C for Cbra?

"Elli, Mr. Tony needs you in his office."

Tumayo siya mula sa pagkaka upo at ibinaba ang hawak na marker at ruler. "Thanks Belle, pupuntahan ko na siya."

Marahan muna siyang kumatok bago narinig ang boses ni Tony.

"Have a seat Elli."

Tinapunan niya ng tingin ang lalaki na na-abutan niyang naka upo sa harap ni Tony.

"I would like you to meet Summer, my son."

Nginitian niya ang lalaki.

"Son, this is Elli, she's one of my best Architect."

Summer didn't smile back. "How long have you been in this firm?" formal na tanong ng lalaki.

"Almost 6 months."

Napa tango ang lalaki. "I see, we need additional manpower. I'll get straight to the point, I am in need of Architect and I am impress with your works. Its a big project and its in a rush. I'll pay you trice."

Medyo natameme siya. Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng lalaki dahil naka focus siya sa pag bukas-sara ng labi nito. "I- I'm sorry?"

"My son is asking you to marry him Elli."

Sabay silang Napa tingin Kay Tony.

Tony laugh. "Just kidding, you two are so serious."

"You're going crazy again Esmeraldo." doon niya nakitang napangiti si Summer nang banggitin ang totoong pangalan ni Tony.

"I'm sorry for being so serious and handsome Elli." baling nito sakanya.

Napa tikhim siya. "I'm sorry?" sagot niya na kunwari ay nabingi sa sinabi ng lalaki.

This time mas maluwang ang naging ngiti ni Summer.

Inabutan siya nito ng isang folder. "This is the black and white of my offer. I need your response by Monday. You have the whole weekend to think about it, and here is my personal phone number." sabay abot ng calling card.

Summer's eyes is on her.

"Yup sure, thank you so much for the offer and I'm gonna think about this."

"OK that's all I need then. I'll go ahead pops." pa alam nito Kay Tony.

"What? pagkatapos kitang binigyan ng chicks? Hindi mo ba kami ililibre ng lunch?"

Tinignan ni Summer ang oras. "Wow, didn't realize its almost lunch."

"Come with us Elli?" alok ni Tony.

"Oops, sorry gonna have lunch with Koartney." tanggi niya.

"Edi isama mo si Koartney." pilit nito.

"Wag na boss baka mag tampo pa yung ibang mga babies mo kung kami lang ang isasama mo."

"Naaah..." palatak ni Tony. tumayo siya sa swivel chair. "Labas na." taboy niya sa dalawa, Pero nauna na siyang lumabas ng pinto. "Team, lunch out." sigaw nito nang maka labas ng office.

Narinig niyang nagkantyawan ang ibang ka trabaho. "Naka score ata kagabi boss."

"You're fired Ricky." pabirong bato nito sa lalaki.

"Manlilibre ka ba boss?" tanong ulit ng isa pa niyang katrabaho.

"No RT, birthday mo next week, ikakaltas ko ang bill natin sa susunod mong sahod."

Napakamot si RT. "Sige boss, itatali ko nalang muna sa bukid ang mag ina ko. Damo muna ang ipapakain ko sakanila."

Narinig niya ang pagtawa ni Tony.

Yun ang gusto niya sa work place. Iilan lang sila sa team pero healthy ang environment. Everyone are so professional. Si Tony lang ang nangunguna sa kalokohan.

***

"Beki.." naramdaman niya ang pagsiko ni Koartney.

"Oh?"

"Natagpuan ko na ang magiging ama ng mga anak ko."

Napa tingin siya sa kaibigan habang nanlalagkit ang tingin nito Kay Summer.

"San ka naka bili ng matris mo?"

"Sa kanto. Tatlo bente."

"Tigilan mo ko Kenneth." ibinalik niya ang atension sa pagkain. "Asikasuhin mo ang pagkain mo."

"Ganun na nga ang ginagawa ko." Hindi parin niya inaalis ang tingin kay Summer.

"Hay, kaloka. Manyak."

"Pwede ko kaya siyang tikman?" tanong ulit ng kaibigan na parang nag d-day dreaming pa.

"Pwede naman daw, kaso dadaan ka muna kay Tony." pinigilan niyang matawa.

"Ang pait ng kapalaran beki, no?" Sinimulan na ulit nito ang pag Kain. "Kamusta na pala yung jowa mong 36 ang abs?"

"Hindi ko siya jowa."

"Ano? friends with benefits?" tanong ulit ni Koartney.

"Ka-MU. Busy parin siya."

"Sabi ko naman sayo beki wag kang makikipag jowa sa mga may abs." pinitik nito ang daliri sa isang tenga. "Ang mga lalaki Hindi mag papaka hirap mag abs para lang i lulalei ang isang babae. Maniwala ka sakin."

"Anung 'I lulalei?'."

"May gewd, Hindi mag papaka hirap mag abs ang isang lalaki para lang galawin ang isang babae. I lulalei beki, galawin, i rapes, S-E-X. ano pang gusto mong description? gusto mo pa ng intense don?"

"Wag na beks, Keri na."

Bigla siyang natahimik. Pagkatapos ng graduation niya ay mas naging madalas pa ang pagkikita nila ni Wilbur. They continue to do their "routine", madalas sa place nito. Her cravings for the man she love become more intense. Makalipas ang ilang buwan matapos ang graduation ay na hire na siya, Medyo nabawasan ang oras ng pag kikita nila ng lalaki, but she make sure na nabibigyan niya ito ng oras within a day. Its been how many weeks na hindi sila nag kikita dahil nag out of town ito kasama si Phil.

" Ano ba?" na agaw ang atensyon niya. "My gewd, Hindi mo ba ko pinapakinggan, kuda ako ng kuda dito." pinitik ulit ni Koarney ang daliri sa isang tenga.

"Ay sorry beki, ang pangit kasi ng boses mo. Na out of focus ako." Natawa siya sabay dampot sa cellphone. May pumasok na message doon.

"I'll see you tonight." nabasa niyang text ni Wilbur.

Napangiti siya. Confirm na naka uwi na sila ni Phil.

"Hay may ma lululalei nanaman mamayang gabi." Narinig niyang bulong ni Koartney.

***

a/n eto po ang ebidensya na Hindi ako pumasok tonight. Sana may mag offer na gawan ako ng cover para sa book na to.

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top