THIRTY SIXTH

A N Y O N E ' S P O V

Maaga talaga akong pumasok para makausap si Dennis.

Nandito ako sa bench nakatambay. Ito ang tambayan namin.

Nakita ko si Dennis na pumasok ng gate. Oh diba linaw ng mata ko kahit malayo yung gate sa kinauupuan ko nakita ko siya.

Tumayo na ako at sinundan si Dennis.

Ang bilis namang maglakad nun. Nasa tapat agad ng classroom, ako nasa court pa lang. Nang makarating ako sa classroom, paalis na siya.

"Dennis!" sigaw ko

Lumapit naman siya at nagtanong "Bakit?"

"Pwede ba kitang maka-usap?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa nalalaman mo kung sino talaga ang killer."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong kakampi ka niya."

Natahimik siya. So tama ngang kakampi siya.

"Paano mo nalaman?"

At kinuwento ko ang dapat niyang malaman pero tiniyak kong walang ibang makakarinig. Siniguro ko rin na malaman ang dapat kong malaman.

Ngayon kakampi ko na siya. Kakampi namin siya. At naghahanap na lang kami ng tamang tiyempo kung paano namin siya mahuhuli.

A N N A ' S P O V

Recess ngayon at sabay kaming naglalakad sa hallway ni Lyanna habang uminom ng Milo na binili namin sa canteen.

"Yanna, alam mo? Sa tingin ko yung sinasabing Lyn ay si Nicolyn. Hindi ako, hindi si Criztelyn, hindi si Lyn." Sabi ko

Humigop muna siya sa straw bago sumagot "Ewan ko. Hindi ko alam. Basta promise mo hindi ikaw yun ah."

"Oo naman hindi ako. Bakit, pinagdududahan mo ba ako?"

"Sorry ahh pero oo pinagdududahan kita."

"Bakit naman? Diba magkaibigan tayo? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"

Hindi na siya sumagot bagkus ay niyakap ako at paulit-ulit na nang hingi ng paumanhin.

Bakit ganoon? Kung sino pa yung kaibigan mo siya pa ang hindi naniniwala sayo?

Pwede nga ring siya ang tinutukoy na Lyn. Baka kasi ang ibig sabihin ng clue na yun ay may letter L, Y, at N sa pangalan at hindi may Lyn sa pangalan.

Kumalas na siya ng yakap "Sorry talaga. Pero tingin ko tama ka na si Nicolyn ang tinutukoy. Kasi diba sabi related sa past ang lahat. Baka naghihiganti si Nicolyn sa kapatid niya." Sabi niya at humigop ulit ng Milo bago muling nagsalita "At baka may kakampi siya rito?"

Hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa kinikilos niya. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay kasama ko siya tas pinagdududahan niya ako. Wala talagang dapat pagkatiwalaan.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa CR at siya namang paglabas nina Madison at Rhian. Hindi malayong pinagdududahan rin nila ako.

"Oh guys tara na." sabi ni Rhian at naglakad ulit kami pabalik

"Lapit na graduation noh." Sabi ni Madison

"Oo nga eh. Tas dalawa na ang nawala sa klase natin." Lyanna "Pero bakit ganoon? Sa class records, o attendance basta kahit saan ay nakalagay parin ang pangalan ni Miggy. Si Sean lang ang natanggal."

"Siguro dahil si Sean lang ang na-kick out sa atin." Rhian

"Pero si Miggy.. Nevermind." Madison

Nagkwentuhan pa sila pero ako tahimik lang na sumasabay sa kanila.

--

N I C O L Y N ' S P O V

"Huy ano nanaman ang plano mo?" tanong ko pagkapasok ko ng kwarto niya tsaka umupo sa gilid ng kama niya

"Basta. Malapit na graduation diba? May gagawin tayong pasabog." Sabi niya

"Pasabog as in bomba?" ano nanaman kasi binabalak nito, nakakatakot eh

Ngumiti lang siya.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya

"Basta malalaman mo rin at syempre tutulungan niyo ako."

Isasara ko na sana yung pinto ng kwarto niya pero sumilip ako ulit at "Niyo?" ibig sabihin marami kami

"Oo. Sige na lumabas ka na."

--

D R A C E ' S P O V

Araw ng exam ngayon at heto ako. Hirap na hirap sa exam. Kasalukuyan kaming nag-e-exam. Grabe talaga hirap. Buti na lang last day na ng exam.

After 3 freaking hours natapos din ang exam at makakauwi na sana kaso..

"Grade 6, wag muna kayong umuwi. May sasabihin lang daw ang adviser niyo." Sabi ng proctor namin sa exam at lumabas na ng room

Ano nanaman yan?

Bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan.

Makakapagpahinga ako ng kahit 2 araw kasi sa Monday may pasok kami ulit. Mag-pa-practice sa graduation.

Maya-maya lang ay pumasok na si Ms. Pelaes "Class, sino may gawa nito?" tanong ni Ms. habang pinapakita ang isang notebook na sira sira

"Kay Darlain ito. Akala ko ba tinigilan niyo na siya i-bully. Hindi tayo uuwi hanggang walang umaamin." Sabi ni Ms. Pelaes

Naman oh! Sino ba kasi?

Katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwartong ito. Sa tingin ko yung killer to eh.

Wala na namang nambubully kay Darlain. Malay mo siya killer tas patayin pa kami diba. Sinasak niya nga ako eh. Tsaka wala na kaming pake sa kanya.

"Wala pa ring umaamin. Uulitin ko, sino may gawa nito?" Ms. Pelaes "Pag walang umamin di kayo gra-graduate."

Nagkakatinginan kaming lahat na tila sinasabing umamin ka na.

S O M E O N E ' S P O V

Tama kayo ng iniisip na ako may gawa niyan.

Nakakatuwa lang silang tingnan.

'Umamin na nga kayo.'

'Kung sino man may gawa niyan maawa ka naman.'

'Lahat kami naghihirap dahil sa di mo pagamin.'

Mga reaksiyon nila. Yung iba umiiyak na.

Awa? Bakit naramdaman niyo ba yan nang patayin niyo ang kapatid ko?

Nagkatinginan kami ni Dennis na para bang pinagdududahan na ako ang gumawa which is true. Nginitian ko lang siya at agad ding binawi. Baka kasi may makahalata pa.

? ? ? ' S P O V

Parang alam ko na kung sino may gawa nito eh.

Tiningnan ko siya at nakitang nakangiti ito kay.. Dennis??

May kinalaman dito si Dennis?

Tumahimik na lang ako.

Maya-maya ay may kumatok sa front door. Pinagbuksan ito ni Ms. Pelaes. Nag-usap sila kaso di namin dinig at maya-maya ay "Sige na class umuwi na kayo. Kung sino man ang gumawa nun ay lumapit na lang sa akin ng tayo lang dalawa ang mag-uusap at tatanungin kita kung bakit. Umuwi na kayo at may aasikasuhin pa ako." Sabi ni Ms. Pelaes at lumabas na

============================

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-26-16

©CrishaneAen❞


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top