your budget sa ipatatayo mong business?”
“I’m the only one to give you money for the business you choose of,” Dad suggested. He can provide me some money but hindi siya ang magbibigay no’n sa akin.
“No, Dad. I only need your investment in my future business and I will ask mommy for money for the things I needed,” I said and glanced at my mom.
“Okay,” she replied and shrugged her shoulder. Kayang-kaya akong bigyan no’n ni Mommy ng hindi siya nagdadalawang isip.
“So you thought of something na kaya mong i-many, Novy?” my tita mommy asked.
“Not yet, Tita Mommy. Maybe you thought of something na kaya ko nga?” sa halip ay tanong ko.
“You are a graduate of HRM, right? Why don’t you just build a hotel or restaurant?” suggestion naman ni Dad.
“I don’t like it, Dad. Too many of them here. Ayokong maging kakompetensya ko ang hotel na pinapatakbo ni Devi as of now,” I reasoned out.
“Well, I thought something I knew you could do. Why not pursue your first dream, darling?” Hayon na ang suggestion ni Tita Mommy.
“First dream?” magkasabay na tanong ng parents ko. Ang akala nila ay ang pagiging tennis ko lang ang pangarap ko.
“Our field and gym here, she’s the interior designer,” pagbibida pa ng tita ko.
“Really? Not bad, Novy,” usal naman ni Mommy.
“Then, pursue your dream? Build a new company for your first business. Next time you renovate your building when your name starts, Novy,” saad ni Daddy.
“I’m still going to have a hard time. The design is easy. But I didn’t finish my studies sa art. Who will believe in my abilities, Dad? Or maybe I’ll just use your name to get clients?” lakas loob na saad ko.
“No problem with me, Novy. You are my daughter and you can use my name anytime. Or if you want, I will recommend you to the businessmen I know,” his suggestion.
“Or, I’ll be the only one to hired you. Your uncle rightly thought of setting up his new business here in the Philippines,” Mom uttered.
“I don’t want that, Mom. I only need your money,” sabi ko.
“Okay, I’ll give you 10 million.” As soon as she gave me the amount she immediately twisted something on her phone and minutes later she transferred the money to my bank account. That fast, may isang salita si Mommy at ginagawa niya talaga ang gusto niya.
“That’s big, Mommy. Ten years before I get back to you.”
“No need. It’s just money, I can work again.” Not only her husband is rich, mayaman din siya. That’s why ten million was nothing on her.
“I’ll just take care of our investment, Novy,” said Daddy.
“You know what, Novy? You can buy me the two storey building I built last year. I know you don’t like free. So, just pay for it and all that’s missing is your equipment and stuff. You can provide it na lang to complete the stuffs na kailangan mo sa company mo.”
“Oh, okay po, Tita Mommy,” ani ko at na-settle naman namin iyon. Doon lang yata kami nagkasundo ng parents ko. Umalis din sila after that na kasama si Tita Mommy.
Lumapit na lamang ako sa mga kapatid ko na nag-aya pang kumain. Marami silang in-order na snack. Later on ay dumating ang make-up artist para ayusan ako.
“I didn’t get a chance to meet your fiancé, Ate,” sabi ni Primo.
“Ako rin po,” pagsang-ayon naman ni Lemery.
“You’ll get to know him eventually. Just wait.”
“If takot kayo sa fiancé ni Ate Novy na baka hindi ito matinong lalaki. You’re wrong, he is a good guy. Silent and aloof lang siya,” pagbibida naman ni Cloud.
“Get out, boys. Just get ready, nandoon na ang mga suit ninyo, sige na,” pagtataboy sa kanila Devi na kapapasok lamang niya sa loob ng room ko.
“Ate Devi. You’re so beautiful, can I court you?” Mabilis na napatingin ako sa kapatid kong si Cloud nang tanungin niya ang pinsan ko ng ganoon.
“Shut up, Cloud. Hindi ako pumapatol sa brother ng cousin ko. Like, yikes. Parang pinsan na rin kita, kumag ka.”
“What is kumag, Ate?” nakangiwing tanong nito at inosente pa.
“Bumalik ka muna sa tummy ng Mommy mo, para malaman mo.”
“You’re so masungit din. Nahahawa ka na po kay Ate Novy.”
“Go, go, out!”
“Oo na po! But Ate Devi, kapag 30 ka na at wala ka pa ring boyfriend ay pakakasalan kita!”
“Tss, family stroke na ’yan, Cloud. Tigil-tigilan mo akong bata ka.” Napangisi ako sa munting bangayan nila. How cute. “Sa ’yo yata nagmana ang kapatid mo, Novy. Hala, ang kulit,” naiiling na sabi niya.
“He’s just joking, Devi. Kilala mo ang batang iyon,” ani ko.
“Exactly.”
Tinodo ng make-up artist ko ang make-up sa face ko. Halos lumiit na nga ang eyes ko dahil sa kapal ng mascara and eye-shadow ko.
