Epilogue

"Chase, I hope I see you again," bulong ni Cinni sa sarili. "Kahit saglit lang."

Valentine's Day was Cinni's favorite day. Second birthday na ni Cinna at hindi siya makapaniwalang ganoon na kabilis ang lahat. Mixed emotions siya, actually, sa araw na iyon, ngunit mas nangingibabaw ang kasiyahan.

"Big girl na talaga ang baby ko," bulong ni Cinni habang hinahalik-halikan si Cinna sa pisngi. "Parang dati lang, iniire kita, ngayon, medyo maldita ka na, ha?"

Sumandal siya sa hamba ng pinto habang pinononood ang anak niya na buksan ang regalong natanggap nito galing kay TJ. Bumili na naman ito ng baby bunny dahil iyon ang kinahihiligan ni Cinna.

Nag-ring ang phone ni Cinni at video call iyon galing kay Alper dahil malamang na gusto nitong batiin ang anak nila. Kaagad niyang sinagot iyon at nakitang may hawak itong cake na may number two na kandilang nakabukas.

"Cin, hello." Tumango si Alper sa kaniya. "Gising na ba si Cinna?"

Tumango si Cinni at naglakad papunta kay Cinna. "Oo, gising na siya. Tatawagan dapat kita para makapag-usap muna kayo kasi aalis kami mamaya, mamamasyal lang." Pinatay niya ang TV para makapag-usap ang dalawa. "Cinna, your papa has a cake, o."

Yakap ang baby bunny, kinuha ni Cinna ang phone mula sa kaniya at masaya itong nakipag-usap kay Alper. Nagtatawanan pa nga ang dalawa dahil patay-sindi ang kandila ng cake dahil sa request ng anak nila.

Pinatutuyo ni Cinni ang buhok niya habang nakatingin sa salamin. Nagpagupit siya hanggang balikat at iyon ang unang beses niyang ginawa iyon. Gusto lang niyang subukan, parang new look pagkatapos ng mga nakaraan.

Cinni wanted to explore, and she would.

Australia ang isa sa mga bansang pangarap niyang puntahan. Nangako siya sa sarili na taon-taon, pag-iipunan niya na tuwing birthday ni Cinna, pupunta sila sa mga bansang gusto niya.

Noong first birthday nito, hindi nila nagawa iyon kaya nag-decide siya na sa second birthday, aalis sila. Australia ang una niyang naisip. Naalala rin niyang ito ang lugar na pangarap nilang puntahan ni Chase noon.

Sa naisip, natawa siya at napatanong sa sarili kung kumusta na kaya ito. Madalas na ipinagdadasal ni Cinni na sana ay mahanap na ni Chase ang kaligayahan, tulad niya. Sana ay maging masaya na ito . . . tulad niya.

Cinni already had everything she wanted, hoping that Chase finally chased his dreams.

"Cinni?" pagkuha ni Alper sa atensyon niya. "Aalis kayo mamaya? Mag-iingat kayo. Mainit ba riyan?"

Sumilip si Cinni sa camera. "Medyo. Summer kasi, e. Kaya tingnan mo 'tong suot ni Cinna. Pinasuot ko sa kaniya 'yung binili mo online. Gusto pa nga isuot 'yung hat daw niya. Napakaarte!"

Narinig niya ang halakhak ni Alper at nang tingnan niya ito sa screen ng phone, naniningkit pa ang mga mata nito habang tumatawa.

Masaya rin si Cinni na naging mabuting magkaibigan sila ni Alper. Minsan ay nakakasama na nito ang anak nila at kapag naka-off ito sa trabaho, sa condo pa nga nito natutulog ang anak nila kasama sina April, Aljohn, at ang ina ng mga ito.

"Pag-uwi ninyo, kami naman, ha? Dalhin ko si Cinna sa aquarium. Nahihilig sa mga sirena, e," ani Alper. "Nagpapabili nga 'yan ng buntot ng mermaid. Saan ako hahanap no'n? Ang pangit naman nu'ng nakita ni April sa Shopee."

Natawa si Cinni. "Maghanap tayo online. Usap muna kayo, magpapatuyo lang ako ng buhok."

Bumalik siya sa harapan ng salamin at binuksan ang blower. Naririnig niya ang pag-uusap nina Cinna at Alper. Kahit na medyo bulol pa ito, tawa naman nang tawa si Alper na ikinangiti ni Cinni. Masaya siya na makita itong masaya.

