Prologue
Important Note: This story contains many manipulative remarks. Please be aware of the triggers and stop if you need to—your peace matters.
Read Chase's point of view written by PrincessThirteen00. All of his dialogues were written by Boss J. Thank you!
—
CINNI accepted the glass of tequila given by Alper and forced herself to drink, then sucked the lemon. Halos masuka siya sa lasa, pero pinigilan niya iyon.
Ilang beses na siyang umayaw, pero mapilit ito. Ayaw rin naman niyang magmukhang kill joy sa harapan ng mga kaopisina nila.
"Isa pa." Inabot ulit ni Alper ang baso sa kaniya.
Umiling si Cinni. "Ayaw ko na," aniya at sumandal sa malambot na sofa. "Baka magsuka na ako, uuwi pa ako."
"Ihahatid naman kita, e," ani Alper at binigyan siya ng isang slice ng lemon. "Dali na kasi. Wala naman si Chase, 'di ba?"
"Wala." Yumuko si Cinni at tinanggap ang lemon bago ang baso. "Last na 'to, Alper. Ayaw ko na, ha?"
Alper looked disappointed. "Ang baduy mo naman, Cin! Valentine's Day at mag-e-enjoy tayo, okay? O, asin."
Huminga nang malalim si Cinni at tinanggap na lang ang mga ibinigay ni Alper. Bumalik naman ito sa pakikipag-usap sa ilang katrabaho nila habang humihithit ng sigarilyo, pero bumaling din sa kaniya hindi kalaunan.
"Dali na!" Bumuga si Alper ng makapal na usok habang nakatingin sa kaniya at malambing nitong hinawakan ang pisngi niya. "Sige, last na 'yan."
Yumuko si Cinni at tiningnan ang baso ng tequila. Iba na ang pakiramdam niya, pero inisip niya lang na isang baso na lang naman. Huminga siya nang malalim at akmang iinom nang hawakan ni Alper ang kamay niya.
Hinalikan nito ang kaniyang noo at binawi ang baso. "Kung ayaw mo, sa akin na lang," anito saka tipid na ngumiti bago siya muling hinalikan—sa pisngi naman sa pagkakataong iyon.
Ngumiti si Cinni, napanatag nang inumin na nito ang tequila at nagpatuloy sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasama nila.
Anim na buwan na niyang kilala si Alper dahil magkatrabaho sila. Team leader niya ito sa bagong trabahong pinasukan. Ito ang nagturo at nag-guide sa kaniya sa trabahong unang beses niyang sinubukan.
Dating nagtatrabaho si Cinni sa isang hotel, pero na-bore siya at naghanap ng iba. Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya ng BPO at nag-enjoy siya roon lalo sa parteng malaki ang kinikita niya sa sales. She was working a support, but with sales included.
Naramdaman ni Cinni ang pagpisil ni Alper sa kanang hita niya saka nakakunot ang noong ngumiti.
"Okay ka lang?" tanong nito habang nakahawak pa rin sa legs niya at hinaplos iyon. "Gusto mo na bang umuwi maya-maya? G?"
Tumango si Cinni at uminom ng tubig. Binigyan din siya ni Alper ng barbecue. Hinipan muna nito iyon bago iniabot sa kaniya.
Panay ang tingin niya sa orasan dahil parang sobrang bagal. Inilabas niya ang phone nang makita ang wallpaper. Picture nila iyon ni Chase noong seventh year anniversary nila.
"Kailan mo ba iiwanan?" Huminga nang malalim si Alper. "Tatlong buwan ka nang nagloloko sa kaniya, Cin. Kelan mo balak iwanan? Naiinip na ako."
Hindi nakasagot si Cinni sa tanong ni Alper. Bumilis ang pagkabog ng dibdib niya.
Cinni felt the guilt and all she could do was play with her fingernails.
"'Tang ina lang. Ilang beses na natin 'yang pinag-uusapan, e. Naiinip na rin naman ako, Cin," sabi ni Alper sa mahinang boses. "Gusto na kitang makasama, e. Kelan naman 'yung tayo?"
"Wait lang," mahinang sagot ni Cinni. "Kumukuha lang ako ng tiyempo. Saglit lang."