Ang style ng buhok ko ay pinusod talaga nila at hindi iyon mainit dahil walang buhok sa leeg ko. May ilang hibla lang sa noo ko na pinakulot pa ang dulo nito.
“Devi, parang gusto kong mag-stay na lang dito,” bigla ay nasabi ko na lamang.
“What do you mean by that, Novy? Engagement party ninyo na ngayon. Kinakabahan ka ba?”
“Nope, masakit lang ang stomach ko.”
“Hindi ka naman siguro nagka-LBM, ano?” Umiling ako.
“I’m fine naman.”
Nagpa-picture pa sa akin ang make-up artist and her staff tapos si Devi naman ay may in-upload siya sa Facebook account ko. Hinayaan ko siya roon hanggang sa dumating na ang fiancé ko.
Mabilis na iniwan pa kami ng lahat. Suot na niya ang maroon suit niya, and his necktie tapos black ang suot niyang panloob. Ang ganda ng undercut hair niya dahil makintab iyon.
Seryoso siya, walang emosyon ang mukha niya pero nang pasadahan niya ako nang tingin ay kumislap agad ang mga mata niya. Marahan siyang naglakad palapit sa akin.
Huminto ang tingin niya sa dibdib ko. Ibang gown ang dala ni Tita Mommy but same size pa rin naman and color. Lace tattoo gown na at kahit mababa ang neckline ay may skin cloth naman sa bandang dibdib ko pero litaw na litaw pa rin ang cleavage ko.
“You’re gorgeous with your maroon suit, baby,” I told him at umangat pataas ang sulok ng mga labi niya.
“Yeah, ikaw rin.” Lumuhod naman siya sa harapan ko at itinaas ang gown ko. Nalilitong tiningnan ko siya pero hinawakan niya ang kanang binti ko. Itinukod ang paa ko sa hita niya, flat form ang heels ko na may four inches ang taas.
“What are you doing, Michael?” I asked him.
“This is my gift,” he answered at mabilis niya akong sinulyapan. Dumulas sa ankle ko ang malamig na bagay at nanliit ang eyes ko when I stared that.
“An ankle bracelet? Or rather say, anklet.”
“Yes, baby. I chose this because, hindi mo ito huhubarin kahit nagpa-practice ka or nasa olympic competition ka. Kasi alam ko kapag bracelet ay sagabal lang iyon sa ’yo.” I smiled at him and caressed his jaw.
“You’re so thoughtful, my Engineer.”
“Hmm, let’s go my beautiful fiancé.” Naglahad agad siya ng kamay sa akin na tinanggap ko naman iyon. Itinaas ko ang kamay niya sa likod ng baywang ko dahil bumababa iyon hanggang sa hips ko.
“Steady your hand at my back, Engineer,” mariin na saad ko pero tipid na ngumiti lamang siya sa akin at hinalikan ang sentido ko.
“We don’t need to ride a car sa venue dahil dito sa hotel ninyo ang engagement party natin.” Hindi na ako nagulat pa. Bakit pa kami pipili ng venue kung puwede naman sa hotel ni Tita Mommy?
Sa front door ng ball room ay maraming media ang nakaabang sa aming lahat. Nag-flash agad ang mga camera nila at hindi naman sila magulo habang kinukuhanan nila kami ng litrato. Tipid na ngiti lang ang nakapaskil sa mga labi ko habang si Michael ay seryoso and emotionless na naman.
Nakapulupot ang kamay ko sa braso niya at bahagya niyang hinahawakan ang gown ko para hindi ko maapakan.
May mga kalalakihan pa ang lumapit sa amin to congratulate us. Si Michael lang ang nagsasalita at ang kamay isang braso niya ay nasa baywang ko na. Iginiya niya ako sa isang table kung saan nandoon ang friends niya.
“Congrats, love bird,” Ocean greeted us. Nakipagkamay pa siya sa best friend niya at hindi ko naman magawang tanggapin ang kamay niya dahil ibinababa iyon ng magaling kong fiancé.
“Anthony Hanzel El-santos. I’m sorry for the mess yesterday,” he said.
“That’s nothing, thank you sa new laptop.”
“No need to thank me that,” he said and I just nodded.
Sa hindi kalayuan naman ay nakita ko ang parents ko, of course kasama nila ang kanya-kanya nilang family. Si Tita Mommy ay nasa table ni grandpa at nagtaka pa ako nang makita ko na may isa ring babae na kaedad ni Don Brill.
“We’ll be back later,” paalam ni Michael at nilapitan namin ang table nina Tita Mommy and Don Brill.
“Grandpa, Grandma,” tawag niya sa grandparents niya at nabigla pa ako. Ha? May lola pa siya?
I stared at his grandmother, she’s so beautiful kahit may edad na. Ang ganda pa ng ngiti niya and she seems mabait.
“I thought mamaya pa kayo darating,” his lolo said.
“Grandma, si Novy Marie po,” pakilala niya, “And Miss, this is my grandmother, Lorainne Angeles-Brilliantes. Ang magandang asawa raw ni Don Brill,” he said. Bumitaw ako sa kanya para lumapit sa lola niya.
