Chapter 5: Cogent

Warning: Mature Content

Maagang nakauwi sina Cinni at Alper. Walang inumang naganap after shift kaya naman nakarating sila sa bahay bago pa man magising ang mama nito.

Dumaan sila sa isang convenience store dahil nag-crave bigla si Cinni sa pancake at nagprisinta siyang magluto bilang almusal nila bago matulog.

"Tulog pa yata sina Mama," sabi ni Alper habang nagtitimpla ng gatas. "Cin, kape o gatas ang gusto mo?"

"Gatas na lang," sabi niya at nagsalang ng panibagong batch ng pancakes. "Na-miss ko mag-pancake!"

Bakas sa boses ni Cinni ang tuwa dahil totoo naman. Matagal na ang huling beses na kumain siya ng pancakes. Gusto rin niya ng whipped cream kaya naman bumili rin sila.

Naramdaman niya ang pagpalibot ng braso ni Alper sa baywang niya. Yumakap ito sa likuran at ipinatong ang baba sa balikat niya habang nanonood kung paano magluto.

"Mahilig ka ba talagang magluto?" tanong ni Alper.

Umiling si Cinni dahil totoo naman. Mas madalas siyang kumain ng fast-foods kapag nasa labas o nasa trabaho, pero noong panahong kasama pa niya si Chase, ito ang tagaluto.

"HRM ang tinapos ko, pero hindi ko naman na-apply ang pagluluto. Nagluluto lang naman ako noon dahil kailangan sa grades, pero kung ako lang, hindi." Nag-flip siya ng pancake at nagsalin ulit. "Basic lang ang alam ko."

Hindi na nagtanong ulit si Alper tungkol doon. Aware naman si Cinni na pagdating sa nakaraan, hindi ito nagtatanong lalo kung tungkol sa pagkakataong magkasama sila ni Chase.

Nanatili si Alper sa likuran ni Cinni at hinayaan niya lang ito. Pareho silang humikab at parehong inaantok dahil galing sa shift.

"Maliligo ako pagkatapos kumain," sabi ni Cinni. "Ikaw, maligo ka na hangga't hindi pa ako tapos magluto para kapag kakain na, okay na."

"Okay ka lang dito?"

Tumango si Cinni at nagpatuloy sa pagluluto.

Humalik na muna si Alper sa balikat niya bago ito umalis at dumiretso sa banyo.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magpunta sila sa La Union. Medyo naging tan din siya dahil halos maghapon silang nasa labas at nakatingin lang sa beach.

Sometimes, Cinni wondered how Chase was doing. She was aware of all the damages she did, and she didn't have the guts to face him again. Iniisip na lang niya na sana ay nakausad na rin ito dahil ganoon na ang gagawin niya.

Cinni knew what she did. She did Chase wrong.

Nasabi rin sa kaniya ng ilang kaopisina niyang minsang nakakita na nagpunta si Chase sa office nila at hindi niya iyon sinabi kay Alper.

Pati ang bracelet na suot niya, hindi nito alam.

Mali ang relasyon nila ni Alper. Mali na nga ang simula nila, mali pa rin ang ginagawa niya dahil naglilihim siya rito.

Humawak si Cinni sa leeg niya. Simula nang masaktan siya nito, hindi na iyon naulit. Panay ang hingi nito ng sorry sa tuwing mapag-uusapan o biglang maaalala ang ginawa.

"Hi, Ate!" Ngumiti si April at nagbukas ng ref para kumuha ng malamig na tubig. "Ano'ng niluluto mo, Ate? Kagigising lang din ni Mama, pasensya ka na po."

"Okay lang!" natatawang sagot ni Cinni. "Kain tayo! Gusto ko kasi ng pancake kaya bumili kami sa convenience store kanina bago umuwi."

"Ay, paborito 'yan ni Aljohn, Ate." Umupo si April sa dining area at nagtimpla ng kape.

Sumunod na bumaba mula sa second floor ang mama ni Alper na ngumiti at naglabas ng isang pack ng hotdogs at si Aljohn, ang bunsong kapatid nito na mayroong towel sa balikat.

"Ang bango!" masayang sabi ni Aljohn na naupo sa isang bakanteng upuan. "Asa'n si Kuya?"