Hindi man naging maganda ang simula at ang naging wakas ng pagsasama . . . ang kasalukuyan ay umaayon sa kanila bilang magkaibigan at magulang ni Cinna. Pinipilit nilang walang maging pagkukulang sa anak nila. Kahit iyon na lang dahil hindi na nila ito mabibigyan ng buong pamilya.

Alper tried to work it out, but Cinni decided not to. They were good as friends, and that was what everyone noticed. Mas nakapagbibiruan sila at mas nakapag-uusap nang maayos. What was important was Cinna's well-being.

It was a little challenging since people around them—who had no idea about what happened—were questioning Cinni's decision.

Cinni didn't listen, she didn't care about the words she received because she had her reasons. Madali lang naman magsalita para sa ibang tao dahil hindi nila naranasan, hindi nila alam ang sitwasyon, hindi nila alam ang dahilan.

People shouldn't question someone's decision if they had no idea behind it.

Nagpaalam na rin si Cinni kay Alper nang marinig ang pagkatok mula sa hotel room nila. Ikatlong araw na nila sa Perth. Galing sila sa Sydney at isang linggo silang maglalagi roon. Last stop nila ang Perth bago sila bumalik sa Pilipinas.

Pagbukas ng pinto, kaagad na pumasok si Tres nang hindi siya pinapansin dahil si Cinna lang naman ang pakay nito. Sumunod naman si Melissa na inabutan si Cinni ng coffee cup.

"Galing kami sa café sa baba kaya bumili na kami ng breakfast bago tayo umalis," sabi ni Melissa na pumasok at tumalikod sa kaniya. "Galing na rito si TJ?"

"Yup! Inabot niya 'yung birthday gift niya kay Cinna." Natawa si Cinni.

Nilingon ni Cinni si Tres na komportableng nakahiga sa kama katabi si Cinna. Nanonood ang dalawa ng TV. Tumabi naman sa gilid si Melissa at niyakap ang anak niya.

Kasama nilang mag-ina sina Tres, Melissa, at TJ. Gusto rin sanang sumama ni Keith kaso may pasok ang mga anak nito kaya hindi nakasama.

"Ang ganda mo talaga magsuot ng overalls," sabi ni Melissa habang nakatingin sa damit ni Cinni. "Ang hot momma naman!"

Natawa si Cinni at tiningnan ang sarili sa salamin. Nahilig siyang magsuot ng overall maong jumpers na parang shorts. Maikli iyon at pinaparisan niya ng puting sando. Sakto rin para hindi gaanong mamawis ang kilikili niya lalo na at malikot na si Cinna.

Inayos niya ang mga dadalhin nila sa paglalakad. Malamang pagod na naman at masakit na naman ang paa niya. Mabuti na lang komportableng rubber shoes ang palagi niyang suot at hindi siya nag-iisa sa pag-aalaga kay Cinna dahil pinag-aagawan pa nga nina Tres at TJ.

Speaking of TJ, nakarinig siya ng katok at katulad ni Tres, dumiretso ito kay Cinna. Nahiga na lang ito sa may paanan dahil occupied na ang kama.

Sandaling lumabas si Cinni para huminga nang malalim. Mixed feelings talaga para sa kaniya ang Valentine's Day. Mas lamang ang saya dahil birthday nga ni Cinna, pero may lungkot dahil may mga alaala mula sa nakaraan and it was all connected to Chase.

"I hope you're happier," bulong ni Cinni sa hangin.

"I hope you'll be happier, too."

Nilingon niya si Tres na nakasandal sa hamba bago lumapit sa kaniya. "Ayaw kong sabihing forgive yourself, but I hope you're happier, too. You've been praying and wishing and hoping for everyone's happiness, Cinni. I hope you do the same to yourself."

"I am happy," Cinni uttered.

Tres nodded. "I know, and I can see that. Matagal na rin tayong magkakilala and you're very different from the Cinni I saw inside the cab. Your eyes say it all. Lungkot mo noon, e."

"Hindi ko naman sinasabing okay na ako ngayon, but I'm better than the past," Cinni breathed. "Tara na. Long day 'to at libre ko lahat ng pagkain natin dahil birthday ni Cinna."

Tres shook his head. "As if. Kapag hindi mo kami pinagastos, lahat ng pera na budget para sa pagkain, ipambibili namin ng damit at toys ni Cinna. Deal?"

Mabilis na umiling si Cinni dahil alam niyang seryoso si Tres lalo nang mag-agree sina Melissa at TJ.

