SIXTH picture

Grade 6 September 2014

C R I Z T E L Y N ' S P O V

Birthday ni Darlain ngayon. 

Pagpasok niya sa classroom namin, binully siya kaagad.

May mga tao na classroom. Kasama ako. Pero di ako kasama sa nambubully ha. Gumagawa ako project eh.

Yung upuan niya maraming sabon, toothbrush, toothpaste na galing sa health kit ng mga classmate namin. Regalo daw sa kanya. Magsabon daw siya para mabango tska tootbrush para walang air pollution.

So yun. Bully agad. Umagang-umaga. So let the day begin.

L A U R E N C E ' S   P O V

Andito ako ngayon sa bench.

Nang bigla kong nakita si Claudia na nakauposa isa pang bench.

Tinabihan ko.

"Hi Claudia." ako

"Hello." siya

"Diba buntis ka?"

"Huh? Siraulo to."

"Bakit hindi ba?"

"Hindi. Baliw."

"Eh ba't ka sumuka?"

"Sumuka? Kelan?"

"Nung August ata. Ah oo August yun. Nung buwan ng wika. Dun sa CR."

"Ahh. Masakit kasi tiyan ko. Nasobrahan ata sa pagkain. Eh sarado clinic kaya sa CR ako nasuka. Teka, sumisilip ka sa CR ng girls?"

"Ah hindi. Nakita ko sila Sean at Drace kasi kaya nakitsismis ako. Pero teka, kung di ka buntis, ba't ka nahimatay nung first day."

"Ahh." biglang nagbago ang itsura niya, parang naging takot "Kasi nung first day. May nakita akong babae na nakaputi. Tas nung tinawag ako, edi lumingon ako kay Ms. tas paglingon ko ulit dun ay wala na yung babae. Nung lumingon ako ulit kay Ms nandun na siya sa harapan ko na duguan at nakakatakot yung mukha. Syempre natakot ako kaya sumigaw ako tsaka nahimatay. Ganon ako pagnakakakita ng mga ganon. Kaluluwa, engkanto, basta. Sa sobrang takot di kinakaya ng katawan ko. Kaya nahihimatay ako. So yun. Porket sumuka at nahimatay buntis agad. Kaloka."

"May third-eye ka?"

Tumango lang siya.

"Nakakakita ka pa rin ba ng multo?"

"Minsan. Pero di talaga kagaya nung sa classroom. Parang kinukulit niya ako, parang nanghihingi ng tulong. Hindi ko siya madalas nakikita pero nararamdaman ko siya. Parang sinusundan niya ako."

"Nakakausap ka ng multo?"

"Ayoko. Kung makita ko nga sila sinusundan na ako eh. Pano pa kaya kung kinausap ko na sila, baka mapatay na ako. Bakit ba?"

"Wala lang. Kasi natatakot din ako minsan sa classroom eh. Parang may iba. Basta may kakaiba."

Lunch                                                     

J E F F R E Y ' S   P O V

Anong oras na!? Kami na lang ang grade na nasa labas. Wala pa kaising nagpapapila na teacher. Kanina din eh. Kami nga nagpa-recess. Pano ba naman walang teacher eh. Ayaw nila sa section namin. Ilang araw ng ganto. Eh pano yung mga kaklase ko magugulo. Gaya ko. Pero mas magulo sila ha.

Ang init dito sa labas.

"Dennis di mo pa sinusundo teacher?" tanong ko kay Dennis. pinasundo namin sa kanya yung teacher

"Wala eh. Papilahin na lang natin yung mga kaklase natin."

Psh. Ano pa nga ba.

Edi pinapila.

Pag dating sa classroom, dating gawi. Laro kami, daldalan sila. Ingay dito, ingay doon. Bully nanaman, edi kay Darlain.

Pero lahat tumigil dahil sa ingay sigaw.

Sigaw na hindi namin alam kung saan galing.

Kung sino sumigaw.

"Sino yun?'

"Saan yun?"

"Baka sa labas."

"Baka sa taas."

Sabi ng iba. Tapos nun tinuloy namin ginagawa namin.

Pero may sigaw nanaman. Ngayon mas klaro kung saan galing.

Parang sa bintana. Dalawa bintana sa amin. Sa kaliwa at kanan. 

Sa kanan doon din ang ang pinto. Sa kanan malinaw ang kurtina kaya kita ang labas. Covered court ang unang makikita at doon makikita ang mga classrooms, basta yung ibang bahagi ng school.

Sa kaliwa hindi transprent ang kurtina tsaka wala ng kwarto jan. Kasi lupa at may kaunting halaman tsaka mga basura. Pumapasok lang doon ang mga janitor kung may aayusin gaya ng aircon.

Dahil nga di kita ay nasa labas nun dahil sa kurtina, walang nagtatangkang buksan ang kurtina. Yung mga nakaupo malapit dun ay umalis.

May sigaw nanaman. Mahabang sigaw na parang paiyak.

Marami nang natakot.

May nagtangkang lumabas pero na-lock nanaman kami sa loob. Ayaw bumukas ng pinto.

Biglang bumukas ang electric fan.

In-off nila pero kahit ilang pindot sa switch ayaw mamatay.

Maya-maya biglang lumapit si Claudia sa bintana kung saan namin narinig ang sigaw.

Pinigilan siya nang iba pero tumuloy lang siya.

Hinawakan niya ang kurtina tsaka humarap sa amin at nagwikang "Nandito lang siya."

[yung sa picture po.. para makita niyo yung classroom tsaka na rin yung bintanang hinawakan ni Claudia..]

Uwian                                    

D A R L A I N ' S   P O V

Magcecelebrate ako ng birthday kasama sila Criztelyn at Stacey.

Sila lang umattend. Yung ibang ininvite wala eh.

Ngayong uwian diretso kami sa McDo.

Pinahatid namin ang bag namin sa kanya-kanya naming sundo.  Yung sundo ko dinala yung cellphone ko para mag-selfie kami.

"Tara na?" tanong ko

"Wait lang CR lang ako." Stacey

Pumunta muna kami sa CR. Dun na lang kami ni Criztelyn nag-antay sa labas ng CR sa tapat ng classroom namin.

Habang nag-aantay kami kay Stacey ay nagselfie selfie kami ni Criztelyn.

Hanggang sa lumabas na si Stacey sa CR at nagselfie muna kami bago kami umalis.

Kinagabihan..                      

Nang pinopost ko na yung picture namin sa fb, parang may nakita ako sa likod namin. Picture naming tatlo nung nandun pa kami sa school sa tapat ng classroom. Parang may tao sa may pintuan. Nakaputi. Di kita ang muka.

Impossibleng may tao dun. Uwian na eh. Tsaka hindi toh edit. Di nga ako marunong mag-edit eh.

May lima pang picture na meron ding ganon. Yung una sa may kaliwa, tas sa may gitna, hanggang sa kanan. Parang naglakad. Pero nung panganim na litrato parang lumabo na ito at sa sunod na litrato ay wala na.

  Agad ko 'tong sinabi kila Stacey at Criztelyn. Hindi ko toh sinama sa mga pinost ko.  

---------------------------------------------------------------

R H I A N ' S P O V

Tumakbo ako ng tumakbo.

Di ko alam kung saan ako tutungo.

Hinahabol ako ni Eric.

Hanggang sa may naririnig ako. Hindi klaro.

Basta may naririnig lang akong umiiyak.

Napakadilim ng lugar.

Di ko alam kung nasaan ako.

Nadapa ako. Pagod na ako.

Pagdilat ko, napakaliwanag.

Nasa langit na ba ako?

May nakita akong lalaking nakaputi kaso blurred.

Si San Pedro na ba ito?

"Anak, Rhian, Anak" boses ni mommy yun ah

Medyo luminaw na ang paningin ko.

Nasa ospital ako. At yung lalaking nakaputi doktor pala.

"Ano pong ginagawa ko dito?"

----------------------------------------------------------------

Grade 6 October 2014

R H I A N ' S P O V  

Sa wakas nakapasok na rin ako sa school.

"Ano balita nung wala ako?" tanong ko kay Anna

"Syempre maingay, bully, ganon." Anna

"Yun iba naman, alam ko naman yun eh."

"Yun may nagpaparamdam parin."

Natakot ako sa sinabi niya. "Sino?"

"Ewan."

Natigil kami sa paguusap nang may mga estudyanteng nagsisitakbuhan galing  sa may court. Malapit sa classroom namin.

Lumapit sa amin si Lorreign na galing din sa kumpulan.

"Grabe nakakatakot." sabi niya

"Bakit?" sabay naming tanong ni Anna

"May nagpakamatay."

============================================

Ano ang hinihinging tulong ng multo kay Claudia?

Sino yung nagpaparamdam?

Sino yung nasa picture?

Sino nagpakamatay?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violents reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top