FIFTH chapter

dedicated to exotictoxic33.. she's my bestfriendtsaka nagsa-suggest din siya sa TCOA6G..

kay, continue reading⇩↓↯↡⇊⇓⇩

Grade 6            September  2014     

Recess     


D A R L A I N ' S     P O V         

"Lapit na pasko☺☺. 101 days na lang pasko na." Criztelyn

Yan nanaman siya. Jusko patigilin niyo po ang aking kaibigan sa kabaliwan niya.

"Uy lapit na pasko." sabi nya at siniko pa ako "Regalo ko ha."

"Di ko mabibili yun." yung crush nya tinutukoy niyang regalo

"Basta yun. Matatanggap ko din yun." Criztelyn "Ay wait lang. Naiwan ko tumbler ko  Kaya pala nauuhaw na ako. Tara punta muna tayo classroom."

"Ay nako. Naalala mo lang tumbler mo pag nauuhaw ka. Tsk tsk. Tara na nga. Magccr din ako." Ako

Kaya pumunta na kami ng classroom.

Nang nasa harap na kami g classroom..

"Geh cr lang ako ha. Malapit lang naman CR eh. Puntahan mo na lang ako ah." Ako

"Sige bye Darlain."

At pumunta na ako ng CR.

Pumasok na ako sa isang cubicle.

Habang umiihi ay may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. Alam kong para sa akin yun kasi nakikita ko ang anino niya sa may paanan ng cubicle. Hayysss. Criztelyn talaga.

"Hoy Criztelyn wag mo nga akong pagtripan."

Pero kumatok lang siya ulit.

"Hoy ano ba!?"

*katok*

"Ang kulit naman tong Jeffrey na toh oh." Jeffrey yung crush niya

*katok*

"Isa! Di ka titigil!?"

*katok*

"Humanda ka sakin."

*katok*

Ayaw talaga tumigil.

Nagayos na ako at nagflush tsaka bunuksan ang pinto.

"ANO BA--"

Napatigil ako dahil wala si Criztelyn don. Walang katao-tao.

"Criztelyn?"

May narinig nanaman akong katok.

Pero this time sa parang mula sa mismong pinto ng CR.

Tumakbo na ako at binuksan ang pintuan ng CR.

Kaso naka-lock.

"Criztelyn hindi magandang biro to ah."

Kumakatok na ako at pinupukpok ang pinto. Nagsisisigaw na rin ako.

"TULONG!!!"

Pinukpok ko ng pinukpok yung pinto pero ayaw bumukas.

Tulo pa rin ng tulo yung luha ko.

Pumunta ako sa may gilid ng lababo kung saan may mop. Gagamitin ko pang bukas ng pinto.

Pag punta ko sa may lababo agad kong kinuha yung mop tas napatingin ako sa salamin sa may lababo. May nakita ako sa likod na likod ng CR na may nakatayo tas nakaputi. Pag talikod ko...

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"

--

C R I Z T E L Y N ' S     P O V        

"Geh cr lang ako ha. Malapit lang naman CR eh. Puntahan mo na lang ako ah." Darlain

"Sige bye Darlain." Ako

At pumasok na ako sa classroom.

Pumunta ako sa upuan ko at hinanap yung tumbler ko sa bag. Bigla akong may narinig na.

Pssstt....

Natakot ako pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Nang may biglang  pumasok sa pinto.

Si Madison lang pala.

"Hello. Ano ginagawa mo dito? Bawal pumasok pagrecess ah." siya

"Eh pumasok ka din ah. Nga pala musta na si Rhian?" ako

Natagpuan daw kasi si Rhian na nakahiga sa CR at walang malay. Comatose daw. Magdadalawang linggo na.

"Ayun. Di pa nagigising."

"Ahh. Sige alis na ako ha."

"San ka pupunta?"

"Sa CR."

"Sige sabay na tayo. Wait lang kukunin ko lang yung wallet ko."

"Ok."

Inayos ko na rin yung bag ko.

"Criztelyn."

"Bakit?" sabay namin tanong

"Huh? Anong bakit?" sabi ni Madison

"Tinawag mo ako eh."

"Ha?? Eh ikaw nga tumatawag sa akin eh."

"Huh?"

Maya-maya ay biglang sumara ang pinto ng pagkalakas lakas at may tumawag sa pangalan namin.

Agad kaming tumakbo palabas at pumunta na sa CR.

Pagbukas namin ng CR, laking gulat namin sa nakita namin.

Si Darlain na nakahandusay sa sahig na walang malay.

--


Lunch time     


D E N N I S '     P O V         


Papunta akong CR. Nang madaanan ko sa classroom namin.

Nakabukas ang pinto pati na rin ang aircon at electric fan.

"Ano bayan!? "

Chineck ko to kanina. Di ko lang sigurado kung ni-lock ko. May pumasok nanaman siguro. Ako mapapagalitan pag may nawalan nanaman ng gamit. Ako president eh.

Pumasok na ako ng classroom.

Pinatay ko electric fan.

Pumatong ako sa upuan para mapatay ko ang aircon.

Pagbaba ko ng upuan napatingin ako sa pinto.

Ba't nakasara? Di ko naman to sinara ah.

Lumapit na ako sa pinto.

Pag lapit ko biglang bumukas ang electric fan.

"Sira ba ang switch?"

Pinatay ko ang electric fan. Malapit lang naman kasi ang switch sa pinto eh.

Pag hawak ng doorknob biglang bumukas ang ilaw.

Dito na ako natakot.

Pinatay ko ang ilaw.

Pagpihit ko ng doorknob bigla namang bumukas ang aircon.

Pinatay ko na ang aircon.

Tumakbo na ako papuntang pinto at pagpihit ko ng doorknob biglang may narinig ako umiiyak.

Binalewala ko iyon at diretso palabas.

Kaso ayaw bumukas.

Kumatok ako.

"Tulungan mo ko."

Kinilabutan ako sa tinig na parang nagmumula sa likod ko.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sino yung nagmumulto?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violents reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

©CrishaneAen❞


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top