CHAPTER 23
Chapter 23: Jealous & Clueless
"ARE you okay, darling?" Tita Mommy asked me. She noticed that kanina pa ako behave sa seat ko habang kumakain na kami ng dessert namin. Sila lang din kasi ang nag-uusap at maski si Michael ay nagsasalita lang kapag tinatanong na siya.
"Yes po, Mom," I answered and smiled at her.
"Akala ko ay may masakit na sa 'yo. Kanina ka pa tahimik simula nang kumain tayo," aniya. Worry consumed her face.
"Wala pong masakit sa akin. Hungry lang po ako kaya nag-focus na lamang po ako sa food," I told her and she nodded.
"Novy, if you don't mind me to ask this question... Uhm, kapag ikinasal na kayo ng anak ko ay ano na ang plano mo?" Tita Jina asked me. Napatingin pa ako kay tita na nag-thumbs up lang sa akin. Ibinaling ko ulit ang attention ko sa mommy ni Michael.
"What do you mean about my plano po, Tita?" I asked her.
"Kapag ikinasal kasi kayo ni Michael ay bubuo na kayo ng pamilya. Will you quit ba as a tennis player? Don't get me wrong, hija. I know you love tennis and that's your passion but how about your future kids? May balak naman siguro kayong magkaanak, right? Alam ninyo na hindi na kayo bumabata pa," sabi niya.
Gusto ba niyang mag-quit ako at mag-focus na rin sa pagbuo ng pamilya namin ni Michael? Ang isipin na umalis ako sa pagiging tennis player ko ay parang nawala na rin sa akin ang pangarap ko. Tama si Ocean, this is one of my dreams and actually wala na talaga akong mahihiling pa. Kasi masaya naman na ako but now I have Michael with me. He's part of my life na.
"Your Tita Jina is right, anak. Gusto ko rin tanungin ka about that matters."
Napatingin naman ako kay Michael nang hawakan niya ang kamay kong nasa table. Pinisil niya ito na parang gusto niya akong pakalmahin.
"We'll talk about that, Mom, Tita. Matagal pa naman po. My fiancé can do whatever she wants as of now. Hayaan po muna natin siya habang wala pa siyang responsibilidad. We'll just enjoy each other for now at kapag naging isang pamilya na po kami ni Novy ay saka na namin pag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak. Sa aming dalawa po ay siya ang dapat maging handa," seryosong saad ni Michael para mas humanga ako lalo sa kanya. Napaka-thoughtful niya talaga kahit na minsan ay nakaiinis din ang attitude niya. Pabitin siya, eh.
"Well, may point ka roon, hijo. Anyway, gawin ninyo ang gusto ninyo ni Novy. Kayong bahala because buhay ninyo iyan. May sarili na kayong iisip," sabi ni Tita Mommy.
"I'm rooting for both of you," sabi naman ni Tita Jina.
When we're done na kumain ng early lunch ay nagpaalam na rin ang dalawa dahil magkasama nga sila sa iisang car lang.
"Sige na, ingat kayo." Hinalikan ko pa ang pisngi nilang dalawa at ganoon din ang ginawa ni Michael sa kanila.
Binuksan na niya ang pintuan sa passenger's seat. Nang maglakad ako patungo sa kanya ay naramdaman ko ang kamay niyang nasa likod ko at nasa itaas ng ulo ko ang isa pa niyang kamay.
Pino-process ko lang ang sinabi kanina ni tita. Mahaba-habang pag-iisip ang gagawin ko about my retirement at dapat buo ang decision ko na hindi ako magsisisi in the end. Kasi mahirap na bitawan ang isang bagay na minahal mo sa buong buhay mo. Parte na nga iyon ng kabuhayan mo kaya makakaya mo pa bang iwanan at bitawan na lamang iyon bigla?
But having Michael's child? Well, hindi naman iyon masama, ha. Napapitlag ako nang may humalik sa gilid ng mga labi ko and I looked at him.
"What's on your pretty mind, baby?" he asked me softly. I just cupped his jaw and I didn't say anything. I looked at another direction and hinawakan niya ang chin ko. Kumunot ang noo ko when he sealed me a deep kiss. I didn't respond so huminto rin siya sa paghalik sa akin.
For Pete's sake nasa tapat pa kami ng fancy restaurant at hahalikan pa niya ako rito and take note, nasa labas pa rin siya.
"What the hèll, Michael. Hop in na kaya!" sigaw ko sa kanya at pinisil ko ang balikat niya. Sumakay na rin naman siya at nag-drive.
"Where to, Miss?" Napahawak ako sa seatbelt ko. Siya yata ang nagkabit sa akin na hindi ko na namamalayan pa.
"We're going home then."
"This early?" tanong niya. Ibinaba ko ang salamin ng bintana at sumilip sa labas. "Ano na, Miss?"
