THIRTIETH
S O M E O N E ' S P O V
"Nakita mo talaga yung kapatid mo?" tanong ko kay Marjorie
Nandito na kami sa bahay. Kanina pa siya iyak nang iyak. Kinuwento niya sa akin yung tungkol kay Anna at Lyanna na inambush interview daw siya tas nakita daw niya yung sisteret niya na si Nicolette tas kaklase ko daw.
"Sure ka bang kaklase ko yun?" tanong ko ulit
"O-oo. **singhot** K-kasi nung **singhot** lumabas ako ng gate nakita kong **singhot** si Lyanna at Anna na lumapit sakanya." Sagot niya
"Lumapit lang sina Lyanna at Anna sa kanya kaklase ko agad?" tanong ko
"Ewan. **singhot** Patingin nga ng picture ng mga kaklase mo. Tas sasabihin ko kung yun yung kapatid ko." Utos niya sa akin
Nilabas ko yung phone ko at isa-isang sinearch yung fb nila.
"Oo siya nga!" Sabi niya sa isa kong kaklase
"Seryoso siya yun?" tanong ko
"Oo!" sagot niya
"Alam mo bang.." pabitin kong sabi
"Ano?"
"Siya yung dahilan kung bakit namatay si Eric!?"
"A-ano? Siya yun? Grabe. Hindi pa rin siya nagbabago." At umiyak siya ulit. Napakaiyakin talaga nito. "G-ganyan siya **singhot** nung bata pa kami. **singhot** Kaya ako napunta sa ampunan. **singhot** Alam kong napunta din siya sa ampunan pero di ko alam kung saan yun. Iyan na pala ang bago niyang pangalan."
"S-siya ang **singhot** dahilan kung b-bakit namatay ang **singhot** mga magulang namin. S-siya **singhot** rin ang dahilan kung bakit ako **singhot** napunta sa ampunan. WAAAAAAAAAHHH!!!" dagdag niya pa at tuluyang nang humagulgol
"Shhh. Tahan na." pagpapatahan ko siya kanya. Alam kong malalim ang galit niya sa kapatid niya. "Wag kang mag-alala. Gaganti tayo. Magbabayad siya. Magbabayad sila."
Kinabukasan
L Y N ' S P O V
Nandito kami sa classroom. Syempre naka-upo sa floor na naka-form ng circle at nakalagay ang phone ni Natalie sa gitna ng bilog.
"Hindi na ata mag-te-text yun." Sabi ni Rhian
Inaantay kasi namin yung killer na mag-text.
"Baka naubusan ng load." Biro ni Sean
"Alam niyo guys mag-party na lang tayo." Lahat sila Napatingin sa akin pagkatapos ko mag-salita "Natalie mag-pa-tugtug ka na lang sa phone mo. Tutal wala naman tayong teacher. Absent yung first period teacher natin and sure wala mag-sa-sub. Kaya patugtog na lang tayo. Party party. Nagdala ako ng speaker." Sabi ko at nilabas yung speaker ko sa bag
"Tama si Lyn. Eto oh. Dinala ko rin phone ko. Mag-picture or video tayo tas yung phone ni Natalie pang sound trip." Sabi ni Rhian at nilabas phone niya
"Game!!"
At nagpatugtog na kami. Party be like.
"Guys you think tama yang ginagawa niyo? Itigil na to!" utos ni Dennis
"Bawal KJ! Gusto namin to! Majority wins!" sabi ko na sinangayunan nila
"Bawal ang KJ! Bawal ang KJ! Bawal ang KJ!" cheer namin kay Dennis. Umupo na lang siya sa upuan niya at walang nagawa
Pinatay pa nila yung ilaw para daw party talaga. Malakas yung music. Tas yung phone ni Rhian na kila Hansel.
"Tingnan niyo ang mga mukha ng kaklase namin. Sino jan ang killer?" sabi ni Hansel sa phone at isa-isang nilalapitan ang mga kaklase namin para i-video yung mukha.
