D for Dog Food

"Kamusta yung lakad ninyo ni Kuya?" excited na tanong ni Elli habang kumakain.

"OK lang." tipid na sagot ni Wilbur.

Bahagya siyang ngumiti. Medyo tipid ang mga sagot nito sa mga tanong niya. "Baka pagod." depensa ng utak niya.

"May bago akong offer." balita niya. "Malaki. Pero I have to think of it first."

Tumango lang ang kausap.
Natahimik siya saglit. "OK ka lang ba?"

"Oo naman." Tinapunan niya ito ng tingin.

"Parang wala ka kasi sa mood."

"Really? later I know you'll put me on mood." makahulugan na sabi nito sabay ngiti.

Bahagya lang siyang napangiti. Madalas ganun lang ang gusto nitong pag usapan. She kept on waiting kung kelan nito bubuksan ang topic on how their relationship will be put on the next level. Kung kelan nila sasabihin Kay Phil ang tungkol sa kanila. Yung kung kelan sila magiging official.

Napa buntong hininga lang siya.

****

Dismayado si Summer. "Why?" tanong nito sakanya.

"I'm sorry. I'm declining the offer. I really don't wanna work overseas."

Napa buntong hininga si Summer. "Wow." bulalas nito sabay iling. "Well, kung hindi na kita mapipilit wala akong magagawa. But I can increase the offer?"

Natawa siya. Pumapagasa pa talaga si Summer. "I'm sorry."

"Meron ka bang hindi maiwan dito saglit?"

"Si Wilbur..." "Ah.. my M-mom."

Napa tango ito. "I see, Elli is a Momma's girl."

She rolled her eyes. "What ever."

Napangiti si Summer. "Can we have some coffee?"

Automatic na napatango siya. "Sure."

Saglit na nagkape sila sa labas pero naging masarap ang kwentuhan nila. Maya-maya pa ay naka receive siya ng text. Si Wilbur. Hindi daw nito ma contact ang phone niya. May binigay itong address kung san sila magkikita for dinner by 7pm. Nag taka siya dahil kakalabas lang naman nila kahapon. He's also requesting for a call back.

Nag excuse siya sandali Kay Summer para tawagan ito, pero ang linya naman nito ang busy. Nag kibit balikat siya, its almost close to 7pm kaya tutuloy na siya sa resto.

"Hinahanap ka na ba ni mommy?" pabirong tanong ni Summer.

"I'm sorry I have to go. May dinner pala ako ng 7pm."

"Drop nalang kita para mabilis. It's almost 7." Alok ni Summer.

Saglit na nag isip siya. "S-sige"

*****

Halos inabot sila ng 30 mins bago siya naka dating sa place na sinabi ni Wilbur.

To her surprise nakita niya si Wilbur na naka upo na sa pina reserve nitong table-- kasama ang isang babae.

Nakita niyang nagsalubong ang kilay nito. "Excuse me." pa alam nito sa babae.

Hinila siya nito palabas. "Anong ginagawa mo dito?" matigas ang boses nito. Halos pabulong lang.

"Tinext mo ko diba--?"

"What the fuck na tinext?! Hindi kita tinext. Go home." taboy nito.

Nag panting ang tenga niya. "Ano bang sinasabi mo?" inilabas niya ang cellphone ant ipinakita Kay Wilbur ang text.

"Hindi para sayo yan. Umuwi ka na OK?"

"Sino siya?" tanong niya.

"It's non of your business Bernardelli. Umalis ka na. Papasok nako sa loob."

"WILBUR." its a warning. Saying that she will never leave hanggat hindi nito sinasagot ang mga tanong niya.

"Please Elli. Hindi kita girlfriend para alamin lahat. Wala kang magagawa kung ayaw kong sagutin ang tanong mo."

Nalaglag ang labi niya. "Ano ang tawag mo sakin? Parausan?"

Pagak na napatawa ito. "What the fuck Elli?"

"What the fuck din Wilbur---?!"

"Well fine! Ano ka sakin?! You're just someone that I fuck! That woman na nasa loob ang mahal ko. I'm proposing tonight so please back off!" hinihingal pa ito nang matapos.

Ngayon lang siya sinigawan nito. Wilbur got blur in her sight. Ramdam niya ang nakabarang bagay sa lalamunan niya. Para lang siyang aso kung itaboy nito. Humakbang siya palayo. Parang hindi siya ang Wilbur na mahal niya. Sa isang sulok ng utak niya, nanalangin siya na sana panaginip lang ang lahat.

"Elli.." tawag nito. "E-elli you're bleeding." hinabol siya ng lalaki sabay hawak sa balikat niya. "Dadalin kita sa hospital."

Hindi niya ramdam ang sakit ng puson niya. Mas ramdam niya ang batong naka dagan sa dibdib niya. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang dugong umagos mula sa kanya.

Napahinto siya sa paglalakad sabay lingon sa lalaki. "Pride nalang ang meron ako. Sa palagay mo ba... sasama ako sayo?"

"I-im sorry. Please let me--"

"Back off Wil."

Napa hilamos ito sa sariling mga palad. "W-wait me here I'll get the car." Nag mamadali niyang kinuha ang sasakyan. Pero wala na si Elli kung saan niya ito iniwan. Inikot niya ang buong parking lot pero wala na talaga ito. Frustrations and guilt strike his heart. He just then realize that he got it bad. Really bad...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top