Chapter 8: Betrayal
Zaras's P. O. V.
"SIGURADO ka ba sa sinasabi mo?"
Taimtim kong pinagmasdan ang isa sa mga kawal sa Centro.
"Yun lamang po ang narinig ko."
Bumuntong hininga ako. Wala nang makakapigil sa lahat. There's no end to this nor a way to prevent it.
"Siguraduhin mo na naaayon ang lahat sa plano. Hindi pwedeng malaman ito ni Hira."
Tumango siya at yumuko bilang paggalang.
"Masusunod po...."
Pinagmasdan ko siyang maglaho at mawala sa paningin ko. He's my only reliable spy inside the Organization of Agios, the organization of 'holy' people, it's the organization where Centro belongs.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa silid na kinasasadlakan ko. Pagtingin ko, ay nakita ko si Hira, nakahalukipkip sa may hamba ng pintuan.
"Guni-guni ko lang ba ang narinig ko na parang may kausap ka?"
Titignan ko sana siya ng masama pero naisip kong asarin siya.
"You're worrying over nothing, mind your own ass."
Her brows twitches because of anger, She gestured her hands and I saw a fire that was about to encircle me, but with one gesture and movements of my hand, all of it vanished. The shock was visible on her face when I already cornered her on the wall and now tightly holding her hands.
"Stop provoking me and dragging me into hell. Sa oras na mahanap na ang itinakda, maghihiwalay na tayo, baka nakakalimutan mo iyon, Hira. "
Kita ko ang pagbilis ng paghinga niya, at ramdam ko ang pangangatog niya.
"Bitawan mo ako Zaras," may diin ang boses niya, pero hindi ko magawang matinag.
"You and your father was getting on my nerves. Walang kinalaman ang batang Menoa sa nangyari sa nakaraan. Itigil niyo na ang plano niyo." Kita ko ang galit nat sakit na dumaan sa mata niya. Umamo ang mukha ko, at pinakawalan ang kamay niya.
Pero, para akong naestatwa nang makita ko ang paglandas ng luha sa mata niya.
"The sin of her father is unforgivable....."
I smirked. She's been living in hell hole and I really don't care. It's her choice. But I can't turn blind eyes anymore, not when she's destroying the lives of innocent.
Tinitigan ko ang mata niya nang may pagbabanta.
"Xarious never made a sin... Hindi niya kasalanan na natali ka sa kultura ng pamilya mo. Hindi niya kasalanan na hindi ka niya minsan minahal."
For 15 years. We've been married for fitteen years. Yet, she can't still step forward.
"I was chosen to be your partner, and he isn't, but that doesn't mean you have a right to blame me."
"And if you really love him until now, why? Why are you so eager to hurt his daughter?"
I shut my mouth intently. The ties between me and her is slowly fading through time. I can't stop her. No one can stop her now, but I can't let her do everything she wants.
"Stop meddling Zaras. Stop getting in my way. That's my only favor until we get our chance to cut our ties...."
Ngumisi ako at pinagpag ang coat ko saka siya nilagpasan.
"I have no obligation to fulfill the favors you want."
Matiim niya akong tinitignan at may bahid ng determinasyon sa mata niya pero hindi ko na siya pinansin pa.
I know what Centro's wants. They pushed the child Menoa to travel here not wanting her to have any proper training. That was their plan. To kill her helplessly.
Once Centro knew I've been helping Menoa in secrets, it also means that I'm creating a war.
It's so close to gamble...
But why I am so excited to see what will happen next?
ANG liwanag ng puting buwan sa kalangitan ay nagpapangilabot sa balahibo ko. Paglabas ko pa lamang sa isa sa mga pasilyo ay sumalubong na agad sa akin ang malamig na hangin. Napabuntong hininga ako at naglakad.
Wala sa sariling binuksan ko ang tarangkahan ng templo, sapat para makadaan ako.