Biglang tumigil ang music. Chineck ni Natalie phone niya.
"Guys nag-text yung killer. Sabi enjoy daw." Sabi ni Natalie
"Edi mag-enjoy tayo!!!" ako at nagparty party ulit kami
Natigil yung kasiyahan namin nang biglang may kumatok
'Omy anong oras na ba?'
'Buksan niyo ilaw'
'Patayin niyo na yung music'
'Buksan niyo pinto'
'May teacher?'
'Ayusin niyo yung upuan'
At kung ano-ano pang side comments.
Binuksan ni Philip ang pinto at bata lang pala yung kumakatok. Siguro nasa grade2-3 yung babae.
"Excuse po kay Ate Lyn." Sabi nung bata
What? Ako daw? Hindi ko nga siya kilala eh.
"Lyn tawag ka." Sabi sa akin ni Philip
"Ah ako tawag niya. Kapatid ko yan." Sabi ni Criztelyn at lumabas
Pumasok na ulit si Criztelyn at may kinuha sa bag. Yung bata nasa may pinto pa rin.
"Criz, bakit Lyn tawag sayo?" tanong ko
"Duh. Syempre CrizteLYN!" sigaw ni Rhian sa akin at pinagkadiinan pa yung Lyn
"Di Wow." Sagot ko
Lumabas na ulit si Criztelyn at may inabot sa bata.
C R I Z T E L Y N ' S P O V
"Oh ayan na yung crayons ko ha. Isoli mo yan. Sa susunod magdala ka ng crayon ha?" sabi ko sa kapatid ko. Inexcuse ako para manghiram ng ballpen
"Opo." At tumakbo na
Papasok na sana ulit ako ng may mapansin akong box sa labas sa gilid ng pinto namin.
For Grade 6
Nakasulat sa ibabaw ng box. Kinuha ko ito at pagpasok ay pinakita ko sa mga classmates ko.
Nilagay ko ito sa ibabaw ng teacher's table at bahala na sila dun. Umupo na ako sa upuan ko.
Pinaupo kami ni Dennis. Nasa teacher's table siya. May kinuha siyang papel sa loob ng box at binasa niya ito. "Hello classmates. Nanghihingi kayo ng clue, right? So ito may clue ako sa inyo about me or us?"
May nilabas si Dennis sa box na lollipop na may naka-sulat na 1st at pinatong sa table. Sunod ay Yo-yo na may naka-sulat sa 2nd tapos notebook na may 3rd.
May kinuha siya ulit na papel at binasa "Clue: First. Nevermind the numbers in the lollipop, yo-yo, and notebook. Pagkakasunod-sunod lang yan. Dapat in-order.Goodluck."
"Ano ba yan? Di pa nga na-so-solve yung unang clue niya tas eto nanaman." Reklamo ni Anna
"Wag na nga kayong mag-reklamo." Dennis
Lumapit si Rhian sa table. "Lollipop, yo-yo, notebook. Clue: First." Sabi niya "Baka ibig sabihin ng clue is first letter ng bawat gamit. Una L, tas Y, tas N."
"Lyn?" Dennis
"Guys nag-text yung killer." Napatingin kami kay Natalie "Sabi niya very good daw. Nakuha daw natin yung sagot."
"Okay. Lyn. Madaming Lyn dito. Si Ashlyn, Criztelyn, at si Annalyn." Sabi ni Rhian
"What!? Ba't ako!?" Lyn
"Wala kaming sinasabing ikaw. Ba't ka guilty?" Philip
"Lyn, Anna, Criztelyn, sabihin niyo kung bakit hindi dapat kayo ang killer. Prove your answer." Sabi ni Rhian
"Nabiktima na ako." Sabi ko
"Ako rin. Nung field trip." Anna
"Nakita ko yung killer. Kami ni Marissa." Lyn
Bumuntong hininga si Rhian.
============================
Sino kina Lyn, Anna, at Criztelyn ang killer?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
01-01-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top