Chapter 6: Zaras


Xaria's P. O. V.


"MAY tatlong buwan na sinasabing naglalakbay sa kalawakan...."


Nakaupo siya sa lumang upuan, the scars on his head is so visible. Despite the scary look he's carrying, the genuine smile flashed from his face.


"Paano makakapaglakbay ang buwan?"Inosente kong tanong.


"Hindi sila normal na buwan. Sila ay manlalakbay ng kalawakan. Sabi ng matatanda, dati silang mga Diyos na naisumpa dahil sa kanilang kasalanan. Nakatakda ang buhay nila na maglakbay nang maglakbay sa kawalan." Ngumiti siya at bumuntong hininga bago magpatuloy.


"Sabi nila, Ang unang buwan daw ay mas maliwanag pa sa araw, pagka't kasalanan nito ang pagkain sa isang bituin dahil sa sobrang ganid sa kapangyarihan. Ang ikalawang buwan naman ay kulay pula, dahil kasalanan daw nito ang paglaruan ang kapalaran.... At ang ikatlong buwan..."


"Ano po ang ikatlong buwan?"


"W-wala siyang liwanag na dala. Purong kulay itim siya at hindi nakikita ng ating mga mata."


"Bakit? A-ano pong kasalanan niya?"


"Wala siyang kasalanan, pero takot ang Manlilikha sa kakayahan niya, sapagka't may kakayahan siyang bumuhay ng patay, at pumatay ng nabubuhay.... Sa isang kumpas niya, kaya niyang sirain ang lahat..."




NAGISING ako sa init at liwanag ng araw. Tumingin ako sa paligid, mukhang malapit ng sumikat ang bukang-liwayway.


Nagsesepilyo na ako nang maalala ko ang panaginip ko.


Buwan? Manlalakbay? Anong kalokohan iyon?


Hapon na at ito ang ikalawang araw ng paglalakbay ko. Napatitig ako sa maraming baitang na ang tuktok ay ang templo na destinasyon ko.



"MALIGAYANG pagdating sa Templo ng pagsasanay," sambit ng babaeng may berdeng mata saktong pagdating ko sa napakalaking tarangkahan.


Humahangos ako at pawis na pawis dahil sa matinding paglalakbay.


    Iginaya ako nito papasok sa templo. Doon ko nakita ang loob. May tatlong malaking batong simbolo ito ng buwan sa pinakagitna ng para bang isang altar. Una ay kulay puti, pangalawa ay itim ngunit ang pinakamalaking buwan na nasa gitna ng dalawa ay kulay itim.


    Bigla akong napakurap kurap. Bakit parang pamilyar?


Nagpalinga-linga ako sa paligid. Andaming mga pasilyo at makalumang kabahayan na may magandang estilo, napansin ko rin sa may pinakagilid ang parang isang tipak ng nakaangat na bato na para bang nagsisilbi na battleground.


I suddenly looked at the girl with green eyes when she poked me.


"Naghihintay sa itim na pintong ito, ang napiling maggabay sa itinakda."


Napakurap-kurap ako. Napili? Itinakda?


Bumuntong hininga ako bago kumatok ng tatlong beses sa isang napakalaking pinto saka ako na mismo ang nagbukas.


"Isa lang?!"


Nagitla ako sa sigaw na bumungad sakin. Pagtingin ko sa pinanggalingan ng boses nakita ko ang babae na nakatayo habang ang mga tao sa paligid niya ay nakaindian sit at nakayuko.


"Wala na pong darating." Biglang sambit ng nasa likuran ko. Pagtingin ko, nakita kong ito ang babaeng naggabay sakin kanina na may berdeng mata.


"Anong simbolo mo?"


Biglang dumagundong sa kaba ang puso ko lalo na nang magtama ang mata namin ng babaeng sumigaw kanina. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa takot.


"T-Thanatos po...."


Parang nakagat ko ang sarili kong dila. Napatingin ako sa likuran ng babae, at dun ko nakita ang isa pang lalaki. May kulay bughaw itong mata, may matipunong mukha ito at katawan, kung iisipin ko, parang kaedaran niya ang babaeng sumisigaw kanina. Mga nasa mid 30's.


