G for Guilt
Every morning ay nakaka tanggap siya ng bulaklak na may kasamang note. Syempre lahat yon ay galing kay Wil. Napa buntong hininga siya. "Masarap sana sa pakiramdam kung noon mo pa ko niligawan." bulong niya.
Maya-maya pa ay naka tanggap siya ng tawag.
"Hello?"
"Do you like them?" nabosesan niya agad si Wil.
"Sinong babae ang hindi magkaka gusto sa mga bulaklak?" pormal na tanong niya.
Alam niyang ngumiti ang lalaki. "Dinner tonight?" alok nito.
"Nope. Masakit ang ulo ko. Uuwi ako ng ma aga." pormal parin ang boses niya.
"Ganun ba. Get some rest." Sagot ni Wil. Iyon ang huling narinig niya bago nito binaba ang cellphone. Napa iling ito. Halos gabi-gabing nasa bahay si Wil. Hindi na nga niya alam kung paano nito itataboy ang lalaki.
Na agaw ang atensyon niya nang may kumatok sa private office niya. Maya-maya pa ay sumilip si Sam.
"Pasok." nginitian niya ang kaibigan.
Pumasok si Sam at inilapag ang ilang folders sa table niya. Ilang linggo din silang hindi nag kita dahil inaasikaso nito ang isang project site. Medyo nasunog din ang balat nito tanda na nag trabaho ito sa field.
"Hi." bati nito.
"Hi. Kamusta site?" tanong niya.
Naupo si Sam sa kaharap na upuan at nirelax ang batok. "Almost done." Parang pagod na pagod ito.
"May picture ka? Patingin."
Tumango ang lalaki at inilabas ang cellphone sabay abot kay Elli.
Isa-isang tinignan nito ang photo sa gallery habang naka titig sakanya si Sam. "Na miss mo ba ko?"
Nag angat ng ulo si Elli. "Oo naman." sabay balik ng atensyon sa cellphone. "Maganda nga. Grabe ka mahal ng bayad mo dito. Hindi ka ba nambabae don?"
"Nambabae." mabilis na sagot ni Sam.
"Mag pa test ka baka magka HIV ka nyan." pabirong sagot ni Elli.
"Hindi ako tatalaban non. Hanggang titig lang kasi ako."
"Mag kaka anak ka nga nyan sa katorpehan mo." sabay hagis niya ng cellphone pabalik kay Sam.
"Ninang ka syempre. Kamusta pala ang manliligaw mo?"
Kibit balikat siya. "Ayun, gabi-gabi sa bahay."
Napa tango si Sam. "Napatawad mo na ba?"
Napa ngiwi siya. "Di ko alam eh, mukang nag sisisi naman siya. Parang sincere naman sa panliligaw."
"May chance?"
Hindi agad naka sagot si Elli. "Who knows?"
Napa ngiti ang lalaki. "Sabagay, may mga bagay naman na nakukuha sa tiyaga."
Tinignan siya ni Elli. "Gusto mo ba siya para sakin?"
Tumaas ang balikat ni Sam. "Who am I to judge? Kung san ka masaya."
"Bait. Parang picture." tudyo niya.
"Ako nalang ang pupunta ng Cebu next week." pag iiba nito ng usapan.
Nawala ang ngiti niya. "Akala ko ba si Paul ang ipapadala natin doon?"
"Hindi siya pwede. Ako nalang."
Napa sandal si Elli. "Sure ka? 6 months yon."
Tinapunan siya ng tingin ni Sam. "Yup."
"Sige..." sang ayon nalang niya.
****
"Elli."
Nag angat siya ng ulo nang tawagin siya ni Wil. Kasalukuyan silang nag d-dinner. Na trap siya ni Phil kaya no choice siya kundi sumama kay Wil para kumain.
"Hm?"
"Wala. Thank you." Si Wil.
"For?"
"Giving me a chance."
Nag kibit balikat siya.
"Gusto ko sanang pormal na humingi ng sorry sa lahat." Nag baba ng tingin ang lalaki. "Pasensya ka na, naduwag ako sayo dati."
Hindi siya naka imik.
"Galit ka pa ba sakin?" tanong ulit nito.
"Hindi ko din alam. Nag hihilom ang sugat Wil. Pero kung kakalkalin natin ulit baka ma infect."
Napa tango ang lalaki. "Basta masaya ako. OK lang kahit pahirapan mo ko' Elli. I deserve it. Titiisin ko hanggang sa ngitian mo na ulit ako."
Tinapunan ulit niya ng tingin ang lalaki. "Pasensya kana din sa mga inasal ko sayo dati." Siya naman ulit ang nag baba ng tingin.
"It's OK. dala lang yon ng galit mo. Alam ko. Nag madali kasi ako na kausapin ka that night."
Hindi na siya umimik. Ayaw na din niyang pagusapan nilang dalawa ang nakaraan. Naging tahimik din siya sa byahe pauwi. Nag kunwari pa siyang naka idlip. Inihatid siya ni Wil sa harap ng unit niya, matapos magpasalamat ay umalis na din ang lalaki.
Nagulat siya nang maka pasok sa unit ay nakita niya doon si Sam. Pilit na pinagkakasya ang sarili sa mahabang couch habang nanood ito ng DVD.
"Ano ba yan Sam. Kala ko magnanakaw na."
Dalawang buwan din itong hindi nagpa kita sakanya. "Kaya naman pala nawawala yung duplicate ko nasayo pala. Kakadating mo lang? kamusta Cebu? Buti umuwi ka. Kumain kana?" Nakita niya ang ilang bukas Na lata ng beer at chips.
"Hindi pa. Ipag luto mo ko." ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Ipag oorder nalang kita ng pizza."
Umupo ang lalaki para bigyan siya ng pwesto. Nang makaupo siya ay humiga ulit ito at ginawa siyang unan.
Nag dial siya ng numero para mag order ng pizza. Nang ibaba niya ang phone at tignan ang kaibigan ay mahimbing na pala itong natutulog.
"Sam..." tawag niya. Marahan na tinapik niya ito sa mukha.
"Hm..." sagot nito na parang wala ng buhay.
"Sobrang pagod mo, Nambabae ka ba sa Cebu?"
Wala nang sagot.
Pinadaan niya ang mga daliri sa makapal nitong buhok.
"Ang haba na ng buhok mo, Hindi ba uso ang babershop doon?"
Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Napa iling siya nang mapansin na namayat ito.
"Sam..." tawag ulit niya. Pero mahimbing na talaga ang tulog nito.
a/n hehehe. maganda to. ma didismaya nanaman ang mga readers. walang poreber guys :p
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top