CHAPTER 14

Chapter 14: Bodyguard

PINAGMAMASDAN ko lang si Michael habang pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang bimpo. Katatapos niya lang kasing nag-shower. Nakaupo ako sa bed at nakasandal sa headboard nito. May kayakap akong stuff toy. Actually ay kanina ko pa siya hinihintay na matapos sa loob ng bathroom ko. Ang damit niya ngayon ay hiniram niya lang sa nakababatang kapatid ko. Eh, kasi naman wala siyang dalang kahit na ano.

White t-shirt lang naman ito at hapit na hapit pa iyon sa maganda niyang katawan. Ang muscles niya ay nag-f-flex, na-t-temp pa akong pisilin ’yon, bumabakat din ang mga uaht niya sa braso. Itim na pajama ko naman ang suot niya. Malaki naman ’yon pero bitin pa rin sa kanya, kasi mas matangkad naman siya kaysa sa akin. Ayaw niya kasi ng shorts, eh hindi pajama ang sinusuot ni Cloud kapag nasa bahay lang siya, ayaw niya ring manghiram kay Uncle Leonard. Kaya nagtsaga na lamang siya sa pajama ko.

“Ang mga engineer na katulad mo ay hindi ba busy kayo? Busy kayo sa paggawa ninyo ng mga building. So ano ulit ang ginagawa mo rito, Engineer?” untag na tanong ko kaya napahinto na siya sa pagtutuyo ng buhok niya. May hair dryer naman pero mas pinili niya ang ganyan na ways to dry his hair.

“Yes,” tipid na sagot niya at sumampa na sa kama pagkatapos niyang isampay sa chair na malapit sa vanity mirror ko ang bimpo na gamit niyang pagpapatuyo ng kanyang buhok.

Nasa right side ko iyon at doon din ang pintuan ng banyo ko. Umupo naman siya sa tabi ko at kahit malaki pa ang space nito ay kailangan bang magkadikit talaga ang mga braso namin?

Bahagya akong dumistansya pero kusa siyang lumalapit. Feeling close talaga siya kahit nag-kiss na kaming dalawa. Muntik ko pang mabawi ang kamay ko dahil sa paghawak niya. May nararamdaman na naman kasi ako na boltaheng kuryente na dumadaloy mula sa kanyang kamay. Kinuha niya iyon at pinaglalaruan na naman niya ang mga daliri ko. Aba, naging favorite na niyang paglaruan ito, ha. Parang bata kung makaasta din kung minsan.

“So, what are you doing here again?” I asked him.

“Nandito ka.”

“What?”

“Nandito ako dahil nandito ka rin,” sagot pa niya. I blinked my eyes repeatedly. Kung seryoso siya sa sinabi niya. Pumunta lang siya rito dahil sa akin? Nandito raw siya ay dahil nandito rin ako? Ha? Ano raw ulit?

“Nag-j-joke time ka ba, Engineer? Nandito ka lang ba dahil sa akin?” kunot-noong tanong ko at tumango siya saka naninimbang na tinitigan naman niya ang mukha ko.

“Wala ka bang balak umuwi?” tanong niya.

“Ay wala ka na roon. Sino ba sa atin ang nang-iwan sa Canada?” laban kong tanong sa kanya para lang magsalubong ang makapal niyang kilay. Hindi naman kami sabay na pumunta roon and hindi naman iyon big deal kung mauuna siyang babalik sa Philippines.

“I’m sorry. Hindi ako nakapagpaalam sa ’yo sa personal. Sumama na rin kasi ako kay Grandpa at isa pa nasa akin ang alagang pusa ni Kuya Mergus. Akala ko rin ay sasama ka rin sa tita mo,” paliwanag niya para lang mapairap ako.

“Bukas na bukas ay umuwi ka na rin,” sabi ko.

“Yes I will but you’re going home with me, baby.”

“Ayaw ko. Umuwi kang mag-isa at uuwi rin ako ng ako lang din. Kaya ko naman ang sarili ko,” masungit na sabi ko at binawi ko ang kamay ko sa kanya saka ako humiga sa kama ko. “Lumabas ka na. Sa guest room ka matutulog sabi ni Mommy. Bawal ka raw tumabi sa anak niya,” sabi ko. Tinanggal niya ang stuff toy na hawak ko. Umawang pa ang labi ko sa gulat dahil masunurin nga siyang engineer kasi hindi na siya nakipag-argument pa sa akin at basta na lamang siyang lumabas mula sa room ko. Good boy, psh.