Tipid na ngumiti si Alper at hinalikan ang gilid ng labi niya. "Fine, maghihintay ako. Sana this time, tayo naman."
Ngiti lang ang isinagot ni Cinni kay Alper dahil naalala niya si Chase. Pitong taon silang magkasama, pero siya ang nagloko dahil lang sa parteng natutuwa siya sa company ni Alper.
Nagsimula sila sa biruan hanggang sa naging personalan . . . sa pagkakataong hindi na niya nakontrol. Hindi na inasahan.
Wala si Chase dahil nagpaalam itong may training nang ilang araw kaya sumama si Cinni sa mga katrabaho niya. Nagpaalam naman siya kay Chase, pero hindi niya sinabing inuman sa bar ang pupuntahan.
Panay ang tingin niya sa relo dahil inaantok na rin siya. It was already almost seven in the morning and Alper had no plans on letting her go. He was insisting to bring her home yet she couldn't leave.
Hawak nito ang legs niya, minsan naman ay baywang para hindi siya umalis. Hindi na siya nito pinaiinom at sinabing kung inaantok, puwede siyang matulog sa kotse.
But Cinni waited until Alper said goodbye to their friends.
Hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila papunta sa parking. Kahit marami na itong nainom, hindi pa rin mukhang lasing dahil sanay na sanay.
Sa buhay call center, madalas pa nga na umaga ang inuman para kapag uuwi na, lasing na, at matutulog na lang.
Casual drinker lang si Cinni dahil nakatira sila ni Chase sa iisang bahay at hindi siya puwedeng malasing. Mabuti na lang din at hindi sila madalas nagkikita dahil sa tuwing uuwi siya, nakaalis naman na ito.
Panggabi ang trabaho ni Cinni at pang-umaga naman si Chase.
"Inaantok ka na?" tanong ni Alper. "Ihahatid na muna kita bago ako umuwi. Buti pala nag-off ka, nag-plot talaga ako para makapagpahinga ka."
Marahang pinisil ni Alper ang kamay niya.
Ngumiti si Cinni at nagpasalamat dito. Sa tuwing gusto niyang magpabago ng off o kaya naman ng schedule, isang sabi lang niya kay Alper, at gagawin nito ang gusto niya.
Dama niya ang malamig na hangin ng umaga at ang sinag ng araw na hindi naman masakit sa balat. Nang makarating sila sa parking kung nasaan ang kotse ni Alper ay iniabot nito ang itim jacket nito sa kaniya.
Tahimik lang si Cinni habang nagmamaneho naman si Alper papunta sa apartment niya. Nagprisinta na itong ihatid siya lalo na at wala naman si Chase.
Sa tatlong buwan, walang ginawa si Cinni kung hindi itago ang relasyon niya kay Alper mula kay Chase.
"Eighth year anniversary namin ngayon," basag niya sa katahimikan.
Mahinang natawa si Alper at suminghot. "Pero ako ang kasama mo. Sabi ko naman sa 'yo, leave him. Hindi ka naman na masaya, nasasakal ka naman sa kaniya. 'Yan nga ang rason kung bakit may tayo, 'di ba?"
Hindi sumagot si Cinni. Nilingon niya si Alper nang hawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likuran niyon.
"Tayo naman, Cin. Iwanan mo na kasi kung hindi ka na masaya. Live me with me. Leave him now. Tapatin mo na rin," sabi nito habang nakatingin sa daan.
Hawak pa rin ni Alper ang kamay niya habang ang isang kamay nito ay nasa manibela.
Nilingon siya ni Alper. "Cin, tayo naman."
"Aayusin ko muna," sagot niya. "Kauusapin ko na muna siya nang maayos."
"Dapat matagal na, e," anito at umiling. "Uulitin ko. Hihintayin kita."
Tumango si Cinni at muling nilingon ang daan mula sa bintana ng kotse. Maliwanag na at marami nang tao sa paligid. Sanay na sila roon—ang umuwi nang umaga dahil iyon naman ang pagtatapos ng araw nila. Hindi binitiwan ni Alper ang kamay niya at paminsan-minsang pinipisil iyon.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa makarating siya sa apartment nila ni Chase.
