TWENTY SECOND (Christmas Party Part I)

C L A U D I A ' S P O V

Recess ngayon at last day na ng exam at bukas ay Christmas Party na. Pero hindi ako masaya bagkus ay natatakot at kinakabahan ako.

Lagi na kasi akong nakakakita ng pangitain sa classroom lalo na't ako lang mag-isa o kaya tahimik. Tas gabi-gabi akong nananaginip tungkol sa isang batang lalaki na nanghihingi ng tulong.

Hindi ko alam kung bakit pero may nabubuong ideya sa akin isipan. Konektado iyon sa nangyayari ngayon.

"Claudia halika na. Inaantay na nila tayo." Yaya sa akin ni Criztelyn.

Pumunta na kami sa canteen at tumabi na kila Stacey, Chamiile, at Cheerie.

"Finally nandito na kayo. Ang tagal niyo." Sabi ni Stacey

Matapos kaming kumain ay nagpaalam muna ako na mag-c-cr.

Naglakad na ako papunta CR at nadaanan ko ang classroom. May konting awang sa pinto.

Isasara ko na sana nang may marinig ako. Hindi klaro ang boses kung babae ba o lalaki dahil sa hina ng boses o bumubulog pero naiintindihan ko ang sinasabi nito.

"Ready ka na ba bukas?... Siguraduhin mo lang yung surpresa ko sa kanila para sa Christmas Party ahh... Sige na i-e-end ko na yung call.. Basta bukas--"

Napatigil siya sa pagsasalita nang hindi sinasadyang matapilok ako at natulak ang pinto kaya tumakbo ako papuntang CR. Ang tanga ko.

Nandito na ako sa cubicle ng CR. Kinakabahan ako. Anong mangyayari bukas? Tsaka ano yung surpresa?

Hindi ko alam kung nasaan siya pero may nakita akong anino na parang may kausap sa phone sa bandang likuran.

Nahulog yung panyo ko at may narinig din akong kasabay nun mahulog.

Yumuko ako para kunin ang panyo at sa ilalim ng pinto ng cubicle ay nakita ko sa labas na kutsilyo. Ito rin ata yung nahulog kanina. May nakita akong kamay na dumampot dito.

Agad akong tumayo sa ibabaw ng toilet bowl para di niya ako makita.

Maya-maya narinig ko sila Stacey, Cheerie, Chamille, at Criztelyn na nagkukwentuhan.

Lumabas na ako. Kaming lima lang tao.

Tumingin pa ako sa paligid ko at walang tao. Bukas ang pinto ng mga cubicle. Ano yun ilusyon lang?

"Anong hinahanap mo Claudia?" tanong ni Cheerie

"W-wala."

--

Uwian na.

"Wala daw munang uuwi! May sasabihin pa si Ms. Pelaes." Announce ni Dennis

'Ano ba yan uwing-uwi na ako!'

'Nagugutom na ako'

'Gusto ko nang umuwi'

At kung ano-ano pang reaksiyon ng mga kaklase ko.

"ANDYAN NA SI MISS!!!"

Nagkagulo kami at umupo na sa kanya-kanyang upuan.

"Okay class. Wala namang absent ngayon no?" tanong ni Ms. Pelaes

"OPO!" sagot namin

"Okay. Bukas Christmas Party na. Ayusin niyo naman yung suot niyo ha. Tsaka yung regalo niyo at yung pagkain. Yung nag-present na magdadala ng disposable plates, spoon, fork, at plastic cups. Atsaka yung incharge sa regalo ha at games. Agahan niyo bukas kasi may Thanksgiving Mass pa. Sige yun lang naman pwede na kayong umuwi." Sabi ni Ms. Pelaes

"YEHEY!" at nagsiuwian na kami


Kinabukasan~Christmas Party

S O M E O N E ' S P O V

Maaga akong pumasok para gawin ang plano kasama siya.

Biglang nagring ang cellphone ko.

K calling...

Hindi ko na siya sinagot at pumunta na ng room. Pinihit ko ito at nakita ko na siya.

"Tumawag ka pa." sabi ko "Oh ano, okay na ba?"

"Oo." Sagot niya at lumabas na

Ilang minuto pa ang lumipas at flag ceremony na. Pumasok na kami sa classroom namin at nung nag-bell na ay lumabas na kami papunta sa simbahan na katabi lang ng school namin para sa thanksgiving mass na laging ginagawa bago mag Christmas Party taon-taon.

Nang wala ng estudyante sa school ay pumunta na siya sa classroom namin para gawin ang aking very surprising Christmas gift.

============================

Ano ang mangyayari sa Christmas Party?

Ilusyon lang ba iyon ni Claudia?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

Upcoming events⇛⇛ Christmas Party

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-24-15

©CrishaneAen❞




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top