FIFTEENTH (Retreat Part IV)

"Sige mag-picture muna kayo. Alam ko namang gustong gusto niyo ito eh." sabi ng kanilang adviser na agad namang ikinatuwa ng mga estudyante "May mabibili din kayong souvenirs jan."  

Matapos iyon sabihin ng kanilang adviser ay...

"Miggy samahan mo nga ako sa dining area." Philip "Naiwan ko yung jacket ko sa table natin."

"Sige." Miggy

At pumunta na nga ang dalawa.

Pagpanik nila ay naghanap na sila. Nang makita ni Philip ang kanyang jacket ay bumaba na ito. Ang akala ni Philip ay kasunod niya si Miggy.

Si Miggy ay susunod na sana kaso natanggal ang shoe lace niya kaya inayos niya muna ito at hinayaang mauna si Philip.

"Oo okay na... Oo nakita ko na.. Bahala ka na diyan... Nasa akin na nga ang baril"

Napatigil si Miggy nang marinig ang salitang baril.

May tao sa dulo sa may hagdan na may kausap sa phone. Nakatalikod ito sa kanya.

Pamilyar ito kaya tinawag niya ito sa pangalan niya.

Natigilan naman siya at lumingon. Nagulat kay Miggy.

"Kanina ka pa diyan?" tanong nito

"Ahh--" Hindi alam ni Miggy ang sasabihin dahil nakita niya itong may hawak na baril "A-anong g-gaga-win mo diyan?"

"Ah eto ba?" Dahan-dahan nitong iniangat ang baril at hindi nagdalawang isip na i-putok kay Miggy.

Agad na nakailag si Miggy kaya imbes na sa ulo ay sa braso siya natamaan. Tumakbo si Miggy. Habang tumatakbo ay tulo nang tulo ang kanyang dugo. Malayo pa ang isang hagdan dahil kung sa malapit na hagdan si Miggy bababa ay nandun siya na nakatayo.

Pinutok niya ulit ang baril sa binti ni Miggy para di na makatakbo.

At ayun na nga. Nadapa si Miggy.

Nilapag niya ang baril at tumakbo para di siya mahuli.

Samantala..

"Miggy?" nang mapansin ni Philip na wala si Miggy at kinabahan nang marinig ang putok ng baril "Wag naman sana."

Tumakbo siya sa hagdan kasama ang ibang kaklase.

Ayun na nga. Hindi nagkamali si Philip. Si Miggy nga ang nabaril/binaril.

"Anong nangyayari dit-- Oh Diyos ko!!" Ms. Pelaes nang makita si Miggy na walang malay

Ang dalawang guro kapwa may ginagawa. Ang kanilang adviser ay kasama si Miggy sa clinic samantala si Ms. Castro ay tumatawag na sa ambulansya.

Ang kanilang section ay naka-upo sa sahig. Nakapaikot sila sa isa't isa.

"May baril oh." Sabi ni Hansel at tinuturo ang baril sa bandang dulo

"Wag niyong kunin baka may finger prints yan ng bumaril kay Miggy." Sabi ni Rhian "Sabihin na lang natin yan pagdumating na sila."

"Sino naman kaya ang may gawa nito?" Dennis

Katahimikan ang bumalot sa kanila.

"Sino ba ang huling nakasama ni Miggy?" pambabasag ni Natalie sa katahimikan

"A-ako." Philip. Kinuwento ni Philip ang nangyari.

"Di mo manlang napansin na di mo na siya kasama." Anna "Sino ba ang wala nang mangyari iyon?"

"Magkakasama kami ni Natalie, Lorreign, Marissa, Julie, Beatriz at Lyn." Sabi ni Andrei

"Ako papasok na ako ng CR nang marinig ko yun. Nagkasalubong pa nga kami nila Anna." Madison

"Oo tama. Nasa CR kami ni Rhian. Palabas na kami at papasok naman si Madison." Anna

"Papasok na rin ako ng CR nun kaso nagtakbuhan na kaya tumakbo na lang din ako." Lyanna

"Kami magkasama lang ni Criztelyn." Darlain

"Bumibili kami ng souvenir nila Rudolf, Jeffrey, Jeric, at Dennis." Hansel

"Kami din nila Claudia, Chamille, at Cheerie bumibili." Stacey

"Bumibili din kami ni Nathan." Moris

"Magkasama kami ni Sean." Drace

"Naglalaro kami nila Jimuel, Mark, Laurence, at Lanz." Marion

"Oo nga malapit na nga ako sa finish line eh." Mark

"Tsk. Ngayon, pagkatapos natin kumain, bago nangyari yun, ano ginagawa niyo?" Dennis

"Alam niyo kung nasan ako." Philip

"Magkakasama kami ni Rhian, Madison, at Anna. Tas si Rhian at Anna mag-si-CR daw. Tas sumunod si Madison. Susunod na nga rin ako eh." Lyanna

"Nagpi-picture picture lang kami at bumubili ng souvenir." Natalie

"Ganun din kami." Stacey

"Pati kami ni Criztelyn." Darlain

"Kami din ah." Hansel

"Basta may sarili kaming mundo ni Drace." Sean

"Naglalaro lang kami." Lanz

"Yung iba??" Dennis

"Magkakasama nga kami ni..." at sinabi nila ang kanilang kasama nung mga oras na iyon

"Wala na ba kayong nakitang kakaiba sa mga kilos ng iba nating kaklase. Simula kahapon?" Dennis

Kanya-kanyang bulungan.

"Ano bayan!? Dati sa classroom may nagpaparamdam tas ngayon patayan!?" Beatriz

"Sasabihin ba natin yung nakita nating ballpen na may alam mo na?" tanong ni Darlain kay Criztelyn

"Wag muna. Baka saksakin tayo ng kung sino man ang gumawa nun kay Miggy." Criztelyn

Sinangayunan naman ito ni Darlain.

"Claudia diba may nakita ka kagabi?" tanong ni Stacey kay Claudia

Tumango naman ito.

"Ba't di mo sabihin?" Cheerie

"Di pwede. Malay mo barilin din tayo or worst.... patayin." Claudia

Sumangayon naman ang kanyang mga kaibigan.

Muli, katahimikan ang bumalot sa kanila.

"Wala tayong dapat pagkatiwalaan dito. Lahat tayo suspects. Kung sino man gumawa nun kay Miggy, ang bata bata pa lang killer na." Lyanna

"Hindi mamamatay si Miggy!!" galit na sigaw ni Philip

Sinisisi kasi ni Philip ang kanyang sarili sa nangyari kay Miggy dahil siya ang huling nakasama nito.

============================

Sino nga ba ang bumaril kay Miggy?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-06-15

©CrishaneAen❞




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top