"Pamilyar ang mukha mo, ano ang buong pangalan mo?" Napalunok ako sa tanong ng lalaki. Nakakatakot siya, hindi ko maiwasang pakiramdaman ang paligid dahil ramdam kong lahat ng mata ay nakatuon sa akin.


"Xaria Lin Menoa."


Bigla akong nakaramdam ng kaba nang biglang nagbago ang hitsura ng lalaki at ng babae. Biglang may isinenyas ang lalaki sa babaeng nasa likuran ko.


"Ria, alisin mo lahat ng isasanay, maliban sa babaeng iyan."


I suddenly consumed by my confusions.


Ramdam ko ang paglisan ng iba kasama ang naggabay saking babae na tinawag niyang Ria.


Nang tatlo nalang kaming natira sa silid ay humakbang ang babae. Dumagundong ng sobra sa kaba ang puso ko.


"Ako si Hira, at ang lalaki na nasa likuran ko ay si Zaras...."


Ni hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil hindi nagbabago ang ekspresyon niya habang humahakbang. May galit sa mata nito na tingin ko, ay hinding-hindi ko maiintindihan.


"Sigurado akong sa oras na ito ay paparoon na sa courtroom ang nakakadiring kapatid at ina mo para mahusgahan ng Centro." Her voice suddenly change. There's a smirk written on her face. She's looking down on me. 


Kumunot ang noo ko, at mabilis kong pinakatitigan ang mata niya na siyang ikinagulat niya. Pakiramdam ko, nawala lahat ng takot sa akin ng marinig ko ang salita niyang 'nakakadiri'.


"Ano naman po sa'yo yon?"


     My voice is filled with warning. I can tolerate the insults for myself, but not with the people whom I wanted to protect. I'm already done with this rotten world. I'm done begging and asking for favor. Hindi na rin ako sigurado sa buhay ko kaya walang mawawala sa akin. 


Pansin kong kahit siya ay nagulat sa biglang pagbago ng tono ko.


Ngumisi siya. "Nagkamali lang ba ako ng pagdinig sa tono mo? Pero kung hindi nga...." Humakbang siya papalapit sakin, hindi ako nagpatinag at nanatiling nakatindig. "Sigurado ka ba sa paraan ng pagsasalita mo? Nainsulto ba kita? Kung may karapatan kang mainsulto, dapat kilala mo na talaga ang angkan mo,"


    Nanatili ang walang buhay kong mata sa kanya.


"I have no means to dig some secrets or things from the past that I have no control." I bit my tongue.


     It's not my fault if my blood is tainted with dirty past.


Ngumisi ang babae.


"I'm so sorry, I have no means to train someone who doesn't even know her identity."


      So this is her answer? Hindi ko alam kung paano siya maglaro, I'm not a player in the first place. If I can't become student her, then I'll find another way to beat the ass of those stygians.


"Ria!"


Napatingin ako bigla sa baritonong boses, mula ito sa lalaking matipuno at nakakatakot kanina. His voice screams for objection. 


"Ilista mo ang pangalang Xaria Lin Menoa sa magsasanay."


    Biglang napatingin dito ang babae na may galit sa mga mata. "How d---"


   The man looked at her with sharp gaze.


"We can't waste any lads who has the symbol of Thanatos, you know that Hira." Ramdam ko ang tensyon sa dalawa pero hindi ito inintindi ng lalaki, bagkus ay bumaling sa akin. "I can only give you proper training and weapons, but you can't get any benefits that other Thanatos has,"


    Yumuko ako bilang paggalang. "Salamat po."


     My guts is telling me something, but I can't ask. I need the weapon. A sword against those stygians. 


    Nang muling magtama ang mata namin ay nagulat ako sa matalim nitong tingin. "Don't get me wrong, I'm not being nice, I'll watch every moves you'll make. One wrong move, I'll bring your own demise."


    He really is terrifying. But I need to do everything to survive. I'll even become friends with demon. 


    Tumango ako bago tumalikod at naglakad papaalis. 


Saka ko naalala ang pangalan ng lalaki...


Zaras....


Siya ba ang tinutukoy ng babaeng nakilala ko sa paglalakbay na si Akhelois?



꧁༺༒༻꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top