"Thank you sa paghatid." Tinanggal niya ang suot na seatbelt. "Ingat ka pag-uwi, ha?"
"Cin." Sumandal si Alper sa headrest at patagilid na tumingin sa kaniya. Hinawakan nito ang legs niya at unti-unting umaangat iyon papunta sa kung saan. "Maaga pa naman."
Umiling siya. "Hindi puwede. Baka may makakita sa atin dito, delikado. Umuwi ka na."
Pinisil ni Alper ang legs niya bago iyon binitiwan. Nagpaalam na siya rito at hindi na nilingon, pero bago pa man niya maisara ang pinto ng apartment nila ni Chase ay may biglang pumigil sa pinto.
"Alper!" paninita niya. "Umuwi ka na! Baka may makakita sa 'yo. Baka may kapitbahay na makakita sa 'yo."
"Kape muna tayo," sabi nito habang nakatingin sa kaniya, nakaharang pa rin ang kamay sa pinto. "Coffee lang. After coffee, uuwi na ako. Please?"
Malalim na huminga si Cinni at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Alper. First time nitong makapasok sa bahay nila ni Chase dahil hindi naman madalas na umaalis ang huli.
"Anniversary n'yo at Valentine's tumanggap siya ng commitment sa iba. Pinagpalit ka sa work," sabi ni Alper habang tinitingnan ang picture frames na nakalagay sa bookshelf na malapit sa pinto. "You should be the priority, Cin. Why are you even settling for this?"
Tumalikod si Cinni at dumiretso sa kusina para mag-init ng tubig. Wala siyang sinabing kahit na ano dahil nag-iisip na rin siya kung paano niya tatapusin ang sa kanila ni Chase.
She knew what she did. She was cheating on Chase for the past three months. Hindi na niya masikmura ang sariling ginagawa dahil hindi na niya kontrolado.
"Tulad ngayon."
Nagulat si Cinni nang ipalibot ni Alper ang braso nito sa baywang niya at niyakap siya mula sa likuran habang hinahalikan ang batok niya.
"Ako ang nandito dahil ikaw ang mas importante, Cin," bulong ni Alper. "Ako 'yung nandito."
Binuksan ni Cinni ang kalan para sa iiniting tubig pangkape para makaalis na si Alper, pero hindi ito bumitiw sa kaniya.
"Maupo ka na sa sala para mainit ko na 'tong kape para makauwi ka na rin," aniya.
Alper didn't bother to listen. Instead, he groped her right boob, which made her gasp.
"Alper, 'wag dito, please," Cinni begged. "Umuwi ka na. Kung hindi ka magkakape, umalis ka na. Gusto ko na ring magpahinga."
"Isa lang," Alper whispered against her neck while groping her boob.
Pero hindi nakinig si Alper. Hinanap ng kamay nito ang butones ng jeans niya at tinanggal iyon pati na ang zipper.
"Alper, sandali. Ayaw ko," pagpipigil niya rito.
"Isa lang. Aalis na kaagad ako pagkatapos," pagpapatuloy nito sa paghalik sa leeg niya. "Isa lang tapos aalis na ako."
Pumikit si Cinni at hinayaan na si Alper sa gusto nitong gawin para matapos na lang. Nakatitig siya sa tile ng lababo habang gumagalaw ito sa likuran niya at hinihintay lang niya itong matapos. Panay rin ang halik nito sa leeg niya, sa paghaplos ng katawan niya, hanggang sa biglang tumigil, at isinubsob pa ang mukha sa balikat niya.
"Thank you," bulong nito at umalis na parang walang nangyari.
Nilingon ni Cinni si Alper na naupo sa sofa at binuksan ang TV habang siya naman ay inayos ang sarili. Isinuot niya ang jeans at underwear na nasa tuhod bago ipinagpatuloy ang pag-iinit ng tubig.
Hindi iyon ang unang beses na may nangyari sa kanila. Naulit na lang nang naulit at iyon ang dahilan kung bakit gusto na rin niyang humiwalay kay Chase, pero hindi siya makakuha ng tiyempo.
Sa tuwing susubukan niya, hindi nagtatagpo ang oras at panahon nilang dalawa. Isa pa, halos hindi na sila nagkikita dahil sa trabaho at bagong buhay na pinili niya.