"Naliligo lang," sagot ni Cinni. "Ito, o, tapos na siya. Luto na. May pancake syrup sa ref, bumili rin ako."

Nasa may lababo naman ang mama ni Alper at nagbabalat ng hotdogs habang sinasabi nitong nahihirapan itong magluto ng pancake dahil madalas na manipis ang labas.

Bumaba na si Alper ng second floor pagkatapos nitong magbihis. Nakasuot ito ng simpleng shorts at naka-topless habang naglalakad-lakad sa living room dahil pinatay ang TV.

"Luto na?" tanong nito at lumapit sa kaniya. "Marami pa ba 'yan?"

Umiling si Cinni at sinabing sandali na lang kaya maupo na lang ito at maghintay. Kumakain na rin ng almusal ang mga kapatid nito.

Nagluto ang mama ni Alper ng fried rice at hotdogs bilang almusal ng mga kapatid nitong papasok sa school.

"Ma, kapag nag-grocery ka, pakibili naman ng pancake mix, gusto pala 'yun ni Cinni." Sumandal si Alper sa counter ng lababo at tumingin sa kaniya. "Kapag may gusto kang ipabili, ilista mo para kapag nagpunta sila sa grocery ni April, mabili nila."

Tumango si Cinni. "O kaya minsan, tayo naman ang mag-grocery para hindi na rin mahirapan sina Tita. Tutal may kotse naman tayo."

"Sige," tipid na sagot ni Alper at kinuha ang sandok sa kaniya. "Maupo ka na roon. Ako na ang magtutuloy nito, kaunti na lang pala."

"Sabay na tayong kumain," sabi ni Cinni na siya namang sumandal sa counter.

Ilang beses humikab si Cinni habang nakikinig sa kuwento ni April tungkol sa kurso nito. Tourism ang kinukuha nitong course dahil pangarap na maging flight attendant. Nalaman din niya sa mama ni Alper na Education naman ang kinukuha ni Aljohn dahil gusto nitong maging teacher o professor.

Nauna na ring natapos kumain ang mga ito at nag-prepare na para sa pagpasok. Sila ni Alper ang naiwan sa lamesa. Panay na ang hikab ni Cinni dahil inaantok na siya at napatitig sa kaniya si Alper. May tunog kasi ang hikab na ginawa niya.

"Matulog na tayo mamaya." Mahinang natawa si Alper. "Next week pala, magbabago ang schedule natin. Magiging 2 a.m. hanggang 11 a.m. na. Okay lang ba sa 'yo 'yun?"

Napaisip si Cinni dahil iyon din ang unang beses na makakukuha siya ng ganoong schedule.

"Sabay pa rin tayo?" tanong ni Cinni.

"Oo naman, para pati sa transpo, sabay lang din tayo," diretsong sabi ni Alper habang nagsasalin ng tubig sa baso ni Cinni. "Nasanay na rin kasi ako."

Hindi naalis ang titig ni Cinni kay Alper. Kahit mahina ang pagkakasabi nito sa mga huling salitang binitiwan, narinig niya iyon.

Malinaw na malinaw.



Naunang umakyat si Alper sa second floor dahil naligo na rin muna si Cinni. Ramdam niya ang antok at pagod sa trabaho lalo na at marami silang natanggap na tawag sa magdamag.

Pati si Alper, kinailangang tumulong dahil may mga customer nang naiirita.

"Hindi ka pa natutulog," sabi ni Cinni habang inaayos ang maruming damit nila ni Alper. "Maglalaba ako bukas pagda—"

"Ipa-laundry na lang natin para hindi ka na mahirapan," sagot nito.

Isinarado na ni Alper ang mga bintana ng kuwarto para dumilim. Malamig na rin naman dahil sa aircon at napansin ni Cinni na bagong palit ang bedsheet.

"Sa susunod pala, kapag may gusto kang ulamin na kayang lutuin ni Mama, sabihin mo para makabili tayo o sila ng ingredients."

Tumango si Cinni at inayos ang unan na gagamitin niya bago nahiga sa tabi nito.

Kaagad namang pumosisyon si Alper niyang para gawing unan ang sarili nitong braso. Pumalag si Cinni, pero nakagawian na rin nila iyon.

Madilim ang kuwarto nila at tanging ilaw na naggagaling sa lava lamp na binili niya noong isang araw sa isang mall ang nagsisilbing liwanag nila.