Napanguso ako. Hindi naman pala talaga siya clingy. Umayos na ako nang higa at nagsimula na ring pumikit. Kahit bihira lang akong matulog dito ay hindi naman ako ganito na mahihirapan pa. Wala akong insomnia at mabilis lang talaga akong makatulog. Na isa pa ay pagod ako sa practice namin, so diretso tulog talaga ako.

Pabaling-baling na nga ako sa kama at hanggang sa nagawa ko na ring dumapa. Bumukas ang pintuan at nang sumilip ako ay nakita ko lang si Michael na dala-dala pa niya ’yong kinuha niya sa akin kanina.

“Can’t sleep, baby?” tanong niya sa marahan na boses. Tumango ako sa kanya at umayos ako nang higa. He approached me at katulad nang ginawa niya kanina ay humiga na naman siya sa tabi ko at hanggang sa ginawa niyang unan ang kanang braso niya para sa akin.

Napangiti ako at yumakap sa baywang niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko at hinigpitan lang din niya ang pagyakap sa akin. Maayos na nga ang kumot sa katawan namin. Hindi na ako naging malikot pa dahil gumagaan na ang pakiramdam ko—I mean hindi naman ako totally na may sakit. Unti-unti na nga akong inaantok na parang nakahanap na rin ako ng comfort sa presensiya niya lamang.

Ayokong masanay sa totoo lang. Dahil baka hanap-hanapin ko ang ganitong moment na ito. But sana ay palagi na lamang kaming ganito, ’no? Naging instant sleeping pills ko siya bigla, ay. Mahimbing na ang naging tulog ko dahil katabi ko na nga siya.

***

The next day. Hindi na rin ako nag-inarte pa at sumama na ako sa kanya pauwi sa Philippines. Siya ang nagpa-book ng plane ticket ko at ang ginawa ko lang ay ang mag-relax sa mansion ni Mommy habang hinihintay ko siya. Pero hindi ko inaasahan ang maghihintay sa akin pabalik.

Dahil sa airport pa lang ay napuno na ng mga tao ang buong paligid. Kitang-kita iyon paglabas lang namin at puro naka-banner pa sila. May mga mukha ko pa nga roon. Alam kong issue ito kapag nakita nila na may kasama ako. Tapos si Michael ay kilala pa dahil sa grandpa niya. Na-appreciate ko naman itong mainit na pagsalubong nila sa akin.

Inayos ko ang suot kong cap and aviator. Hindi ko nakaligtaan na magdala ng mga ito dahil paalala ito sa akin ni Coach Avemn. Hindi rin naman madali para sa akin ang mag-travel kapag kilala ka ay hindi ang mga fans mo ang hahabol sa ’yo. Pati na ang mga media or paparazzi. Daig mo ang isang celebrity at hinahabol-habol ka pa rin.

Duffle bag lang ang dala niya dahil two days nga kaming nasa bahay ni Mommy at siya rin ang nagdala ng travelling bag ko. Nang makita niya rin ang maraming fans sa arrival area ay napatingin siya sa akin.

“Gaano ka ba kasikat at alam nila na ngayon ka pa darating?” tanong niya.

“Ewan ko. Sinabi ko lang kay Tita Mommy na uuwi na ako kasama ka,” I answered.

Hindi na siya sumagot pa dahil sa halip ay pumuwesto siya sa likuran ko na parang handa na niya akong protektahan pa sa mga taong naghihintay na sa amin na makalabas.

Sa laki niyang lalaki ay kayang-kaya niya nga akong protektahan at walang makalalapit sa akin pero baka makuha ang mukha niya.

Hindi na namin iniwasan pa dahil nagpakita na kaming dalawa kaya napuno na nang sigawan nila at tili ang buong lugar. Tinatawag ang pangalan ko at ang iba ay may hawak pa silang tennis set at pati na iyong bola. May suot din silang jersey na may favorite number ko pa ang nakalagay and iyong iba naman ay hawak-hawak lang nila.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at nag-wave pa ako ng kamay ko pero hindi lang ako ang binigyan nila ng pansin. Maski ang nasa tabi ko.

“Ms. Novy!” sigaw nilang lahat. Feeling celebrity lang ako kung umasta ngayon but no choice naman ako kundi ang harapin sila. Ngitian sila kahit kilala nga talaga akong cold.

Nabigla lang ako nang may tumapat sa mukha ko na mic nila. Hindi lang pala mga avid fans ko ang nandito. Pati na ang mga media.

“Miss Novy, totoo po ba ang ibinalita ng Tita mo sa isang event na isa sa mga Brilliantes clan kang ma-i-engage?” Ay, direct to the point talaga ang question niya.

“Nakahanda na raw ang lahat at ang pagbabalik mo lang sa bansa ang hinihintay nila upang maging opisyal na ang engagement party ninyo. Totoo ba po ba ang balitang iyon, Miss Novy?”

Hindi nila yata kilala kung sino sa Brilliantes clan but—

“Si Engineer Michael na po ba iyon? Ang kasa-kasama mo na ngayon, Miss Novy?” Marami pa silang back-up na question.

“Yes,” I simple replied. Nakontento naman ang iba pero may tanong pa sila kay Michael. Hindi nga lang sila nagawang sagutin nito dahil abala siya sa pagharang ng mga kamay na balak yata akong hilahin palapit sa kanila. Mapababae man at matanda.

“Miss Novy, pa-autograph naman po!”

“Pa-picture na rin po!”

“Sure!” masayang saad ko.

Sa dami nila ay naramdaman ko lang ang pananakit ng mga daliri ko pero masaya naman ako dahil nagawa ko silang i-entertain kahit nararamdaman ko na rin ang jetlag ko.

Kahit hanggang sa makalabas kami ay nakabuntot silang lahat. Mainit na panahon pa talaga ngayon at sobra na iyong init.

Binuksan ni Michael ang pintuan sa puting kotse niya at inalalayan pa niya akong makasakay. Mabilis pa ang pagsara niya nito at saka patakbong umikot sa driver’s seat. Isinandal ko ang likod ko sa headrest at bumuntong-hininga. Binuksan na rin niya ang aircon kaya nabawasan na rin ang init ko—ang init na nararamdaman ko sa labas.

“Novy, fastened your seatbelt, baby.”

“Mag-drive ka na riyan. Don’t mind me. Kailangan na nating umalis dito,” sabi ko. Nang tingnan ko siya ay tagaktak na rin siya ng pawis niya sa noo pababa pa sa kaniyang leeg. Kinuha ko ang panyo ko sa handbag ko. “Lumapit ka. Punasan ko lang iyang sweat mo. Nabasa na rin pati ang buhok mo,” ani ko. But he looks pogi pa naman sa paningin ko. He’s sexy and hot nga.

Sinunod niya nga ang sinabi ko at una kong pinunasan iyong nasa noo niya. Alam kong nahirapan din siya kanina. Parang bodyguard din siya. Kawawa naman. In fairness walang nakalapit sa akin. Tanging paghawak lang ng kamay ko.

Naramdaman ko pa ang seryosong pagtitig niya sa akin. Busy na ako sa pagpunas ng sweat niya kaya bahala siyang tumitig din siya. Na parang may ginawa rin ako sa kanya.

“Nag-p-provide ba ang coach ninyo ng guards kapag nasa ganoon kang sitwasyon?” he asked and I nodded.

“Lalo na kapag may nauuwi akong gold medal and trophy. Sa airport pa lang ay nakaabang na silang lahat. Gusto ko nga silang i-snob but I just can’t. Alam mo naman na kapag nanalo ang isang Filipino ay parang kasama na ang lahat ng mamamayan at ang bansa natin ang magiging sikat,” paliwanag ko pa.

“Wow. Nasaan ako sa mga panahon na iyon at hindi ko man lang nakita na may inuuwi kang gold medal and trophy?” he suddenly asked me. I chuckled. Marahan kong tinulak ang noo niya.

“Siguro nasa site ka. Busy sa work mo. Sa paggawa ng building,” ani ko at tumango siya. Nang tapos ko nang tuyuin ang pawis niya ay ibinalik ko na ang panyo ko sa handbag ko.

“Thank you, Miss,” pasasalamat niya sabay halik sa pisngi ko. Nag-iwan pa rin ng init sa aking pisngi ang halik niya. I cleared my throat. Hinubad ko muna ang light pink na coat ko at naiwan lang ang crop top ko.

“Sa hotel ni Tita Mommy mo ako ihatid. May penthouse ako roon. If gusto mo rin na mag-stay lalo na may jetlag ka rin,” my suggestion.

“Yes, next time. Puwede bang...iuwi muna kita sa mansion namin?” tanong niya at namilog pa ang eyes ko sa gulat. Bakit naman niya ako dadalhin doon?

“Bakit naman? Ano’ng gagawin ko sa house ninyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Mom, and Dad, they wants to meet you,” he answered. But I feel nervous suddenly. Kaya ko ba? Kaya ko na bang harapin ngayon ang parents niya?

Kasi naman... Wala kaming gaanong interaction ng anak nila at nitong nakaraang buwan lang kaming nagkakilala.

