NINTH candy
========================
NINTH candy
Grade 6~October 2014~Flag Ceremony
C H A M I L L E ' S P O V
Maaga pa lang. Kasama ko ngayon si Criztelyn. Habang nag-a-antay kami sa flag ceremony ay nandito kami sa court naglalakad matapos namin ilagay ang bag sa labas lang ng classroom nang biglang...
"Uy Cham-Cham," Cham-Cham tawag ni Criztelyn sa akin, "tingnan mo yung bata oh." Sabay turo sa mga bata
May tatlong bata na umiiyak at yung isa nagsusuka. Nasa tapat sila ng classroom nila na ilang classroom lang ang layo sa classroom namin.
"Tara tulungan natin." Ako
Nang makalapit na kami ay tinanong ni Criztelyn sila kung anong nangyari samantalang ako naman ay tumakbo dun kay Kuyang Janitor, ang pinakabatang janitor sa school, na nakita kong dumaan sa court para buhatin yung batang nagsusuka kanina na ngayon ay nahimatay na.
[a/n: siya din si kuyang janitor na nasalubong ni Lyn last chapter]
Nandito na kami sa clinic. Natanong na rin namin sa mga bata kung anong nangyari.
Ayon sa kanila, may nakita daw silang siyam na kendi sa gilid ng bag na nakalagay sa labas ng classroom namin. Dahil nga mga bata sila, gusto nilang kainin at nagpaalam daw sila sa babaeng grade 6 daw na lumabas galing sa loob ng classroom namin at binigay naman sa kanila.
Ang pinagtataka ko ay kung sino ang nagbigay ng candy na sure naman akong kaklase namin at bakit siya pumasok sa classroom eh bawal nga pumasok sa classroom kapag wala namang klase kaya nga sa labas nga lang ng classroom namin nilagay yung bag namin eh.
At isa pang pinagtataka ko, kung food poison ba ang nangyari. Kung yun nga, ba't yung isa lang ang nagsuka?
Andame kong tanong.
**bell rings**
Bell na. Lumabas na kami ng clinic para sa flag ceremony.
------------------------------------------------------------------
A N N A ' S P O V
Nandito ao sa kwarto ko. Umabsent ako. Nilalagnat kasi ako. Pero ngayon mejo okay na ang pakiramdam ko.
Biglang may nag-text sa cellphone ko.
In-open ko ito.
Hindi nakaregister ang number niya sa cellphone ko.
09876543210: Anna
Kumunot ang noo ko.
Ako: Sino to?
09876543210: Hulaan mo
Ako: Wala akong oras para sayo
Tsaka di ako naka-unli noh. Buti nga nakareply pa ako.
09876543210: Kahit para kay Elle?
Elle?
09876543210: Oo. Gusto ko tulungan mo akong ipaghiganti ang kamatayan niya. Ipinangako ko na bago ako maghighschool, napaghigantihan ko na ang kamatayan niya.
Ako: Sino ka ba!?
Sino ba to? Tsaka paanong higanti?
09876543210: Hulaan mo nga. Kulit mo. Malapit na nga pala birthday ni Elle noh? Yung bestfriend mong crush mo.
----------------------------------------------------------
C R I Z T E L Y N ' S P O V
Uwian na namin ngayon. Kasama ko si Darlain nang biglang...
"Naiwan ko lunch box ko." Ako "Balikan ko lang sa classroom."
"Sige. Una na ako ha." Darlain
Ayun na nga. Pumasok na ako ng classroom. Buti na lang di naka-lock yung classroom. Bawal kasi pumasok sa room pag 'di class hours.
Habang hinahanap ko ang lunch box ko sa upuan ko, bigla na lang akong nakitang may parang gumalaw sa bandang likod ng classroom.
Dahan-dahan akong lumapit doon at...
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!
Bakit ka nandito!?" sabay naming tanong na pasigaw
'Di ko alam kung matatakot ako o kikiligin. Malamang alam niyo na kung sino toh.
"Nag-la-locker malamang. Ikaw?" siya
Shem. Tinatanong niya ako.
"Kinuha ko lang yung lunch box." At pinakita ko pa yung lunch box ko "Geh, labas na ako."
"Wait. Sabay na tayo." Jeffrey
Ermerghed. Sabay daw kami.
Pag-pihit ko ng doorknob ng backdoor ay ayaw bumukas.
Tinry (try) niya naman sa front door, ayaw din bumukas.
O-oh we're lock.
"Patay! Na-lock tayo." Ako
"Sirain natin yung doorknob." Siya
"Baliw." Ako "Di kaya,,, may multo?"
"Naniniwala ka dun?"
"Bakit? Hindi ba?"
"Ewan."
"Paano tayo makakalabas dito?"
"Sirain nga kasi natin yung doorknob."
"Ehh. Tayo pa magbabayad tsaka makakabawas sa grades. Take note Top 2 ako. Tsaka tingnan mo oh." Sabay turo sa bintana "Patulong na lang tayo dun sa janitor. Sure may susi yan."
Biglang nalaglag yung flower vase na galing sa altar.
Nagtinginan kami.
Kaming dalawa lang naman nandito.
"May multo nga." narinig kong bulong niya
Nakita ko sa labas na wala nang tao. Paano kami lalabas?
Nangawit ako kaya umupo muna ako sa upuan malapit sa back door. Tumabi naman siya sa akin.
"Inaantok ako." Siya
"Ako din eh." Ako
Nakita ko siyang natulog sa armchair. Natulog na lang din ako.
Baka sakaling paggising ko ay makalabas na kami dahil may mga guard at janitor na chinicheck ang mga classroom.
-------------------------------------------------------------------
S O M E O N E ' S P O V
"Sino ka-text mo?" tanong niya
"Si Anna." Sagot ko
"May load ka pala. Peram nga ng cellphone mo." sabay agaw ng cellphone ko
Di pa ako umo-oo diba?
"Ano to? Bestfriend na crush ni Anna si Elle?" siya
"Nagbabasa pa ng text eh. Oo may gusto siya sa kapatid ko."
=====================================
Sino ang nagbigay ng candy sa mga bata? Kaklase nga ba nila?
Bakit siya pumasok sa classroom nila kung sakaling grade 6 nga?
Food poison nga ba ang nangyari?
Sino ang nagtext kay Anna?
Paano makakalabas sila Jeffrey at Criztelyn sa classroom?
Bakit nalaglag yung vase? Dahil nga ba sa multo?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
10-24-15
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top