Nagtimpla si Cinni ng kape at inabot iyon kay Alper na nanonood ng movie sa isang movie channel bago naupo sa sofa, sa tabi nito.
Dinadama niya ang init ng mug nang basagin ni Alper ang katahimikan.
"Thank you," anito at hinalikan siya sa pisngi.
"Para saan?" nagtatakang tanong ni Cinni.
"For the sex—"
Nanlaki ang mga mata ni Cinni nang biglang bumukas ang pinto. Gulat na nakatingin sa kanilang dalawa ni Alper si Chase. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa kaya kaagad niyang ibinaba ang kape sa center table at sinubukang ayusin ang sarili.
Magulo ang buhok niya at hindi gaanong maayos ang suot na T-shirt.
"Babe, a-ano'ng nangyayari dito?" Chase stuttered as he walked towards them. "C-Cinni?"
"Chase . . ." Kinakabahang tumayo si Cinni nang hindi ito iniiwasan ng tingin ito.
Saglit niyang nilingon si Alper na prenteng nakaupo habang nakatingin sa kaniya.
Ibinalik niya ang tingin kay Chase. "Chase, mag-e-explain ako."
Nakatitig lang sa kaniya si Chase at nakita niya ang kakaibang emosyon sa mukha nito habang prenteng nakaupo pa rin si Alper na uminom pa ng kape at walang pakialam sa nangyayari.
"Kasi ano . . . ," nauutal na sambit ni Cinni dahil hindi niya alam kung saan magsisimula. "Kasi . . ."
Parang mayroong nakabara sa lalamunan ni Cinni na hindi niya alam kung ano ang tamang sasabihin. Wala siyang mahanap na tamang salita dahil mali ang sitwasyon nila.
"Kasi ano, Cinni?" sigaw ni Chase.
Nagulat si Cinni dahil iyon ang unang beses niyang marinig ang galit sa boses nito, pero hindi niya ito masisi. Maling-mali ang nakikita nito ngayon at kinakabahan siya sa puwedeng mangyari.
"Ipaliwanag mo, Cinni? Teka . . . " Tiningnan ni Chase si Alper na nakatingin sa kanila. "Hindi ba ito 'yung katrabaho mo?"
Hindi siya sumagot dahil ilang beses na ring nagkita ang dalawa sa tuwing sinusundo siya nito sa opisina.
"At isa pa, ano 'yung narinig ko? Did this guy . . . " Dinuro ni Chase si Alper at nagpatuloy sa pagsasalita. Rinig na rinig ni Cinni ang galit sa boses nito, "just say sex? You had sex with this guy?"
Napaigtad si Cinni sa lakas ng boses ni Chase, pero sinalubong niya ang tingin nito. Wala na siyang dapat sabihin dahil totoo namang may nangyari sa kanila. Wala siyang ipaliliwanag dahil kahit ano ang sabihin niya, mali ang ginawa niya.
Pero naghihintay ng sagot si Chase.
Huminga nang malalim si Cinni at nanginginig ang babang sumagot. "Y-Yes."
Nakita ni Cinni ang paglamlam ng mga mata ni Chase habang nakatitig sa kaniya. Walang ibang sinabi, pero nanatili itong nakatitig sa kaniya.
"W-What?" W-Why?" Chase stuttered. "Bakit, babe?"
Kinagat ni Cinni ang ibabang labi habang nag-iisip kung paano niya ipaliliwanag kay Chase ang nangyari. Nilingon niya si Alper na nakatingin lang sa kaniya at naghihintay rin ng kaniyang sasabihin.
"I don't know!" Nanginig lalo ang baba niya at naramdaman ang pagbasak ng luha. "It just happened. I'm sorry, but it happened, Chase!"
Pinunasan ni Cinni ang tumutulong luha mula sa magkabilang pisngi niya. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang sarili at magpaliwanag, pero para saan pa?
May nangyari sa kanila ni Alper at hindi lang isang beses iyon. Tatlong buwan na silang palihim na lumalabas at ilang beses na niyang ginagago si Chase.
