CHAPTER 19
Chapter 19: Winner
“GOOD morning, Miss. Don’t forget to eat your breakfast.” Napanguso ako nang mabasa ko ang text message ni Michael kinabukasan. Talagang siya na rin ang nag-effort for me na i-text ako, even morning greetings.
Naalala ko naman ang nangyari kahapon. Naiinis ako to be honest. Hindi ko naman kasi iyon nagustuhan. Ang eksenang makikita ko na sa tuwing lunch time ay pumipila siya sa ibaba na kasama ang construction workers nila para lang magkaroon siya ng extra rice? Mukha niyang extra rice, psh.
O baka type niya lang ang babaeng iyon? Kaya nagustuhan niya rin ang luto nito? Psh. I was about na i-reply pa sana siya ngunit nagbago na ang isip ko. I’ll turn off my cellphone na lang instead to reply him. Bahala siya sa life niya dahil paninidigan ko talaga ang sinabi ko sa kanya na one month kami na hindi magkikita! See you next time, baby. Grr.
Akala niya, ha! Iyon din kaya ang ginawa niya sa akin.
“Novy, halika na kumain ng breakfast, anak,” pag-aaya ni Tita Mommy sa akin. Tumingin ako sa hinanda nilang breakfast na mukhang hindi sila ang nagluto.
“Nag-order po ba kayo ng breakfast natin sa labas?” tanong ko at umupo ako sa tabi ng cousin ko. Inilapit niya sa akin ang isang coffee, halatang hindi na nila ito tinimpla pa. Galing kaya ito sa starbucks ito, eh.
“Dumaan kanina si Engineer Michael at naghatid lang ng breakfast natin. Inaya ko pa sana na pumasok na muna at sumabay sa atin pero tumanggi na siya agad. Next time na lamang daw.” Naibaba ko ang isang pandesal na kakainin ko na sana. Agad na akong tumayo. Nawala bigla ang gana kong mag-breakfast ngayon. Knowing na galing pala sa kanya ang breakfast na ito.
“May practice po ako ngayon, Mommy. Until noon po,” sabi ko at humalik lang ako sa pisngi ng tita ko. “Bye, Devi. Goodluck sa work mo today,” sabi ko saka ko nagmamadaling umalis sa kitchen.
“Novy, hindi ka kakain ng breakfast mo, darling?” pahabol na tanong ni Tita Mommy na sinadya ko ng hindi sagutin. That because ay hahaba pa ang pag-uusap namin.
Hindi lang sa breakfast nagpadala ang fiancé ko. Dahil maski sa lunch time and snack ay bumili rin siya. Siya mismo ang kusang pumupunta sa gym para dalhin ito at nakisuyo sa mga kasamahan kong tennis player because alam nga niya na ayaw ko siyang makita.
Pero katulad din ng ginawa niya noong ako ang pumunta sa working place niya, na nagdala ng lunch and snack ay ibinigay ko sa mga kasamahan ko ang dala niya. Nakikita niya iyon dahil nandoon siya, eh.
Nagawa ko rin siyang tiisin ng isang buwan at pinili ko ang mag-concentrate sa practice. Sa loob din ng one month na iyon ay hindi siya naging absent sa panonood ng mga practice ko. Two weeks nga lang ay tinatanggap ko na ang dala niya pero hindi pa rin kami nag-uusap. Kahit sa mga message niya ay hindi ko rin siya sinasagot. Sinasadya ko ring i-off ang phone ko para hindi niya ako matawagan.
And I admitted na na-m-miss ko rin naman siya. Sa isang araw lang na kasama ko siya buong araw ay hinahanap-hanap ko agad ang presence niya.
Golden ang color ng jersey namin in the day of competition. Handa na nga kaming lahat at ako ay pa-chill-chill lang na nakaupo sa chair namin. Medyo-medyo lang naman ang kaba ko.
