CHAPTER 12
Chapter 12: First kiss
IPAMUMUKHA talaga sa akin ni Mommy ang status ko sa life ko, ’no? Because I know hindi naman favor for her ang pagiging international athlete ko. She wanted me to retire from being a tennis player and stay with here na lang and tapos? Irereto lang naman niya ako sa family friends nila ng husband niya. Para magpa-impress sa mga amega niya.
Napapitlag naman ako ng maramdaman ko ang pamilyar na palad ni Michael at ang init nito nang sinakop niya ang kamay kong nakakuyom. Napatingin tuloy ako sa kanya na may matang pagtatanong. Hinahaplos na niya iyon at kusang nawala ang pagkakakuyom nito. He’s playing with my fingers na naman.
“Madam, I’m Engineer Michael S. Brilliantes, I have my own business but full-time employee of our firm na pinamahalaan ngayon ng nakatatandang kapatid ko. I can provide anything for your daughter at sapat na po ang ipon ko, ang salary ko sa firm at ang commission ko sa company ko. Kahit isang dosena po ang magiging anak namin ni Novy ay kayang-kaya ko po silang buhayin hanggang sa mag-college sila,” mahabang saad niya na nasa boses din na may paninindigan sila. I was speechless. Hindi dahil sa kayang-kaya niya nga kaming buhayin sa future anak namin but what?! A dozen of kids?! Nagbibiro lang ba siya?! Siniko ko siya at humilig pa siya sa akin para magtanong. “What?” he asked me innocently.
“Gusto mo yata na taon-taon akong manganganak, ha? Seriously, engineer? One dozen? Do you think I can give you that 12 kids?!” hysterical na tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako. He wants me ba na malosyang?!
“Oh, we worked together, Miss,” sabi pa niya at umawang na ang labi ko sa gulat. Ano ba sa tingin niya ay madali lang ang magbuntis? Madali lang ang manganak at magluwal sa isang baby?! Goodness! Ni hindi ko pa nga naiisip na mabubuntis ako agad!
“You’re such an idiot,” may inis sa boses na saad ko. He shrugged his shoulder so I hit him on the chest.
“Manang, dalhan mo kami ng maiinom dito!” Alam kong sinadya naman ni Mommy na sumigaw siya para lang utusan ang maid nila. Kasi wala na sa kanya ang full attention ko.
Iginiya ko na lamang paupo ang kasama namin ng kapatid ko at hindi ko na pinansin pa ang pangarap niyang magkaroon ng isang dosenang anak. Tsk. We worked together? Work with his áss, psh. Siya kamo ang magbuntis para makabuo siya ng 12 babies. God, one dozen daw?
Hinubad ko ang shoes ko nang makaupo na ako. Sinulyapan ko pa si Mommy na nakakrus ang mga braso niya at mataman niya kaming tinitigan.
“Paano kayo nagkakilalang dalawa?” Hayan na si Mommy, may part two na ang interview niya.
“Sa elevator po,” sagot ni Michael sa kanya.
“Sa elevator? Kailan iyon? Do you really love my daughter para maging fiancé mo siya dahil handa ka na ngang pakasalan siya?”
“Mom,” tawag ni Cloud sa mommy namin. Nang mapansin na niya ang boses nito na super cold na and seryoso.
“I’m asking your sister’s future husband, son. Kung sila nga ba ang magkakatuluyan na dalawa.” My own mother talaga ang magiging hadlang sa lovelife ko kasama ang engineer na ito kahit nasa getting-to-know each other stage pa ang peg namin. “Manang, kumuha ka nga ng extra slipper for Novy,” utos na naman niya sa maid niya nang makita niya na wala na nga akong suot na sapin sa paa. Malamig pa naman dahil sa tindi ng air-conditioned nila.
“Nasaan ang husband mo, Mommy? Bakit hindi kaya siya ang guluhin mo? Mabuti pa ho ay gumawa kayo ng baby girl tapos siya ang pangaralan mo when it comes to a boy. Siya ang ireto mo sa family friends ninyo,” walang emosyon na saad ko at hinawakan ni Michael ang kaliwang kamay ko saka niya pinaglalaruan ang mga daliri ko. I don’t know why kung bakit mabilis na naman akong kumalma.
“Novy,” mariin na sambit niya sa name ko with a warn pa. I rested my back sa headrest at tinitigan ko na lamang siya.
Ibinigay naman sa akin ang pinakuha niyang slippers at isinuot ko na iyon. Iyong slipper ay pamilyar na sa akin dahil ito ang madalas kong sinusuot kapag nasa mansion nila ako. Sumunod ay ang maid naman nila ang naglapag ng drinks na pinakuha niya.
“You know what, Mom? To be honest ay hindi talaga kami magkakilala talaga and three times lang po kami nagkita at nagkasama,” paliwanag ko para malinawan siya na hindi involved ang love, and I don’t think so na may magaganap pa ngang love between us but who knows na mayroon nga?
“What do you mean by that?” she asked me at napukaw ko na naman yata ang interest niya.
“Iyong binuhusan ninyo po ako ng tubig, Mommy at bago pa lamang ako pumunta ay roon na kami nagkakilala,” I explained again at nanlaki pa ang eyes niya saka palipat-lipat na ang tingin niya sa amin.
“But how come na kakaiba ang tingin sa ’yo ng fiancé mo na parang matagal na kayong nagkakilala at mukha pa kayong in love sa isa’t isa?!” Tinusok ng isang daliri ko ang tainga ko at inikot ko iyon dahil masakit sa tainga ang boses ni Mommy.
