chapter 3: Disgrace
Xaria's P. O. V.
PAGDATING ko sa room ay tumama ang mata ko kay Adri. She's scribbling something on her notebooks.
I ignore her, and just like that, an old male teacher came.
Nagkaroon ng simpleng attendance ang lalaking guro sa harapan, matapos 'non ay nilabas na niya ang wand niya.
"Today we will discuss about the history of the Katára Teíchos or known as the cursed wall."
Agad na na nanahimik ang silid at taimtim na napatitig ang lahat sa guro. Ang cursed wall na sinasabi niya ay ang pader na naghahati sa white and black sorcerers.
Kilala ang Valteroz bilang isang mundong minsan buo pero nahati dahil sa giyera tatlong daang taon na ang nakalilipas. May isang napakataas na pader na abot hanggang langit na gawa sa mahika na kahit sino ay hindi mabubuksan.
Sinasabi na ang kabilang bahagi ng mundo ay tahanan ng mga Diableries, ang kaaway ng mga Arious.
Pero bihira itong pag-usapan, takot na masumpa rin sila. Tanging ang mga éxypnos lang o may magic na may kinalaman sa utak katulad ni Sir ang may kakayahan na ilahad ang kwentong yun.
Particularly mga teacher....
"Ang gray war ay naganap noong 1775 hanggang 1777. Isa itong digmaan laban sa mga Diablerie at sa mga ninuno nating mga Arious."
Parang walang kumukurap sa silid nang magsimula siyang magkwento, lalo na nang ilabas ng aming guro ang kanyang wand at nagpakita ng mga larawan na para bang isinasayaw ng hangin.
"Bago maganap ang giyera at wala pang napakataas na pader na naghahati sa mundo, magkasamang naninirahan sa Valteroz ang mga diablerie o mga black sorcerers at ang mga Arious. Pero noon pa man, may hidwaan na ang dalawang panig. Dahil kasi sa mga Diablerie nabuhay si Haelous, ang halimaw na naninirahan sa pinakamadilim na kweba ng Styx."
"Noong 1600's nagsimula ang Zenith's offer pero hindi pa sanggol ang inaalay, kung hindi dugo lamang ng bawat isang tao sa daigdig. Kapalit nito ay ang pananahimik ng kalahating parte natin,"
"---Ang demos o ang anino natin na kontrolado din ni Haelous."
"Pero noong 1750, isinilang ang babaeng papantay sa lakas ni Haelous. Pero imbes na iyon ang magpapanumbalik sa kapayapaan, naglaban ang mga diablerie--mga nagsasamba kay Haelous, laban sa mga Arious."
"May ibang propesor na nagsasabi na isang forbidden spell ang kakakayahan ng babae na i-cast. Dahil sa kanya, nahinto ang giyera at muling nawala ang halimaw na si Haelos. Pero ang kasunduan pala ng forbidden spell na iyon, ay kamatayan. Doon nagsimula na magkaroon ng tanda na Thánatos- ang mga nakatakdang ialay, ang iba'y sanggol palang nagmamanifest na kaya mabilis itong naiaalay, pero may iba naman na sobrang rare na nag-mamanifest ang tanda sa edad na kinse sa oras na hindi sila mapili ng mga Pnévma— ang Espiritu ng bawat Elemento."
May isang nagtaas ng kamay sa silid. Napatingin dito ang guro.
"Si Haelous po, halimaw po ba talaga siya o parang kasinglakas niya rin ang mga Pnévma?"
Ngumisi ang guro naming lalaki pero kalaunan ay seryoso niyang tinignan ang lahat.
"Ang lumikha lang ang kayang makaangat ng lakas kay Haelous. Sinasabing, siya ang Diyos ng Dilim. Sinasabing, ang lakas ni Haelous ay katumbas sa lahat ng Pnévma na nagsama-sama."
Natahimik ang silid. Tanging katahimikan.
Kung ganun, ang babaeng naggawa ng Katarà Téichos, o yung cursed wall.... Gaano siya kalakas?
Biglang tumikhim ang guro sa harapan at itinago ang kanyang wand, nawala ang parang mahika na imahe na umiikot ikot sa harapan.
"Itutuloy natin ang discussion bukas. Goodbye."
Bumuntong hininga ako, wala ako sa sarili kahit nung magpaalam ang mga kaklase ko sa guro. Napatingin ako muli kay Adri, tuliro siya at wala na rin sa sarili.
"Adri..."
Napamulat siya nang malaki. Taimtim na nakatitig sakin na ikinakunot ng noo pero bigla siyang ngumiti.
Pero walang nagbago sa mukha ko. My guts is screaming and I don't know what it is.
