E for Earphones
After 5 years...
It was 7 in the morning nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Elli. Naka ngiti ang araw nang maka baba siya sa plane.
Maaliwalas ang ngiti ni Phil nang salubungin siya nito sa airport.
"I've missed you."
"Na miss din kita kuya." sabay yakap at halik dito.
Nawala ang ngiti niya nang makita si Wilbur. Parang na estatwa pa ang lalaki nang makita siya.
"H-hi." kiming bati nito.
Hindi niya pinansin ang lalaki at ibinaling ang tingin kay Phil. "Let's go?"
"Sure yeah." binitbit nito ang dalang gamit niya at nagpatiuna sa paglalakad.
Si Wilbur ang nag drive ng dala nilang sasakyan. Nag taka siya at kasama itong sumalubong sakanya sa airport.
Na agaw ang atensyon niya nang tumunog ang phone.
Napangiti siya. "Hi Sam."
"Welcome home bully." masigla ang boses nito. Nauna lang na umuwi si Summer sakanya ng ilang linggo. Ito ang kasama niya ng limang taong pag t-trabaho overseas.
"Thanks, let's have some coffee tomorrow?"
"Wow, you really missed me." preskong sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Yuck!" eksaheradong sagot niya.
Narinig niya ang pagtawa ni Sam sa kabilang linya. "I miss you too Elli. I'll pick you up tomorrow 5pm. Sharp."
"Wow, you'll pick me up?"
"I always pick you up right?"
"Yeah. I'll see you tomorrow. Bye." ibinaba niya ang phone at ibinalik ang atensyon Kay Phil. "How's mom?"
"OK naman, medyo stress lang sa mga iniinom na maintenance."
"Normal lang yon. May edad na si mama kaya madalas ang mood swings."
Sumangayon naman si Phil. Maya-maya pa ay nag paalam ito na iidlip muna. Pero Hindi niya magawang umidlip. Madalas ay nahuhuli niya si Wilbur na naka tingin sakanya. Aminado siya na kumukulo ang dugo niya sa lalaki. Mabuti nalang at nag himala ang langit kaya mabilis ang naging byahe nila. Ilang oras siyang nakipag kwentuhan sa mama niya bago nag paalam para matulog. Hindi din naman siya naka tulog sa byahe sa eroplano. Halos 11 na din nang magising siya kinagabihan.
Bumaba siya sa kusina. Nagugutom siya pero parang wala siyang ganang kumain. Gusto lang niyang ituloy ang pag tulog niya. Naisipan niyang uminom ng gatas.
Malamlam ang liwanag ng ilaw. Binuksan niya ang ref at kinuha ang fresh milk.
Habang nag sasalin siya ng gatas sa baso ay biglang may nag bukas ng ilaw. Si Wilbur.
"Hi."
Nang makita niya ito ay tumikwas ang kilay niya. Wala siyang sinabi na anuman. Ibinalik lang niya sa ref fresh milk.
"Elli..."
Tinignan niya ito. "What?"
"I-.. I don't know kung ano ang dapat sabihin. Y-you look good."
"I know." tipid na sabi. Hindi Na niya nagawang isalang sa microwave ang baso. Tutuloy na sana siyang lalabas ng kusina nang hawakan siya ni Wilbur sa braso.
"I miss you Elli."
Tumikwas ang labi niya. Nang uuyam ang mga tingin niya sa lalaki. "Really? Bakit? Hindi mo nanaman ba mapigil yang kati mo?"
"Elli please I'm just--"
"Hoy, Hindi mo nako mauuto. Alam mo bang ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sakin?"
"Elli.."
Nakita niya ang pagka gulat ng lalaki nang dahan-dahan niyang ibuhos ang baso ng gatas sa uluhan nito. "You're a piece of shit Wilbur. Sa iba mo nalang ilabas ang kati mo. Wag ako." Padabog Na ibinaba niya ang baso sa mesa bago niya iniwan ito.
Nanginginig siya sa galit nang maka balik sa sariling kwarto.
Ilang beses siyang nagpa lakad-lakad sa sariling kwarto bago naisipang mag dial ng numero.
"Sam..."
Limang taon ang lumipas bago siya umuwi. Hindi iilang beses siyang iniyakan ng mama niya para piliting umuwi na siya. Kung tutuusin kulang pa ang limang taon para maghilom ang sugat. Ganoon kalalim ang binigay ni Wilbur sakanya. Nalaglag ang baby niya. At Hindi alam iyon ng pamilya niya. Sumama siya Kay Sam overseas. Madaming bansa ang naikot nila dahil sa trabaho. Naging malapit na kaibigan niya ang lalaki. Si Sam din ang pumulot sakanya mula sa pagkaka dapa. Para siyang si Phil lahat ng kapritso niya pinagbibigyan nito. Minsan gusto niyang maghinala na may gusto si Sam sakanya. Pero nasabi nito minsan na kapatid lang ang turing nito sakanya.
Nabalitaan din niya kinasal si Wil, Pero di nag tagal eh nag divorce din sila. The woman he loved ended up cheating on him. Karma ika nga.
Hindi niya alam kung magagawa pa niyang umalis ulit. Gusto sana niyang mag tayo ng sariling firm, so she can stay for good and enjoy life with her mom. Malaki naman ang naipon niya.
"Yup?" tanong ni Sam.
"Nagugutom ako."
Narinig nanaman niya ang pagtawa ni Sam. "So?"
"Wala, gusto ko lang sabihin na Nagugutom ako."
"Edi kumain ka."
"May demonyo sa kusina namin."
"Gusto mo bang mag food trip?" Si Sam ulit.
"Its almost 12mn."
"Oh matulog ka na. Bukas ka nalang kumain."
"Mag bibihis lang ako, tapos sunduin mo ko'."
Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "O sige bukas nalang." bawi niya.
"I'll get my car key. Wait for me." he said.
"I'm always waiting Sam."
"I know. I'm always late right?"
Sa imagination niya, Nakita niya ang pag ikot ng mata ni Sam.
Sa totoo lang kasi siya ang laging late pag may lakad sila.
Napa ngiti siya. "Bilisan mo, Hindi mo gusto pag gutom ako."
"Yeah. You're a monster."
Dead air...
"Elli." Narinig niyang tawag nito.
"Hm?"
"Wala, akala ko binaba mo na. Papunta nako."
Yun lang at pinutol na ulit nito ang linya.
Ibinaba niya ang telepono. Ramdam niya ang pagkalma ng kalamnan niya matapos makipag-usap sa kaibigan. Napa iling siya. Akala niya wala nang epekto si Wilbur sa sistema niya pag nagkita sila. Nagkamali siya.
A/N time check 2:03am. Eh Wala eh, Na adik Sa mobile legends. Yari nanaman kay boss. ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top