"Aba, ewan ko sa 'yo! Ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang mag-isip!" pambabara ko sa kanya. Naalala ko lang kasi ang ginawa niya sa akin kanina. Grr.
"Masyado kang hot."
"I know, right," I said and rolled my eyes.
"Oh, baby. I know you're hot but I'm not talking about that. What I mean is mainit ang ulo mo," pagbibigay linaw niya sa akin.
"What the hèll ever, boy."
"Don't boy-boy me, baby." Inirapan ko na lamang siya.
"Oh, by the way. Kailan daw ang engagement party natin?" I asked him dahil iyon ang hindi ko alam. Baka pinag-uusapan na namin kanina ay hindi ko narinig dahil occupied ang mind ko.
"Tomorrow night."
"What?! That fast?!" gulat na tanong ko at tinanguan niya.
"Can I sleep in your penthouse again, Novy?" paghingi niya ng permission sa akin.
"Why?" kunot-noong tanong ko.
"May nakita akong swimming pool doon. Nasa 10th floor ang penthouse mo but...may pool ka pala. Let's swim then?"
"Okay," simpleng sagot ko lamang kaya pagdating namin sa hotel ay diretso agad siya sa pool. Nagpa-room service ako para sa snack niya. Alam ko naman na magugutom siya sa kalalangoy niya sa tubig.
Bago ako sumunod sa kanya ay nagpalit na muna ako ng dress ko. I pick my white camisole and black shorts. Nakatali ang buhok ko pero may nakatakas pa rin from my ponytail. Nagdala na rin ako ng towel and bathrobe for him.
Sweet dumplings and orange juice ang pina-serve ko at may cherry pa sa isang bowl. Umupo ako sa sun lounge at nasa pool side siya na nag-w-warm up.
"My snack ako here. Just come na lang if you're hungry," sabi ko sa kanya at mabilis lang siyang sumulyap sa akin saka siya tumalon sa pool.
Kinuha ko ang wine glass at may champagne rin ako. Alam kong alcohol din ito but I don't mind na uminom nito dahil nasa penthouse naman na ako.
While checking my social accounts ay naririnig ko ang flash ng tubig at napapasulyap ako sa kanya sa tuwing nakikita ko lang ang pag-ikot niya.
I have this Facebook account, pero si Ninang Avemn ang madalas na humahawak nito. Napangisi ako ng may naisip ako. I captured my fiancé and in-upload ko sa Facebook ko while the caption is 'my beautiful merman', instead of handsome ay beautiful ang inilagay ko.
Pool and parang anino lang naman ang makikita sa tubig pero nagulat ako ng makitang umabot na ito sa thousand of views kahit na ilang minuto pa lamang ang lumipas.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mukha ni Pamela sa screen ng phone ko and I realized na gusto nitong makipag-video call.
Pamela Delos Aquino is my best friend and alam ninyo kung ano siya? She is a lesbian but I didn't judge her naman being like that. I love that girl. Pamela ang tawag ko sa kanya kahit na pinalitan na niya sa Alem.
Kung nasaan man siya ngayon ay iyon ang hindi ko alam dahil mahilig siyang mag-travel around the world. Last time contact ko sa kanya ay nasa Dubai siya. She's kind of lesbian na hindi rin naman mahilig sa girls.
I accept her calls and unang bumungad sa akin ang close up ng face niya. She's indeed beautiful. Kahit na—
"What did you to your fvcking hair, Pamela?" I asked her. Ngumisi siya sa akin at saka niya ako binati.
"Hi, baby! What's up?"
"What's up your face. Bakit nagpagupit ka ng buhok mo, gaga?" salubong ang kilay na tanong ko.
"Well, nagsawa na ako sa long hair ko dahil pinagkakamalan nila akong babae—" I cut her off.
"Oh, don't say that hangga't may pûssy ka pa, Pamela." Maganda nga si Pamela at puwede ring maging lalaki dahil hindi naman talaga halata kapag nagsusuot na siya ng men's attire but may limit siyang gawin iyon because of her father. Pàtay siya sa daddy niya kapag nagpakita siyang ganoon.
"Oh, I love pûssy, baby!" sigaw niya. I made a facepalm. Umayos ako mula sa pagkakaupo ko at nasundan ko ang tingin niya sa dibdib ko. "Nice booby!"
"Nakakadiri ka talaga, Pamela. Mas malaki pa yata iyong ano mo kaysa sa akin—"
"Huwag na po nating pag-usapan iyan, my favorite best friend. Anyway, kumusta ka? I heard the news about you being engaged with someone else. Invited ako sa wedding mo, ha?"
"I'm fine. Tomorrow night is my engagement party. Makakapunta ka naman siguro?" I raised my brow.
"God... I can't. Nasa Saudi Arabia ako, baby!"