As expected, nag-aya ang mga ito sa Forrest Place para maghanap ng kakainan. Tulak ni TJ ang stroller ni Cinna kung saan nakalagay ang mga bag na bitbit nila pati na si baby bunny dahil hinahayaan nila itong maglakad.

Nahihirapan si Cinni dahil takbo nang takbo si Cinna. Tama lang talaga ang napili niyang outfit dahil namamawis literal ang kilikili niya.

Mas madalas namang si Tres ang naghahabol.

"Grabe." Umiling si Cinni at hingal na hingal pa nga. Katabi niya si TJ na natatawa. "Nakakapagod. Two years old pa lang siya, ganiyan na. Nakakaiyak."

"Good luck sa mga susunod," sagot ni TJ at tinatawanan sina Tres at Cinna na naghahabulan.

Tumakbo si Melissa papunta kay Cinni. "Gusto ko ng burger. Nagbasa ako ng reviews, okay raw sa Betty's Burger. Okay lang ba sa 'yo kumain doon?" Itinuro pa nito ang nasabing kainan na nasa kabilang side ng building.

"Sige lang, parang gusto ko rin ng burger."

Nilapitan ni Cinni si Tres at kinuha si Cinna para punasan ng pawis. Mainit na nga kasi, nakasumbrero pa. Bukod nga kasi sa dilaw nitong damit na presko naman, gusto pa talagang naka-hat.

Hindi alam ni Cinni kung saan nakuha ni Cinna ang kaartehan dahil hindi naman siya ganoon, pero nang lingunin niya si Melissa na naka-hat din pala, mukhang alam na niya.

Madalas nila itong kasama at mukhang na-adapt na.

"Amin na siya," sabi ni TJ. "Ako naman."

Umiling si Cinni at binuhat nang maayos si Cinna. "Hindi na, okay lang. Kumapit na rin siya at mukhang inaantok. Sana talaga makatulog 'to pagkatapos kumain para sa stroller na lang siya."

Humarap sila sa pedestrian at naghintay. Seryosong ipinalilibot ni Cinni ang tingin sa lugar.

It was a perfect choice celebrating Cinna's birthday outside the country. Gusto niyang ituloy iyon taon-taon hanggang sa lumaki ang anak niya. Dahil sa naisip, kailangan niyang mag-work harder para may pang-travel talaga sila.

Hinalikan ni Cinni ang pisngi ng anak at pinanggigilan iyon. May kabigatan, pero gusto niyang buhatin lang si Cinna at i-baby pa dahil alam niyang isang araw, titigil na ito sa paglalambing sa kaniya.

Pumalibot din ang maliliit na braso ni Cinna sa leeg niya at yumakap ito sa kaniya bago muling humarap sa mga dumadaang sasakyan.

Ibinalik ni Cinni ang tingin sa pupuntahan nila. Mayroong sculpture sa gitna na pinagtatalunan pa nina Tres at TJ kung ano iyon. Mukhang cactus at paulit-ulit na nga nilang sinasabi ni Melissa, pero kung ano-ano pa ang sinasabi ng dalawang lalaking kasama nila.

Natawa siya, pero kaagad iyong nawala nang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mukhang nakatitig din sa kaniya habang hawak nito ang camera.

Cinni stared at the man wearing a white T-shirt and black jeans who was maybe taking photos just like old times. Nakita rin niya ang tattoo nito sa braso. Malaki iyon at bumagay talaga.

Kalmado ang puso ni Cinni habang nakatitig sa lalaking naging parte ng buhay niya. They once dreamed of going to Australia together and a part of Cinni prayed na sana, magkrus ang landas nila. Kahit isang tingin lang, okay na sa kaniya. Kahit malayo, okay lang. Kahit walang interaction, okay lang.

Cinni just wanted to see if Chase was doing okay, and upon staring at him, she let out a sigh, knowing he pursued what he really loved.

Bahagyang tiningnan ni Cinni si TJ na nakikipag-usap kay Tres bago ibinalik ang titig kay Chase. Hindi pa rin maka-move on ang dalawa sa sculpture.

She asked for a sign. A sign that if she saw Chase and her heart remained calm, it was proof that she was healed and ready to close that book and ready for another story.

Valentine's Day was extraordinary.

She became Chase's muse. She celebrated years of Valentine's with him. She broke him on Valentine's Day. She gave birth to Cinna. And finally, she welcomed the epilogue to start another prologue.

Cinni smiled when they crossed their path and heard him say her name for, possibly, the last time.

"Cinni." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com



Forrest Place, Peth
by PrincessThirteen00

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys