CHAPTER 24

Chapter 24: Work

"PAPALITAN ko na lang ang phone mo, Novy. I'm sorry," nahihiyang sabi niya at namula pa ang magkabilang cheeks niya. I chuckled softly.

Pinaupo ko siya sa sun lounge at umupo rin ako sa lap niya. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko. I'm still cupping his face.

"I thought nagalit ka sa akin dahil pinagtawanan kita. I'm sorry," sincere na sabi ko.

"I'm just jealous."

"Pero ano ba ang nangyari sa friend mo na 'yon at wala rin akong alam tungkol kay Pamela? Ang alam ko lang sa gaga na iyon ay mahilig siyang mag-travel around the world. Kung saan-saan na nga siya napupunta, eh. Last year ay hindi na kami nagkita pa." Nang kinuha niya ang wine glass at may laman pang champagne ay inilayo ko iyon sa kanya.

"Novy, I'm thirsty." Nagsalin ako ng orange juice sa baso at iyon ang ibinigay ko sa kanya.

"Baka mamaya niyan ay malasing ka na naman," sabi ko and no choice na siya kundi ang uminom ng juice.

"At bakit ikaw ay hindi man lang nalasing? Halos mangalahati na ito, Miss." Itinuro pa niya ang wine bottle.

"Hindi naman katulad ng iba ang champagne—"

"But still wine, baby. Alcohol pa rin siya." I shrugged my shoulder. Hindi ko masasabi na mataas ang tolerance ko sa alcohol, eh minsan ay nawawala rin ako sa sarili ko.

Aalis na sana ako sa lap niya nang pinigilan niya ako. "Lulusong din ako sa pool." He let me go naman.

Hinubad ko ang suot ko at itinira ko ang underwear ko. Napangisi ako nang makita ko ang mariin niyang pagtitig sa aking katawan. Inubos niya ang laman no'n at saka siya tumayo. Nilapitan niya ako pero tumalon na ako sa tubig. Lumalangoy pa ako from side to side.

Nanatili siyang nakatayo sa pool side at nang bahagya kong inahon ang ulo ko ay kumunot ang noo ko dahil hindi ko kayang tumayo sa ilalim ng tubig. Wala akong naaapakan.

Hindi naman ito ganito kalalim, ah!

"Michael, d-did you—did you adjust this fvcking pool?!"

"Yes, baby. Around six..." nakangising sabi niya at napalunok ako. Sinubukan ko nang lumangoy para makaahon na rin pero nabigla ako nang tumalon na rin si Michael. Lumubog ang katawan ko sa ilalim ng tubig at nakita ko ang paglangoy niya palapit sa akin.

Gusto ko siyang murahin!

Agad na pumulupot ang isang braso niya sa baywang ko at inahon ako pataas. Pinunasan ko ang mukha ko at  sunod-sunod ang paghinga. I wrapped my left arm around his neck para kumuha ng balanse sa kanya.

"Dàmn you, Michael! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" frustrated na tanong ko.

"Sasabihin ko pa lamang sa 'yo pero lumusong ka na sa tubig," sagot niya at nagawa niyang lumangoy kahit hawak niya ako sa baywang ko.

Binuhat niya ako paupo sa poolside at saka siya sumunod. Umupo na rin siya sa tabi ko. Napaigtad pa ako ng maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa baywang ko.

Kinabig niya ang batok ko para kintalan ako ng halik sa mga labi ko at dumampi iyon sa sentido ko. Alam niya kung kailan siya hihinto at kontrolado pa rin niya ang sarili niya. He didn't take advantage of me. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at hinalikan na naman niya ang tuktok ng ulo ko.

Nang makita ko ang maliit niyang nípple ay pinisil ko iyon nang mariin. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing pero hindi naman niya ako sinuway.

"Michael..."

"Hmm?" tugon niya as he trailed a kiss on my head.

"Do I need to quit ba sa pagiging player ko kapag ikinasal na tayo?" I asked him at tinitigan ko ang mukha niya. Sinapo niya ang pisngi ko at ngumiti siya. Napapikit pa ako nang halikan niya ang kaliwang mata ko. "Kanina ka pa panay halik sa akin," seryosong sabi ko.

"Gumanti ka rin, halikan mo rin ako," he said and brushing his lips against mine.

"Tss. Sagutin mo muna ako." Kinurot ko ulit ang nipple niya and this time ay hinawakan na niya ang kamay ko. I rolled my eyes nang halikan na naman niya iyon.

"No. I won't force you to quit. Matagal pa naman iyon. Mauuna pa si Kuya Markus ikakasal, bago tayo ay may nauna rin na tatlo. So for now, gawin mo muna ang gusto mo. You are still free, baby. Hindi porket matatali ka na sa akin ay hahadlangan na kita sa mga pangarap mo. Kung ano man ang magiging desisyon mo ay susuportahan ko pa rin. Just don't forget about me, okay? Isama mo ako palagi sa mga pipiliin mong desisyon," sabi niya na ikinangiti ko.

May kung anong malambot na kamay ang humahaplos sa dibdib ko. Bakit feeling ko ang suwerte ko? I came from a broken family but happy naman ako dahil may mabait at mapagmahal akong tita and cousin. Tapos siya... Sa ngayon nga ay masasabi ko na siya lang ang mayroon sa akin.

Ako na mismo ang sumiil ng halik sa mga labi niya at mabilis niya akong hinalikan pabalik. Mas madiin nga lang at mapusok. Hanggang sa binuhat niya ako at pinaupo sa lap niya. He's still wearing his pants. Bago pa lamang bumaba ang isang kamay niya sa pang-upo ko ay pinakawalan ko na ang labi niya na mabilis niyang hinabol. Tinabig ko ang kamay niya.

"Magpapalit na ako," sabi ko at umalis sa lap niya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin at napasinghap pa ako nang tinampal niya ang hips ko. Pinukulan ko siya nang masamang tingin. "Ang bastos mo, ha," saad ko at ngumisi lamang siya.

After ko ngang nagbihis ay nakatulog ako. Ang naalala ko lang ay dumapa lang ako sa bed habang naliligo na rin sa bathroom ko si Michael. Paggising ko ay nakita kong 7PM na. Ang haba nang naitulog ko. Nasa tabi ko na si Michael at ang kanina pa palang humahaplos sa ulo ko ay ang kamay niya.

"I'm hungry," I uttered. Kagigising ko lang ay iyon na ang sinabi ko. He glanced at me and smiled.

"I'll already cooked for our dinner," he uttered.

"You're such a good fiancé. Come on, let's eat."

Nang nasa kitchen na kami ay tinanong niya ako kung may alam din ba akong magluto. Natahimik tuloy ako kasi ano ba ang alam ko sa pagluluto?

"Ano ang kaya mong iluto para sa akin, Miss?" he asked me casually.

"Hindi ba sinabi na sa 'yo ng tita mommy ko na hindi ako marunong magluto?"

"Oh, sorry. I forgot that. Wala ka bang balak na mag-aral na magluto?"

"Gusto mo ba?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Ang matikman ang mga luto mo? Yes, baby. I like that." Padabog kong binitawan ang hawak kong spoon at nagulat naman siya sa ginawa ko. "What's wrong?"

"Kaya ba gusto mo ako na mag-aral sa pagluluto ay dahil sa babaeng iyon na nasa site? Gusto mo bang tumulad ako sa kanya?" nakataas ang kilay na tanong ko at nakita ko pa ang paulit-ulit na paggalaw ng adams apple niya.

"I'm... I'm sorry..."

"Your friend Zafrina is right. That I need to find a job para hindi ako umasa sa 'yo. Don't worry, I can sign something papers na wala akong makukuha sa mga perang pinaghirapan mo. As you can see, may parents pa nga ako but nasaan ba ako ngayon? Nasa poder ako ng tita ko."

"Novy... H-Hindi ko naman sinasabi 'yan... Miss..."