"May parte sa akin na naiinggit na patapos na si April ng college, susunod na rin si Aljohn. Kung tutuusin, late na sila, e. Kasi kailangang nilang huminto nang dalawang taon bago nakapasok sa college."

Tumagilid si Cinni at hinayaang magkuwento si Alper. Hinahaplos nito ang balikat niya habang nakatitig sa kisame.

"Kung hindi pa ako nakahanap ng trabahong makakatulong sa pag-aaral nila, suportahan ang bahay na 'to simula nang umalis si Papa." Mahinang natawa si Alper at hinarap siya.

Nagtama ang mga mata nila nang humalik si Alper sa labi niya. Marahan ang pagkakahalik nito at nakahawak ang isang kamay sa pisngi at buhok niya.

Cinni kissed Alper back. Their lips battled in sync until he was on top of her, kissing her neck down to her chest. No words, both were savoring each other's kisses.

Si Alper na rin ang nagtanggal ng damit ni Cinni at hindi na siya pumalag. Humahaplos ang kamay nito sa katawan niya lalo sa parteng baywang.

Cinni tilted her head to give Alper more access to her neck and slowly filled her. She whimpered and held onto Alper's arms for more support as they moved.

The room was filled with moans and groans. Alper would kiss her while moving and would sometimes leave her lips to kiss her neck, but he would always come back to kiss her lips.

Ipinalibot ni Cinni ang legs niya sa baywang ni Alper habang tinatanggap ang bawat paggalaw nito sa ibabaw niya.

Umangat ang kamay niya at humawak sa magkabilang unan, pero kinuha ni Alper ang isa at ipinagsaklop iyon. Cinni closed her eyes until she came and felt warm liquid inside her.

Hingal na bumagsak ang katawan ni Alper sa ibabaw niya. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya at mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

"Tulog na tayo," bulong ni Cinni habang nakapikit. "Matulog ka na rin."

Umalis sa pagkakaibabaw niya si Alper at malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya bago bahagyang yumuko at napako ang titig sa dibdib niya kung nasaan ang tattoo niya.

It was a heartbeat tattoo with Chase's initials.

CED.

Tumingin din ito sa kamay niyang hawak nito kung nasaan ang tattoo nila ni Chase—a key tattoo on thier left ring finger

And on her arms with another tattoo with Chase—a holding hands tattoo.

Umalis sa pagkakaibabaw niya si Alper nang walang sinasabi at inabutan siyang kumot. Pareho silang nakahubad sa ilalim niyon at parehong hindi nagsasalita.

Cinni had been using birth control since she and Chase moved in together, but it was taking a toll on her health these past few months.

"Al, gusto sana kitang kausapin," basag ni Cinni sa katahimikan.

"Hmm?"

"Comfortable ka ba sa condom?" tanong niya. "Nahihirapan na kasi ako sa pill lately at nagkakaro'n ako ng hormonal imbalance. Baka puwedeng mag-break ako sa pill tapos sa tuwing gagawin natin 'to, mag-condom na lang tayo?"

Humarap sa kaniya si Alper at nakatitig ito sa kaniya. "What if magkaanak na lang tayo? I'm twenty-seven and you're twenty-six. Nasa tamang edad naman tayo. Gusto ko na rin namang magkaanak."

Nagulat si Cinni sa sinabi ni Alper dahil hindi niya iyon inasahan. Wala pa sa plano niya ang pagkakaroon ng anak.

Isa pa, bago lang silang dalawa.

"Ayaw mo?" tanong ni Alper at mahina itong natawa. "Sabagay, may parte sa akin na alam kong hindi ka pa rin sigurado, e."

"Hindi sa gano'n," sagot ni Cinni. "May mga bagay rin kasing dapat na pag-usapan natin."

Tumango si Alper at tumagilid para humarap sa kaniya. Humalik ito sa noo niya bago yumakap sa baywang niya at sinabing matulog na siya.

Pumikit siya at huminga nang malalim. Tahimik at aircon lang ang nariring nila.

"Mahal kita," bulong nito.

Kagat ni Cinni ang ibabang labi. Hindi siya sumagot at nagkunwaring natutulog. Muli niyang naramdaman ang paghalik nito sa pisngi niya, pero hindi siya kumibo.

