I for icecream

a/n
me: Lord mag dadiet na po ako.
Lord: sige nak. humayo ka at magpaka yummy.

ayos. walong araw nakong hindi kumakain ng kanin. as in wala. WALAAAAAAAA!!! nakakaiyak. Pero sanay nako. :)

baby uwi kana. di nako galit. :)

*****

"So iiwan mo na talaga ako?" nagmamaktol si Elli.

"Kaya mo na Elli. Gusto ko nang mag pahinga muna sa trabaho."

"San ka naman pupunta? Akala ko ba mamamatay ka pag hindi ka naka guhit sa isang araw? Ano nang gagawin mo sa buhay mo?"

Natatawang tinignan siya ni Sam. " Edi mag t-tour. Gusto kong mag travel sa Europe. "

Tinaas ni Elli ang dalawang kamay tanda ng pag suko. "Sige na iwan mo nako."

Sumandal si Sam sa couch. Nasa loob sila ng office ni Elli nang mga oras na iyon. "Natapos ko na pala yung pinapagawa mo sakin."

Nagsalubong ang kilay ni Elli. "Alin?"

"Di ba ako ang gusto mong mag drawing ng dream house mo?"

"Ah.. Dati pa yon' ah, natatandaan mo pa pala."

Ngumiti si Sam. "Gusto mo bang lumabas tonight?"

Isa-isang itinabi ni Elli ang mga naka kalat sa table niya. "May dinner kami ni Wil. Birthday niya ngayon."

Tumango si Sam. "Sige. I'll go ahead." tumayo siya at nag lakad palabas ng office.

"Sam."

Napahinto siya at nilingon si Elli. "Hm?"

"May dinaramdam ka ba?"

"Ako?"

"May dinaramdam ka ba?" ulit niya.

"Wala naman." Hindi niya inaalis ang tingin sa kaibigan.

Tumango Si Elli. "S-sige. Ingat ka."

****

After nilang mag dinner ni Wil ay nagtambay pa sila sa isang coffee shop para mag kape. "Happy birthday." bati niya sabay abot ng isang frame.

Napangiti si Wil. "Thank you Elli." Binuksan niya ang wrap. He was amazed nang makita niya ang saliring mukha. Iginuhit siya nito. "Elli, it look so real. Ngayon ko lang nalaman na memorize mo ang bawat linya ng mukha ko."

Hindi kumibo Si Elli.

"Thank you Elli." Tinignan ulit siya ni Wil. "Ilang araw mong ginawa to?"

"A week."

"Wow."

Sandaling katahimikan ang dumaan bago nagsalita ulit si Wil.

"Naka bili na pala ako ng property sa Tagaytay. Pwede bang ikaw ang mag drawing ng dream house ko?"

Natigilan siya.

"Over looking yung Taal volcano, may dalawang floor, may malaking glass pannel sa attic kung saan yung kwarto... natin."

It was exactly the same description of the house na gusto niyang ipatayo. It was her dream house when she was so in love with Wil.

"N-natatandaan mo pala yan."

"You usually tell your dreams when we were in bed--. I mean before we sleep."

Hindi siya kumibo. "Elli, i want you to be my wife. I miss those times when you're sharing your thoughts with me. I really miss you in my life."

Tinignan niya si Wil. "Everything has changed. Hindi na ako yung dati. Maybe you're just missing the old version of Elli."

"Ikaw parin ang Elli na minahal ko. Sobrang tanga ko lang dahil hindi ko agad narealize."

Napa iling siya.

"Be mine again, Elli." nagmamakaawa ang mga mata ni Wil.

Nalito siya. "Wil please. Don't force it."

Nakita niya ang frustration sa mata nito. "Are you in love with someone else Elli?"

It was a question that make her heart erotic. Parang hindi siya maka hinga. "What are you saying?"

Binawi ni Wil ang tanong nito. "Wala. its a silly question."

"OK.." Elli look straight in his eyes. "I am giving you a chance."

Nanlaki ang mga mata ni Wil. "You mean..."

"We're not getting any younger. Let's see kung mag w-work. Just to clarify Wil, this is just a trial."

Halos mag tatalon si Wil. "This is the best gift ever!" halos pasigaw na bulalas ni nito. "I love you Elli."

Napangiti siya, may naramdaman din siyang excitement at tuwa nang makita ang reaction ni Wil.

*****

Hindi siya maka tulog nang gabing iyon. Ang daming pumapasok sa isip niya.

Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone niya.

"Bakit?" tanong ni Sam sa kabilang linya.

Nag text kasi siya dito kung gising pa siya.

"Sam."

"Hm?" Parang antok na antok na ang boses nito.

"Sinagot ko na siya."

"Say that again?"

"Sinagot ko na si Wil." hinintay niyang sumagot ang kaibigan. Pero matagal bago ito nag salita.

"Happy?" Sa katahimikan ng gabi dinig na dinig niya ang boses ni Sam. She can almost hear his breathing.

Nanlabo ang patingin niya. Kasabay ng pagsikip ng lalamunan niya.

"Are you crying Elli?"

"Alam mong ma iistress ako pag umalis ka sa company."

"Trabaho ng architech ang ma stress Elli. Kayang-kaya mo yan. Hindi kita iiwan kung alam kong hindi mo kaya."

Pinunasan niya ang mga luha.

"I'm leaving next week. Don't worry babalik ako sa wedding mo."

"Shut up Sam, I hate you!. Goodnight!" singhal niya sabay baba ng telepono.

Napahilamos siya sa sariling mukha. Pinilit niya ang sarili na matulog. Ayaw na muna niyang mag isip ng kung anu-ano.

****

"Sinagot ko na siya." Dinig na dinig niya ang boses ni Elli pero parang nabingi siya.

"Say that again?" tanong ulit ni Sam.

"Sinagot ko na si Wil."

Parang pinunit ang puso ni Sam sa ibinalita ni Elli. Inilayo niya ang cellphone sa mukha niya, nahihirapan kasi siyang huminga. Mabilis na pinahid niya ang mga luha bago dinampot ulit ang cellphone at nagsalita.

Pinilit niyang maging pormal ang boses habang kausap ang kaibigan. Nang maputol ang linya ay napa upo sila sa carpeted na sahig. Sabay na napa dako ang tingin niya sa isang sobre na naka patong sa ibabaw ng side table. Muling bumalong ang luha niya. Di nagtagal ay napa hagulgol nalang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top