“Hindi ba scary ang parents mo? Especially your Mom? What if...hindi pala nila ako gusto for you? Look at myself, wala akong work kundi ang maglaro lang talaga. Alam mo naman iyon dahil ang biological mom ko na ang nagsabi, ’di ba?” kinakabahan na sabi ko. Naging negative na ako dahil pumasok na ang kotse niya sa isang malaking subdivision. Ang higpit ng security. Halata iyon dahil sa dami nila tapos may mga nakatambay pa talaga sa gilid ng kalsada. Parang may check point lang.

“Trust me, magugustuhan ka nila. Don’t worry about my Mom. Malayo siya sa iniisip mo. Huwag kang masyadong negative.” Napakagat na ako sa daliri ko nang huminto na nga ang car niya sa isang malaking mansion.

Wala na rin naman akong magagawa pa. Hindi na ako makaaatras pa dahil nandito na nga kami at nakarating na. Saka hindi ko naman ito matatakasan pa. Mas mabuting maaga pa lang ay makikilala ko na ang family niya para alam ko kung kaya nila akong tanggapin para sa anak nila. Conscious ako palagi dahil wala pa naman akong matinong work, ayon sa palaging sinasabi ng biological mother ko.

Hindi binitawan ng fiancé ko ang kamay ko at magkasiklop na ang mga daliri namin. Parang wala namang katao-tao ang house nila. Hindi lang ang nasa labas ang maganda. Maski sa loob ay mas maganda rin pala.

“It seems wala rito ang parents mo, Michael,” puna ko. “Bumalik na lamang tayo sa susunod na araw.”

“Nah, Sunday ngayon at alam kong day off nila pareho.” Wala ring katao-tao sa living room nila pero nang magtanong siya sa mga servant nila ay itinuro kung nasaan ang mga ito.

Nandoon daw sa pool area kung kaya’t nagtungo na kami roon. Ang laki ng swimming pool nila. May mga upuan din sa pool side.

Sa isang round table ay may dalawang tao ang nakaupo at nang mapatingin ako sa iniinom nila ay biglang nanuyo ang lalamunan ko. Sa init kanina roon sa airport ay ngayon lang ako nakaramdam ng uhaw. Wala sa sariling napatingin ako sa kasama ko.

“I’m thirsty, Michael,” mahinang sambit ko. Hindi na ako nahiya na sabihin pa ’yon sa kanya. Hindi na naman siya nagsalita at basta na lamang kaming naglakad.

“Good morning, Mom, Dad.” Sa pagbati niya sa parents niya ay napatayo pa ang mga ito. Diretsong nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako at nagawa ko pang yumuko.

“Hello po,” bati ko and I looked at their face.

Now I know, that’s why this engineer has a beautiful face. He just didn’t get the resemblance to his grandfather, because he looks just like his dad. Her Mommy is beautiful too, she looks kind though. Magaganda nga ang mga lahi nila.

“You didn’t say that you were back, Michael. You could have been picked up at the airport,” his father said.

“Ang driver po ni Grandpa ang sumundo sa amin sa airport, Dad. He drives my car. By the way, she is Novy Marie V. Bongon, Mom,” pakilala niya sa akin sabay hapit niya sa baywang ko.

“Nice meeting you, hija. You are the famous international tennis player who is always a champion in the olympics games. Who always raising our flags to other country. Novy, we are always watching you so I really can’t believe Michael’s Grandpa that you are the girl he chose for his grandson.” Napahawi ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya. So they are really watching me sa TV, eh? Ngayon ay alam ko na. Kaya naman pala bigla silang nagulat nang makita nila ako.

“Yes po, Tita.” Michael looked at me quickly. “What?” I asked him. He shook his head and didn’t say anything na naman.

“Right, that’s what you’d call me. I am Tita Jina and Tito M is what you call to Michael’s dad,” sabi ng ginang.

“Sure po.” I approached to kiss Tito M’s hand then kissed his wife’s cheek. “Nice to meet you rin po,” nakangiting sabi ko. Nagsalin ng juice si Michael sa baso at ibinigay niya iyon sa akin. Kinuha ko naman iyon agad.

“Thanks.”

“Maupo kayo, son. Hija.”

“Opo.”

“Kuya Michael! Alagaan mo na po ang anak mong si Novy! Nangingilala siya!” Napalingon ako sa direction na iyon. Nagpanting pa ang tainga ko sa narinig ko or maybe nagkamali lamang. “Novy!” sigaw nito nang tumalon ang pusa at sa na-realize ko na tinawag ng lalaki sa alagang pusa niya ay nasamid ako bigla ng iniinom kong juice. May lumabas pa sa bibig ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top