Inurong ko ang pinggan ko na hindi pa nauubos ang food ko. "Masarap sana ang food. Thanks but nawalan na ako ng gana na tapusin ito. Excuse me..."

"Hey, baby... Wait up!" Hindi ko na siya pinansin pa. Naghalo-halo ang selos at inis ko, isama mo pa ang sinabi ni Zafrina na wala akong stable job. Pinapamukha nga nila sa akin ang katotohanan. I took a deep breath.

"Hay buhay parang life," parang baliw na saad ko.

Dumapa lang ako sa bed. Hindi ko naman iyon iiyakan. Masama lang ang loob ko. Ang hirap pa naman kalimutan ang nakita ko sa site. Na kumakain nga siya ng food ng babaeng iyon. Psh. Tapos iisipin pa ng mga friend niya na baka aasa lamang ako sa money niya. Oh, dear I am not materialistic human being.

Saka sapat na rin kaya ang salary ko as a tennis player. May naambag pa ako sa company ng presidente namin. Tsk.

I was about na kunin na sana ang phone ko when I remembered na nasira na pala iyon. Bumukas ang door sa room ko at mabilis kong itinaas ang kumot sa ulo ko. Umuga ang bed ko at mayamaya ay may humila ng kumot ko.

"Sorry na, Novy... Hindi naman talaga iyon ang ibig kong sabihin, eh... Baby, sorry na..." I am not marupok... I am not marupok...

"Matulog ka na lang. Huwag mo ako guluhin," malamig na sabi ko at iyon naman ang ginawa niya. Bumuntong-hininga lamang siya at humiga na lang siya sa tabi ko.

Nararamdaman ko rin ang daliri niya na gumuguhit ng circle sa likuran ko. Parang bata na naman kung makapaglaro, oh. Later on ay idinantay na niya ang binti niya sa baywang ko but nagawa ko para in siyang tiisin hanggang sa nakatulog na nga ako. Wala na siya sa tabi ko kinabukasan.

"Good morning, coz. Maaga tayong aalis mamaya para i-make over ka," pahayag sa akin ni Devi. Dumapa lang ako sa kama at huminga nang malalim. "Are you tired ba?"

Bumangon na rin ako at tiningnan ko siya. "Devi, bigyan mo na ako ng work, please..." ani ko at halatang nagulat siya.

"Wow. Ano ang nakain mo, coz? Para humingi sa akin ng work?"

"Basta!" pasigaw na sagot ko lamang sa kanya.

"Hmm..."

"Huwag na pala. Manghihingi na lamang ako ng work sa Mommy ko or kay Dad?"

"Matutuwa ang parents mo kapag nanghingi ka sa kanila ng work. Try it."

"Pahiram ako ng phone mo."

"Bakit nasaan ang phone mo?" nagtatakang tanong niya. Mabilis akong umalis sa bed ko at aagawin ko pa lamang ang phone niya nang itinago niya ito sa likuran niya.

"Oh. Ayaw mo pala akong pahiramin?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Baka may mabasa ka pa rito, eh."

"Ang damot mo, ha. Isusumbong kita kay Tita Mommy," parang batang saad ko na ikinatawa niya. "Mommy!" sigaw ko at lumabas sa kuwarto ko. Nagtungo ako sa kabilang penthouse dahil nandoon si Tita Mommy.

Pagpasok ko ay dumiretso ako sa kitchen kasi in-expect ko na nandoon siya. I was shocked lang nang makita ko ang fiancé ko. Na may hawak na siyang tray.

Akala ko ba ay umalis na siya? Kasi hindi ko na siya nakita pa roon?

"What are you still doing here?" I asked him.

"Nagluto siya ng breakfast ninyo. Bakit ganyan ka naman makatingin sa fiancé mo, darling?" natatawang tanong niya sa akin. Umiling lang ako at hinawakan ni Michael ang likuran ko.

"Lalabas na po kami, Tita," paalam pa niya.

"Okay." Nakita ko rin ang paglabas ni Devi na umirap pa sa akin.

