Chapter 16: Death
Xaria's P.O.V.
BAGO makita ng tao ang liwanag, nananatili muna ang lahat sa dilim.
Ngunit, ayoko sa dilim.
Paulit-ulit ko yun na sinasabi sa sarili ko 'nong bata pa ako. Pero, kahit anong daan ang piliin ko, sa huli, ang direksyon ko ay palaging patungo pa rin sa dilim.
"Xaria, tapos na!"
Inaayos ko ang mga baging at dahon saka tumango kay Mara. Kahit na sinabi ko sa kanya kanina na mabubuhay kaming dalawa, iba ang pakiramdam ko.
"The freaking monster maybe's stupid enough to lure into some stupid trap."
This is just my hypothesis. I still have hours to survive until then.
Nasa iisang puno kaming dalawa, magkaiba lang ang matibay na sanga na tinatapakan namin pareho.
I'm currently looking at the mannequin or should I say scarecrow that I've made using some tree branches, leaves and piece of cloth.
As far as I know, Stygians can only see green. They don't have capability to see everything. What makes them a monster is because of their other senses such as hearing and smelling. They are thirsty for blood.
But I myself, is thirsty for my own survival.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa ni Mara, nagsimula akong galawin ang lubid na nakakonekta dito para gumalaw galaw ito.
There's a piece of metal on this stupid scarecrow.
At sa oras na tumunog ang bakal na iyon, saka darating ang stygians, saka ako ang sasaksak sa puso nito.
"Gaano mo kagusto mabuhay Xaria?" Napalingon ako kay Mara sa biglang pagsasalita niya, nakatulala siya sa kawalan pero bigla siyang lumingon sa akin, dahilan para magtama ang mata naming dalawa.
But I hate to admit it, I'm struggling right now, the inventions I've made isn't working.
"Not now Mara, these stupid Stygians doesn't react to the moving object."
I even made the human size doll's silhouette realistic. Why?
Halos manlumo ako, pero nagtaka ako nang prenting umupo sa malaking sanga si Mara, nakangiti siya sa akin ngayon.
"Mabubuhay ka Xaria Lin Menoa, pero, bakit gusto mong mabuhay?"
Bumuntong hininga ako. Sa tsansa ko meron nalang akong natitirang anim na oras bago sumikat ang araw.
Pero dahil sa naiinis ako, iritable akong tumingin kay Mara.
"Of course I wanted to live. I wanted to have a proper burial and not to become stupid meal to this monsters."
Nagtataka na ako sa inaasta niya, inalis niya ang lubid na nakapulupot sa bewang niya. Ginawa ko ito sakaling pababa na kami at pasugod, hihilain kami muli pataas, sapat para maligtas.
The monsters is residing only on land. I've observed it.
"Anong ginagawa mo, Mara?"
Nagulat ako nang maglaslas siya sa harapan ko, tumulo nang todo ang dugo.
"The hints that said in temple were said to everyone but not to you, Xaria Lin Menoa...."
"Stygians specially react for the smell of blood."
Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang kalinsing ng bakal na meron sa manika. Kitang kita ko ang malaking usok na pabulusok sa direksyon namin.
"Mara! Anong ginawa mo!"
"Sa oras na makita ko ang mata mo, naalala ko na tao pa rin ako, kaya mamatay akong hindi duwag na pagkain, kung hindi isang matapang na tao."
Mabilis akong lumingon kay Mara sa sinabi niya. Nanlaki ng todo ang mata ko nang kwelyuhan niya ako, at isama niya ako sa pagtalon mula sa puno.
Naging matunog ang pagbagsak naming dalawa, natatakpan ng itim na usok ang mga tuyong dahon ng kagubatan, pero naramdaman ko ito nang bumagsak kami.
Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa mata niya, nakaibabaw siya sa akin at nakangisi nang kunin niya ang espada sa likuran niya.
"Oras..."
Pakiramdam ko lahat ng pagtatanong ay napunta sa akin nang bigla kong makita ang luha na nalaglag mula sa mata niya.
Huli na bago ko maintindihan ang nangyayari. May mga Stygians na nakapalibot sa amin kanina pa, hindi lang isa o dalawa, maaring nasa bilang ito ng higit sa sampu ang nag-uunahan sa nakahain sa kanila.
Namanhid ang puso ko nang paibabawan ako ni Mara at yakapin, saka ilagay sa tabi ko ang espada niya. May likido akong naramdaman na bumasa sa braso ko, nanghina ako ng bumulong siya sa akin.
"Aviose Vemedis....S-si Lolo..."
"M-Mara,"
"Masaya akong makilala ang itinakda bago mawala,"
"Gusto ka ng dilim Xaria...Matagal na silang naghihintay sa pagbabalik mo,"
Naramdaman ko ang pagkibot ng labi niya dahil nakabaon ang mukha niya sa balikat ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang pagkamanhid. Napupuno ako ng di mapangalanang emosyon, at kahit pagluha, pakiramdam ko hindi ko kayang gawin.
Nanlalaki ang mata ko at mabilis ang tibok ng puso ko pero wala akong magawa. Wala akong maintindihan sa nangyayari.
Is it possible that everything I know is just a lie?
I wish everything is just a dream...
Nawala ang nakaibabaw na katawan ni Mara, pero hindi ko maintindihan ang nangyayari, kung sinunod na ba ako ng mga stygians na kainin kaya pakiramdam ko nawalan ako ng ulirat.
Pinilit kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. Ne-hindi ko maigalaw ang daliri ko, pero unti-unti, nakaririnig na ako ng mga sigaw, hindi ko maintindihan ang lenggwahe pero para bang ang mga ito ay nagmamakaawa. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo.
Para akong nasa dilim, wala akong ibang maramdamang tama. Para akong nasa bangungot at nakakulong. Para akong nasa ilalim ng lupa.
Pero saktong pagmulat ng mata ko, doon ko namalayan, puno ako ng dugo ni Mara, pero ang nakakapagtaka.
Nakatayo na ako at may itim na usok na dumadaloy sa espada ko.
꧁༺༒༻꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top