Nanatili siyang nakaupo at nagawa kong halikan ang magkabilang pisngi niya tapos mahigpit naman niya akong niyakap. Base pa lang sa klase ng hugs niya ay alam kong tanggap niya ako para sa apo niya.
“Take care of my grandson, hija,” she said and I nodded.
“Ang ganda ninyo po. Akala ko po ay wala ng asawa si Don Brill,” ani ko at hinaplos ko pa ang pisngi niya kahit may wrinkles na siya.
“Me too, akala ko ay hindi na ako aabot hanggang dito,” makahulugang sabi niya. Grandpa Don Brill chuckled and kissed his wife’s temple.
The endless love, nakikita ko inyo sa kanilang dalawa. Grabe, gusto ko rin maranasan ang pagmamahal ng isang Brilliant. Sana ay maramdaman ko iyon sa fiancé ko. He’s a good guy pa naman.
“Susunod na agad ako sa ’yo kapag iniwan mo pa ulit ako, mahal ko,” sabi nito. Napailing ako at lumipat ulit kay Michael. Humalik agad siya sa noo ko.
“Saan ninyo gusto? Sa table namin or sa kanila?”
“Here na lang po, Tita. I want to have a chit-chat with Grandma Lorainne,” ani ko at tumango naman ito.
“Bigyan ninyo agad kami ng apo sa tuhod, hija. We don’t mind if mauuna ang apo kaysa sa kasal. Takot masukob ang mga apo ko dahil sa taong ito ay halos magkasabay silang na-engaged sa mga partner nila,” sabi niya. May pagkadaldal naman pala siya at nakatutuwa iyon.
Hindi nagmana sa kanya si Michael at sa nakikita ko kay Don Brill ay mukhang ganoon din siya.
“Grandma, saka na po ang apo ninyo kapag may nauna na ang anak ninyo. Bakit po palaging nawawala si Uncle Godfrey?” Michael asked him.
“Naku, hayaan mo na ang uncle mo, hijo. Kilala mo na iyon,” sabi lang nito at muli niya akong pinagmamasdan.
“Novy, hija. Don’t look at her eyes,” sabi ni Don Brill at iiwas pa lamang sana ako na tila nalulunod na ako sa mga mata ng wife niya.
Ilang beses akong napakurap sa kanya at kahit nanakit ang eyes ko ay hindi ko magawang iiwas sa kanya. It seems nahihipnotismo ako sa kanya.
“Michael?” Mayamaya ay sambit niya sa pangalan ng kanyang apo.
“Yes, Grandma?”
“Be patience, apo ha?” paalala niya.
“Grandma, alam ninyo po na ako na ang higit mahaba ang pasensiya kaysa sa mga kapatid ko,” sabi nito.
“Yes, and darating ang isang araw ay mawawala na iyan. Na mauuwi rin sa huli na pagsisihan mo, and Novy Marie?”
“Ano po ’yon?” tanong ko sa kanya.
“Be careful with your step okay? Kapag nagkaroon ka ng problema ay palagi mong isipin na parte na iyon ng buhay natin. Kung kaya’t palagi kang magiging matatag at harapin mo ang realidad na taas noo at kayang-kayang mong lampasan ang lahat ng pagsubok.” Ikinangiti ko ang sinabi niya kahit na nanayo pa ang balahibo ko sa katawan dahil sa kabang naramdaman ko at bumabalot sa aking katawan.
“Palagi ko pong tatandaan ’yan.”
Kumuha ng pagkain para sa amin si Michael at tumayo na rin si Don Brill. Sina Tita Mommy at Devi. Kami lang ng lola ni Michael ang naiwan sa table namin.
“Just call me Grandma or Lola, kung saan ka mas komportable, apo.”
“Sige po,” sabi ko.
“Ang apo ko si Michael, siya na ang pinakatahimik at malayo ang loob sa mga tao, hija. Pero nakikita ko na komportable naman siya sa presensiya mo. Mukhang magkasundo na nga kayo,” nakangiting saad niya.
“Minsan po ay nakakaasar din siya. Pero gentleman at mabait naman po siya sa akin,” sabi ko at tinanguan niya.
“Alam ko ’yan, ewan ko rin sa Grandpa mo kung bakit si Michael ang napili niya but now, alam ko na kung bakit.” Ginanap ni Grandma Lorainne ang mga kamay ko since nasa tabi ko naman siya. “Huwag mo sanang iiwan ang apo ko, kahit ano’ng mangyari.”
“I can’t do that po. I planned to love him po. Dahil gusto ko rin po maramdaman ang pagmamahal ng isang Brilliantes,” sabi ko sa kanya.
“Asahan mong...sincere at may endless love ang Brilliantes clan. Kahit medyo...masakit silang mahalin. Naranasan ko na ’yan sa asawa ko, sa lolo ninyo,” pagkuwenta niya.
Bumalik din ang iba after nilang makuha ng pagkain. Nakita ko na dala-dala pa ni Michael ang plate ni Tita Mommy at isa lang din iyong amin. Mukhang share kami ng food.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top