F for Frappe
"I knew I love you then, but you never know. Cause I played it cool when I was scared of letting go..."
****
Every Sunday morning ay kasabay niya sa pag j-jogging si Sam. Para silang kambal na hindi mapag hiwalay. Pilit nga siyang tinatanong ng mama niya kung boyfriend ba niya ito.
Matapos ang ilang ikot sa subdivision ay bumalik na sila ng bahay. Pareho silang pawisan nang pumasok sa sala. Natigilan siya nang makita Si Wilbur sa loob ng bahay kasama Si Phil.
"Goodmorning." halos sabay na bati ng dalawa.
"Morning."
Saglit na nawala siya para mag palit ng damit. Pag baba niya ay nakapag palit na din ang kaibigan.
"Una nako?" Narinig niyang sabi nito.
"Parang nag tatanong na nag papa alam? Kain muna tayo."
Ibinaba ni Sam ang hawak na bag sa sofa.
Sabay na pumunta sila sa kusina. Sakto naman na nag prepare ang mama niya ng fresh juice at tuna sandwich. Nang maka upo sila ay sabay na pumasok sa kusina si Phil at Wilbur. Naupo din ang mga ito Sa kaharap nilang silya.
Tinapunan niya ng tingin ang dalawa.
Nakita niyang nagsalubong ang tingin ni Sam at Wilbur.
"Oh kumain na kayo." Narinig niya ang mama niya habang isa-isa niyang nilalapag ang plato at heavy breakfast para sa dalawa.
"Kayo din po ma." baling niya.
Pinang hila ni Sam ang mama niya ng upuan. "Sabay na po kayo."
Parang awkward ang umagang yon. Tahimik ang lahat.
"Tita." putol ni Wil sa katahimikan.
"Yes hijo?" Na agaw naman ang atensyon ng mama niya.
"Kinausap ko na po Si Phil." Nag angat ito ng tingin. "Liligawan ko po sana si Elli."
Napa tanga siya. Parang bigla siyang hindi maka hinga.
Ilang segundo din na nag buffer ang mama niya sabay lipat ng tingin sa kanya. "Aba.. eh." Tinignan din nito si Phil at Sam. "Bakit sa akin ka nag papa alam eh hindi naman ako ang liligawan mo? Diba nak?" sabay tingin nanaman kay Elli.
Tinignan siya ni Wil. "Alam ko naman po na hindi siya papayag. Pero aakyat po ako ng ligaw."
Sasagot sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Inisip parin niya na baka mapahiya si Wil sa mga kaharap. Ibinalik niya ang atensyon sa kinakain na parang nawalan ng lasa. Pinakikiramdaman niya si Sam. Wala namang reaksyon sa mukha nito. Tuluy-tuloy lang ito sa pagkain ng sandwich. "Kaibigan ko, minsan patay gutom."
Alam niyang may sasabihin pa ang mama niya. Nagpa salamat siya at tumunog ang cellphone niya. Hindi man lang niya tinignan ang pangalan na rumehistro sa phone niya, Agad siyang tumayo at nag paalam.
Napa kunot noo siya nang makitang number ni Sam ang tumatawag Sa cellphone niya. Pasimpleng sumilip siya sa kusina. Nakita niya ang kaibigan na kunwaring inaayos ang smart watch nito. Napa iling siya sabay ngiti.
****
Saglit na itinabi ni Sam ang sasakyan. Halos malayo na din yon sa bahay nila Elli. Kinuha niya ang isang bouquet ng asul na rosas sa backseat ng sasakyan. Napa iling siya. Ibinaba niya ang windshield at inihagis iyon sa labas. Muli niyang binuhay ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo.
****
Halos gabi na din nang pauwiin niya si Sam. Niyaya pa kasi niya itong manood ng movie. Paborito nito ang ang Indiana Jones. Tinapos nila buong maghapon ang lahat ng movie collection nito. Ngayon ay hindi siya maka tulog. Naiisip niya ang sinabi ni Wil kaninang umaga. Alam niyang seryoso ito. Parang may konting excitement na naramdaman siya na hindi maipaliwanag. Pero ang malaking parte ng utak niya ay nag iisip ng paraan para iwasan ito. Alam niyang sasakit ang ulo niya. How come napapayag niya si Phil. Nag tataka siya dahil number one rule nilang mag kaibigan na bawal silang manligaw ng kapatid. Number one factor doon ay alam ng bawat isa ang kalidad nila sa mga babae. Birds of the same feather ika nga. Pareho lang silang womanizer kaya hanggang ngayon ay wala paring asawa si Phil. Wala pa itong katapat.
Napa bangon siya at dinial ang numero ni Sam. Pero hindi nito na sagot ang tawag niya. Naisip niya na baka nasa daan pa ito at nag d-drive. Napa titig siya sa screen ng cellphone. Si Sam ang wallpaper niya.
"Sam bakla ka ba?" tanong ko Sa kaibigan ko.
Napakunot noo ito. "Loko ka ah. Bakit mo nasabing bakla ako?"
"Wala ka kasing lovelife. Tanggap kita, ipakilala mo na ang boyfriend mo sakin." sagot ko.
"Meron akong girlfriend dati."
"Oh asan na?" Na curious ako kasi ngayon lang namin napag kwentuhan ang past relationship nito.
"Iniwan ako."
Tinignan ko siya. Busy ito sa pag guhit. "Bakit? Siguro dry ka."
Tinaas nito ang balikat. "Pareho kaming busy? walang time."
"Yun lang? ilang years kayo? Hindi niyo man lang nagawang mag adjust para isalba relasyon nyo?" tuloy-tuloy na tanong ko.
"Five years." tipid na sagot nito.
Natahimik ako. Parang ayaw naman nitong mag kwento.
Ilang minutong katahimikan. Maya-maya pa ay nakita kong ibinaba nito ang hawak na marker.
"Hindi ko na siya hinabol. Alam ko naman na may iba na siya bago pa man kami mag break." he smile bitterly.
Hindi nanaman ako nakapag salita. "Pero kung sakali man na makikipag balikan siya baka hindi ko na siya balikan."
"Why?"
Tinignan ako ni Sam. "I have to save myself Elli. Kung talagang mahal ka ng isang tao she will never break your heart. Kung niloko ka ng isang tao in the first place magagawa niya ulit yon. Bago mo balikan ang isang tao kaylangan mo munang alalahanin lahat ng sakit noong una kayong nag hiwalay. Bilangin mo lahat ng niluha mo. Madaling magpatawad kapag na m-miss mo ang isang tao. Masarap sa pakiramdam kapag binalikan ka niya. Minsan nakakalimutan nating ipa alala sa sarili natin kung gaano tayo naging miserable kapag nag re-reachout yung mga tanong naka sakit satin. Nakaka badtrip di ba kapag may guts pa sila na makipag balikan sayo? Akala nila hindi masakit."
Napa tanga ako kay Sam. Really this man was so deep. At nalulunod ako sakanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top