Napuno ang buong bleacher dahil sa mga taong gustong manood sa amin. That’s why medyo maingay na ang paligid. Nakita ko pa ang kalaban namin na nag-w-warm up. Kumakain pa nga ako ng lollipop nang may sumigaw sa pangalan ko.
Wala sana akong balak na lingunin iyon dahil baka mga fans ko lang pero pamilyar sa akin ang boses.
“Novy baby!” Of course, hindi naman ’yon si Michael. Ang nakababatang kapatid niya ’yon, eh.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko na nga sila. Golden na t-shirt din namin ang suot niya at may banner nga siyang dala. Nandoon ang parents niya na nagsuot din ng t-shirt. Nahiya ako bigla. Si Michael ay nandoon din. Dalawa lang silang magkapatid ang nandoon, well busy yata ang iba at naiintindihan ko naman iyon. Katabi pa nila sina Tita Mommy at Devi, tapos may isang lalaki pa.
Napaigtad naman ako nang may humawak sa balikat ko. Tumayo ako at hinarap ko ang lalaki na may hawak na camera.
“I’m Alexis, one of the photographer. Puwede ba kitang kunan ng litrato, Miss Novy? Pero ito sa article namin at ikaw ang ginawa naming star of the month ng olympic competition,” he said and asking for my permission. He seems friendly naman but still hinanap ko si Coach Avemn. Lumobo ang bibig ko when I saw her. Busy siya sa mga kasamahan ko.
“Sure,” sagot ko at inimuwestro pa niya ang kamay niya sa malaking space kung kaya’t sumunod din naman ako sa kanya.
Sa unang kuha niya ay simple lang naman ang mga pose na gusto niya at nagagawa ko naman ng tama. Not until na gusto niyang hubarin ang varsity jacket ko. Hindi ko pa suot ang jersey ko dahil mamayang hapon pa naman iyon. Since one day lang naman ang competition.
Golden sport bra ang suot ko and skirt na kalahati lang ng hita ko ang haba nito. However, hindi ko gusto ang idea na maghubad sa harapan niya, especially marami rin namang mga tao.
“Hindi pa ba sapat ang mga kuha mo?” malamig na tanong ko pero palagi niyang dinadahilan na professional naman kami pareho.
“Kulang pa, Miss Novy.” I took a deep breath.
“Ask my fiancé,” mariin na sabi ko at itinuro ko pa ang nasa likuran ko. “Ask him kung puwede ba akong maghubad sa harapan mo.”
Kung hindi lang dumating si Coach ay baka mapahiya lang ang photographer, kasi balak kong mag-walkout. Panay ang sorry niya sa akin. Sport bra lang naman ang suot ko at close naman ito lahat, maliban sa makikita ang pusod ko. Pero hindi ko gusto ang kunan niya ako ng litrato ng ganoon.
Walang ekspresyon ang mukha ko nang nilapitan ko ang family ni Michael and of course, hindi siya agad ang nilapitan ko. Suwerte naman niya. Hindi pa kaya kami bati.
“Hi, Novy! Long time no see!” sigaw niya at tuwang-tuwa pa siyang makita ako.
“Likewise and thank you sa cute na banner. Super cute,” sabi ko at tiningnan ko ang parents niya. “Thank you po sa pagpunta, Tito and Tita,” nakangiting saad ko sa kanila.
“Wala ’yon, hija. Gusto lang namin na suportahan ka,” ani Tita Jina.
“And goodluck,” sabi naman ni Tito M.
“Si Grandpa po?” tanong ko at may nagsalita naman somewhere.
“Masaya ako at hinahanap mo pala ako, apo.” Lumipat ako sa kabila dahil hindi ko siya napansin sa tabi ng Tita Mommy ko. Siya pala ang lalaki.
“Hi, Grandpa. Hindi po kita nakilala dahil akala ko kung sinong poging binata ang nasa tabi ng mommy ko,” pambobola ko at humalakhak lang siya. Pati na si Tita Mommy.