"Saudi Arabia? Hey, bawal sa kanila ang katulad mo! Naisip mo ba 'yan, ha?!" sita ko. I know that matter.
"I know right kaya nga bago ako pumunta rito ay bumili ako nito, oh." May ipinakita siya sa akin na black cloth.
"Oh, what is that?" I asked her at isinuot niya ito sa ulo niya. Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makita ko na lumabas nga talaga ang pagiging babae niya dahil bagay sa kanya ang suot niya sa ulo.
"It's called hijab. Wala naman akong ginagawa na masama here, Novy. At saka hindi ako nagpagupit, oh. Mahaba pa naman ang hair ko, dahil alam kong kakalbuhin mo ako kapag may ginawa pa ako rito," sabi niya at sabay tanggal ng bagay sa ulo niya.
"Patingin ako ng boobs mo. Baka mamaya niyan ay pinatanggal mo na!"
"I can't do that! I love my babies!" halos maiyak-iyak na saad niya at itinapat niya ang camera niya sa dibdib niya. Manipis na kamiseta ang suot niya at nakahinga ako ng maluwag.
"You know that I love you, kasi naniniwala ako na may lala—" I frowned nang kinuha ni Michael ang phone ko.
Higit akong nagulat nang basta na lamang niyang itinapon ang phone ko at bumagsak iyon sa floor. Nakatayo ako at handa na sana siyang pagalitan ng mapansin ko ang blank expression niya. Bakit bigla ay lumamig ang atmosphere sa paligid?
Lumapit siya sa akin at inayos ang camisole ko. Nang bumaba ang tingin ko ay halos lumabas na ang kalahati ng breast ko.
"What happened to your face? Bakit ang dark na ng facial expression mo, Michael?" I asked her and cupped his face.
"Sino ang lalaking tumatawag sa 'yo na baby, Novy Marie?" malamig na tanong niya.
"What? Sinong lalaki naman iyon?" naguguluhan kong tanong at nang maalala ko ang phone ko ay dali-dali kong nilapitan iyon para sana kunin pero mabilis niyang hinuli ang pulso ko.
Nailayo ko ang mukha ko dahil sa paglapit din ng face niya sa akin tapos sininghot niya ang amoy ko. Nakiliti ako sa ginawa niya. After that ay kinuha niya ang wine glass at inamoy niya rin iyon.
"This is... alcohol. Kanina ka pa umiinom?" tanong niya na may kalamigan pa.
"Yes, why?" I asked him in confused.
"Kaya pala wala ka na sa sarili at nakikipag-video call ka sa lalaking Arabo?"
"Ha? What the fvck are you talking about?! What is Arabo?!" natatawang tanong ko sa kanya.
"I heard your conversation, Miss." Nasundan nang eyes ko ang paghagod ng daliri niya sa basang buhok niya.
"Oh, masama ang makinig sa usapan ng ibang tao, Engineer—"
"You are my fiancé." Napakamot ako sa kilay ko.
"Hindi naman lalaki si Pamela. Best friend ko ang kausap ko. Si Pamela Delos Aquino! Don't tell me pinagseselosan mo siya?" Nang hindi siya umimik ay malakas akong natawa. "Seriously, Michael? Babae iyon! Siya ang kausap ko kanina! You're so rude na i-off ang video call namin and what is worst? You're jealous!" Dahil sa katatawa ko ay nagagawa kong paluin ang dibdib niya. Tahimik pa rin siya, seryoso at wala pa ring emosyon hanggang sa nakita kong nagbihis na siya. Sinundan ko pa siya dahil nagsimula na siyang maglakad. "Hey, baby. Where are you going? Michael? Michael!"
Kinuha niya ang wallet niya sa bedside table at lumabas sa room ko. Sinusundan ko pa rin siya at tuluyan na rin siyang lumabas sa penthouse ko.
Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil sumara na ang elevator. Napahilot na lamang ako sa sentido ko. Nagalit ba siya sa akin dahil sinabihan ko siyang nagselos siya sa isang babae lang?
Lumubo ang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matatawa pa ba or maiinis dahil basta na lamang niya akong iniwan dito ng hindi siya nagpapaalam sa akin?
O sa nalaman kong nagalit siya dahil pinagtatawanan ko siya? Ang cute niyang magselos pero nakatatakot ang blank expression niya.
Binalik ko ang phone ko at nakagat ko ang lower lip ko nang hindi na ito gumagana pa. Basag na ang screen. Ganoon siya kagalit kanina at nasira agad ang cellphone ko.
But hindi naman ako galit sa ginawa niya kasi sumagi na naman sa isip ko ang sinabi ni Tita Jina kanina. Kaya ko bang bitawan ang pangarap ko? Pero si Michael iyon. Mahalaga na siya sa buhay ko at parte na rin siya ng family ko kahit hindi pa kami officially engage.