Diretso kami sa kitchen. "At ano ang ginagawa mo sa penthouse ni Mommy?" I asked him pagkaupo ko pa lamang.

"Wala ka namang puwedeng lulutuin dito, eh."

"Don't tell me nagluto ka ng dinner natin sa kabila?"

"Yeah."

"Tsk."

"By the way, nakabili na ako ng bagong phone mo at pinadala na rin dito ni Anthony ang laptop mo. Same model pa rin naman iyon." Inilapag niya ang phone at parang iyong akin lang dati.

Kukunin ko na sana iyon nang mabilis niyang binawi. "I thought sa akin na iyan?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Yes, but kumain muna tayo. Aalis na rin ako mamaya. Diretso na ako sa company. How about you? May gagawin ka pa ba?"

"Mayroon. Maghahanda na ako later sa engagement party natin," sabi ko na tinanguan niya.

"I'll fetch you later, baby." I just nodded. Parang hindi kami nagtalo kagabi, ha. Kung mag-usap kami ay ang casual lang.

Lalaki siya pero siya pa rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin at naghugas ng mga plato. While me ay tiningnan ko na ang phone ko. Nandito na rin ang simcard ko at ano ang mas nakagugulat sa nakita ko sa screen ng new phone ko?

"Ay ang engineer na 'yon," natatawang sabi ko dahil ang nasa wallpaper ko ay ang picture namin. Nakahilig ako sa dibdib niya at halatang natutulog ako. Nakahalik sya sa noo ko.

I laughed so hard. Ang dami niyang selfie sa cellphone ko. Seryoso siya pero isa lang ang nakangiti siya na kasama pa ako. I shook my head. Ang kulit niya. I need to keep this kasi bihira lang niya ginagawa ang mga ganitong bagay. How cute naman. Hala siya.

Bago ko pa makalimutan ay tinawagan ko na si Dad. Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tawag ko dahil ang first call ko ay hindi niya sinagot but later on ay nasagot naman niya.

"Why did you call, Novy? You need something?" he asked me. Kakapalan ko na ang face ko. Biological father ko naman siya at responsibilidad pa rin niya ako kahit iniwan nila ako dati ni Mommy.

"Yes, Dad."

"Spill it," sabi niya. Si Dad ang tipong lalaki na kapag may kailangan ka sa kanya ay diretsuhin mo siya at huwag kang magpaligoy-ligoy.

"I need a job, Dad. Ano ang kaya ninyong ibigay sa akin? May mana naman siguro akong makukuha from you, right?"

"Oh, let's talk that kapag nakarating na kami sa hotel ng tita mo. Nasa airport na kami."

"Ha? Pupunta kayo rito? What for?" gulat kong tanong.

"Ano'ng pupunta? Kadarating pa lamang namin. I heard from your tita na pupunta rin dito ang Mommy mo together with her family." I rolled my eyes.

"Okay. Huwag ninyo munang sabihin iyan sa kahit sino, Dad. Sasabihin ko pa kay Mommy—Tita Mommy."

"Alright. I'll hang up the call. See you later, my daughter," paalam niya saka niya ibinaba ang tawag. Alam ko naman kung bakit sila pupunta rito. That's because of my engagement party.

Si Mommy naman ang sunod kong tinawagan. Hindi katulad ni Dad na matagal pa niyang sinagot ang tawag ko. Si Mom ay isang ring lang ay agad na niyang sinagot.

"I'm tired from the trip. What do you want, Novy?" Halata nga sa boses ni Mommy ang pagod at nagsusuplada na agad siya.

"Invited ka rin sa engagement party ko, Mom?" I asked her coldly. Ganito kami kung mag-usap.

"Of course, I'm still your mother kahit na ibang ina na ang kinalakihan mo ngayon. Why would I miss my daughter's engagement party? At para na rin makilala ko ang family ng fiancé mo."

"Para saan pa?" balewalang saad ko.