“Novy, wala ka bang balak na pansinin ang kuya ko? Kanina pa siya naghihintay na lapitan mo, eh,” sabat ulit ni Miko.
“Miko, shut up.”
Inilabas ko ang lollipop ko at bago pa ako makalapit sa engineer na ’yon ay tinawag na ako ni Coach Avemn. Nag-goodluck naman sila sa akin. Hindi ko na nga rin pinansin pa ang mga click ng camera nila na diretso sa akin.
Bago nga ako bumalik ay tumapat na ako sa fiancé ko. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. “What? Wala kang sasabihin sa akin, ha?” masungit na tanong ko. Parang kawawa siyang tingnan dahil bagsak ang mga balikat niya. Until now ay na-g-guilty pa rin siya. Dapat lang. Akala niya gusto ko ang nakita kong eksena that day. Pag-uumpugin ko ang ulo niya kasama ang mga construction worker niya.
“Goodluck, baby...” Akala ko ay wala na siyang sasabihin pa, “And I miss you, Novy Marie,” he added. Lumapit pa ako sa kanya at sinubo ko sa kanya ang kinakain kong lollipop. Malakas na natawa si Miko nang makita niya ang ginawa ko. Patakbong bumalik na rin ako.
Ibinigay naman sa akin ng coach namin ang phone ko. “Ano po iyan, Coach?” I asked her at nang tiningnan ko ang screen ay nakita ko ang tatlong nakababata kong kapatid.
“Hello, Ate!” bati nilang tatlo.
“Aba, paano kayong nagsama na tatlo, ha?”
“Nasa iisang group chat po tayo, Ate Novy. Gumawa ka ng Facebook accounts mo, right?” Napatango ako.
“But I didn’t check it. Alam ninyo na hindi ko palaging hawak ang phone ko,” sabi ko at isa-isa ko talaga silang tinitigan sa screen ng phone ko. “Ang popogi ninyo, ha?” puri ko pa.
“Goodluck po, Ate! Sorry if hanggang panonood lamang po kami sa live competition mo.”
“No worries. Anyway, magsisimula na kami. Mamaya na tayong mag-usap ulit, okay?” Nag-flying kiss pa ako sa kanila. Ngayon lamang ako naging kind sa kanila dahil competition ngayon.
Hindi porket palagi akong champion ay hindi na ako mahihirapan sa laban namin. Kahit noong first fight ko ay nawalan pa ako nang balanse. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang paghapdi sa binti ko dahil bumagsak ang buong katawan ko.
Kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagpakita na nasaktan ako. Marami nga kasing mga tao ang nanonood. Nabigla na lamang ako nang makita ko ang paglapit ni Michael. Minsan ko lang makita ang emotion niya pero ngayon ay worried na worried na naman siya. Out balance lang naman ang nangyari, akala naman ay malaking aksidente.
Mabilis pa niyang hinawakan ang kanang palad ko at sinuri niya ang mga daliri ko kung may bali ba ito or something. May pag-iingat din iyon. Binawi ko ’yon.
“I’m fine. Wala namang masakit sa kamay ko.” Iginalaw ko pa ang mga daliri ko. “Ang binti ko lang,” ani ko at tiningnan ko pa ang sugat ko. Maliit lang naman iyon.
Lumapit din si Coach at may kasama siyang medics, na may dala rin siyang medicine kit.
“Rest ka muna, Novy. Mamaya ka nang lumabas para sa laban mo. Gagamutin lang natin ang sugat mo,” ani coach.
Tumango ako. “Ako na,” pag-volunteer ni Michael at kinuha niya ang medicine kit sa lalaki. Hinawakan niya ako sa baywang at iginiya paupo sa chair. I didn’t protest na lamang.
