J for Jar of hearts
Napa buntong siya habang papasok ang sasakyan sa isang subdivision. Ilang araw na din na hindi pumapasok si Koartney kaya nag pasya siya na dalawin ang kaibigan.
Pina pasok siya ng kaibigan nang maka dating sa inuupahang bahay nito.
Parang nanibago siya nang makita si Koartney. "Are you OK?" agad na tanong niya.
Nagulat si Elli Nang yakapin siya nito. Koartney was crying. Halos hagulgol. Hindi niya maintindihan pero naluha na din siya. "Why?" tanong niya habang hinihimas ang likod nito. Ilang minuto silang nag iyakan bago naupo si Koartney. Naging tulala ito ng ilang sandali habang kinakalma ang sarili.
Siya naman ay kumuha ng tubig at inilapag ang baso sa lamesa. "Koartney..." tawag niya.
Doon lang ito bumalik sa huwisyo. He smile bitterly. "I'm not fit to work anymore." Simula nito.
Nag salubong ang kilay niya. "What are you saying?"
Napa iling si Koartney. "Pasensya ka na hindi ko maayos ang sarili ko." naluha nanaman ito. "Iniwan na ako ni Jake." ang tinutukoy nito ay ang jowa niya sa loob ng 11 years.
Hindi siya naka imik.
Sinulyapan siya ni Koartney. "May HIV ako."
Nabigla siya sa narinig. "K-kelan mo pa nalaman?"
Koartney clear his throat. "Lat year pa. At first ayaw pa niya akong iwan. I set him free. Nag papa salamat ako na negative siya." Doon niya nakita na ngumiting muli si Koartney kahit hilam parin ito ng luha. "I just set him free."
Hindi nanaman siya nakapag salita.
"Nakaka sawa na kasi friend yung ako yung mahal pero hindi ako ang katabi. Naiintindihan ko naman pero ang hirap. Tanggap ko naman na mamamatay nako."
"Don't say that." saway niya. "May mga gamot na pwede kang inumin.---"
"It will make the virus sleep. Pero ganoon parin yon. Mamamatay na ako friend, Bakit ko pa patatagalin."
Nasuklay niya ang buhok sa sariling palad. "If you can't find anything that is worth living the go."
Napa hagulgol naman ito.
"Kurt, life is too short. Hindi naman madadagdagan ang buhay mo pag gumanyan ka pa. Isipin mo yung mga parents mo. Yung kapatid mo."
Alam ni Elli na bread winner ito sa pamilya niya. "Kurt, its all in the mind. Your body is like a vessel, kung anuman ang isipin mo eh sinusunod nito, so kung iisipin mo na mamamatay ka na mapapa aga ka nga niyan."
Inalo niya ito. Nang kumalma na ulit ito ay isa-isa niyang pinulot ang mga bote ng gamot sa sahig. "Kurt take your pills." inabot niya ang mga bote sa kaibigan.
Kinuha naman iyon ni Koartney pero inilapag din niya ang mga iyon sa lamesa. "Thank you Elli." he was choaking again.
"Koartney, stop crying please. Doon kana muna sa unit ko matulog ng ilang araw, samahan mo ko." Kinakabahan kasi siya na baka kung ano ang maisipan ng kaibigan.
Nabawasan ang kaba niya nang tumango si Koartney.
*****
Its almost midnight nang maka tulog ang kaibigan. Marahan na isinara niya ang pinto ng kwarto.
Parang malungkot ang gabi na iyon. She's watching the city lights habang nag iisip. Sam is not answering her phone calls and text. Ilang araw nalang bago ang flight nito. She's calling Tony too, pilit siyang nag tatanong kung nasaan ba si Sam. Wala din naman kasi ito sa bahay nila. Pero wala ding alam si Tony kung nasaan ito.
Sam plus Koartney, sumasakit ang ulo niya sa mga kaibigan. Mabuti nalang at wala si Wil. Hindi siya kinukulit nito na lumabas or what dahil naka out of town sila ni Phil. Magiging tahimik ang buhay niya hanggang bukas.
Naisipan niyang idial ang numero ni Tony.
"Yeah Elli?" Sagot ng kabilang linya.
"Nothing, I just want to talk Tony. I'm just thinking kung gusto mong bilhin ang shares ko?"
Narinig niya ang pag tawa ni Tony. "Wag kang mag biro Elli. Wala akong bibilhin sa shares mo."
"OK I'll just look for another buyer then.--"
"Your doing good Elli, Bakit ngayon umuurong ka?" takang tanong nito
"Sumasakit ang ulo ko." pag amin niya.
"Wake up Elli. Kung anu-ano siguro ang iniisip mo. You're over thinking."
Hindi siya naka kibo. Bakit nga ba parang tinamad siya na patakbuhin ang firm na itinayo niya kasama si Sam? "I don't know."
Narinig ulit niya ang pag tawa ni Tony. "Sam called me earlier, tawagan mo daw siya the day after tomorrow. Busy pa siya today."
Sa wakas nagparamdam na ito. "Isa pa yang anak mo, nakaka buraot silang isipin!"
"Calm down Elli. You sound like a nagging wife."
"Oh please. I always sound like this."
"Elli." bawi ni Tony.
"Yeah?"
"Please call him. Don't forget." Tony's voice was low. Halos hindi na niya ito marinig sa kabilang linya.
"I will." sagot niya.
a/n last two chapters nalang ba? tinatamad na ako. Sa mobile legend nalang ako sinisipag. lol
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top