"Para makita ko kung kaya ka ba nilang tanggapin kahit wala kang stable job. People nowadays. Tss." Mainit agad ang ulo ni Mommy kahit nag-uusap pa lang kami over the phone.

"Speaking of that. That's my purpose kaya ako tumawag ngayon sa inyo. May maibibigay ba kayo sa akin ni Dad na work, Mommy? I already asked him na. Mag-usap na lang daw kami kapag nakarating na siya sa hotel," I stated.

"That's good. Tayong tatlo ang mag-uusap diyan."

"No, Mom. Kasama pa rin si Tita Mommy. Bye," paalam ko at binabaan ko na agad siya. Hindi na lang sila ni dang may karapatan sa akin. Si Tita Mommy rin.

Pupuntahan ko pa lang sana si Tita nang makita ko na siyang pumasok sa loob ng penthouse ko.

"Your cousin Devillaine told me na gusto mo raw magkaroon ng work, darling. That was true ba?" I nodded. Nang umupo siya sa tabi ko ay niyakap ko ang braso niya at saka ako humilig sa balikat niya. I can feel her kiss on my head.

"We'll talk later po together with my parents," sabi ko.

"Wow, do I need pa ba makisawsaw sa usapan ninyong tatlo, anak?"

"Yes po. For me higit na kayo ang may karapatan sa akin, Mommy."

"I feel love."

"Siyempre po, mahal kita," ani ko. She giggled.

"Hmm, hindi ka na galit sa fiancé mo? One month mo rin siyang tiniis, darling."

"Well kagabi po ay nag-away rin po kami. That's because na wala po akong future na maging chef, and about sa work po ay gusto ko na rin magkaroon ng stable job. Nakahihiya naman po sa friends niya na puro engineer yata," ani ko na ikinatawa niya.

"Well, best friend mo nga si Pamela. Isa pang bata na iyon na mahilig mag-travel. Uuwi siya ngayon, na mukhang nahanap na rin siya ng dad niya."

"Totoo po ba na kasal na siya?"

"Yes. Civil wedding lang naman iyon, darling. Hindi na siguro sinabi sa 'yo ni Pamela dahil busy ka naman sa practice mo. Kilala mo rin iyon. So, gusto mo ng work that's because of Michael?"

"Ayoko pong mapahiya siya kapag naipakilala niya ako sa iba. Huwag ninyo po munang sabihin sa kanya ang tungkol doon."

"Okay. So, lahat ng ito ay para lang sa knya."

"He's one of a kind po and so thoughtful. Gusto ko rin po na maging fair sa kanya. Nakipag-cooperate na nga ako with him na mag-work itong relationship namin. Maliban po sa inyo ni Devi ay siya na rin po ang mayroon ako. Puwede ko naman po siguro siyang angkinin, 'no? Sa akin naman po siya, 'di ba, Tita Mommy?" parang batang saad ko na naman and she laughed so hard na it seems may joke rin akong sinabi. "Tell me po na sa akin lang siya."

"Feeling ko, Novy. Obsessed ka na. Actually hindi talaga ako ang nag-open ng arrange marriage. Si Don Brill iyon. Well, matagal naman kaming magkakilala at tinanong niya lang ako kung may anak na ba ako. Dalawang picture ninyo ang ipinakita ko and he chose you, darling. Sabi niya ay mas bagay ka raw sa apo niya which is Engineer Michael."

"Bakit po kaya sa lahat ng mga apo niya ang mapipili niya ay ako pa, Tita?" She shrugged her shoulder na parang wala rin siyang idea.

"Basta ang sabi niya lang ay gusto niya na maging apo ka niya at si Michael din ang napili niya. Noong una ay feeling ko hindi kayo magkakasundo. Pareho kayong cold. But on second thought naisip ko rin na good idea. You're just my beautiful grumpy and he's silent and aloof."

"But, Mom. Hindi naman po siya tahimik talaga. Madaldal po iyon, eh."

"Looks like na ikaw lang yata ang puwedeng makakita ng side niya na madaldal," she said.

"I feel love," sabi ko lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top