Lumuhod agad siya sa harapan ko pero hinila ko ang braso niya. “Dito ka umupo sa tabi ko. Maraming tao, oh,” malamig na sabi ko. Kahit pinapansin ko na siya ay malamig pa rin ang trato ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik at umupo nga siya sa tabi ko. Ipinatong na niya sa hita niya ang binti ko. May shorts naman ako kaya oks lang. Wala namang sisilip.
Binuhusan niya muna ng tubig ang sugat ko sa halip na alcohol ang gagamitin niya.
“Be careful next time, please,” may lambing na sabi niya at seryoso pa nga siya sa paggamot sa binti ko. Nilagyan niya ng ointment and bandaid after that.
“Thanks,” tipid na saad ko lamang. “Bumalik ka na roon,” pagtataboy ko pa sa kanya.
“Novy, sorry na... Sorry na sa ginawa ko. Hindi ko na uulitin iyon,” he pleaded and I rolled my eyes.
“Bumalik ka na sa seat mo bago pa uminit ang ulo ko sa ’yo. Tatama ang bola ko sa nguso mo kapag hindi ako nakapagtimpi,” naiinis na saad ko. He took a deep breath at humalik pa siya sa pisngi ko saka niya tinalikuran.
Nakapaglaro rin ako after that ay naging okay na nga ako. Grabe iyong concentration ko at isama mo pa ang cheering ng mga fans sa paligid ko. Halos mabingi na nga ako sa lakas ng boses nila. Until nag-announce na nga na nanalo ang team namin. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Hingal na hingal pa ako nang yakapin kami lahat ng coach namin. Naiiyak na naman siya dahil hindi raw namin siya binigo. Tagaktak na ako ng pawis pero hindi na alintana pa iyon ng mga kasamahan ko. Mayakap lamang nila ako.
Binigyan pa nila kami ng bouquet at nagulat na naman ako nang makita kong naglakad palapit sa amin ang presidente namin. May dala siyang bouquet at malapad pa ang ngiti niya. Napairap ako pero hindi ko naman iyon ipinakita sa kanya kasi baka mapansin na naman ako ni Coach Avemn. Sisitahin niya ako.
“Congrats, Novy. Good job.”
“Yeah, good job po sa amin,” ani ko at inabot ko ang bouquet saka ko ibinigay kay coach. “Excuse po, Sir. Nandiyan ang fiancé ko, eh,” ani ko at patakbong lumapit ako kay Michael. To avoid him. Hayst, hayan na naman ang blangkong emosyon niya. “Amoy pawis ako. Huwag mo akong yakapin,” agad kong paalala because I know he’s going to do that. Ang bouquet niya lang ang kinuha ko pero hinapit pa rin niya ako sa baywang at mahigpit na niyakap.
“Congratulations, baby. I’m proud of you,” he whispered at hinalikan pa niya ang pisngi ko. Ang kulit niya.
“Mabaho ako, hey!” reklamo ko dahil sa pagbaon ng mukha niya sa leeg ko. Hinila niya rin ako palapit sa family nila pero may pagitan pa rin sa amin.
“Congrats, Novy!”
“Congratulations, my darling. Tita Mommy is proud of you!”
“Congrats, coz!”
“Thanks. Pero kailangan ko ng cold shower. Mainit po kasi,” sabi ko.
“Congrats sa team mo, apo. Ang huhusay ninyo,” ani Grandpa.
“Thanks po, Grandpa,” I told him. “Isa ka po sa inspiration ko,” I added and winked at him. He let out a short chuckle.
“Paano naman ang apo ko, hija?”
“Hindi po siya kasama,” sabi ko at sumabay sa pagtawa ang iba. “Boy, doon ka muna.”
“Boy?” gulat na tanong niya at salubong pa ang kilay.
“Tsk. Sasama ka pa rin sa akin? Maraming tao.”
“I can guard you,” he said. Naglakad na ako at nagpaalam pa siya sa kasama niya. Naramdaman ko na naman ang kamay niyang nasa likuran ko. Sumugod nga ang mga tao sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top