"It . . . it just happened?" Galit na galit ang mga mata ni Chase habang nakatitig sa kaniya. "It just happened? Anong klaseng rason 'yan, Cinni? Matinong rason ba 'yan? K-Kailan pa 'to? Since when have you been sleeping with this guy?"
Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Cinni, pero hindi siya sumagot. Dinuro siya ni Chase habang masamang nakatitig sa kaniya. Iyon ang unang beses niyang nakita itong galit at wala siyang magawa dahil kasalanan niya.
Nilingon niya si Alper na kalmado pa ring nakaupo na para bang walang nangyayaring sigawan sa harapan nito. Para itong naghihintay na matapos sila—naghihintay lang naman talaga itong maghiwalay sila ni Chase.
Nag-process sa isip ni Cinni ang tanong ni Chase. Ipinagkrus niya ang mga braso bago pinunasan ang luha. Tatlong buwan na. Tatlong buwan na siyang nanggagago.
"T-Three months n-na," nauutal na sambit ni Cinni. "Chase, look, I'm sorry."
Chase's mouth dropped while staring at her. "T-Three months?" He stuttered. "'Tang ina, Cinni! Tatlong buwan?"
Cinni startled with the way Chase shouted. Hindi siya sanay na nagmumura ito. Tulad ng hindi siya sanay na galit ito sa kaniya at dinuduro nito.
Pero kasalanan ko.
"You've been fucking with this guy for three months already?" sigaw ni Chase saka nilingon si Alper.
Sinundan ni Cinni ng tingin si Chase nang bigla itong humakbang papalapit kay Alper at walang sabing kinuwelyuhan ito, pero nanatiling nakaupo ang huli. Nahulog pa ang hawak na tasa ng kape ni Alper, pero wala itong pakialam.
Nakipaglabanan pa ng titigan kay Chase, matalim ang tingin.
"What the fuck do you think you're doing to my woman? Hindi mo ba alam na girlfriend ko si Cinni? Na narito ka sa pamamahay ko? Sa bahay namin?" galit na singhal ni Chase.
Cinni's chin quivered when Chase emphasized the word 'bahay namin', knowing she really did ruin the home they had built for years.
"I know. But I didn't even care." Alper smirked. "Gusto rin naman niya, e."
She was utterly shocked when Chase attempted to punch Alper, who was still calm despite the situation. Both were still glaring at each other, and she didn't know what to do.
Chase wasn't the type of person who could hurt someone physically, and Cinni knew that. Before Chase could do anything, she had to do something.
"Alper!" Kinuha niya ang atensyon nito. "Umalis ka na. Mag-uusap lang kami, please?"
Mahinang natawa si Alper at tinanggal nito ang pagkakahawak ni Chase sa kwelyo at tumayo. Nagtama ang mga tingin nila nang tumingin ito sa kaniya.
"Break up with him," Alper commanded. "Ang tagal ko nang sinasabi sa 'yo," anito bago tinitigan si Chase.
Nakita ni Cinni ang pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Chase dahil sa sinabi ni Alper. Nakita niya ang sakit at hinanakit na bago sa mga paningin niya.
"A-Ano? 'Tang ina! Ulitin mo ang sinabi mong, gago ka!" Chase held Alper's arm with so much pressure and anger. "Ulitin mong hayop ka!"
"Sabi ko, maghiwalay na kayo. Cinni and I, we're together. So, let her go, man. Hindi mo deserve." Alper smirked at Chase.
Both men looked mad, and she had to step in.
Hinawakan niya ang braso ni Alper at nakiusap muli. "Umalis ka na muna. Mag-uusap muna kami. Please lang."
"Do it, Cinni. Ilang beses mo nang sinasabi 'yan," ani Alper.
Hindi magawang salubungin ni Cinni ang tingin ni Chase dahil sa sinabi ni Alper. It wasn't her plan for them to end that way.
Pinipigilan ni Chase na huwag lumabas si Alper dahil gusto raw nitong makausap ang lalaki.
"You're not going to fucking leave without talking to me, asshole! And she is not going to break up with me! 'Tang ina, pitong taon na kaming magkasama at ang tigas naman ng mukha mo para utusan ang girlfriend kong hiwalayan ako! 'Tang ina mo!" ani Chase at sinapak ang kanang pisngi si Alper. "Mapapatay kitang hayop ka!"