Because of Hira's command, The child can't have shelter in the temple. She can only go inside whenever there's training.
Nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay di kalayuan, napatingin ako sa madalas na pwesto ng Xaria na iyon kung saan siya nagpapalipas ng gabi, nasa pinakababa iyon ng mga maraming baitang paakyat sa tarangkahan ng templo.
Nanlaki ang mata ko nang wala akong makitang bakas ng gamit o tao na natutulog.
Saan nagpunta ang batang Menoa?
Sinundan ko ang ingay na naririnig ko, nasa pinakamadilim na parte ng gubat iyon, rinig na rinig ko ang kaluskos at pagkalansing ng espada.
Sa isa sa pinakamalaking puno sa gubat ng bundok ay nakita ko siya,naglalakad at maaring pabalik sa templo...
"X-Xaria?"
Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa kanya, may mga tilamsik ng dugo ang mukha niya at may bahid ng dugo ang parehong kamay. Umaagos din sa talim ng espada niya ang pulang likido, maaring dugo rin ng kung sino o ano.
Walang buhay ang mga mata niya at iyinuko ang ulo senyales ng paggalang.
"Bakit ka nasa kalagitnaan ng gubat des oras ng gabi?" mariin at seryosong tanong ko.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa buwan. Bilog na bilog ito, ganito ring oras nagkakalat ang mga lobo. Kahit pa protektado ng mahika ng Gladious temple ang gubat na ito dahil sakop pa rin ito ng templo, lubos pa rin itong delikado.
"Pumapatay po ako ng lobo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala siyang mahika. Pero kung tama ang hinala ko....
Tinago ko ang ngisi sa loob-loob ko at nagkunwaring estrikto.
"May palatuntunan na sinusunod ang templo. Kasama dun ang oras ng kapahingahan. Paano mo yun nagawang suwayin?"
Kita ko ang kislap ng mga mata niya. She's a monster even though she doesn't have magic. She really did resemble Xarious.
"Patawarin niyo po ako sa kabastusan pero, hindi ako mabubuhay sa gubat ng mga Stygians kung paghawak lang ng espada ang gagawin ko. K-kailangan ko po---- kailangan kong maging malakas."
Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko ang mata niya, kumikislap ito at tila nakikita ko ang liwanag ng buwan sa kanyang mga mata. Bumigat ang pakiramdam ko...
I would become a good godfather to her, if I didn't broke my promise to his father.
Bumuntong hininga ako at tumango saka siya tinalikuran, pero nagsalita pa rin ako.
"Espada na may basbas lang ng mga Luna ang may kakayahan na makapatay sa Stygians. Only people with the symbol of Thánatos are the only one who can wield it. Pag nalaman ng mga tao sa templo na pumupuslit ka sa gabi para pumatay ng lobo, baka hindi ka mabigyan."
Nilingon ko ng bahagya ang mukha ko para makita ko ang reaksyon niya, may gulat at pangamba ito. Ngumisi ako.
"Itikom mo ang bibig mo na nakita kitang pumupuslit at wag kang magkakamali na magsalita," kita ko ang gulat sa mata niya. "At kung gusto mo talagang lumakas, bukas ng alas-dies ng gabi, kitain mo ako sa tarangkahan."
Mas lalong nadagdagan ang paglaki ng mata niya, hindi na ako nagsalita at tuluyan nang naglakad palayo sa kanya, pero nanlaki ang mata ko sa biglang tugon niya.
"K-kilala niyo po ba si Akhelois?"
Wala sa sariling napalingon ako sa kanya, may hawak siyang kwintas sa kamay niya, bumalik sa akin lahat ng ala-ala at lungkot. Pinilit kong hindi iyon ipahalata at muling tumalikod.
"O-oo."
Of course I knew Akhelois.... She's the only witness to all of my sins from the past.
She's the witness, when I betrayed Xarious, and steal the magic and elements of his daughter, named Xaria.
꧁༺༒༻꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top