Lumapit ako sa study table ko at binuksan ko ang laptop ko. Naka-log in naman doon ang Facebook account ko. Hinanap ko ang conversation namin ni Pamela at nakita ko ang green dot. So tinawagan ko ulit siya.
"Grabe ka naman, Novy! Ngayon lang tayo nagkausap kahit naka-video call lamang tayo ay but iniwan mo na lang ako na nakatulala lang sa screen ng phone ko!" pagda-drama niya.
"I'm sorry about that, Pamela. Nagalit sa akin ang fiancé ko at pinagselosan ka. Akala kasi niya ay Arabo ka." Sa sinabi ko ay natawa siya nang malakas pero mariin na nakatiklop lang ang bibig ko.
"Seriously?! Ganoon ba ka-possessive ang fiancé mo para magselos siya sa akin?!"
"You're not funny, Pamela. Akala niya kasi ay lalaki ka!" I shouted. I glared at her and may nag-doorbell naman. "Wait lang." Dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya sa laptop ko and I went to the door para pagbuksan ang kung sino mang tao ang nag-doorbell.
Si Michael lang pala na bumalik sa hotel. Hindi na gaano ka-dark ang aura niya. Nang pumasok siya ay agad niya akong niyakap. Ang suit niya ay ibinalot pa sa katawan ko.
"Come in, Anthony," sabi niya at naguguluhan na napatingin ako sa lalaki na pumasok sa loob.
"Where's Pamela?" malamig na tanong nito at tiningnan pa niya ang paligid nito.
"Anthony? Who are you?" I asked him at hindi ako pinakawalan ni Michael.
"Where is Pamela?" Wala sa sariling itinuro ko ang laptop ko sa bed at kinuha niya iyon. "Where the hèll are you, Pamela?!" Napaigtad pa ako nang sumigaw ito at binaklas ko ang braso ng fiancé ko sa baywang ko.
Napasinghap pa ako nang itinapon niya ang laptop ko at lumikha na naman iyon nang ingay.
"The hèll!"
"God, Anthony. Bakit mo tinapon?" Michael asked her.
"Nasaan ang whereabouts ngayon ni Pamela?" tanong nito sa akin. Sino ba siya?
"Best friend ko iyon. Bakit ko sasabihin sa 'yo kung nasaan ngayon si Pamela? At sino ka ba na basta na lamang naninira ng gamit ng ibang tao? At saka pumasok ka pa rito sa loob ng penthouse ko without my permission. Puwede kitang kasuhan," malamig na saad ko.
"He's my friend, baby."
"At isa ka pa," baling ko sa kanya. "Magkaibigan nga kayo at parehong naninira ng gamit," naiinis na sabi ko. "At saan ka ba nagpunta, ha? Bakit bigla ka na lamang umalis?"
"I'm sorry. Sinabi ko lang kay Anthony na kilala mo si Pamela."
"Eh, 'di puwede mo naman siyang tawagan, eh! Bakit umalis ka pa rin? At sino ba ang lalaking iyan na ang lakas ng loob niya na tanungin ang whereabouts ni Pamela? Malay ko ba na bad guy iyan," sabi ko at inirapan ko pa ito.
"He's my friend, Miss. Si Anthony at ang Pamela Delos Aquino na kaibigan mo ay asawa niya."
"Ha? Wala pang asawa si Pamela and she is lesbian." Parang ang hirap naman na paniwalaan. "At alam mo ba kung ano pa ang ginawa niya? Pinatanggal niya ang lahat sa kanya," pagsisinungaling ko para lang makita ang reaction niya.
"I don't fvcking care about that. Basta umuwi siya rito kahit na lalaki na siya sa paningin ng lahat! She's still my wife and my kid's mom!"
"Huwag mong sigawan ang fiancé ko, Anthony," mariin na sabi ni Michael sa lalaki.
"Babayaran ko ang nasira kong laptop. I'll go ahead," paalam niya pero naawa ako bigla sa kanya.
"Wait!" sigaw ko at huminto naman siya sa pintuan. "I'm clueless. Wala akong alam about her being married with you. But nasa Saudi Arabia siya. Mahihirapan ka lang naman na hanapin siya roon at wala na siyang permanenteng address. Palipat-lipat na siya ng country."
"Thanks," tipid na sabi niya lamang saka siya tuluyang lumabas.
I looked at my fiancé. "What was that?"
Hinila niya lang ako at nagtungo na naman kami sa pool area. Kumain siya ng snack at naguguluhan na rin ako sa kanya.
"Kaibigan namin siya ni Ocean at kapag tinawagan ko siya na alam ko kung saan ang asawa niya ay hindi siya sasagot. Kung may kailangan kay dapat kitain mo siya ng personal. Lumabas lang ako para sunduin siya."
"Ha?! Parang iyon lang ay lumabas ka?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top