Nanginginig ang kamay ni Cinni na pinigilan si Chase at itinulak papunta sa pinto ng apartment si Alper. Alam niyang babawi ito. Sa ugali ni Alper, alam niyang hindi ito magpapatalo.
"Please, umalis ka muna. Mag-uusap na muna kami. Please, Alper," Cinni begged and sobbed.
Tinitigan muna siya ni Alper at umiiling na lumabas ng apartment nila ni Chase.
Naiwan si Cinni na nakaharap sa pinto at nakatalikod naman mula kay Chase. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago muling hinarap si Chase. She had to calm herself.
"Chase, I'm sorry. I'm sorry. Aalis na lang ako. I'm sorry."
"S-Sorry?" Chase's voice quivered. "A-Are you serious, babe? Naririnig mo ba ang sarili mo, Cinni?" He then walked towards her and held her hand. "You're leaving me for that asshole?"
Cinni bit her tongue as her lips quivered.
Sinapo ni Chase ang noo nito. "P-Pitong taon. Pitong taon ang itatapon mo para sa lalaking 'yun, Cinni?" pasigaw nitong tanong.
Cinni wiped her tears and chuckled while sobbing. "And you're willing to forgive me? Chase, seven years is nothing. Let's face it. I cheated on you. I fucked him multiple times." She emphasized the word again. "'Yan ba ang gusto mong marinig? Just let me go."
Tinanggal ni Cinni ang pagkakahawak ni Chase sa kaniya, pero muli nitong inabot iyon.
"Oo, Cinni, babe. Kaya ko. I love you so much and can't see my life with anyone else. Please don't leave me. T-Teka . . . "
Napatitig si Cinni kay Chase na para bang may hinahanap. Hindi nagtagal ay may inilabas nito ang pulang kahon mula sa bulsa. Nanginginig ang kamay nitong binuksan ang kahon at tumambad ang isang singsing na may malaking diyamanteng bilog.
Parang sasabog ang dibdib ni Cinni sa nakita dahil hindi niya iyon inasahan, lalo nang lumuhod ito sa harapan niya na para bang walang nangyari.
Tumingala si Chase sa kaniya habang siya naman ay nakayukong nakatitig dito. Nag-unahan na ang mga luha ni Chase na kanina pa pinipigil at hindi na alam ang gagawin.
"Cinni, mahal ko, please marry me. I'm willing to forgive you and forget everything I saw. W-We'll move on with our lives without that guy and spend forever happily—you and me. Marry me, Cinni. Please . . . ." Chase sounded desperate.
Cinni held his arm. "Chase, tumayo ka riyan. Please, nagmamakaawa ako, tumayo ka riyan."
"No, Cinni, not unless you say yes and be my wife. Ikaw lang ang kailangan ko, Cinni. Marry me, please? I can't live without you, Cinni." Hindi umalis sa pagkakaluhod si Chase habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Umiling si Cinni at hinawakan ang magkabilang braso ni Chase para patayuin ito. "Ayaw ko na. Hindi mo deserve ito at ayaw kong makulong tayo sa relasyong hindi na masaya. Hindi na ako masaya."
Masakit para kay Cinni ang mga sinabi niya, pero alam niyang hindi siya basta-basta pakakawalan ni Chase. Hindi ito ang inaasahan niyang pag-amin, pero nandito na at wala na siyang magagawa pa.
"H-Hindi ka na m-masaya?" Chase was taken aback. "H-Hindi . . . hindi 'yan totoo. Pitong taon na tayong magkarelasyon at ilang taon na tayong magkasama rito. T-That asshole . . . " Dinuro nito ang direksyon ng pinto na nilabasan ni Alper. "T-That asshole brainwashed you, didn't he?"
"T-That asshole you're talking about . . . is making me happy."
Tumayo si Chase at hinawakan ang magkabilang braso niya. "No, no, no. You're lying! Mahal mo 'ko, Cinni. Mahal mo 'ko, 'di ba? I'm the one you love!"
Bumagsak ang mga luha ni Cinni kasabay ng panginginig ng baba niya. "P-Pero hindi na masaya, Chase."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top