“Ganoon ninyo kami kung tingnan, Mommy? Gusto mong bigyan ka namin ng apo agad?” nakangising tanong ko para lang tumigas ang facial expression niya. Of course nagbibiro lang naman ako pero hinila ko ang braso ni Michael para itayo siya. Masunurin naman ito at agad siyang tumayo.
While my little brother ay natatawa na siya but pinipigilan niya lang para hindi siya suwayin ni Mommy.
“Novy, don’t you dare!” suway niya.
“Nasa edad na po ako para magbuntis, Mommy. Hindi na po ako bumabata!” sabi ko nang nasa hagdanan na kami.
Pagpasok nga namin sa room ko—yes may sarili akong room dito. Doon ko lang pinakawalan ang tawa ko. Sa sobrang lakas ay umaalingawngaw na nga sa apat na sulok ng kuwarto.
Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa lakas nang aking tawa. Napaka-priceless ng face ni Mommy kapag binibiro ko siya. Nang mapansin ko naman na natigilan ang fiancé ko kuno ay saka lang ako tumigil sa katatawa.
“What?” I asked him.
“Your Mom.”
“What about her?” casual na tanong ko sa kanya pabalik. Ano naman kaya ang nakita niya sa aking ina?
“She cared for you,” he replied and I shook my head.
“Nah, she’s not,” mariin na sambit ko.
“She is. She cared about you na nahihiya na siyang mapansin mo ’yon dahil alam niyang... magiging awkward lang ang sitwasyon ninyo kapag naging sweet siya sa ’yo.” Ewan ko kung tatanggapin ko ba iyon na matutuwa ako dahil sa observation niya or maiinis lang ako dahil pinapaasa niya ako sa isang bagay na napaka-imposible na.
“Hayaan mo na siya,” ani ko at humiga na ako sa bed. Favorite color ko ang theme ng room ko. Ayoko ng mag-isip pa kung pinasadya ito ni Mommy for me. Paasa pa naman siya at mahilig siyang magpahiya sa akin sa harapan pa ng maraming tao. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip dahil sa observation niya but when I saw him na nagsisimula nang maghubad ay nataranta ako pati na ang heart ko. “What are you doing?!” sigaw ko.
Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko ang...uhm... 8 packs abs niya? M-May eight ba? Hindi ba anim lang iyon? Bakit may eight na?!
Ang dark pants niya lamang ang itinira niya at saka siya sumampa sa kama kaya ako naman ang gumapang palayo.
“Hindi ba gagawa tayo ng apo for your Mom? So...”
“Ha?! Sineryoso mo naman kahit joke lang ’yon?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Grabe naman siya!
“Miss, remember my rule. Kapag nagsabi ako ng isang bagay o sa ’yo man nanggaling ay ginagawa ko iyon physically,” he stated.
“What? Ano ’yon parang nag-w-wish ka lang and wish granted na agad-agad?!”
“Yeah, but sa ’yo lang gagawin. Hindi ba may utang ka pa sa akin?” Halos lumubog na nga ako sa kama para lang hindi dumikit ang katawan namin sa isa’t isa. Maiwasan ko lang iyon.
Na-t-temp nga akong hawakan ang sèxy body niya dahil sa nagmamalaki niyang abs at alagang gym yata siya—I mean nag-w-work out siya kaya mabato ang katawan niya. Ang laki pa ng muscles na ang sarap kapitan. Goodness, ano’ng kahalayan na naman ang pumasok sa brain ko?
Nakatukod ang tuhod niya at nasa pagitan na nga ako ng mga ito.
“A-Ano’ng utang naman iyon?” naguguluhan kong tanong kahit kabadong-kabado pa rin ako.
“My kiss.” Ano raw? Bakit ako nagkautang sa kanya samantalang gusto ko nga siyang halikan that night pero siya ang may ayaw tapos magiging utang ko pa pala iyon sa kanya?!
“You know what—” Hindi ko na natapos pa ang words ko nang dahan-dahan ko nang maramdaman ang bigat niya. Napahawak ako sa balikat niya para lang makaramdam ako ng kakaibang boltahe ng kuryente. Ang init ng katawan niya.
Ibinaba niya lalo ang mukha niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Nagugustuhan ko ang paraan nang pahaplos-haplos niya dahil nagbibigay iyon sa akin strange feelings but parang na-c-comfort din talaga ako.
Nang mapatitig naman ako sa lips niya ay bumalik sa akin ang urge na i-kiss siya. Pumulupot na ang kanang braso ko sa leeg niya at nakita ko ang pag-angat pataas ng sulok ng labi niya. Hindi ko na ulit naramdaman ang bigat niya dahil itinukod niya nga ang isang binti niya.
Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at doon na siya pumuwesto kasabay nang paghalik niya sa lips ko. Sa unang dampi ay parang aantukin pa ako. Ang lambing kasi ng paraan nang paghalik niya at may pag-iingat pa.
Nasa ulo ko na ang isang kamay niya na humahaplos din at nasa batok ko naman ang pangalawa na umabot pa sa panga ko.
Pinatakan niya ulit ako ng halik at namamanhid na ang batok ko. Ang init na rin ng face ko, oh my gosh. Ang tamis nga ng labi niya, mas matamis pa yata kaysa sa mansanas!
Ibinaba ko ang mukha niya gamit pa ang isang braso ko para mas lumalim pa ang kiss namin at hindi na nga ako nabigo pa. Humigpit ang hawak niya sa batok ko at mararahan na kagat sa lower lip ko ang ginawa niya. Parang first time rin niya dahil sa bagal nito pero nasa timing lang naman siya.
When he sucked my lips again, I deepened our kisses. I parted my lips for him and he slid his tongue inside my mouth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top