Nang marinig niya ang mahinang paghilik ni Alper, dumilat siya.

Hindi kaagad nakatulog si Cinni dahil sa sinabi ni Alper. Yumakap ito sa kaniya at tumitig naman siya sa lava lamp na para bang nandoon ang sagot sa tanong o sa kung saan man.



Walang pasok sina Cinni at Alper, pero nagpaalam ito sa kaniya na aalis sandali. Wala siyang alam kung saan ito pupunta. Nagtanong naman ito kung gusto niyang sumama, pero mas gusto niyang magpahinga.

Ilang beses na ring tinawagan ni Cinni si Keith para sana kumustahin lang ito, pero hindi siya pinapansin. Hindi nito nire-read ang messages niya sa Facebook o kahit saang platform.

Sa tuwing mag-isa, nare-realize ni Cinni ang mga nagawa. Ni hindi niya alam kung aware na ba ang parents niya sa hiwalayan nila ni Chase dahil hindi pa niya nakakausap ang mga ito.

Hindi makaalis si Cinni nang hindi kasama si Alper. Takot siya na magkaroon na naman ng triggers para magalit ito at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Binuksan niya ang YouTube sa TV ni Alper at hinayaan ang playlist na nakita niya sa front page.

Nagtupi siya ng damit na bagong laba at galing sa laundry at inaayos iyon sa drawer ni Alper nang ma-realize niya ang lyric ng kanta.

Dating Tayo iyon ni TJ Monterde.

Hinayaan niyang mag-play ang kanta. Pilit niyang iniisip na kasalanan naman niya ang lahat, kaya wala siyang karapatang masaktan.

Cinni knew what she did and she convinced herself that she did this to herself.

Bumukas ang pinto at kaagad na ngumiti si Cinni. Hawak ni Alper ang isang bouquet ng bulaklak. Lumapit ito sa kaniya at iniabot iyon sabay halik sa pisngi niya.

"Bumili ako ng cake sa baba, random lang," sabi nito at hinubad ang T-Shirt na suot.

"Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit . . ."

Ngumiti si Cinni at inamoy ang bouquet ng bulaklak habang nakatingin kay Alper na nagkukuwento tungkol sa pakikipagkita sa kaibigan nitong gustong bilhin ang motor na pag-aari at hindi naman ginagamit.

"Nagustuhan mo ba 'yung bulaklak?" tanong ni Alper na ipinalibot ang dalawang braso sa baywang niya. "Red roses lang ang alam ko, hindi ko naman alam ang mga meaning ng bulaklak."

Tumango si Cinni at muling ngumiti. Sinalubong niya ang tingin nito sa kaniya.

"Thank you sa flowers." Mahina siyang natawa. "Sana hindi ka na bumili, malalanta rin naman 'to, e. Pero thank you."

"Ilang luha na rin ang natuyo. . ."

Hinalikan ni Alper ang pisngi niya at humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. "Minsan lang naman, e. Kain tayo ng cake? Mango flavor 'yung nabili ko, paborito mo 'yun, e."

"Mauna ka na, tapusin ko lang 'yung pag-aayos ng damit sa closet mo. Saglit na lang 'to. Ayain mo na rin si Tita Alma para sabay-sabay na tayong magmeryenda."

"Sige," ani Alper at lumabas ng kuwarto.

Napaupo si Cinni sa kama at napatitig sa bulaklak na hawak, pero dumako rin ang tingin niya sa bracelet na kahit kailan, hindi niya tinanggal.

Matagal siyang nakatitig doon at naalala ang panahon kung paano naging sila ni Chase. Mahina siyang natawa at umiling.

"Kailan kaya muling makakamit ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip . . ."

Tumingala si Cinni at bumagsak ang luhang pinipigilan habang tinatanggal ang bracelet. Hindi niya iyon tiningnan hanggang sa kumuyom ang kamay niya para itago iyon.

Ipinasok niya iyon sa loob ng backpack na puro lang naman gamit na hindi niya ginagamit.

Huminga nang malalim si Cinni at pinilit ang sariling ngumiti. Tinitigan niya ang TV at patapos na ang kanta. Hawak niya ang remote at gusto na niyang patayin iyon.

But for some reason, she wanted to finish the song . . . and she did.

"Sa pagdilat ng mata ika'y hindi lang alaala . . . ." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys