FORTY SECOND (Graduation Part III)
Do or die?
--
J E R I C ' S P O V
Pinaalis ni Madison ang mga magulang, guardians, teachers, at ibang staffs. Ayaw man nilang umalis pero hinatak niya si Jimuel na malapit lang sa stage nakaupo at tinutukan ng baril sa ulo kaya sa huli, kaming mag-ka-kaklase lang ang nandito.
Yung mga magulang, guardians, teachers, at staffs ay tinalian sa kamay at nilagyan ng busal ang bibig. Nasa stuck room sila at binabantayan ng mga alipores ni Madison.
Hanggang ngayon di pa rin nag-si-sink in sa akin ang lahat.
Napabalik na lang ako sa realidad ng sumigaw si Madison "So my dearest classmates, gusto kong maglaro tayo kung ayaw niyong mamatay."
'Nababaliw na talaga to.'
'Sira ka ba?'
'Anong klaseng laro kaya yun?'
At kung ano-ano png reaksiyon ng mga kaklase ko kabilang na ako. Sa ngayon naka-upo na si Jimuel sa upuan niya.
Ramdam sa bawat isa ang tension, takot, at kaba.
Nasa ganoon kaming situwasyon ng biglang nahimatay si Claudia at ilang segundo lang ay nangisay ito.
Lahat kami Napatingin sa kanya.
Bigla itong bumangon at nagsabing "Ate.." sabi nito kay Madison
Iba ang boses nito. Parang halo-halo. Bukod sa tunay niyang boses ay parang may boses ng lalaki na parang galing sa hukay.
Lumapit ito sa stage na kinaroroonan ni Madison.
Maraming natakot. Kabilang na ako. Sinasaniban ba siya?
"Ate ako to. Si Eric." Ganun pa rin ang kanyang boses
Tumpak! Sinasaniban nga ito.
"Anong sinasabi mo jan? Patay na ang kapatid ko! Hindi mo siya kilala! Hindi!" sabi ni Madison na parang nababaliw habang umaatras samantalang papalapit si Claudia
"Ate, totoo ang sinasabi ni Rhian na hindi niya kasalanan ang dahilan ng pagkamatay ko. Nabaksakan ako ng mga supplies doon dahil nga ginagawa pa lang ang classroom niyo noon kaya maraming kagamitan na naging sanhi ng pagkamatay ko. At dahil siya na lang ang naiwan doon, pinagbintangan mo siya." Claudia at lumalapit parin kay Madison
"Hindi! Hindi!" napaupo si Madison at tinatakpan ng kamay niya ang mga tenga
"Gusto ko rin sabihin kila Rhian at sa mga bumugbog sa akin na pinapatawad ko na rin kayo sa ginawa niyo sa akin." Claudia
Nakita ko namang napaiyak si Rhian. Gayun din si Anna.
Nginitian lang naman ito ni Claudia or should I say Eric.
Niyakap ni Claudia/Eric si Madison sabay wika "Sana mapatawad mo na din sila ate." Pagkasabi niyang nun ay tinulak ni Madison si Claudia dahilan ng pagkawala nito ng malay
"Hindi! Hindi ikaw ang kapatid ko!" sigaw muli ni Madison
Nagkaroon na muli ng malay si Claudia at para bang nahihilo. "Anong nangyari?" tanong niya. Bumalik na muli sa dati ang kanyang boses.
Tumayo siya ngunit bumagsak ulit. Tinulungan naman ito ng mga malapit sa stage nakaupo at binalik sa upuan.
"Tumahimik kayo kung ayaw niyong mamatay!" sigaw ni Madison na agad nakapagpatahimik sa amin "Good. Madali naman pala kayong kausap."
Palakad-lakad lang siya sa stage habang nagsasalita "Okay, maglalaro tayo ng hide and seek. Pero lagyan natin ng konting twists. Alam ko namang marami sa inyo ang mahilig maglaro, diba? So ganto ang mechanics, madali lang. Ang mahanap ko patay. Game?" walang sumasagot sa amin
"Sumagot kayo!" wika niya at pinutok ang baril na hawak niya ngunit sa stage lang ito nakatutok kaya makikita na may butas na ito "Sabagay. Sa ayaw at sa gusto niyo gagawin niyo. Do or die ang rule."
"So pag bilang ko ng sampu nakatago na kayo. One.." pagsisimula niya ng bilang
"Ang daya mo. Ba't ka nakadilat? Edi nalaman mo kung saan kami magtatago." sigaw ko
Pero balewala lang sa kanya at tinaas ang kamay kung saan hawak niya ang baril at diretso lang sa pagbiblang "Two..............Three.............."
Nagtakbuhan na kami at di malaman kung saan magtatago.
Umakyat ako ng hagdan.
Di ko na alam kung nasaan na yun iba.
"Seven." Narinig kong bilang niya
Nandito na ako sa second floor at kita ko ang court mula rito.
Tapos ng magbilang ang bruha at nakita kong dumeretso ito sa isang building kung saan nandun ang faculty.
Di ko alam kung saan ako pupunta.
May nakita ako sa classroom na nasa likod ko lang na parang gumalaw at nakita ko sina Rudolf, Anna, Lyanna, at Lyn.
Paglingon ko ulit sa baba ay nakita kong nakatingin sa akin si Madison at papunta na siya sa isang hagdan.
Agad kong binuksan ang pinto ng classroom kung saan naroroon ang iba kong kaklase at binalaan ito.
Sumunod naman ito sa akin at dumeretso kami sa third floor at pumasok sa science lab. Doon marami kaming makikitang panlabana at pang protekta.
Pagpasok namin ay nakita namin sina Drace, Michael, at Sean na naghahanap din ng pangprotekta sa sarili.
Ayos to. Mas marami kami, mas maraming manlalaban sa kanya.
C R I Z T E L Y N ' S P O V
"Bilisan mong tumakbo Darlain." Sigaw ko sa kanya
Pareho kaming tumatakbo dahil nasa likod lang namin si Madison.
Paano ba naman kasi kanina, prente lang kaming naglalakad at naghahanap ng matataguang classrooms o offices basta pinto kaso naka-lock nang bigla na lang nag-teleport este pumanik ng hagdan at nakita agad kami. Hindi naman ito tumatakbo.
"Ayun. Dun tayo sa library." Turo ni Darlain dahil nakita namin itong bukas at may ilaw sa loob
"Shh. Wag kang maingay. Edi nalaman na ni Madison kung saan tayo magtatago." Suway ko
At dumeretso na kami sa library. Doon nakita namin sina Cheerie at Jimuel.
H A N S E L ' S P O V
Nandito kami sa chapel natatago. Kasama ko sina Jeffrey, Moris at Nathan.
"Uy sila Criztelyn oh." Turo ko sa labas
See through kasi ang wall dito sa chapel.
"Tara sundan natin." Sabi ni Moris
"Mas marami tayong magtutulungan." Nathan
Lumabas na kami at sinundan sila papuntang chapel. Nakita din namin sina Cheerie at Jimuel sa loob.
Lumingon ako at psh. Nandun si Madison.
"Uy bilis bilis." Tinulak ko na sila papasok ng library dahil papalapit na si Madison at nasa labas pa ako.
Narinig ko ang putok ng baril pero sa sahig niya lang ito tinama.
Nakapasok na kaming lahat at nagkanya kanyang tago nang biglang pumasok si Madison.
Naiwan kami nina Criztelyn, Cheerie, at Jeffrey na hindi pa nakakatago.
"Tago, tago pa kayo jan. Tingnan niyo oh. May bomba." Sabi ni Madison sabay turo sa librarian desk na may nakapatong na bomba.
Itinapat niya ang kanyang baril sa bomba at sinabing "Bye-bye."
Pinikit ko na lang ang aking mga mata at narinig ko na lang ang putok ng baril.
C L A U D I A ' S P O V
Nandito ako nagtatago sa likod ng mga bushes sa garden. Nakita ko rin sina Natalie at Marissa na nagtago pero malayo sila sa akin.
Natatakot ako. Gusto kong lapitan sina Natalie para may kasama. Narinig ko ang mga putok ng baril dahilan kung bakit napaiyak lalo ako.
Maya-maya pa'y nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Si Dennis ito.
Nagtago siya sa tabi ko at sinabing "Kailangan nating iligtas ang mga teachers tsaka yung mga magulang natin."
"Paano?" tanong ko
"Maghanap muna tayo ng pwedeng pananggol natin sa ating sarili kung sakali. Dahil nandito tayo sa garden, maghanap tayo ng mga bato o sanga ng mga puno." At yun na nga ang ginawa namin
Dahan dahan rin kaming pumunta kila Marissa na nasa kabilang dulo ng garden at naghanap ng mga pwedeng panangga namin sa sarili.
============================
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
03-12-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top