"Umuwi na tayo?"sambit ko. Ignoring the suspicion on my head.
Napakurap-kurap siya. "O-Oo."
THERE'S something wrong with her. She's looking at me intently. She's also different from her usual self. She has no green ribbon on her hair today that I've seen almost everyday before.
"Xaria.... Ahm...."
Titingin sana ako sa kanya ngunit biglang natigil ako nang makita ko di kalayuan ang mga karwahe na papatungo kung saan. Patungo ang direksyon ng mga ito kung nasaan ang direksyon ng bahay namin.
Binilisan ko ang lakad ko, hindi pinansin si Adri at natuliro nang makumpirma ko kung anong nangyayari... Kitang-kita ko na ngayon ang bahay namin.
The Centro is here... Again.
My mind is deteriorated right now. What's their reason for appearing again? Kirio was already gone. What's the meaning of this?
I know Adri were also looking. But what surprised me when I looked at her is her eyes. It's as if she's expecting it.
What's the meaning of this?
I ignored her and look again to our house. Maraming karwahe ang nasa harap ng bahay namin.
But what's the most terrifying was this scene...
Nakita kong pilit sinilid sa loob ng karwahe si Mama at ate habang may mga kadena sa kamay!
"Xaria!"
Rinig kong sigaw ni Adri nang bigla akong tumakbo.
Pero kumabog ng todo ang dibdib ko nang makita ko ang tao na bumaba sa isa sa mga karwahe na binabantayan ng ibang Arious na nakasuot ng itim.
Adri's half brother, Argus....
"You know all of this Adri..."
Saktong paghinto ng paa ko sa panghihina ay ang paglingon ko kay Adri na ngayon ay walang emosyon ang mukha.
Malamig ang tingin na bumaling ako sa lahat. I gritted my teeth and clenched my fist as I'm forcing my tears not to fall.
"What's this all about?" Gigil at galit na galit na tanong ko.
Argus looked at me coldly.
"Alam kong alam mo ang kasunduan na nilagdaan ng magulang at ate mo sa pamilya Froilan. Kukunin ka ng Centro para ilaban sa giyera sakaling mapili ka sa kahit na anong elemento. Pero, ang simbolo mo ay Thánatos, kaya kailangan silang kunin at pagdusahan ang kasalanan nila. Magiging alipin sila ng Centro o ang malala, Agios's timoría..."
I don't know what to feel. I feel my feet shaking and the next thing I knew was I'm on my knees. Shaking and desperately holding my breath.
Agios timoría is not something anyone wouldn't know. It's the thing the Centro's doing to kill or execute.
Pagpugot ng ulo sa mga taong may malaking kasalanan.
The carriage where Mom and my sister was already running but I have no strength to stand or chase it.
Adri's eyes and mine met. There's no emotion on it. She's speaking with Argus but her eyes were on me.
Naginginig ang kamay ko at tinignan ko ang sitwasyon ko, pero bigla akong napaangat ng tingin nang may paa na nahinto sa tapat ko.
Argus was looking at me as if I'm a nuisance and dirty existence. He's literally and figuratively looking down on me.
"Mabait ang Centro at binigyan ka ng pagpipilian." Inabot ng kamay niya ang isang sobre na may sealed ng Centro. A color gold seal.
"Nasa sobre na yan ang liham nila. Pinapasabi nila sayo na kung gusto mong maibalik ang pamilya mo, pumatay ka ng stygians sa itim na gubat— bilang kapalit na rin ng buhay mo. Pero, masyadong imposible ang bagay na 'yon, ikinalulungkot ko."
He's saying something good but it's nonsense. He's mocking me with his tone.
"Kung mamatay ka sa gubat na iyon, hindi mo rin maibabalik ang pamilya mo." He looked at me again. As if he's telling me to not do anything stupid with look of disgusts on his face.
Kill a Stygians...
A monster that no one can kill.
It's as if the centro is joking with me. They're lending a rope but the rope is rottened.
I gathered all my strength. I feel numb...
I'm scared to die, but I'm scared to lost everything before I die.
I know Argus stopped. I deliberately get everyone's attention.
Even if the rope is rottened, I'll gladly cling to it just to survived.
"Argus Madeio Fuegos...." There's a shock written on his face as I fearfully called his whole name.
I am a commoner, a member of family that do taboo against this society, and now a Thánatos.
"Please deliver my message..."
I'm a disgrace and that's more reason to survive...
"Pupunta po ako sa itim na gubat. Siguraduhin niyo ng centro na pagbalik ko, madadatnan ko sa maayos na kalagayan ang pamilya ko."
I as a disgrace, will insults hypocrites behind the shadow.
꧁༺༒༻꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top